"Ang maiden ng Five Virtues Temple, si Teal Leithold…" Inulit ni Harvey ang pangalang iyon habang nag-iisip. Ang pangalan at titulong kasama nito ay sapat na para patunayan ang kahalagahan ni Teal. "Sige, Sir York. Wag na muna nating pag-usapan yan. Pag-usapan natin ang tungkol sa'ting dalawa…" Biglang binago ni Yoana ang usapan habang matamis na nginitian si Harvey. "Tungkol sa'ting dalawa?" Napahinto si Harvey at bahagyang nagtaka. Hindi niya makita ang intensyon ni Yoana. May matamis na pagkahiya sa magandang mukha ni Yoana habang inapakan niya ang pedal. "Pagkatapos mong umalis kagabi, nag-isip-isip ako. Inisip ko, paano mapapanatili ng Mendoza family ang isang war chariot na kagaya mo?" "Kung makakahinga ka nang maluwag kasama namin, ganun din ang mararamdaman namin. Pagkatapos ko tong pag-isipan, nakaisip ako ng solusyon." Nang nagsalita siya, binuksan ni Harvey ang bote ng tubig sa kotse at uminom mula rito. "Ano ang solusyon mo? Sabihin mo sa'kin." "Nag-re
Fwoooosh!!!Isang sunod-sunod na palaso ang dumaan sa langit bago binalot ang buong harapan at likuran ng bangin. Kung nagbagal lang si Harvey, malamang ay napuno na silang dalawa ni Yoana ng palaso. "Manatili ka rito at panatilihin mong ligtas ang sarili mo. Babalik ako mamaya lang." Kaagad na napawala ng mga salita ni Harvey ang nakakailang na tensyon sa pagitan nilang dalawa. Nang hindi nagsasayang ng oras, tumalon si Harvey palabas ng bintana at gumulong sa gubat bago naglaho. Kaagad na natauhan si Yoana at kumilos. Lalo na't hindi siya mahina. Kaagad niyang kinuha ang baril niya at nanatiling alerto sa kahit na anong potensyal na kalaban. …Sa isang burol siyamnapung metro kalayo… Isang may edad na lalaki na may kawayang sumbrero ang kumunot ang noo nang nakita niyang naglaho si Harvey. Bawal ng lalaki ang isang crossbow kasama ng isang basket ng mukhang sinaunang palaso na nakasabit sa likod niya. Halos maubos na niya ang kalahati ng mga palaso. Nang tinitigan n
Tinitigan nang masama ng lalaking mula sa Nanyang Gang si Harvey, at tinitigan ito nang matagal bago magsalita.“Mukhang tama pala talaga ang nakuha naming impormasyon. Talagang ikaw ang pumatay kay Young Master Moreno.”Natanggap na ng Nanyang Gang ang balitang itinumba na si Brandon.Siguradong ang taong gumawa nito ay si Harvey, ang taong responsable sa paggawa ng gulo sa Hong Kong at Las Vegas. Kaya, napagpasyahan ng pinuno na patayin si Harvey kaysa pakawalan ito, kahit na maling tao pala si Harvey. Ipinadala ang namamana upang paslangin si Harvey at linisin ang nadungisang reputasyon ng Nanyang Gang.Sa kabila ng lahat ng ito, hindi inasahan ng namamanang ganito kadaling aaminin ni Harvey ang pagpatay nang hindi na kailangang kastiguhin.“Medyo higit sa inaasahan ko ang galing mo.” “Hindi ko inakalang ganito niyo ako kabilis mahahanap dito.” Si Fabian ang pumatay kay Brandon, ngunit si Harvey pa rin ang sanhi ng kamatayan ni Brandon. Dahil dito, walang balak si Harvey
Seryosong nagsalita si Dom, “Alam kong mahinang bansa ang Nanyang, pero nagkaroon pa rin kami ng mabagsik na laban sa Country H nitong nakaraang digmaan!”“Walang tapang ang Thailand na gawin ang ganitong bagay!”“Totoo ‘yan.” Ngumiti si Harvey nang nakangiti.“Oo nga pala, may sasabihin ako sa’yong sikreto.” “Akala niyong mga taga-Nanyang masasakop niyo ang bansa ko sa tulong ng mga Amerikano. Ako ang tumapos sa inyo kasama ng mga tao ko.” “Naaalala ko ang taong namuno sa grupo ng Nanyang ay may titulong Moreno God of War.” “Magandang pangalan, pero hindi naman siya masyadong malakas. Namatay siya sa isang sampal lang sa mukha.” “Oo nga pala, gumagamit rin ng dalawang maikling machete ang lalaking ‘yun. Sino ba siya? Kapatid mo?” “Sino ka…?”Napuno ng takot ang mukha ni Don nang marinig niya ang sinabi ni Harvey. Kaunti lamang ang may alam tungkol dito, kahit sa Nanyang.Dati, ang Moreno God of War lamang ang God of War sa batang henerasyon ng Nanyang. Nagkataong ito
Nagpatuloy si Harvey sa pag-abante, habang walang emosyon at tumatalon palayo sa mga bala. Natakot si Dom sa sobrang galing niya. Umatras si Dom habang natatarantang nagpapaputok nang hindi umaasinta. Tapos biglang narinig niya ang isang malakas na pitik at napagtanto niyang nabarahan ang kanyang baril. Namutla ang mukha ni Dom. Alam niyang napalagpas na niya ang pagkakataong mapatay si Harvey. Sinamantala ni Harvey ang sandaling ito at sinuntok niya sa mukha si Dom. Habang palapit ang suntok ni Harvey kay Dom, nararamdaman ni Dom ang isang matinding panganib patungo sa kanya. Para bang ang suntok na lang ang nasa mundong ito at pinipigilan ang number one killer ng Nanyang na iwwsan ito. Wala siyang magawa kundi itaas ang kanyang baril para pigilan ang atake ni Harvey. Bang!Hindi binagalan ni Harvey ang kanyang suntok na tumama sa baril. Nanginig ang katawan ni Dom sa pagtama nito at tumumba siya paatras. Kasabay nito, ginawang sampal ni Harvey ang kanyang suntok at
Clang!Pinitik ni Harvey ang kanyang daliri. Narinig ang isang malakas na tunog at nanginig ang lalaki. Dumulas ang sandatang hawak nito, tumalsik at bumaon sa kisame. Hindi makapaniwala ang lalaki.Mabilis itong kumibo. Kasunod nito, nagsimula itong sumuntok patungo kay Harvey.‘Ang Nanyang North First!’Kahit na hindi kasinlakas ng Muay Thai ng Thailand ang mga atake niya, kahanga-hanga pa rin ito.Sayang lang na sa lahat ng tao, si Harvey pa ang nakabangga nito.Nanatiling kalmado si Harvey habang hinaharap ang atake nito. Umatras siya bago damputin ang isang plorera sa tabi ng pasimano at hinampas ito sa ulo ng lalaki.Bang!Natumba paatras ang lalaki habang dumudugo ang ulo. Nang mahimasmasan siya, pinagulong siya ni Harvey sa sahig sa isang sipa.Pfffft!Bumuhos ang dugo mula sa kanyang bibig at napakagulo na ng kanyang mukha.Sinubukan niyang gumapang para makatayo, ngunit wala na siyang lakas.“Magpahinga ka nang maayos. Makakagalaw ka na makalipas ang kalahatin
Si Katy ay nabigla nang makita niyang mukhang hindi naapektuhan ng spell niya si Harvey. Sa kabila nito, hindi naglaho ang ngiti sa kanyang mukha. Hindi siya nabahala sa kilos ni Harvey, at nanatili siyang kalmado. Sa sandaling iyon, narinig ang mabibilis na hakbang sa labas. Dose-dosenang miyembro ng Nanyang Gang ang pumasok nang may hawak na baril. May hawak rin silang mga panang umiilaw ng asul ang dulo. Naningkit ang mata ni Katy, pinagmamasdan si Harvey kung nagbabago ba ang ekspresyon nito. Nang makita niyang hindi ito nagbabago, suminghal siya at kinumpas ang kanyang kamay. Ang mga lalaking nagpakita ay kaagad na umalis pagkatapos niyang gawin ito. Nararamdaman ni Katy na wala silang magagawa kung talagang gusto siyang patayin ni Harvey.Kung ganoon, mas gugustuhin niyang umatras na lang at makipagnegosyo.Kaya nagsalin siya ng isang tasa ng tsaa at inilapag ito sa harapan ni Harvey.Pagkatapos, uminom siya sa kanyang tasa bago tumawa.“Ano ulit sinasabi mo?”
Nagkaroon si Harvey ng kagustuhang angkinin ang babaeng nakaupo sa tapat niya kahit sandali lamang niya itong natingnan.Buti na lang mabilis niyang naalis ang kagustuhang ito. Nang makakalma siya, napukaw ang interes niya kay Katy.Dahil sinabi ni Katy na hindi siya gumamit ng kahit anong salamangka para akitin si Harvey, siguro sadyang ganito lang talaga ang alindog nito.Kung ganoon talaga, edi halos lahat ng lalaki ay hindi siya tatratuhin nang masama. Huminga nang malalim si Harvey bago ito titigan.“Pag-usapan natin ang ikatlong bagay.” “Hindi ko alam kung anong layunin niyo, pero namatay si Brandon dahil sinubukan niyang patayin si Fabian.” “Pagkatapos, pinadala mo si Dom para patayin ako. Nabigo ang pagtatangka niyo, pero sinubukan mo pa rin.” “Kung babawi ako, hindi naman ako sumosobra kung buburahin ko ang buong Nanyang Gang bilang kabayaran sa mga pagtatangkang pagpatay, diba?” “Pero… pwede kitang bigyan ng pagkakataon ngayon.” Ininom ni Harvey ang mainit na