THANK YOU PO SA INYONG LAHAT! GOD BLESS PO, SORRY PO ISA LANG PO MUNA ANG UPDATE..
LIBBY“Sabihin mo na lang kung sino,” seryoso na sabi ko sa kanya. Kaya naman hinawakan niya ang kamay ko.“Beshy, kalma lang. Ang aga pa para magalit ka,” sabi niya sa akin.“Sino?” tanong ko ulit sa kanya at alam na niya na nauubos na ang pasensya ko.“Si—”“Gene, sabihin mo na sa akin.” naiinip na sabi ko dahil naiinis na talaga ako.“Si Arthur,” sagot niya sa akin kaya umusok ang ilong ko sa galit.“Saan si Val?” tanong ko sa kanya.“Sa office niya,” sagot niya sa akin kaya mabilis akong naglakad papunta sa office ng boss ko.“Beshy, kalma ka lang. Alam ko galit ka pero kalma lang,” sabi sa akin ng kaibigan ko pero hindi ko siya pinansin.Hindi na ako kumatok at pumasok na ako sa loob ng office ng boss ko. Halatang nagulat siya sa pagdating ko.“Wala man lang bang good morning? O ‘di kaya I’m back?” nakangisi na tanong sa akin ni Val.“Saan ang katana ko?” tanong ko sa kanya.“Bakit?” tanong niya sa akin pero kay Gene siya nakatingin at alam ko na nagtatanong siya sa kaibigan ko k
LIBBY“Why are you here?” tanong sa akin ni Arthur dahil nagulat ako sa kanya na nasa likuran ko lang pala.“Bawal ba ako dito?” tanong ko sa kanya pero sa kamay ni Cherriepie ako nakatingin. Dahil nakakapit ito sa braso niya. Mukhang napansin niya ito kaya inalis niya ang kamay ng babae niya sa braso niya pero ano ba ang pakialam ko.“Hindi ka man lang tumawag na pupunta ka,” sabi niya sa akin kaya kunwari ay kumunot ang noo ko.“Sino ba ang nagsabi na sa ‘yo ako pupunta? Nandito ako dahil nandito ang kaibigan ko, dito rin siya nakatira. Kaya ‘wag kang assuming, excuse me.” sabi ko sa kanya at nilampasan ko sila.“Sa pagkakaalam ko ay sa ibang condo si Gene kaya bakit ka pa nagsisinungaling,” sabi pa niya kaya naman wala akong choice kundi tawagan si Elias. Hindi ko siya pinansin dahil nagdadasal ako na sagutin ng isang ito ang tawag ko.“Hello, Elias. Hindi ko na kasi matandaan kung ano ba ang floor ng unit mo. Kanina pa nga kita tinatawagan pero hindi ka naman sumasagot–”“Wrong ti
LIBBYNapabalikwas ako ng bangon. Umaga na pala at nandito ako sa kama ni Arthur. Nasa tabi ko siya ngayon. Masarap ang tulog niya pero bigla ko na lang naalala ang ginawa niya sa akin kaya naman buong lakas ko siyang sinipa kaya nahulog siya sa kama. Wala na akong pakialam kung nasaktan ba siya o hindi.“What the h*ll is your problem?!” galit na tanong niya sa akin na halatang nasaktan siya.Masasaktan talaga siya. Siraulo siya!“My problem? Ang lakas naman ng loob mo na itanong sa akin kung ano ba ang problema ko? Sa tingin mo ba ay hindi ko naalala ang ginawa mo sa akin! Bwisit ka! Ang lakas ng loob mo na patulugin ako!” sigaw ko sa kanya.“Ang ingay mo kasi eh.”“Talaga ba? O baka naman ginawa mo ‘yon dahil pupuntahan mo ang kabit mo?” sarcastic na sabi ko sa kanya.“Bintangera ka na rin ngayon,” sabi niya sa akin.“Bakit ba ikaw ang pinili ng nanay ko? Nakakainis na buhay ito!” naiinis na sabi ko at tumalikod na ako para lumabas sa room niya.“Hindi mo man lang ba ako tutulungan?
LIBBYPatuloy siya sa paghalik sa akin. Kaunti na lang talaga at mapapasunod na niya ako pero hindi talaga ito puwede. Hindi para sa kanya ang rosas ko. Nasa matinong pag-iisip para lang isuko sa kanya ang hindi naman dapat na sa kanya. Hindi ako papayag, hindi ito maaari. Hindi talaga, hindi ako naging agent para lang maging marupok sa lalaking ito at higit sa lahat ay hindi ko ibibigay ang rosas ko sa lalaking hindi ko mahal at hindi rin ako mahal.Aminado ako na maharot ako minsan pero dalagang Pilipina ako. Kahit pa ipinakasal ako ni Lavinia sa mukhang paa na ito ay “Bitiwan mo ako! Bastos ka!” sigaw ko sa kanya at tinuhod ko ang kalahi ni Gallong.“Fvck!” “Ahhh! Mangkukulam ka talaga!” sigaw niya sa akin pero hindi ko siya pinansin.Lumabas ako sa banyo niya at lumipat ako sa ibang banyo. Sarado ang isa pang room kaya dito na lang sa may kusina na banyo ako pumasok at naligo. Mabuti na lang at may sabon at towel dito. Mabilisang ligo lang ang ginawa ko. Pinulupot ko sa katawan
LIBBY“Masyado ng late. Sa condo ko muna tayo matulog ngayong gabi,” sabi sa akin ni mukhang paa.“Ayaw ko,” pagtanggi ko agad.“Wala akong gagawin sa ‘yo kaya kalma lang.”“Uuwi ako ngayon. Kaya ko naman kasing magmaneho, bakit ba kasi nangingialam ka?!” naiinis na naman ako sa kanya.Naiinis ako sa kanya pero nagulat na lang ako dahil kausap na niya ngayon ang mommy ko. At masasabi ko na magkakampi talaga silang dalawa. Galit na naman si Lavinia at maingay na naman siya. Parang armalite na naman ang bunganga niya. Para walang gulo ay hinayaan ko na lang sila sa mga gusto nila. Total naman ay pagmamay-ari na nila ang buhay ko ngayon.Sayang lang talaga at hindi ko isinama si Gallong ngayon. Mas lalo tuloy akong malungkot dahil wala ang alaga ko.“Himala yata na hindi mo kasama ang ahas mo,” sabi niya sa akin na para bang nababasa niya ang nasa isipan ko.“Iniwan ko siya dahil akala ko babalik rin ako agad.”“Pero mas okay nga na hindi mo siya kasama,” sabi niya sa akin.“Tsk!” asik ko
LIBBY “Arthur, kailan mo ba ipapakilala sa amin ang asawa mo?” nagulat ako sa narinig ko na tanong ng mother-in-law ko.“Mom, gusto mo na ba siyang makilala?” nakangiti na tanong niya kaya pasimple ko siyang kinurot sa may legs dahil talagang ang lakas ng tama niya.“Ouch!” react niya.“Anong nangyari sa ‘yo?” tanong ng mommy niya.“May kumagat lang po na lamok sa paa ko,” sagot niya.“Naku, need yata mag-spray mamaya dito,” sabi naman ni Yanne.“Oo nga, mukhang malaki ang lamok,” sabi naman ni Gene.“Pasensya ka na, Arthur. Hayaan mo buong bahay ang papasprayhan ko para walang maligaw na lamok.”“Naku, okay lang sa akin, kuya. Mas gusto ko nga na papakin ako ng lamok,” natatawa pa na sabi niya.“Puro ka talaga kalokohan,” sabi ng mommy niya.“Ipapakilala ko po ang asawa ko kapag ready na po siya, mom. Alam niyo naman po, bigla lang kaming nagpakasal. Labag pa sa loob niya kaya hayaan na po natin,” sabi pa niya na para bang akala niya wala ako sa tabi niya.“Ano ba kasi ang ginawa mo