THANK YOU PO SA INYONG LAHAT.. GOD BLESS PO!
THEA FAITH“Hindi pa tayo tapos dahil nagsisimula pa lang tayo, love.” nakangiti na sabi niya sa akin.“Alam ko, okay lang ba na bigyan mo ako ng—”“Ang alin, love? Nang bagong baby ba?” nakangisi na tanong niya sa akin.“Five minutes na pahinga, grabe ka naman sa baby ulit. Baka naman himatayin ka na naman kapag ako nanganak,” natatawa na sabi ko sa kanya.“Kahit pa paulit-ulit na maging kahihiyan ko ang mahimatay ay okay lang. Ang mahalaga ay may mga bunga na galing sa akin,” sabi niya kaya mas lalo akong tumawa.“Kahit pa himatayin ka, ay sa ‘yo lang ako magpapabuntis at ikaw lang ang magiging ama ng mga anak ko. Pero ‘wag muna ngayon, hindi pa ako handa,” nakangiti na sabi ko sa kanya.“Hindi pa naman kita bubuntisin. Saka na natin bigyan ng kalaro si Nash. Sa ngayon ay tayong dalawa muna ang maglalaro, ” sabi niya sa akin.“Opo, tayong dalawa po muna,” nakangiti na sabi ko sa kanya.“So, okay na ba? Puwede na ba akong pumasok? Puwede na ba tayong maglaro?” nakangisi na tanong niy
THEA FAITH5 MONTHS LATERKakatapos lang ng binyag ni baby Nash. Masaya kami ay syempre ay medyo pagod kaming lahat. Simple lang ang naging celebration namin. Nandito na kami ngayon sa loob ng room namin. Pero itong asawa ko ay kanina pa ang yakap sa akin with matching halik sa leeg ko. Nakikiliti na nga ako sa ginagawa niya sa akin. Ang anak naman namin ay mahimbing na ang tulog niya.“Magpahinga na tayo, love.” sabi ko sa kanya.“I miss you, love.” pabulong na sabi niya sa akin.“Hindi ka ba inaantok?” tanong ko sa kanya.“Hindi po,” malambing na sagot niya sa akin.Humarap ako sa kanya at sinalubong ako ng mapungay niyang mga mata. Mas lalo bumagay sa kanya at alam ko na ang ibig sabihin nito.“Kalabisan ba kung hihilingin ko na gusto ko ulit na maangkin ka?” tanong niya sa akin.“Hindi po,” sagot ko sa kanya. Dahil ilang buwan na rin talaga na walang nanagyayari sa aming dalawa. Ang alam namin ay three months puwede na pero mas pinili namin na hindi muna gawin dahil nga ang sab
NOAH VILLAMOR(PRESENT TIME)Masasabi ko na ngayon na sulit na sulit ang lahat ng pinagdaanan namin. Na hindi nasayang ang lahat ng mga naging sakripisyo namin. “Bagay na bagay sa ‘yong maging tatay,” sabi sa akin ni mommy kaya tumawa ako dahil ang totoo ay kinilig ako. Para sa akin ay compliment ‘yon.“Hayaan mo po next year ay may kasunod na ito agad,” sabi ko kay mommy pero nagbibiro lang naman ako. Wala pa talaga akong balak na buntisin ang asawa ko.“Baka himatayin ka na naman,” sabi niya sa akin habang tuwang-tuwa siya. Dahil sa nangyaring ‘yon ay ginawa na talaga nila itong pang-asar sa akin. Hindi naman ako naiinis dahil nahihiya nga ako sa nangyaring ‘yon sa akin.“Sakto lang, mom. Malay mo hindi na,” natatawa na sabi ko dahil nakakahiya talaga ang nangyari sa akin. Hindi ko talaga inaasahan na mahihimatay ako. “Lagyan niyo ng gap. Pero huwag mo naman kaming gayahin na ang laki. Okay na siguro ang three or five years na gap. Mas okay ‘yon kaysa naman taon-taon dahil kawaw
NOAH VILLAMOR(CONTINUATION OF FLASHBACK)Double celebration ang ipinagdiriwang namin ngayon dahil nalaman na namin ang gender ng baby namin. Ang saya ko dahil lalaki agad kaya sure ako na hindi talaga mapuputol ang lahi ko. May magmamana na ng apelyido ko at masaya ako. Hindi pa mapuputol ang Villamor. Bago kami lilipad papunta sa US ay pinuntahan ko si Elisia dito sa kulungan. Gusto ko siyang makita sa huling pagkakataon. May pinagsamahan naman kami bilang magkaibigan noon at iyon lang ang dahilan kaya ako nandito.Ibang-iba ang ang mukha niya sa dati siyang. Mas pumayat siya dito at parang tumanda na ang mukha niya. “Noah, you’re here.” sabi niya na halatang hindi siya makapaniwala na nandito ako.“Nandito lang ako dahil gusto ko magpaalam,” sagot ko sa kanya. Gusto ko rin na maging malinaw sa kanya ang lahat.“Magpaalam? Bakit?” tanong niya.“Aalis na kami, pupunta na kami sa US at hindi na babalik dito,” sagot ko sa kanya.“Ganyan ka ba ka galit sa akin?” nakikita ko ang lungkot
NOAH VILLAMOR(CONTINUATION OF FLASHBACK)Isa sa mga nagustuhan ko sa asawa ko ay ang malawak niya na pag-unawa sa mga bagay-bagay at sa mga sitwasyon. Hindi siya mahirap kausap dahil talagang nakikinig siya at nagbibigay siya ng saloobin niya. Higit sa lahat ay pumayag siya, pumayag siya na lumipat na lang kami sa US para maging tahimik ang buhay namin. Masaya ako na magkasundo kaming dalawa pagdating sa mga desisyon na tungkol sa aming mag-asawa at higit sa lahat ang tungkol sa pamilya namin.Kaya naman ang kailangan ko na lang na gawin sa ngayon ay ayusin ang lahat para sa kanya. Kailangan kong asikasuhin ang lahat ng papers niya at kasabay nito ang pagpapakasal naming dalawa. Wala pa naman ‘yon dahil wala pa naman ang gender reveal namin. Napag-usapan rin namin na pupunta muna kami sa probinsya ng yaya niya para personal siyang magpaalam at naging bakasyon na rin namin ito. Maganda dito, sariwa ang hangin at talagang tahimik. Kaya naman nagtanong-tanong ako kung sino ba ang nagbe
NOAH VILLAMOR(CONTINUATION OF FLASHBACK)Aalis na naman ako dahil may business trip ako. Pero panatag naman ako dahil kasama nila si Libby. Ang kapatid kong astig kaya lang may saltik. Sobrang kulit ng babaeng ‘yon pero masaya ako dahil sa wakas ay umuwi na. Lagi na lang niyang pinag-aalala si mommy. Kahit pa laging nag-aaway ang dalawang ‘yon ay alam ko naman na mahal na mahal nila ang isa’t isa.Sobrang proud ako sa kapatid ko dahil walang sino man ang makakapigil sa kanya na gawin ang nagpapasaya sa kanya. Talagang ginagawa niya ang lahat para sa mga gusto at pangarap niya. Tumayo siya sa sariling mga paa niya. Hindi siya humingi ng kahit na ano mula sa amin. Kahit pa binibigyan namin siya ay ayaw niya.Siya ang definition ng strong independent woman. Strong rin naman ang asawa ko, magkaiba silang dalawa ng personality. Masaya ako dahil magkasundo ang dalawa. Walang magiging problema kahit pa iwan ko sa kanya ang mag-ina ko. At isa pa ang galing ng alalay niyang ahas. Takot na tak