THANK YOU PO SA INYONG LAHAT MAY MGA NEXT UPDATE PA PO..
THEA FAITH“Mom, bakit parang mas masarap na itong luto mo ngayon?” nakangiti na tanong ng asawa ko kay mommy.“Anong ibig mong sabihin?” “Sabi ko po mas masarap na ito–”“Anong pinapalabas mo? Hindi ako masarap magluto?” nakataas ang isang kilay na tanong ni mommy sa anak niya ngayon na naguguluhan. Tahimik lang ako dahil ayaw ko naman sabihin sa kanya na ako ang nagluto ng callos na paborito niya.“Sinabi ko lang naman po na mas masarap ang luto mo ngayon. Bakit ka nagagalit–”“Hindi ako ang nagluto ng callos,” sabi ni mommy na ikinagulat niya lalo. Hindi na kasi nito hinayaan na tapusin nito ang sasabihin niya.“S–Sino po?” nakakunot ang noo na tanong ng asawa ko.“Ang asawa mo,” sagot ni mommy kaya tumingin agad sa akin ang asawa ko.Ako naman ay ngumiti lang sa kanya. Hindi ko rin naman kasi alam kung may dapat ba akong sabihin.“You cooked this, love?” tanong niya sa akin.“Yes po,” mahina na sagot ko sa kanya.“Mom, sorry po kung–”“It’s okay, tinuro ko na sa kanya para siya n
THEA FAITH“Tara na sa baba, magluto na tayo ng para sa dinner.” sabi niya sa akin.“Tara na po, mommy.” nakangiti na sabi ko at kumapit ako sa braso niya pero bigla na lang siyang tumingin sa akin.“Sorry po–”“Bakit ka naman nagsosorry?” tanong niya sa akin.“Kasi po baka ayaw mo po na–”“May sinabi ba ako na ayaw ko?” putol niya sa sasabihin ko.“Wala po,” sagot ko sa kanya.“Wala naman pala pero bakit ka ganyan? Feeling ko ngayon ay masama ang tingin mo sa akin,” sabi niya sa akin.“Sorry po, mommy. Hindi lang po ako sanay sa mukha mo po kasi medyo masungit po,” sabi ko sa kanya na naging dahilan para bigla na lang siyang tumawa ng malakas kaya ako naman itong nagulat sa kanya.Nakatingin lang ako sa kanya hanggang sa ngumiti na lang ako. Siguro nga strict talaga siya magsalita pero mabait talaga siya. Tulad ng sabi ko ay hindi ko lang talaga siya kilala pa at makikilala ko pa lang ang ugali niya. Need ko lang talaga mag-adjust dahil hindi naman siya ang dapat na mag-adjust sa ati
THEA FAITH“Siya na ba ang asawa ng anak mo?” seryoso at nakakunot ang noo na tanong ng matandang lalaki.Kung nakakatakot na ang aura ng mother in-law ko ay mas matindi ang sa daddy ng asawa ko. Siya ang old version ni Noah dahil magkamukha lang silang dalawa.“Anak mo ‘yun, pareho kayong pasaway,” sabi ni mommy sa asawa niya.“Paano naman na sa akin lang eh mana sa ‘yo ang katigasan ng ulo ng batang ‘yon,” sabi naman ng daddy ng asawa ko.“Tumahimik ka na nga, nakakahiya sa bisita natin.” sabi ni mommy na halatang naiirita sa asawa niya pero tumawa lang ang daddy ng asawa ko na para bang sanay na sanay na siya sa asawa niya.“Kumusta ka, iha. Ako si Noel, daddy ni Noah. You can call me, daddy, papa or tatay if you want. Kung saan ka komportable,” nakangiti na sabi niya kaya nawala na lang bigla ang kaba ko.“Magandang hapon po, ako po si Thea.” pakilala ko sa kanya.“Magaling talaga ang pumili ang anak ko. Manang-mana sa akin,” nakangiti na sabi niya.“Manang-mana nga sa ‘yo, babaer
THEA FAITH“Sa bahay na kayo mag-dinner mamaya. Okay lang ba na isama ko na ang mag-ina mo?” tanong ng mother in-law ko sa asawa ko.“Sasama ba kayo?” tanong ni Noah sa amin.“Oo,” walang pagdadalawang isip na sagot ko sa kanya.“Sure ka?”“Opo, sure na sure ako. Doon na lang tayo mag-dinner, hindi maganda na tumanggi ka,” sabi ko sa kanya.“Okay, pero tawag ka agad sa akin kapag may ginawa sa ‘yo si mommy,” sabi niya sa akin.“Opo, tatawag agad ako. Masyado ka namang nag-aalala,” sabi ko sa kanya.“Kasi nga–”“Bakit nagbubulungan kayong dalawa d’yan?” tanong sa amin ng mommy niya.“Wala po, mom.” sagot ng asawa ko.“Sasama ba kayo, Thea?” tanong sa akin ng mother in-law ko.“Opo, mommy. Sasama po kaming dalawa ni Elli,” nakangiti na sagot ko sa kanya.“Okay, tara na. Hayaan na lang natin si Noah dito.”Kumapit sa kamay ko ang matanda na ikinagulat ko.“Alalayan mo ako, napapagod na ako sa kakalakad,” sabi niya sa akin.“Dito po ako sa kabila, grandma.” sabi ni Elli at hinawakan niya
THEA FAITH “Galit ka po ba sa akin dahil ako ang naging asawa ni ninong?” lakas loob na tanong ko sa kanya dahil gusto ko lang talagang malaman ang totoo.“Ano ba ang gusto mong isagot ko sa ‘yo?” tanong niya sa akin.“Kung ano po ang totoo,” sagot ko sa kanya.“Puwede mo ba akong bigyan ng kahit isang rason para masabi ko na gusto kita para sa anak ko?” “Alam ko po na wala akong kahit na anong kayamanan sa mundong ito. Sarili ko lang po ang kaya kong ibigay sa anak mo. Wala po akong ibang kayang ibigay,” sagot ko sa kanya.“Sa tingin mo ba sapat na ‘yan para sa anak ko?”“Hindi ko po alam kung sapat na, hindi ko rin po alam kung ano ba ang gusto niya. Pero sinusubukan ko po na gawin ang obligasyon ko bilang tunay niyang asawa–”“Kapag naging tunay na masaya ang anak ko ay tatanggapin kita sa pamilya ko. Wala akong ibang gusto kundi ang maging masaya siya, Thea.” sabi niya sa akin at bigla na lang siyang ngumiti.Ito ang unang beses na ngumiti siya sa aki. Yung tunay na ngiti ang bi
THEA FAITH“Bakit umiiyak ang apo ko?” napalingon kaming dalawa ni Elli nang marinig namin ang boses ng mother in-law ko.“Grandma,” tawag sa kanya ni Elli at mabilis itong tumakbo papunta sa lola niya.“Anong ginawa mo sa kanya? Bakit siya umiiyak?” tanong niya ulit sa akin.“Good aft–”Babatiin ko sana siya pero hindi naman niya ako hinayaan na tapusin ko ang sasabihin ko.“Sagutin mo ang tanong ko. Ano ang ginawa mo sa apo ko?” halatang galit na siya.“Wal–”“Grandma, wala pong ginagawa sa akin si mommy. Nag-uusap lang po kaming dalawa tapos bigla na lang po ako umiyak kasi nakakaiyak po ang pinag-uusapan namin. Mabait po si mommy, hindi po siya nananakit ng bata.” si Elli na mismo ang nagpaliwanag sa lola niya.“Totoo ba ang sinasabi mo, baby?” tanong pa niya sa bata.“Opo, kailan po ba ako nagsinungaling sa ‘yo?” nakangiti na tanong ni Elli sa ginang.“Okay, akala ko kasi pinapaiyak ka niya.” sabi pa ng ginang.“Hindi po, lola. Sweet nga po ni mommy sa akin. Look po oh, she took