THANK YOU PO!
ELLIA ELLIZE(SIMULA)Mommy? Ano kaya ang pakiramdam na magkaroon ng mommy? Ang mommy na mahal ako, ang mommy na magsusuklay, magtatali at mag-aayos ng buhok ko. May mag-aasikaso sa akin kapag papasok na ako sa school. Gusto ko, gusto kong maranasan rin ‘yon. Pero alam ko naman na malabo, dahil wala ako nun, wala akong mommy. Hindi ako mahal ng mommy ko dahil nagawa niya akong abandonahin. Iniwan lang niya ako sa labas ng condo unit ni daddy. Siguro nga ay hindi talaga niya ako gusto kasi hinayaan lang niya ako. She abandoned me. Kaya hindi ko mapigilan na hindi mainggit sa iba. Naiinggit ako sa mga batang may mommy. Sa mga batang mahal na mahal sila ng mga mommy nila. Samantalang ako, laging mag-isa, at walang mommy.Bata pa lang ako ay ito na ang mga tanong ko lagi. Kahit pa mahal ako ni Daddy Noah, grandma at grandpa ay hindi ko talaga maiiwasan na hindi hanapin ang kulang sa buhay ko. May parte sa akin na gusto ko siyang makilala pero may part rin sa akin na galit ako sa kanya. G
“Pagmamahal? May magmamahal ba talaga sa akin?” Bata pa lang si Ellia Ellize Villamor ay tinatanong niya ang sarili niya kung may magmamahal ba sa kanya? Lalo na hindi naging madali ang buhay niya. Lumaki siya sa isang masayang pamilya, ang pamilya ng taong minahal siya bilang tunay nitong anak. Kahit pa binusog siya ng mga ito ng pagmamahal ay para bang may kulang pa rin sa pagkatao niya. Hanggang sa natatakot na siya. Natatakot na siya na dumating ang araw na maiiwan na lang siyang mag-isa. Ngunit ang lahat ng iyon ay nagbago sa pagdating ng isang lalaki na babago sa pananaw niya sa pag-ibig. Sino kaya siya? ****** BOOK 2 STARTS TODAY, AUGUST 1, 2025
PART 2 OF FINALE/WAKASTHEA FAITH “Sali ako d’yan,” narinig ko ang boses ng asawa ko na ngayon ay nandito na.“I’m really sorry, daddy.” sabi ng anak ko.“You’re forgiven, sweetie. Huwag mo ng uulitin pa, ‘wag mo ng galitin ang mommy mo,” sabi ng asawa ko sa bunso naming anak.“Opo, dad. Hindi na po talaga mauulit,” sabi niya sa akin.Niyakap namin siya ng asawa ko hanggang sa nakatulog siya sa bisig ng ama niya. Talagang siya pa rin talaga ang baby namin. Ang asawa ko naman ay maingat niyang ihiniga sa kama namin ang anak namin. Ako naman ay masaya dahil kaagad niyang naintindihan na mali siya. Sana lang talaga ay gawin niya ang sinabi niya. “Love, I’m sorry.” sabi sa akin ng asawa ko habang nakayakap siya sa akin mula sa likuran.“Bakit ka naman nagsosorry? Para ka ring anak mo,” sabi ko sa kanya.“Ako ang dahilan kaya naging ganito ang anak natin. Dahil sa akin kaya naging ganito ang ugali niya. Sa sobrang pag-spoiled ko sa kanya ay hindi ko na talaga naisip na hindi na pala okay
THEA FAITH (FINALE PART 1)LUMIPAS ANG MGA TAONLumipas man ang maraming taon ay walang nagbago sa pagmamahalan naming dalawa ng asawa. Mas naging sweet pa nga siya sa akin. At ang pangarap niya na magkaroon kami ng limang anak ay natupad. Tatlong lalaki at dalawang babae ang binigay sa amin ng Panginoon.Tama nga talaga ang sinabi ni Nash na sa bunso pa ang magiging babae dahil ang sumunod kay Fabio ay lalaki rin. Ito ay si Tyron Noan Villamor at ang babae naman ay si Nyza Fae Villamor. Mabait ang mga anak ko pero ang pangarap ng asawa ko na babaeng anak ay may pagka-maldita. Kaya sila lang rin talagang dalawa ang nag-aaway. Tulad na lang ngayon ay kalalabas ko lang sa kusina pero naririnig ko na naman ang boses ng bunso namin.“Daddy, I hate you po!” sabi niya pero magalang pa rin naman pero hindi ko pa rin nagustuhan ang narinig ko dahil sinisigawan niya ang ama niya.Umuwi na kami dito sa Pilipinas at dito na kami for good. Masaya kami sa US pero iba pa rin talaga kapag nandito rin
THEA FAITHAng pangarap ni Noah na babaeng anak ay bigla na lang naglaho dahil lalaki ang sunod naming anak. Inaasar tuloy siya ni Nash dahil talo ito. Sa totoo lang ay naawa naman ako sa asawa ko pero wala naman akong magagawa dahil ito ang binigay sa amin. Wala akong magagawa dahil lalaking anak ang binigay.“Baka hindi natin ito anak, love. Baka pinalitan nila sa ospital ang anak nating babae,” sabi niya sa akin kaya tumawa ako.“Ano ‘to sa teleserye?” natatawa pa rin ako sa asawa ko.“Malay mo naman, baka kasi–”“Tigilan mo na nga ‘yang mga iniisip mo. Wala tayo sa mga palabas sa tv, hindi naman ‘yan totoo eh. Kung meron man ay sure ako na hindi siya mangyayari sa atin, nakita mo naman siguro ang mukha ng anak mo,” sabi ko sa kanya.“Bakit ba mga itlog ang binigay sa akin?” tanong niya na halatang stress pero alam ko naman na masaya siya. Proud nga ako sa kanya dahil hindi siya hinimatay kahit pa namumutla na siya. Alam ko na kinakabahan na naman siya. Alam ko na natatakot na nama
THEA FAITHKung noon ay ayaw na ayaw ko sa amoy ng asawa ko ay kabaliktaran naman ngayon. Dahil gustong-gusto ko ang amoy niya. Kaya naman lagi na lang kaming may sexy time dahil siya ang pinaglilihian ko. Sana lang talaga ay hindi niya kamukha nag isa pa naming anak. “Love, malakas talaga ang pakiramdam ko na babae na itong anak natin,” sabi niya sa akin.“Paano mo nasabi?” tanong ko sa kanya.“Dahil ibang-iba ka magbuntis ngayon. Dati ay ayaw na ayaw mo sa akin, pero ngayon naman ay gustong-gusto mo na ako. Hindi ka na naiinis sa akin, gusto mo na lagi na lang nakayakap sa akin. Lagi mo rin akong kinakalabit,” sabi niya sa akin.“Naging mahilig ba ako?” nakangisi na tanong ko sa kanya.“Sobra po, gusto mo nalang lagi–”“Bakit, pabor naman ‘yon sa ‘yo ah?” naiinis na sabi ko sa kanya.“Opo, sobrang pabor po. Kaya nga sinasabi ko na babae na talaga siguro ang magiging anak natin dahil ibang-iba ito noon kay Nash,” sabi niya sa akin.“Malalaman natin,” sabi ko sa kanya at tumawa ako.