Share

CHAPTER 29.2

"Ngayon quits na tayo," Napatingin naman si Zyrex dito dahil mukhang tuwang-tuwa ito. "Dati tubig mo ang ininom ko, ngayon tubig ko naman ang ininom mo," Mas lumawak ang ngiti ni Zyrez ng maalala ang pangyayaring 'yon.

"Naaalala mo pa pala iyon?" sambit niya.

"Oo naman, naalala ko rin noong magkasama tayo sa bahay mo tapos sinusuot ko yung mga damit mo, mas gusto ko pang isuot iyon kesa sa mabibigat na damit na 'to," nakanguso nitong turo sa suot na damit, "Tapos kung ano-ano pa ang nilalagay sa buhok ko, hindi ko naman alam kung para saan. Para tuloy ang walking christmas tree," Hinawakan pa nito ang ilang pang-ipit sa buhok, "Kahit sa paliligo ko, ang dami kong kasama sa banyo. May inilalagay silang kung ano-ano sa tubig tapos may bulaklak pa, eh hindi naman 'yon bumubula, anong silbi noon?" Natatawa siya sa mga sumbong nito.

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status