"... Tapos nakita kong nasundan ako ng grupo ni Maylo. Nataranta ako kaya't nahiwa ako sa leeg. Nakalimutan ko kasi may patalim nga palang nakatutok sa leeg ko, pero alam kong iniwas yun ni Blacky dahil kung hindi, nahati na ang leeg ko," masiglang pagkukwento ni Reyna, "hinila ko si Blacky para makapagtago, pero nakatulog ako ng may maramdaman akong mahapdi sa batok ko. Kinagat yata ako ng lamok." Uminom ulit siya sa hawak na bote ng softdrinks.
Nakaupo naman ito sa harapan niya habang mataman siyang pinagmamasdan habang nagsasalita.
"Bukod sa nakabalot ng itim yung suspek, ano pa ang natatandaan mong pagkakakilanlan niya?"
"Boses."
Napaayos ito ng upo.
"What kind of voice?" seryoso nitong tanong.
Sabagay hindi pa naman ito ngumingiti ng makita niya.
"Boses na nakakamatay."
"Can you elaborate?"
"Kapag narinig ko ulit baka makilala ko."
Bumuntong hininga ito.
"Thank you for your cooperation," sambit nito.
Nauunawaan na niya ang mga sinasabi nitong ka-alien-an, busog na kasi siya.
"Kailangan ko pa bang bumalik dito?" tanong niya
"No need."
"Sayang, ang sarap pa naman ng pagkain," nanlulumo niyang sambit.
"Again, thank you for your cooperation Miss...?" Ay, hindi pa pala niya nasasabi ang napakaganda niyang pangalan.
Tumayo si Reyna at nagsimulang magpakilala.
"Ako ang kahanga-hanga, katangi-tangi at kagila-gilalas na reyna. Ako si Reyna Anastacia Goldenhand," proud niyang pakilala.
Syempre dapat lang siyang maging proud, pangalan na nga lang ang maganda sa kanya eh.
"Ms. Goldenhand..."
"Reyna na lang. Kunwari close na tayo. Ang sarap ng pagkain eh," nakangiti niyang sabi.
"Ms. Reyna..."
"Huwag mo ng lagyan ng Miss hindi bagay eh. Reyna na lang."
"Reyna..."
"Yan mas maganda..."
"Will you please stop interrupting and let me finish talking?!" naiiritang sigaw nito.
Napatigil naman si Reyna sa pagsasalita ng sumigaw ito. Maging ang itsura nito ay nakakatakot na. Umiigting ang panga nito at bahagyang namumula ang mukha.
Okay... Bakit kaya ito nagagalit?
Tumango na lang siya at hindi nagsalita.
Huminga ito ng malalim. Hinilot pa ang pagitan ng kilay bago tumingin sa kanya.
"As I was saying, thank you for your cooperation. I suggest you stay in our custody for your safety. I'm sure the culprit will be back to kill you. We need to find the suspect based on your description and investigate him. We can use the advantage of your skills by recognizing his voice. If his crime was proven not guilty, then the case is solve," nakanganga lang siya sa sinabi nito, "What can you say?"
Hindi pa rin siya nagsasalita.
"You can talk."
Hindi pa rin siya nagsasalita.
"I said, you can talk now."
Parang nauubusan na naman ito ng pasensya sa kanya.
Nakatingin lang siya dito.
"Pwede ka nang magsalita." Bumabalik na naman ang pamumula ng mukha nito. Parang nag-uumpugan rin ang ngipin nito sa hindi malamang dahilan.
Ngumiti siya dito pero matalim ang tingin nito sa kanya.
"Pwede pakitranslate? Ang haba eh."
Mas umigting ang panga nito at tila sasabog na habang nakatingin sa kanya. Muli nitong kinuha ang telepono.
"Corales, bring her back to where she came from, NOW!" Napaiktad pa siya ng pabagsak nitong binaba ang telepono.
Isang marahas na pagbukas ng pintuan ang narinig niya. Pumasok yung lalaking nagdala ng pagkain sa kanila kanina.
"M-miss hatid na kita." Bakit ba palagi itong kinakabahan? Parang ayaw rin nitong makasalubong ang tingin nung alien sa harapan namin.
"Alam ko na," sambit niya at tumayo mula sa pagkakaupo. Lumapit siya sa lalaking bagong dating, "kasalanan mo." Napakunot noo ito sa sinabi niya.
"H-huh?"
"Kasalanan mo kung bakit mukha siyang galit."
"Huh?"
"Ay naku, ginalit mo ang Alien na yun." Turo ni Reyna sa lalaking nakaupo pa rin sa harapan ng mesa nito. "Lagot ka," pananakot niya dito.
"Corales. Bring. Her. Outside."
"Y-yes sir." Hindi na siya pinagsalita ng lalaki at bigla na lang siya hinila palabas.
...
"Hindi mo na ako kailangan ihatid." Muli niyang sabi sa pagpupumilit nitong ihatid siya.
"Magagalit ang Boss ko."
"Kanina pa siyang galit, anong mababago roon at isa pa wala rin naman akong tirahan, kaya saan mo ako ihahatid?"
"Saan ka natutulog?" Nagtataka siya kung bakit ang dami nitong tanong.
"Bakit ang dami mong tanong? Diyan kana nga." Iniwanan na lang niya ito at nagsimula maglakad.
...
...
...
Nahahapong napasandal si Xero sa kanyang swivel chair. Hindi na biro ang nangyayari ngayon. Sunud-sunod ang mga murder na nagaganap. May grupo, duo at individual. Hindi pinipili kahit anong distrito.
Sumakit rin ang ulo niya dahil sa kausap kanina. Malaking tulong ang sinabi nito pero kapalit nun tumaas yata ang blood pressure niya. Nakakahighblood ang babaeng yun.
"S-sir?"
Umayos siya ng upo ng marinig ang boses ni Corales.
"Did you send her back?" Napakabilis naman yata nitong nakabalik.
"A-ayaw po niyang magpahatid. Wala naman daw po siyang tirahan."
Inaasahan na niya ito. Base sa itsura ng babae, malamang kung saan ito abutan ng pagod doon ito magpapahinga at matutulog.
"Watch her closely. May hinala akong babalikan siya ng suspek."
"Yes Sir." Sumaludo muna ito bago umalis.
Kinuha naman niya ang cellphone.
"Dude. Long time no hear. May problema ka ba sa babae?" sagot mula sa kabilang linya.
"Shut up, Gas. Let's hang out."
"Woohh! Finally, lalabas ka na rin ng boring mong opisina."
"Call the others. Sa dating tambayan tayo sa Orange District." Pinatay niya ang cellphone at lumabas ng opisina.
...
...
Location: Orange District Urvularia City
"Zeus, sinong babae ang problema mo ngayon? Si Maxinne na naman ba?" bungad ni Gas ng makapasok siya sa silid.
Nasa isang private room si Xero kasama ang mga kaibigan sa loob ng Happy Night Bar ng Orange District. Ito ang high class at pinakasikat na Bar sa buong Urvularia. Dinarayo ito ng malalaking personalidad mula sa iba't-ibang distrito.
"Hayaan mo na kasi yung superstar na yun. Marami pang iba diyan," sang-ayon ni Asul.
"Hindi mo naman masisisi itong kaibigan natin. Sa ganda ni Maxinne walang panama kahit sinong babae sa buong Urvularia," komento ni Luck.
"Huwag kang magsalita ng tapos. May balita akong magaganda rin daw ang mga babaeng miyembro ng Elite Soldiers maging ang Prinsesa ng White Palace. Nagkataon lang na si Maxinne ang kilala at laging nasa pahayagan at telebisyon," giit ni Gas.
"Hihintayin kong may maka-date kang Elite Soldier, tingnan natin kung abutan kapa ng kinabukasan," natatawang sagot ni Luck.
"Wala naman akong nabalitaang babaeng myembro ng Elite Soldier. Saan mo nakuha ang impormasyong yun?" nagtatakang tanong ni Asul.
"Matagal ko na yung narinig. Hayaan na natin yun. Balik tayo sa problema ni Zeus. Si Maxinne na naman ba?"
"It's not her."
"Wohh! Nakamove on kana?" kantiyaw ni Gas.
"Pareng Gas, hindi nga daw naging sila," tumawa si Luck at nakipag-appear kay Gas.
Uminom na lang siya sa hawak na baso habang pinapakinggan ang pang-aasar ng mga kaibigan. Nagyaya siyang lumabas para maaliw pero siya ang ginawang aliwan ng mga ito.
"Trabaho?" Napalingon siya nang magsalita si Asul. Ito lang yata ang maayos kausap sa mga kaibigan niya.
Tumango siya.
"Another corpse in Black District."
"Hindi naman nawawalan ng gulo sa Black District, so… anong bago?" balewala nitong tanong.
"Nakapagtatakang nag-iwan ng witness ang killer." Sumandal siya habang pinapanood ang dalawang kaibigan na nag-aagawan sa mikropono ng videoke sa silid.
"Edi mapapadali ang trabaho mo. Anong problema?"
"Assassin."
"Alam ba ng asawa ko na pumunta ka rito?" Bungad agad ni Lara ng dumating sila."Siguradong alam na niya pero 'wag kang umasa na siya ang nagsabi." Sagot ni Raya.Napailing na lang si Lara."Huwag matigas ang ulo Tana. Anytime pwede ka ng manganak." Sermon din nito sa kanya."Napapansin ko sa inyong dalawa, palagi niyo na lang akong sinesermonan?" Reklamo ni Tana."Ang tigas kasi ng ulo mo!" Sabay na sagot ng dalawa."Nasaan pala ang Mayti?" tanong na lang niya.Sigura
One year later."I need my boat!" Malakas na boses ni Tana ang umalingawngaw sa loob ng kanilang mansyon."Apology my Queen, kabilin-bilinan po ni King Zeus ay huwag kang hahayaang maglayag ngayon," Natatakot na paliwanag ng isa sa mga inatasang guwardiya na magbabantay sa kanya."Wala akong pakialam! Ihanda mo ang aking sasakyan. Gusto kong maglibot sa Urvularia." Maotoridad niyang sabi."Ngunit mahal na Reyna, kabuwanan mo na po." Nag-aalalang sagot nito.Napatingin naman si Tana sa umbok ng kanyang tiyan."Babies, do you want to ride with Mom
"You are my every dream come true, and I can't wait for the reality we get to build together. I promise to be your guiding light in the darkness, a warming comfort in the cold, and a shoulder to lean on when life is too much to bear on your own. I'm madly in love with you, my husband. Not only do I promise that my love for you will grow with each day, but I promise to be your friend and partner every step of the way. I will be there for you, day or night, richer or poorer, in sickness and in health. I trust, appreciate, cherish, and respect you. I promise to share with you my hopes and dreams as we build our lives together. You, my love, are my everything."Isinuot niya ang singsing sa daliri nito, pero ang magaling niyang asawa hindi na makapaghintay at siniil na siya ng halik."Princes and Princesses are coming!" Sigaw mula sa mga
"Tana!"Magkasabay na sigaw ni Raya at Lara ng makita si Tana."Lara, Raya!" Salubong niya sa mga kaibigan, "Kamusta na kayo?" tanong niya ng yumakap ang dalawa."Madaya ka talaga, Tana. Hindi ka man lang nagpaalam sa'kin ng umalis ka," Sumbat ni Raya na umiiyak sa balikat niya."Pasensya na," aniya."Ano pa bang magagawa ko? E, nangyari na." Sagot ni Raya.Humiwalay ang dalawa sa kanya ng lumapit ang iba pa."Tana,""King Yutern," bati niya rin sa lalaki.
Tanging kay Adelein lang siya nagpaalam ng umalis sa Blue District dala ang isang mapa na natagpuan niya mismo sa drawer ng mga magulang. Ito ay mapa ng isang napaka-layong isla kung saan maaari niyang matagpuan ang kapatid. Ilang araw siyang naglakbay sa karagatan para lang matunton ang islang iyon. May mga napagtanungan na rin siyang mangingisda at tulad niyang maglalayag pero walang ideya ang sinuman tungkol sa isla. Patuloy lang siya sa paglalayag hanggang hindi niya inaasahan na makakasalubong ang malakas na bagyo. Hindi niya iyon naiwasan at kasama siyang natangay ng nagwawalang panahon pailalim sa tubig. Akala niya doon pa siya mawawalan ng buhay pagkatapos ng mga nangyaring digmaan pero iyon pala ang magdadala sa kanya patungo sa kakambal.Nagising si Tana sa isang kubong yari sa mga light materials. 'Yung iba mukhang napaka-luma na pero nagamit pa rin upang makumpleto ang
Nang makabalik si Aurus sa inookupang silid nila ni Zeus ay hindi na siya dinalaw ng antok. Maaga niyang sinamahan si Zeus patungo sa kubo ni Tana."Where are we going?" Tanong ni Zeus.Hindi sumagot si Aurus hanggang makarating sila sa kubo."What are we doing here?" Nagtatakang tanong ni Zeus.Kanina paggising niya, niyaya kaagad siya ni Aurus palabas ng silid. Sinabi nitong may importante silang pupuntahan.Kumunot ang noo ni Zeus ng makitang lumabas si Gaia sa kubo."Go inside," Malamig nitong sabi kay Zeus at nagtungo sa isang puno hindi kalayuan sa kubo.