Accueil / Romance / NINONG MAYOR (SPG/R-18+) / SEXY MANGKUKULAM C97

Share

SEXY MANGKUKULAM C97

last update Dernière mise à jour: 2026-03-09 21:53:40

LIBBY

“Ano ang ibig sabihin nito?” tanong ko sa kanya.

“Liberty Jane Villamor, will you marry me again?” nakaluhod siya at may hawak siyang singsing.

“M–Mister ko,” nauutal na sambit ko.

“Kung papayag ka ay ibibigay ko sa ‘yo ang pangarap mong kasal. Gusto kitang iharap sa altar, misis ko. Gusto ko na pakasalan ka ngayon, kasal na hindi ka pinilit,” sagot niya sa akin.

“Arthur,” sambit ko sa pangalan niya at may pumatak na luha sa mga mata ko.

He’s proposing to me at nandito kami sa Paris. Isa
CALLIEYAH JULY

THANK YOU PO SA INYONG LAHAT!

| 23
Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application
Chapitre verrouillé
Commentaires (6)
goodnovel comment avatar
Aleth L. Boniol
...️ all the comments down here/before me.
goodnovel comment avatar
Hazle
𝐬𝐚𝐧𝐚 𝐬𝐚𝐦𝐞 𝐬𝐮𝐬𝐮𝐧𝐨𝐝 𝐬𝐢𝐧𝐚 𝐯𝐚𝐥 𝐧𝐚𝐦𝐚𝐧 𝐚𝐭 𝐠𝐢𝐧𝐧𝐢𝐞
goodnovel comment avatar
rhea duenas
Congrats shadow at sexy mangku,hehehe..Sana all may Arthur!kiliiiiiig
VOIR TOUS LES COMMENTAIRES

Latest chapter

  • NINONG MAYOR (SPG/R-18+)   SEXY MANGKUKULAM C97

    LIBBY“Ano ang ibig sabihin nito?” tanong ko sa kanya.“Liberty Jane Villamor, will you marry me again?” nakaluhod siya at may hawak siyang singsing.“M–Mister ko,” nauutal na sambit ko. “Kung papayag ka ay ibibigay ko sa ‘yo ang pangarap mong kasal. Gusto kitang iharap sa altar, misis ko. Gusto ko na pakasalan ka ngayon, kasal na hindi ka pinilit,” sagot niya sa akin.“Arthur,” sambit ko sa pangalan niya at may pumatak na luha sa mga mata ko.He’s proposing to me at nandito kami sa Paris. Isa sa pangarap kong lugar, ang lugar na gusto ko kapag may nag-propose sa akin. At ginagawa niya ito ngayon. Nangyayari na ito ngayon at alam ko na hindi ito panaginip.“I love you, Libby. Mahal na mahal kita at handa akong ibigay ang buong buhay ko sa ‘y–”“I love you too, Arthur. Mahal na mahal rin kita, Mister ko and yes. I’ll marry you, I’ll marrying you again,” putol ko sa sasabihin pa niya habang umiiyak ako.Sinuot niya ang singsing sa daliri ko at hinalikan niya ako sa labi. Mabilis naman

  • NINONG MAYOR (SPG/R-18+)   SEXY MANGKUKULAM C96

    LIBBY (PRESENT TIME)“Talagang ako ang crush mo? Bakit?” tanong ko sa kanya dahil hindi ako makapaniwala.“Hindi ko rin alam. Basta ang tanging alam ko lang ay nakuha mo ang atensyon ko.”“Ang swerte ko pala dahil nakuha ko ang atensyon mo at ikaw naman ang malas dahil hindi ko nakuha ang atensyon mo,” pang-aasar ko sa kanya.“Misis ko, ang harsh mo talaga. Bakit ka ba ganyan?” parang bata na sabi niya sa akin.“Masasanay ka rin, ganito talaga ako maglambing,” sabi ko sa kanya at tumawa ako.“Sa tingin ko ay ibang dinner na ang gusto ko,” sabi niya sa akin.“Tumigil ka nga, nagugutom na talaga ako,” natatawa na sabi ko sa kanya dahil alam ko na naman ang ibig niyang sabihin.“Kasi naman eh, ikaw binubuhay mo na naman ang hindi dapat mabuhay.”“Wala naman akong ginagawa.”“Mayroon kaya, nilalambing mo ako,” sabi niya sa akin.“Wala talaga, hindi ko alam ang sinasabi mo. Inaasar lang naman kita pero wala akong ibang ibig sabihin. Malay ko ba ang bilis magreact ng ano mo. Napakahilig mo t

  • NINONG MAYOR (SPG/R-18+)   SEXY MANGKUKULAM C95

    ARTHUR ALCANTARIABest decision talaga ang makasama ang asawa ko sa trabaho na ito. Alam ko naman na nagpapanggap lang siya pero masaya na ako. Masaya na ako ganito siya. Feel na feel ko pa nga na totoo ang lahat ng ito. Malaya ko na siyang maalagaan at nahahalikan. Kakaiba sa pakiramdam at talaga namang gustong-gusto ko.Sa totoo lang wala akong balak na umalis sa trabaho ko. Hangga’t agent itong asawa ko ay gano’n rin ako. Walang puwedeng maghiwalay sa aming dalawa. “Cherriepie, can we talk?” tanong ko sa kanya.“Of course, kuya, ano po ba ang pag-uusapan natin?” mahinhin na sabi niya pero never talaga akong naakit sa isang ito.Sa totoo lang ay iniisip ko talaga na may gusto ito sa akin. At nag-assume pa ako na nagseselos ang asawa ko kaya kahit na wala naman talaga akong interest ay pinili ko na kausapin lagi itong batang ito. Para makuha ko ang atensyon ng asawa ko at ang inis niya pero kakaiba talaga siya dahil sa ibang paraan siya gumaganti kay Cherriepie. Naawa na nga ako pero

  • NINONG MAYOR (SPG/R-18+)   SEXY MANGKUKULAM C94

    ARTHUR ALCANTARIABadtrip ako, sobrang badtrip ko na malaman ko na hinalikan niya si Kuya Adam. Mas lalo akong nainis dahil mukhang gusto niya pa ito. At kahit na nakita na niya ang tunay kong mukha ay inis na inis siya sa akin at tinatawag pa niya ako na mukha akong paa pero kapag si Adam naman ay gwapong-gwapo siya. Hindi na ako papayag na magtagal pa ito.Alam ko rin na nagbibigay siya ng bulaklak sa lalaki. Mukhang timaan talaga siya at ako naman itong timaan rin. ‘Yon nga lang ay sakit sa puso dahil nasasaktan ako. Sa ilang taon na pagtitiis ko ay makukuha lang ng iba ang atensyon niya. Kaya naman wala na akong sinayang na oras.“Tita, may ibang gusto si Libby,” sabi ko kay Tita Lavinia.“What? Loko na bata ‘yan,” halatang nagulat rin siya.“Mukhang wala na po yatang pag-asa na matuloy ang kasal,” sabi ko sa kanya.“Don’t worry, ako ang bahala. Basta’t siguraduhin mo lang na hindi mo ipagpapalit ang anak ko sa iba. At siguraduhin mo lang sa akin na aalagaan mo siya. Bantayan mo na

  • NINONG MAYOR (SPG/R-18+)   SEXY MANGKUKULAM C93

    ARTHUR ALCANTARIATulad ng code name ko ay para lang rin akong anino na laging nakasunod sa kanila. Alam ko na alam nila na kasama nila ako lagi s amisyon dahil ang main goal ko lang naman talaga ay bantayan si Libby at nagtagal ito ng ilang taon. “Bakit hindi mo sinabi sa akin?” tanong sa akin ni mommy dahil umuwi ako sa Pinas kahit pa ang totoo ay ayaw ko naman talaga sana na iwan ang Libby ko.Yes, siya ang Libby ko dahil sa akin lang siya. She’s mine, only mine.“Mom, sorry kung hindi ko sinabi sa ‘yo pero safe naman po ako,” sabi ko sa kanya.“Alam ko naman ‘yon kaya ka nga nandito eh. Pero kasi–”“Gusto ko po ang ginagawa ko kaya sana po ay maintindihan niyo po ako,” sabi ko sa kanya.“Iyan ba talaga ang nais mo?”“Yes, mom,” sagot ko sa kanya.“Papayagan kita pero sa isang kondisyon,” sabi niya sa akin.“Ano naman po ‘yon?”“Magpapakasal kayong dalawa ng anak ni Lavinia,” sabi niya sa akin kaya feeling ko ay umangat ang mga paa ko ngayon sa saya.“Po?” kunwari na sabi ko.“Pasa

  • NINONG MAYOR (SPG/R-18+)   SEXY MANGKUKULAM C92

    ARTHUR ALCANTARIAMabuti na lang talaga at pumayag ang parents ko na lumipat rin ako dito sa US. Kaya naman marami akong oras para i-stalk itong si Libby. Para akong ewan na sunod ng sunod sa kanya lalo na kapag free time ko na. At tulad pa rin noon ay wala pa rin siyang pakialam sa mundo. Pero mas okay naman ‘yon para walang lalaki ang lumapit sa kanya.Araw-araw ay ganado ako lagi kapag nakikita ko ang maganda niyang mukha. Siguro nga ay baliw na ako. Baliw na ako para isipin na magiging akin siya. Pero iyon naman talaga ang nais kong mangyari. Gusto ko na maging akin siya kaya ko ito ginagawa. Mabuti na lang at may dalawa siyang kaibigan kaya ito na ngayon ang kasama niya.Hanggang sa nagulat na lang ako dahil pumasok siya sa trabaho na hindi ko naman pinangarap. Sh*t! Patay ako nito kay mommy. Nangako pa naman ako sa kanya na magpapakabait ako at wala akong gagawin na kahit na ano pero sa tingin ko ay ng dahil sa pag-ibig ay mapipilitan ako.“Sure ka ba na papasok ka dito?” tanong

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status