THANK YOU PO SA INYONG LAHAT! GOD BLESS PO!
THEA FAITH“Baby, mommy is here. Gising ka na po, lumaban ka po. Please, please po. I’m begging you, lumaban ka. Kasi mahal na mahal ka ni mommy, mahal na mahal ka namin ng daddy mo,” umiiyak na sambit ko.“Love, alam ko na nahihirapan siya at alam ko na lumalaban siya, alam ko rin na mahal niya tayo, ” sabi sa akin ni Noah.“Kailangan niyang lumaban, lalaban siya, magiging buo at masaya pa ang pamilya natin,” sabi ko sa kanya.“Naniniwala ako na lalaban siya. Mahal na mahal siya ng magiging kapatid niya.”Niyakap ako ng asawa ko at nagstay pa kami ng ilang sandali dito sa loob ng ICU. lumabas rin kami dahil bawal kami magtagal dito. Umupo muna kami dito sa labas. Sinabi ko rin sa kanya na pinuntahan ko si Elisia at na galit siya nang malaman niya ang sinabi nito. Gusto niya itong sugurin pero pinigilan ko siya.“Sa kanilang dalawa ay siya ang dapat na mamatay. Baliw na talaga siya!” sabi ng asawa ko.“Tama ka, sana nga siya na lang. Alam ko na pangit na magsalita ng ganito pero ang s
THEA FAITHHindi ko sinabi sa asawa ko na pupuntahan ko si Elisia. Ayaw ko na mag-alala pa siya sa akin. Nangako ako kay Libby na walang mangyayari sa akin. Gusto ko lang talaga na ilabas ang sama ng loob ko at galit ko sa babaeng ‘yon. “Ate, hintayin na lang kita dito,” sabi sa akin ni Libby.“Thank you, Libby.” sabi ko sa kanya.Naglakad na ako papunta sa visiting area dito sa kulungan. Ang sabi sa akin ay maghintay ako kaya naman umupo na muna ako. Ilang sandali pa ay nakita ko siya. Naglalakad siya papunta sa kinalalagyan ko. Mukhang maayos naman siya.“Why are you here?” tanong niya sa akin kaya mabilis ko siyang sinampal. “How dare yo–”“Nakakatulog ka ba? Nakakatulog ka ba ng maayos?” tanong ko sa kanya after ko siyang sampalin ng dalawang beses.“Of course, bakit naman hindi magiging masarap ang tulog ko?”“Ang galing mo nga eh, nakatulog ka pa ng mahimbing after mong barilin ang anak mo.”“Hindi siya ang gusto kong barilin. Ikaw! Ikaw!” sigaw niya sa akin.“Sana nga ako na l
THEA FAITHSa buong buhay ko ay ngayon pa lang talaga ako nakaramdam ng labis na galit. Kung noon ay galit na galit ako sa stepmom ko at sa anak niya ay kakaibang galit ang nararadaman ko para kay Elisia. Sobrang nagagalit ako sa ginawa niya. Galit ako sa kanya dahil kung hindi dahil sa kanya ay hindi sana nasa kritikal na kalagayan si Elli. Hindi sana ito nag-aagaw buhay ngayon at hindi ito nakaratay sa ICU na may mga kung anong aparatos na nakakabit sa katawan niya. Maliit ang chance pero kumakapit kami. Kumakapit sa maliit na pag-asa na mabubuhay siya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagigising. “Ang anak natin, love.” umiiyak na sambit ko.“Magiging okay siya, love. Magiging okay siya,” sabi sa akin ng asawa ko.“Ayaw kong umuwi, dito lang ako. Dito lang ako,” sabi ko sa kanya.“Love, hindi ka puwede dito. Makakasama sa baby natin,” sabi ng asawa ko.“Paano si Elli? Paano siya?” umiiyak na tanong ko sa asawa ko.“Nandito naman ako, ako ang mag-aalaga sa kanya. Kami ni mommy,
THEA FAITH“Elli!” sigaw ko dahil bigla na lang siyang napaluhod sa semento.“Elli, Elli, please. Baby, please,” umiiyak na sambit ko dahil may tama siya ng baril.“M–Mommy,” nahihirapan na sambit niya.“Shhh, don’t talk. Huwag ka munang magsalita,” sabi ko sa kanya.“Noah, si Elli. Si Elli,” umiiyak na sambit ko sa asawa ko.“What have you done?!” galit na sigaw ni Noah kay Elisia.“H–Hindi naman siya ang babarili ko eh, si Thea sana pero humarang siya!” sigaw niya.“T*ngina mo!” sigaw ng asawa ko ay sinuntok niya ito kaya nawalan ito ng malay.“Libby, posasan mo ang h*yop na ‘yan!” galit na sambit ng asawa ko.“Ako na ang bahala sa kanya, kuya. Itakbo niyo na si Elli sa hospital habang may pulso pa siya,” sabi sa amin ni Libby na umiiyak rin. Lahat ng tao na nandito ay umiiyak dahil sa nakikita naming kalagayan ni Elli.“Baby, daddy and mommy are here. Kapit lang, kapit lang, stay with us, please, please,” umiiyak na sambit ng asawa ko.Ako rin ay sobrang natatakot. Natatakot na baka
THEA FAITH“Why are you here?” tanong ko agad sa kanya nang pagbuksan ko siya ng gate.“At sino ka para tanungin ako n’yan?” nakangiti na tanong niya rin sa akin.“Ako? Sino? Sino ako?” tanong ko sa kanya at bigla na lang akong tumawa ng malakas dahil nagpapatawa ba siya.“Why are you laughing? May nakakatawa ba?” halatang naiinis siya sa bigla kong pagtawa.“Oo nakakatawa, nakakatawa dahil tinatanong mo ako kung sino ba ako. Eh alam ko naman na alam mo ang totoo pero pinipilit mo lang ang sarili mo na hindi maniwala. Ang hindi maniwala na ako ang asawa ni Noah. Ano ba ang tingin mo sa akin? Wala ba akong karapatan na tanungin ka? O baka naman, kaya ka nandito dahil gusto mo lang siguraduhin na mag-aaway kaming dalawa dahil sa mga pictures na pinadala mo,” nakangiti na sabi ko sa kanya pero ang totoo ay kumakalma lang ako kahit na ang totoo ay gusto ko ng hablutin ang buhok niya.“Asawa ka lang niya at sa tingin ko ay maghihiwalay rin naman ka–”“Mas mauuna pang maghiwalay ang mga buho
THEA FAITH“At talagang umuwi ka pa!” sigaw ko agad sa kanya at binato ko siya ng unan na nandito sa sofa.“Love, what’s wrong?” tanong niya sa akin habang sinasalag ang mga unan na binabato ko sa kanya.“Talagang nagtanong ka pa? Bwisit ka! Magpaliwanag ka ng maayos sa akin dahil kung hindi ay papalayasin talaga kita!” sigaw ko sa kanya.“Ano ba ang dapat ko ipaliwanag? Wala akong ginagawa ha, wala talaga. Promise, wala talaga,” sabi niya sa akin.“So, anong ibig sabihin nito?” tanong ko sa kanya at pinakita ko ang mga pictures na kasama niya si Elisia.“Sino naman ang gumawa niyan? Hindi man lang ginalingan ang edit,” sabi pa niya sa akin kaya sinamaan ko siya ng tingin.“So, sinasabi mo na edited lang ‘yan?” tanong ko sa kanya.“Ano sa tingin mo, love? Ikaw kaya ang nag-ayos nang mga damit ko kaya imposible na magkaroon ako ng ganyang damit, at ang pangit naman niyang sa picture dahil mas gwapo ako d’yan,” sagot niya sa akin kaya kumunot ang noo ko.“So, anong ibig sabihin nito?”“W