Share

CHAPTER 4.2

Author: Maybel Abutar
last update Last Updated: 2021-09-17 08:49:16

Gulat na napatingin si Asul sa kanya.

"Assassin killed an Assassin," pagpapatuloy niya.

"Kung ganun, hindi mo pwedeng pakialaman ang kasong yun?"

Tumango siya.

It’s a conflict between Assassins at hindi siya pwedeng makialam bilang detective. May batas ang Urvularia para mapanatili ang kapayapaan sa lahat ng distrito. Hindi pwedeng pasukin ng Mend Organization ang problema sa loob ng Havoc Organization.

"Paano kung magkaibang organisasyon yung mga Assassin?"

"Chaos." Binaba niya ang hawak na baso sa mesa at tumingin sa kaibigan. "Walang ibang organisasyon ang may permit mula sa White District maliban sa Mend at Havoc. Kaya't isang kaguluhan ang magiging hatid kung mayroon mang susulpot na ibang organisasyon." 

Natahimik rin si Asul.

"Oi mga dude, anong problema natin?" nakangising tanong ni Luck. Umupo ito sa gitna nilang dalawa ni Asul.

"Nothing. Let's enjoy the night," si Asul ang sumagot.

Tahimik lang siyang umiinom hanggang magkayayaan na silang umuwi.

...

...

"Dance Lira, sway your hips!"

"Lira!"

"Lira!"

"Lira!"

Napahinto si Xero at ang mga kaibigan niya dahil sa nangyayari sa gitna ng dance floor.

Nakatungo ang isang babae habang napapalibutan. Halatang mga estudyante ito ng La Mier University ng Orange District.

"I saw their future," sambit ni Asul habang nakatingin sa sitwasyon sa ibaba.

"Are you some sort of Fortune Teller? I thought you're a Mire from Green District which is good in poison? Manghuhula kana rin pala?" biro ni Gas.

"I need someone to test my new invented poison, want to try?" nakangising tanong ni Asul kay Gas.

Umatras naman si Gas at nagtago sa likuran niya.

"Future Black District citizen," sambit niya.

"Lira don't be killjoy. Dance!" Nagtawanan ang nakapalibot sa babae lalo na ng matumba ito dahil sa panghaharass ng iba.

"Killjoy Lira!"

"Killjoy Lira!"

"You're not my friend anymore!" nakapameywang na sabi ng isa.

"Y-you didn't treat me like one,” umiiyak na sambit ng babae.

"Because you’re a loser." Malakas na tumawa ang babae at muling tinulak ang isa.

"Let's make a good news tomorrow. Lira the loser is clubbing." Iniwan ng grupo ang babaeng nakaupo sa gitna.

Pinagmasdan lang nila itong tumayo at lumabas ng Bar.

"La Mier is almost like Black District. Full of brats ang bullies," sambit ni Luck.

"You're working there. Why did you let those students bully the weak?" sagot naman ni Gas.

"Simple. Because, I'm not working now," nakangising sagot nito.

Nagpatuloy ang sagutan ng dalawa hanggang makalabas sila.

...

...

Location: Yellow District Urvularia City

Mend Organization Main Headquarter

"Good morning, Xero," nakangiting bati ng kasamahan niyang Agent ng makasalubong niya.

"Morning Mist," simple niyang tugon.

"Nabalitaan kong may bago kang kaso sa Black District. Kailangan mo ba ng partner? Sabihan mo ko agad ah." Nakangiti pa rin ito sa kanya.

"It's not my decision to make."

"But… can you suggest me?" Nakasunod pa rin ito sa kanya kahit magkabilang hallway ang departamento nila.

"No. Go back to your department." Dumiretso siya sa kanyang opisina at hindi na binigyan pansin ang pangungulit ng babae.

...

Isang katok sa kanyang pintuan ang narinig niya.

"Come in." Hindi niya inabalang tingnan kung sino ang kumatok. Papasok din naman ‘yon sa loob.

Isang cup ng kape ang nilagay sa table niya kaya tiningnan niya kung sino ang may dala.

"Agang-aga nakakunot noo ka. Magkape ka muna."

"Why are you here, Tauro? Sa kabila ang department mo." Umayos siya ng upo at kinuha ang dala nitong kape. Umupo naman sa harapan ng mesa niya si Tauro.

"Kumusta ang pangliligaw sayo ni Mist, may improvement na ba?" Tumataas-baba ang kilay nito sa kanya habang nakangisi.

"It's not proper to ask that question during work hours. Go back to your work."

Tumawa ito.

"Hindi talaga yan ang sadya ko sayo." Umayos ito ng upo at bahagyang lumapit sa table niya. Tumingin pa ito sa pintuan. "May problema ka raw sa babae? Sa itsura mong yan nagkakaproblema kapa? Nasaan ang hustisya, Bro?"

Malamig niya itong tiningnan.

"Biro lang Bro, may meeting tayo 10:00am sharp. Seeyah." Nagmadali itong lumabas ng opisina niya.

Tauro is his co-agent in field. Naging partner na niya ito sa isang kaso sa Purple District.

...

...

Nagtungo si Xero sa conference room 5 minutes before the exact time. Nadatnan niya sina Mist at Tauro.

"Hi Xero."

"Bro."

Bati ng dalawa na tinanguan lang niya. Umupo siya sa bakanteng silya maliban sa center na nakalaan sa Chief. Ilang saglit lang ang dumating na rin ang Chief.

"Good morning."

"Good morning, Chief Makoto."

"I'm gathering you here to talk about a new assignment." May inabot itong papel sa kanilang tatlo. "A secret mission for the three of you."

"Chief... How about the case in Black District?" tanong niya.

"Leave that case alone. Hindi natin pwedeng pasukin ang Havoc."

"How about the witness? We need to ensure her safety," paalala niya.

Huminga ng malalim si Chief Makoto.

"I know, but we can't meddle with them."

"Bro, chix ba yang witness? Willing akong magvolunteer for her safety."

"Let's go back to our new assignment. Set aside Havoc's matter." Natahimik sila sa seryosong tono ni Chief.

Tiningnan niya ang hawak na papel. Isang sketch ang naroon.

"White Palace is searching for that person. You need to find her as soon as possible."

"Who is she?" Mist asked.

"She is considered a Princess. The King and her late parents are friends. She grew up beside the Ruler but Princess Asia left the Palace for unknown reason."

"Wala bang mas malinaw na larawan dito Chief? Siguradong may picture ang prinsesa." tanong ni Tauro.

Hindi clear ang sketch kaya mahihirapan silang i-identify ang prinsesa. Pinagmasdan niya ang sketch ng may mapansin sa collarbone nito.

"What is this?" tanong niya.

"Birthmark." sagot ni Chief. "You can identify her using that birthmark. This is top-secret operation para ibalik ang prinsesa sa White District. Hindi pwedeng humingi o mag-issue ng larawan ang White Palace dahil matutunugan ng iba na wala ito sa palasyo. Iniiwasan ng palasyo ang panibagong issue kasunod ng naantalang koronasyon ng susunod na Ruler 1 year ago."

"May pangalan po ba ang nagbigay ng assignment?" si Mist ang nagtanong.

"Unknown. Yan ang nakalagay sa mission request."

"Something's fishy," komento ni Tauro habang nakatingin sa sketch. "but the birthmark is something… unique."

Napansin niya rin yun. It looks like a dagger.

"Birthmark ba talaga to or tattoo?" tanong muli ni Mist.

"Whether birthmark or tattoo, makakatulong yan sa inyo. Sisimulan niyo ito bukas. In addition, guys, hide your identity being agent. That's for your safety especially in Black District. Understood?"

"Yes chief."

"Good. Report every end of the week. Assignment duration is 5 months. Do it as soon as possible."

"Noted Chief."

"You're dismissed."

Nagkatinginan silang tatlo ng makalabas si Chief Makoto.

"Mukhang exciting ang assignment na to. Magagamit ko ulit ang aking birth name," excited na sambit ni Tauro or let say Arthur Li.

"Yeah. Matagal-tagal ko na rin hindi nagagamit ang pangalan ko simula ng makapasok ako sa Mend," Mist added or let say Sarci Guava.

"Do you want to say something, Zeus Londello?" nakangising tanong ni Tauro.

"Let meet at Black District entrance tomorrow at 7:00 am sharp," seryoso niyang sabi.

"Bakit Black District agad?" reklamo ni Mist.

"Mas mahirap maghanap sa Black District," sagot niya.

"Di ba dapat sa mas madali muna?" tanong naman ni Tauro na sinang-ayunan ni Mist.

"Kung ayaw magpakita ng taong nagtatago. Definitely pupunta siya sa lugar na mahirap siyang masundan."

"Pero isa siyang prinsesa. Delikado para sa kanya ang manatili sa Black District," Tauro commented.

"That's why we need to find her asap. If we came late, baka maexpose ang katauhan niya and I won't let that happen."

"Yeah right. Detective Xero never failed his mission," nakangiting sambit ni Mist.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • NOTORIOUS   EPILOGUE 1.2

    "Alam ba ng asawa ko na pumunta ka rito?" Bungad agad ni Lara ng dumating sila."Siguradong alam na niya pero 'wag kang umasa na siya ang nagsabi." Sagot ni Raya.Napailing na lang si Lara."Huwag matigas ang ulo Tana. Anytime pwede ka ng manganak." Sermon din nito sa kanya."Napapansin ko sa inyong dalawa, palagi niyo na lang akong sinesermonan?" Reklamo ni Tana."Ang tigas kasi ng ulo mo!" Sabay na sagot ng dalawa."Nasaan pala ang Mayti?" tanong na lang niya.Sigura

  • NOTORIOUS   EPILOGUE 1.1

    One year later."I need my boat!" Malakas na boses ni Tana ang umalingawngaw sa loob ng kanilang mansyon."Apology my Queen, kabilin-bilinan po ni King Zeus ay huwag kang hahayaang maglayag ngayon," Natatakot na paliwanag ng isa sa mga inatasang guwardiya na magbabantay sa kanya."Wala akong pakialam! Ihanda mo ang aking sasakyan. Gusto kong maglibot sa Urvularia." Maotoridad niyang sabi."Ngunit mahal na Reyna, kabuwanan mo na po." Nag-aalalang sagot nito.Napatingin naman si Tana sa umbok ng kanyang tiyan."Babies, do you want to ride with Mom

  • NOTORIOUS   CHAPTER 90.2

    "You are my every dream come true, and I can't wait for the reality we get to build together. I promise to be your guiding light in the darkness, a warming comfort in the cold, and a shoulder to lean on when life is too much to bear on your own. I'm madly in love with you, my husband. Not only do I promise that my love for you will grow with each day, but I promise to be your friend and partner every step of the way. I will be there for you, day or night, richer or poorer, in sickness and in health. I trust, appreciate, cherish, and respect you. I promise to share with you my hopes and dreams as we build our lives together. You, my love, are my everything."Isinuot niya ang singsing sa daliri nito, pero ang magaling niyang asawa hindi na makapaghintay at siniil na siya ng halik."Princes and Princesses are coming!" Sigaw mula sa mga

  • NOTORIOUS   CHAPTER 90.1

    "Tana!"Magkasabay na sigaw ni Raya at Lara ng makita si Tana."Lara, Raya!" Salubong niya sa mga kaibigan, "Kamusta na kayo?" tanong niya ng yumakap ang dalawa."Madaya ka talaga, Tana. Hindi ka man lang nagpaalam sa'kin ng umalis ka," Sumbat ni Raya na umiiyak sa balikat niya."Pasensya na," aniya."Ano pa bang magagawa ko? E, nangyari na." Sagot ni Raya.Humiwalay ang dalawa sa kanya ng lumapit ang iba pa."Tana,""King Yutern," bati niya rin sa lalaki.

  • NOTORIOUS   CHAPTER 89.2

    Tanging kay Adelein lang siya nagpaalam ng umalis sa Blue District dala ang isang mapa na natagpuan niya mismo sa drawer ng mga magulang. Ito ay mapa ng isang napaka-layong isla kung saan maaari niyang matagpuan ang kapatid. Ilang araw siyang naglakbay sa karagatan para lang matunton ang islang iyon. May mga napagtanungan na rin siyang mangingisda at tulad niyang maglalayag pero walang ideya ang sinuman tungkol sa isla. Patuloy lang siya sa paglalayag hanggang hindi niya inaasahan na makakasalubong ang malakas na bagyo. Hindi niya iyon naiwasan at kasama siyang natangay ng nagwawalang panahon pailalim sa tubig. Akala niya doon pa siya mawawalan ng buhay pagkatapos ng mga nangyaring digmaan pero iyon pala ang magdadala sa kanya patungo sa kakambal.Nagising si Tana sa isang kubong yari sa mga light materials. 'Yung iba mukhang napaka-luma na pero nagamit pa rin upang makumpleto ang

  • NOTORIOUS   CHAPTER 89.1

    Nang makabalik si Aurus sa inookupang silid nila ni Zeus ay hindi na siya dinalaw ng antok. Maaga niyang sinamahan si Zeus patungo sa kubo ni Tana."Where are we going?" Tanong ni Zeus.Hindi sumagot si Aurus hanggang makarating sila sa kubo."What are we doing here?" Nagtatakang tanong ni Zeus.Kanina paggising niya, niyaya kaagad siya ni Aurus palabas ng silid. Sinabi nitong may importante silang pupuntahan.Kumunot ang noo ni Zeus ng makitang lumabas si Gaia sa kubo."Go inside," Malamig nitong sabi kay Zeus at nagtungo sa isang puno hindi kalayuan sa kubo.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status