แชร์

WAKAS/FINALE PART 1

ผู้เขียน: CALLIEYAH JULY
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2025-07-31 22:31:45
THEA FAITH (FINALE PART 1)

LUMIPAS ANG MGA TAON

Lumipas man ang maraming taon ay walang nagbago sa pagmamahalan naming dalawa ng asawa. Mas naging sweet pa nga siya sa akin. At ang pangarap niya na magkaroon kami ng limang anak ay natupad. Tatlong lalaki at dalawang babae ang binigay sa amin ng Panginoon.

Tama nga talaga ang sinabi ni Nash na sa bunso pa ang magiging babae dahil ang sumunod kay Fabio ay lalaki rin. Ito ay si Tyron Noan Villamor at ang babae naman ay si Nyza Fae Villamor. Mabait ang mga anak ko pero ang pangarap ng asawa ko na babaeng anak ay may pagka-maldita. Kaya sila lang rin talagang dalawa ang nag-aaway. Tulad na lang ngayon ay kalalabas ko lang sa kusina pero naririnig ko na naman ang boses ng bunso namin.

“Daddy, I hate you po!” sabi niya pero magalang pa rin naman pero hindi ko pa rin nagustuhan ang narinig ko dahil sinisigawan niya ang ama niya.

Umuwi na kami dito sa Pilipinas at dito na kami for good. Masaya kami sa US pero iba pa rin talaga kapag nandito rin
CALLIEYAH JULY

THANK YOU PO SA INYONG LAHAT! GOD BLESS PO!

| 48
อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป
บทที่ถูกล็อก
ความคิดเห็น (6)
goodnovel comment avatar
Anita Valde
kaugali kba Ng tita Libby mo Bunso hehehehe
goodnovel comment avatar
Rachel Dela Vega Matucad
thank you author
goodnovel comment avatar
Rachel Dela Vega Matucad
lagot ka bunso pinapaiyak mo ang mommy mo
ดูความคิดเห็นทั้งหมด

บทล่าสุด

  • NINONG NOAH'S LOVE CONTRACT (SPG)   NASH TYLER, ANAK NG CONTRACTOR C37

    LETTISIA LORRAINEHindi talaga siya umuwi kaya lalo akong nainis sa asawa ko. Napuyat ako sa kakahintay sa kanya pero wala siya. Hindi ko alam kung ano ba ang pinagkakaabalahan niya at hindi siya umuwi. At hindi ko alam kung uuwi pa ba siya. Gusto ko sanang pumunta sa office niya pero mas mabuti na hintayin ko na lang siya dito sa bahay.Hindi rin siya tumatawag sa akin kaya naisip ko na ilagay na sa maleta ang mga gamit niya at palayasin na lang siya kapag late na naman siya o kapag umuwi siya ng gabi na.“Anak, kanina ka pa nakasimangot d’yan,” sabi sa akin ni mommy.“Kasi ‘yong asawa ko hindi man lang ako naalala. Kapag talaga ako nainis sa kanya ay hihiwalayan ko na siya. Lalo pa may mga pictures online na kumakalat na may kasama siyang ibang babae,” sabi ko kay mommy.“Kasama lang naman. Normal ‘yan dahil businessman ang asawa mo,” sabi sa akin ni mommy kaya napanguso ako.“Pero hindi siya nagparamdam sa akin. No calls, no text at hindi siya umuwi,” sabi ko pa.“Baka sobrang busy

  • NINONG NOAH'S LOVE CONTRACT (SPG)   NASH TYLER, ANAK NG CONTRACTOR C36

    LETTISIA LORRAINE“Anak, gusto mo ba talagang palitan ang pangalan mo?” tanong sa akin ng daddy.“Opo, dad. Gusto ko po sana, puwede po ba ‘yon?” tanong ko sa kanya.“Of course,” nakangiti na sagot niya sa akin.“Hindi po sa ayaw ko sa pangalan na binigay ninyo sa akin kundi dahil gusto ko po na magbagong buhay po. Gusto ko na pong kalimutan ang lahat ng mga pangit po naalala ko noon. At ang pangalan na ‘yon ang isa sa mga dahilan. Dahil ang buong akala ko talaga ay siya ang mommy ko. Kung puwede lang po nakalimutan ko na ang lahat ay gagawin ko,” sabi ko sa kanya.“Pero alam ko na pinipigilan ka ng sarili mo dahil sa asawa mo. Dahil sa mga alaala na mayroon ka kasama siya. Na kahit pa hindi malinaw ay alam ko na naging masaya ka. Sorry, kung nangyari ang lahat ng ‘yon, anak ko,” sabi sa akin ni daddy.“Wala ka pong kasalanan, daddy. Ako po ang dapat na magsorry, Kasi po nasaktan kita, kayo ni mommy and thank you kasi alam ko na kahit pa nasasaktan kayo ay mas pinili niyo pa rin na m

  • NINONG NOAH'S LOVE CONTRACT (SPG)   NASH TYLER, ANAK NG CONTRACTOR C35

    NASH TYLER“CONTINUATION OF FLASHBACK)“Siya si Zia? Ang tunay na Zia,” sambit ko at naikuyom ko ang mga palad ko sa galit dahil niloko nila ako. Hindi ko ito kayang palampasin.Ngayon na alam ko na ang asawa ko ang tunay na Zia ay hindi ko na bibigyan ng pagkakataon na magpaliwanag ang imbestigador na kinuha ko. Pinadampot ko na agad siya sa pulis kasama ang impostor niya.“Mr. Villamor, siya po talaga ang pinapahanap mo, siya po talaga!”“Mabubulok ka sa kulungan, kayong dalawa,” sabi ko sa kanya.“Nash, please. ‘Wag mo ako isali. I’m sorry nagkamali ako pero naging classmate mo talaga ako noon. Naging classmate niyo ako ni Allezia noon,” sabi niya sa akin.“Kaya pala alam mo ang ibang bagay tungkol sa kanya. Pero kahit pa naging classmate kita at dapat mong pagbayaran ang kasalanan mo kaya pasensyahan na lang tayong dalawa,” sabi ko sa kanya.“Nash, please. I’m sorry.”Hindi ko na siya pinansin at lumabas na ako. “Fabio, where’s my wife?” tanong ko sa kapatid ko dahil silang dalaw

  • NINONG NOAH'S LOVE CONTRACT (SPG)   NASH TYLER, ANAK NG CONTRACTOR C34

    NASH TYLER(FLASHBACK)“Bro, restroom lang ako,” narinig ko na sabi sa akin ng kaibigan ko.“Okay, bro. Bahala ka,” sabi ko sa kanya dahil alam ko naman ang gagawin niya doon.Ako naman ay uminom lang pero nang maubos ang alak ko ay lumapit ako papunta sa may bar counter at bumili pa ako ng alak.“Isa pa po, kuya.” narinig ko ang malamyos na boses ng isang babae.Medyo madilim dito pero nang lumingon siya sa akin ay nagtama ang mga mata naming dalawa.“Zia,” mahina na sambit ko.“Sure ka ba na kaya mo pa, Miss? Mukhang lasing ka na eh,” sabi ng bartender.“Kaya ko pa po, kuya. Isa pa. Please,” sabi niya pero nakatingin siya sa akin.“Ang gwapo mo,” sabi niya sa akin kaya mas lalong lumakas ang t*bok ng puso ko.“What did you say? Who are you?’ sunod-sunod na tanong ko sa kanya.Alam ko na lasing ako pero alam ko rin na tama ang isip ko.“Ako, ako si Lettisia Lorraine Mallen,” sagot niya sa akin.“Mallen?”“Yes, Mallen ako. Bakit, kilala mo ba ako?” tanong niya sa akin.“Pareho ang k

  • NINONG NOAH'S LOVE CONTRACT (SPG)   NASH TYLER, ANAK NG CONTRACTOR C33

    NASH TYLER“Tita Lib, ano ba ang gagawin ko?” tanong ko sa tita ko dahil sinadya ko siyang puntahan ngayon.“Ang dapat mong gawin ay magstay, kung ‘yan ang nais ng asawa mo. Sa tingin mo ba ang pagtakas ang solusyon sa lahat? Sa tingin mo ba ang pagkulong sa kanya ay naging maganda? Kapag aalis kayo ay hindi pa rin naman kayo malaya, wala pa rin namang kalayaan kaya ang mas mabuting gawin ay ang harapin niyo para matapos na,” sagot niya sa akin.“Tutulungan mo ba kami?” tanong ko sa kanya.“Kaya mo na ‘yan,” sabi niya sa akin.“Pero–”“Matalino ka kaya alam mo na kaya mo. At isa pa kilala mo na ang kaaway ng pamilya ng asawa mo. Hindi puwedeng mangialam ang mga agent sa mafia,” sabi niya sa akin.“Bakit po?”“Alam ko kasi na kaya niyo na ‘yan? Wala namang kailangan na iba, kundi ang matapos na lang ito,” sabi niya sa akin.“Ayaw rin naman niyang umalis. Gusto niyang makasama ang pamilya niya,” sabi ko sa tita ko.“Sa tingin ko ay tama siya. Sa tingin ko ay mali na magsayang na naman

  • NINONG NOAH'S LOVE CONTRACT (SPG)   NASH TYLER, ANAK NG CONTRACTOR C32

    NASH TYLER“Iho, can we talk?” tanong sa akin ng daddy ng asawa ko.“Yes po, Sir.”“Call me dad, asawa ka ng anak ko kaya dapat lang na daddy ang itawag mo sa akin.”“Ano po ang pag-uusapan natin, dad?”“Puwede mo bang ilayo dito ang anak ko?” tanong niya sa akin.“Po?”“Naisip ko lang kasi na kapag nandito siya ay mapapahamak siya. Kaya binibigay ko na siya sa ‘yo dahil alam ko na aalagaan mo siya. Pinagsisihan ko ang pagkulong ko sa kanya. Alam ko na malaki ang galit niya sa akin sa mga kasinungalingan na hinayaan ko lang na paniwalaan niya. Pero ginawa ko lang ‘yon para sa kanya dahil mahal na mahal ko siya at ayaw ko na mawala siya sa amin,” sabi niya sa akin at nakita ko ang pagpatak ng luha sa mga mata niya.“Opo, hindi tama ang ginawa mo pero dahil rin sa ginawa mo ay safe pa rin siya hanggang ngayon. Alam ko kung gaano mo kamahal ang anak mo at kung nais mo po talaga na sa akin na siya ay gagawin ko ang lahat para alagaan at protektahan siya. Asawa ko po siya at mahal na mahal

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status