Share

Kabanata 8

Author: Wallace Bond
“Mayroon ngang pangaakit na magaganap pero hindi ako ang gagawa nito,” nakangisi kong sinabi nang makarating kami sa room 701.

Tumango ako sa staff na nagswipe sa key card. Bumukas ang pinto papasok sa hotel sa pamamagitan ng mahinang pagbeep nito.

“Ah! Sino iyan?” Isang sandaling natahimik ang buong kwarto bago mabasag ng boses ni Blair ang katahimikan.

Natigilan si Liam habang nanlalaki ang kaniyang mga mata sa pagkagulat. “Blair? Ano ang ginagawa mo rito?”

Naglakad si Liam papunta kay Blair pero agad na hinarang ng nakatapis lang na si Blair si Liam sa daraanan nito.

Natitigilan at nauutal nitong sinabi na, “Ano ang ginagawa mo? Nagshoshower ako ngayon.”

Tumingin si Liam sa loob ng kwarto. “Bakit ka nasa loob ng hotel room ngayon?”

Kalmado akong sumandal sa pintuan ng hotel. “Liam, pamilyar ba sa iyo ang eksenang ito o kailangan ko pang ipaliwanag ang lahat?”

Tumitig ang galit na mga mata sa akin ni Blair habang sinusubukan nitong isara ang pinto. “Mayroong conference sa hot
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Nabaliw Ako Dahil sa Kasinungalingang Brain-dead Ang Anak Ko   Kabanata 9

    Hindi ganoon kalaki ang city kaya agad na kumalat ang matitinding pasabog nina Liam at Blair sa lahat kinabukasan.Hindi naman nagawang magreport ni Mr. Zimmer sa mga pulis o magsampa ng kahit na anong kaso. Tahimik siyang nagpunta sa sarili niyang ospital para magpagamot, sinabi nitong nahulog siya kaya siya nagtamo ng mga galos sa buo niyang katawan.Hindi naman napigilan ng mga nars ang pagtawa habang nagbubulungan ang mga ito. “Nahulog? Nang may mga marka ng kamay sa kaniyang mukha?”Punong puno na ng kahihiyan si Blair para bumalik sa trabaho kaya kumapit ito kay Liam na para bang ito na ang nagiisang tao na kaniyang masasandalan. “Kasalanan ni Mr. Zimmer ang lahat ng ito. Pinilit niya lang ako para gawin ito. Boss ko siya kaya ano ang dapat kong gawin?”Tumayo ako sa labas habang nakikinig sa usapan nila habang naiisip sa aking sarili na hindi pa ito sapat. Kailangan pang makatanggap ng mas matinding balik ni Liam. Mabuti na lang at mayroon na akong nakahandang plano para rit

  • Nabaliw Ako Dahil sa Kasinungalingang Brain-dead Ang Anak Ko   Kabanata 8

    “Mayroon ngang pangaakit na magaganap pero hindi ako ang gagawa nito,” nakangisi kong sinabi nang makarating kami sa room 701.Tumango ako sa staff na nagswipe sa key card. Bumukas ang pinto papasok sa hotel sa pamamagitan ng mahinang pagbeep nito.“Ah! Sino iyan?” Isang sandaling natahimik ang buong kwarto bago mabasag ng boses ni Blair ang katahimikan.Natigilan si Liam habang nanlalaki ang kaniyang mga mata sa pagkagulat. “Blair? Ano ang ginagawa mo rito?”Naglakad si Liam papunta kay Blair pero agad na hinarang ng nakatapis lang na si Blair si Liam sa daraanan nito.Natitigilan at nauutal nitong sinabi na, “Ano ang ginagawa mo? Nagshoshower ako ngayon.”Tumingin si Liam sa loob ng kwarto. “Bakit ka nasa loob ng hotel room ngayon?”Kalmado akong sumandal sa pintuan ng hotel. “Liam, pamilyar ba sa iyo ang eksenang ito o kailangan ko pang ipaliwanag ang lahat?”Tumitig ang galit na mga mata sa akin ni Blair habang sinusubukan nitong isara ang pinto. “Mayroong conference sa hot

  • Nabaliw Ako Dahil sa Kasinungalingang Brain-dead Ang Anak Ko   Kabanata 7

    Nagngangalang Sophia ang batang babae na iyon, kaedad ito ni Mia. Kasalukuyan itong nakaupo sa likuran ng sasakyan ni Liam habanghawak hawak ang isang natutunaw na cone ng ice cream.Nagbibiro namang sinuntok ni Blair si Liam sa dibdib habang nakaupo ito sa passenger seat habang nagkukunwari itong naiinis. Natawa nang malakas si Sophia nang dahil dito na nagresulta sa pagtalsik ng natunaw na ice cream sa upuan.Hindi naman nainis dito si Liam. Mas tumindi lang ang tawanan nilang tatlo.Naging metikuloso si Liam sa kalinisan kaya hinding hindi nito hinahayaang magkalat ang sinuman sa amin ni Mia sa sasakyan kaya bawal kaming kumain sa loob nito.May isang pagkakataon na kung saan gutom na gutom na si Mia habang nasa gitna kami ng traffic. Hindi ko na matiis ang aking anak kaya ko siya binigyan ng isang bar ng chocolate.Ilang mga mismis nito ang natunaw at nahulog sa upuan kaya agad na naubos ang pasensya ni Liam. Pareho niya kaming pinababa ni Mia sa sasakyan.Wala akong nagawa s

  • Nabaliw Ako Dahil sa Kasinungalingang Brain-dead Ang Anak Ko   Kabanata 6

    Buong confidence akong sumigaw sa lahat. “Liam, sinusubukan mo talaga ang pasensya ko, kaya ibibigay ko s aiyo ang gusto mo!”Nang marinig ng lahat ang aking mga sinabi, biglang nagliwanag ang tahimik na screen sa labas ng room nang ipakita nito ang isang footage habang ipinaparinig nito sa lahat ang maharot na boses ni Blair.“Talaga? Nakakatakot na ako sa kalupitan mo!”Napatingin ang lahat sa screen na nagpakita sa isang footage mula sa loob ng private office ni Blair. Makikita siyang nakaupo sa kandungan ni Liam habang nakaakbay ito sa leeg ni Liam. Nangaakit na gumalaw ang kaniyang katawan sa kandungan ni Liam habang nagsasalita.“Sige na, sige na, huwag ka nang gumalaw. Pananagutan mo ba ako kapag naginit ang buong katawan ko?” Titig ni Liam kay Blair nang may pagkauhaw sa kaniyang mga mata.“Paano ko maililigtas ang ating anak na si Sophia kung hindi ako magiging malupit kay Mia?”“Daan daang libo ang halaga ng pagkaconfine sa ICU araw araw. Wala nang makapagsasabi kung ha

  • Nabaliw Ako Dahil sa Kasinungalingang Brain-dead Ang Anak Ko   Kabanata 5

    Napakagat na lang si Blair sa kaniyang labi nang marinig niya iyon, niyuko niya ang kaniyang ulo na para bang maiiyak na ito.“Hindi ko ito maintindihan. Isa itong bagay na napagkasunduan na ng pamilya. Buong araw na nagtrabaho ang aming team at nababahala na rin sa paghihintay ang mga reporter.”“Pero agad kaming napunta sa ganito katinding sitwasyon nang dahil lang sa pagtanggi ng isang miyembro ng pamilya na tanggapin ang katotohanan?”Hindi naman naiwasang magpakita ng suporta ng mga doktor at mga nars na nakapaligid sa kaniya.“Oo nga, nakita namin kung gaano kasipag sa kaniyang trabaho si Dr. Lincoln!”“At masisira ang lahat ng kaniyang pinaghirapan nang dahil lang sa isang kapamilya ng pasyente na naghahanap ng gulo!”“Sumangayon na ang babaeng ito na pumirma sa form. Isipin ninyo ang mga pamilya na naghihintay sa mga organ na iyon. Tuwang tuwa sila nang marinig nila ang balita! Pero binigyan lang natin sila ng pagkakataong umasa para sa wala. Walang puso ang sinumang gaga

  • Nabaliw Ako Dahil sa Kasinungalingang Brain-dead Ang Anak Ko   Kabanata 4

    Dali dali namang sumali sa usapan si Liam, “Bilang kaniyang kapamilya, sumasangayon ako rito!”Desperado akong nagpumiglas nang makita ko ang paglapit ng nars na may dalang syringe. Nagsisigaw ako pero walang sinuman ang lumapit sa akin para tumulong.“Itigil ninyo iyan! Pakawalan niyo siya ngayundin!” Nang bigla kong marinig ang isang malakas at naguutos na boses na nagpatahimik sa buong room.Dumating ang kapatid kong si Zac Jasper kasama ang medical team sa tamang oras.Nang makita kong natulala ang mga gwardiya ang mga nars, agad ko silang hinawi para sumugod papunta sa tabi ni Zac sa pamamagitan ng ilang mabibilis na hakbang.“Zac, pakiusap, iligtas mo si Mia!”Kinomfort niya ako sa pamamagitan ng pagtapik sa aking balikat bago siya galit na humarap kay Liam.“Tinutulungan mo ba talaga ang mga hindi mo kaano ano para saktan ang sarili mong asawa at anak?”“Nasaan na ang diagnosis na nagdedeklarang brain dead si Mia? Ipakita ninyo ito sa akin!”Nanginig ang buo kong katawa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status