Share

Kabanata 13

Author: A Potato-Loving Wolf
“Huh?” Napahinto si Harvey ng sandali at nakalimutang lunukin ang steak sa kanyang bibig. Bakit hindi niya alam kung ano ang mangyayari?

Si Xynthia ay mas nandiri ng makita niya na kumakain ng malakas si Harvey. Mayabang niyang sinabi, “Hindi ako takot na sabihin sayo. Si Brother Don ay opisyal na nagpropose ng pagpapakasal sa Zimmer family. Magpapadala siya ng dowries ngayong gabi. Kung may isip ka, wala kang gagawin. Kung wala naman...”

Inirapan siya ni Xynthia ng sinabi niya ito. Kahit na ang Zimmer family ay nagpapatakbo ng legal na negosyo, mayroon pa din silang ilang mga bodyguard. Kung ang taong ito ay gustong gumawa ng gulo, siguradong patutumbahin nila siya.

“Kung gayon, lahat kayo, manatili kayong tahimik. May sasabihin si Senior!”

Nasa pinakamataas na posisyon, si Senior Zimmer ay inunat ang kanyang kamay at kumatok sa lamesa. Inaasahan niya at sinabi, “Narinig niyo na siguro ang balita, tama? Hindi ako sigurado kung bakit, ngunit ang presidente ng York Enterprise ay biglang nagbago. Ang bagong presidente ay tinigil lahat ng mga investment nito dati. Karagdagan limang bilyong dollars ang naidagdag para mag-invest...”

“Hindi ko alam kung gaano ka misteryoso ang bagong presidente, ngunit ang kanyang paglitaw ay malaking oportunidad para sa Zimmer family!”

“Madaming pamilya at negosyo sa Niumhi ay naapektuhan. Ang sabi-sabi ay magkakaroon ng malaking pagbabago sa Niumhi...”

“Ang Zimmer family ay kinukunsidera bilang mayamang pamilya sa Niumhi ng ilang taon na. Ngunit tanungin natin ang ating sarili, tayo ay second-class na pamilya...”

“Kung gusto nating magkaroon ng mas malaking impluensya sa Niumhi at gusto na mas umunlad pa, kulang pa kung ano ang meron tayo ngayon...”

“Kung tayo—ang Zimmer family ay gusto maging first-class na pamilya, at maging top-class na pamilya na may impluwensya sa South Light sa hinaharap, kung gayon hindi dapat nating palagpasin ang oportunidad na ito!”

“Hanggat magagawa nating makipagtulungan sa York Enterprise, hanggat magagawa nating makasundo ang presidente, hanggang makaparte tayo sa limang bilyong dollars! Kung gayon, magagawa natin kung ano ang gusto natin sa Niumhi!”

Ang mga miyembro ng Zimmer family ay nagkatinginan sa isa’t isa sa katahimikan matapos na magasalita ni Senior Zimmer.

Pakikipagtulungan sa York Enterprise? Makasundo ang bagong presidente?

Alam ng lahat na isa itong pagkakataon, paano na lang ang Zimmer family. Sino sa buong Niumhi ang ayaw makipagtulungan sa York Enterprise? Sino ang ayaw makilala ang bagong presidente?

Subalit, ang York Enterprise ay sinusuportahan ng mga York sa South Light. Siguradong titignan nila pababa ang isang second-class na pamilya tulad ng Zimmer family.

Ang Zimmer family ay gustong kuhanin ang pagkakataon na ito para umunlad. Subalit, mukhang nangangarap lang sila dahil ang posibilidad na ito ay masyadong mababa.

Ang mukha ni Senior Zimmer ay nandilim ng nakita niyang walang tumutugon. Nalulungkot niyang sinabi. “Bakit? Sobrang ingay niyong lahat ng kinukuha niyo ang bonus niyo. Ngayon na kailangan niyong kumilos, lahat kayo’y umaatras na parang mga duwag! Mga talunan!”

Ang pinakamatandang lalaki sa Zimmer family, tito ni Mandy—si Sean Zimmer ay kumatok sa lames at sinabi, “Father, ang sinabi mo ay maganda. Ngunit ang problem ay hindi pa tayo nagtagumpay na makuha ang mga investment ng York Enterprise ng madaming taon. Dagdag pa dito, nagbago na sila ng presidente ngayon. Paano na lang magiging madali ang bagay na ito?”

Tinignan siya ni Senior Zimmer at mayabang na sinabi, “Kung madali lang ang mga bagay, nilutas ko na ito ng walang isang tawag. Kailangan ko pa ba kayong kausapin lahat?”

Ang mga mata ni Zack ay biglang kuminang. Tumayo siya at sinabi, “Lolo, baka alam ni Don kung sino ang bagong presidente tutal nagtatrabaho siya doon. Siguradong makakatulong siya na makuha natin ang investment na ito.”

Hindi ba’t nagpropose siya ng kasal kay Mandy? Magiging pamilya tayo hanggat pakakasalan siya ni Mandy. Gayunpaman hindi natin makukuha ng buo ang limang milyong dollars, maari pa din tayong makakuha ng ilang daang milyon. Kung makukuha natin ito, hindi ba’t uunlad tayo?

“Don Xander...” Medyo Napaisip si Senior Zimmer at natuwa siya ng tuluyan kay Don.

Tumingin si kay Mandy at sinabi sa hindi matatngihang tono. “Mandy, si Don ay matagal ng nagmamahal sayo. Dagdag pa dito, kami—ang Zimmer family ay kailangan ang tulong mo. Pakasalan mo siya.”

Si Mandy ay nabigla at hindi alam kung ano ang sasabihin. Kung gayon, pinipilit niya ba siyang makipag divorce? Ngunit…

Ang iba pang miyembro ng Zimmer family ay nakapagsalita bago pa may masabi si Mandy.

“Mandy, kailangan namin ang investment na ito.”

“Oo, kung wala ang investment na ito, baka malugi tayo!”

“Magandang pagkakataon ito para itapon na ang iyong walang kwentang asawa. Kailangan mong sunggaban ito!”

“Makakapagpasok ito ng investment sa ating Zimmer family. Magkakaroon ka din ng mayaman at gwapong asawa.”

Walang masabi si Mandy.

Sa sandaling ito, ang mga miyembro ng Zimmer family ay tumayo isa-isa, sinusubukang hikayatin si Mandy. Sa kanilang opinyon, ito ang pinakamagandang paraan para makakuha ng investment.

Narinig nila na si Don ay medyo kilala sa York Enterprise.

Kung siya ay handang makipagtulungan sa Zimmer family, magiging perpekto na ito.

Gamit ang perang ito, ang buong Zimmer family ay magagawang umangat sa susunod na lebel!

Tumayo si Lilian at sinabi, “Father, anong pagkakataon nga naman. Tinawagan ako ni Don kahapon at sinabi niya na gusto niyang pumunta at may gusto siya ianunsyo. Inimbitahan ko siya ngayon sa dinner na ito.”

“Talaga?” Si Senior Zimmer ay tumayo sa katuwaan. “Dalhin mo siya dito!”

Si Lilian ay natuwa na makita ang ekspresyon ni Senior Zimmer. Mukhang wala siyang nagawang mali. Ang kanyang anak ay sa wakas maiiwan na ang walang kwenta nitong asawa. Matatamasa na din niya ang karangalan at yaman. Salamat sa diyos!

Biglaan, nagdilim ang mga ilaw sa hall. Ang ilaw malapit sa pintuan ay sumindi at isang makisig na tao ang pumasok.
Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 5724

    Si Romina Klein ay matagal nang nagpapanatili ng Eve Clubhouse sa loob ng maraming taon. Ang lugar na ito ay isa ring mahalagang kuta para sa Tribong Wolven.At gayunpaman, nasira ito ni Harvey York nang ganoon na lamang!Mula noon, lubos na nasira ang reputasyon ng lugar na ito!Ang mga kilalang personalidad mula sa mga hangganan ng Bansa H at Mongolia ay hindi na gagastos ng kanilang pera dito.Maghahanap pa nga sila ng paraan para makapaghiganti.Pagkatapos ng lahat, napakarami sa kanilang pinaghirapang pera ang ninakaw dito.Malapit nang mawalan ng malay si Romina matapos makita ang tanawing nasa harap niya.Tingnan mo? Dapat sinagot mo na lang sana ang mga tanong ko sa simula pa lang.Hindi lang ang braso ko ang gusto mo, kundi pinadala mo pa ang mga walang silbing basurang ito para takutin ako.Ano ang punto?Bumuntong-hininga si Harvey.Hindi ko naman sinasadya na ganito ang mangyari...Pagkatapos, tumingin si Harvey sa karamihan sa paligid niya."Matagal ka nang ni

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 5723

    ”Pasensya na, pero hindi ko 'yan magagawa para sa iyo.”Nagtining nang malamig si Romina Klein.Bukod pa riyan, ikaw ang dapat magpaliwanag ng sitwasyon.Ikaw mismo ang magbabali ng braso mo? O gusto mo bang tulungan na lang ng mga tauhan ko? ”Tumawa si Harvey York bago kinuha ang isang dice sa mesa, ikiniling ang ulo niya sa gilid.Sigurado ka bang ako ang nangloloko?Hindi mo ba alam na kung ako'y iyong akusahan ng isang bagay na hindi ko ginawa sa harap ng napakaraming tao...Maaari ba kitang kasuhan ng paninirang-puri? ”Nanghamak si Romina.Gawin mo na! Tatawagan ko ba ang pulis para sa iyo?Gusto kong makita kung may inspektor na magtatanggol sa iyo! ”Nagsimulang tumawa ang lahat pagkarinig sa mga salitang iyon."Hindi alam ng lalaking ito kung ano ang makakabuti sa kanya, Ms. Romina!""Hindi ka niya nirerespeto dahil niloloko ka niya sa sarili mong teritoryo!" Nangmamaliit din siya sa ating lahat!"Ako na lang ang pipilipit ng braso niya para sa iyo!"“Hahaha!”

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 5722

    ”Narito ang iyong pera.”Bago pa man makapagsalita ang dealer, dahan-dahang bumaba si Romina Klein sa hagdanang paikot.Pagkatapos, pinulot niya ang isang tseke sa mesa bago ibigay kay Harvey York.Dahil bukas na ang Eve Clubhouse, natural lang na inuuna namin ang aming reputasyon kaysa sa lahat.Hangga't kaya mo, babayaran namin ang pitumpung milyon kung kinakailangan. Maaari mo ring kunin ang pera mula rito anumang oras mo gusto.Gayunpaman, natatakot ako na kailangan mo muna kaming bigyan ng isang braso.Wala na kaming gagawin sa inyo kung gagawin niyo 'yan.Nagsinghap ang lahat bago tumingin kay Harvey nang may paghamak.Nanalo siya ng pitong milyon sa loob lang ng tatlong round! Alam ng lahat na imposible iyan! ''Pagkatapos ng lahat, walang sinuman sa mundong ito ang magiging kasing-swerte! 'At kung nandito ang Crimson Spider, malamang na nahuli ang bata sa pagdaraya o kung ano pa man! 'Gusto mo bang ibigay ko sa'yo ang isang braso ko?Nakangiti si Harvey kay Romina

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 5721

    Binuksan ng dealer ang takip.Isa! Isa!Isa...?Agad lumala ang tiwalang tingin ng nagbebenta.Ang mga dyamante ay lahat tinimbang ng mercury.Maaari siyang gumawa ng anumang bilang na gusto niya.Plano niyang paglaruan si Harvey York sa pamamagitan ng paggawa ng huling numero na iba sa anumang itinaya ni Harvey...At gayunpaman, nangyari ito.Hindi makapaniwala!Binawi ni Harvey ang kamay niya mula sa mesa bago siya tumawa nang malakas.“Triples!"Pitong milyong dolyar na 'yan para sa akin!Hindi masama! Hindi naman masama! Mas mabilis ito kaysa sa pag-holdap ng bangko!Ibigay mo na ang pera ko! ”Agad nagdilim ang mukha ng dealer pagkakita kay Harvey na walang tigil sa pagtawa.Ang mga taong nakapaligid ay lubos ding nagulat.‘Triples?!’Nanalo talaga siya sa pustahan?! 'Hindi ako makapaniwala! 'Isang magandang babae sa balkonahe sa ikalawang palapag ang sumimangot habang nakapikit na tumitingin sa ibaba.Nagpakita si Harvey ng kakaibang tingin.Kinuha ng kalih

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 5720

    Nagkibitbalikat si Harvey York."Wala akong gaanong pera, pero madali ko pa rin 'yang magagawa dito..."Naghagis si Harvey ng dalawandaang libong dolyar na halaga ng chips sa mesa.Muli! Malaki ang gagawin ko! ”Malalim na tumingin ang dealer sa mga mata ni Harvey bago inalog ang tasa.Alisin ang iyong mga kamay kapag handa na! ”Maraming customer ang nagtipon-tipon pagkarinig na ginagawa ni Harvey ang Dragon Slayer move.Sa huli, hindi naman marami ang nakakaalam tungkol sa hakbang na iyon.Marami pang iba ang sumusunod sa taya ni Harvey. Pagkatapos ng lahat, batay sa kanyang matuwid na aura, malamang na kikita sila ng pera sa pamamagitan ng pagtaya sa parehong paraan.Inalis ang takip ng tasa di-nagtagal pagkatapos.Tumawa ang nagbebenta.Isa! Isa! Dalawa!"Ito na ang pinakamaliit nito!”Si Harvey, ay muli na namang nawalan ng dalawandaang libong dolyar kaagad.Ang mga taong sumunod sa kanyang taya ay nagpakita ng ganap na paghamak, sinumpa ang kanyang malas.Isang lal

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 5719

    Tumawa ang babae."Medyo mahal ako, alam mo. Hindi sapat ang perang iyon! ”Tinapik ni Harvey ang matambok na puwit ng babae bago ngumiti.Kailangan ko na lang maglaro hanggang sa makakuha ako ng sapat!Kailangan mo munang tumuloy sa akin ngayong gabi! ”Pagkatapos, lumapit si Harvey sa isang mesa sa pangunahing bulwagan bago niya itinapon ang isang tumpok ng chips.Malaki at Maliit?Lalabanan ko nang husto! Malaki naman ako, sa huli! ”Ilang matipunong lalaki na may amoy ng pulbura sa paligid ng mesa ang nakayakap sa kanilang mga kasama.Tila sila mapanlait nang makita nila ang payat na mukha ni Harvey.Pero pagkakita nila sa mga chips na itinapon niya, bigla silang napahinga.Hindi naman kalakihan ang isang daang libong dolyar, pero hindi rin naman ito maliit na halaga.Sa huli, ang mga taong nakapaligid sa mesa ay namuhay sa bingit ng kamatayan.Naintindihan nila na ang mga taong ganito ang pagiging mapag-aksaya ay mula sa isang mayamang pamilya o isang walang awa na la

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status