Nabalot sa katahimikan ang buong emergency department sa kanyang galit.Bahagyang napatigil si Mandy Zimmer. Hindi kailanman sisigaw si Harvey York sa ganitong paraan kahit anong lupit ng trato sa kanya nina Cecilia Zachary at Angel Quinn. Subalit, pinapakita niya ang ugaling ito. Nagi-guilty kaya siya?Nanatili lamang na tahimik si Mandy habang malalim ang iniisip niya. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman niya sa kanyang puso.Hindi niya masabi kung nagagalit siya, naiinggit, o nasiraan ng loob.Sinabi ng kanyang katwiran na normal para kay Harvey na magkaroon ng ibang babae sa labas dahil hindi niya siya pinayagang hawakan siya kahit ang kanyang daliri sa nakalipas na tatlong taon nilang pagsasama.Subalit, nang mangyari ang sitwasyon, napuno ang kanyang puso ng kumplikadong damdamin."Cecilia, huwag ka nang magpatuloy." Humugot nang malalim na hininga si Mandy. "Ihahatid ko na kayong dalawa."Pagkatapos ay iniunat niya ang kanyang kamay at kinuha ang mga susi mula sa mga
"Hindi ako makapaniwala. Nananaginip ba ako? Nakasuot ng kaswal na damit si Doctor Graves?"“Nakita mo rin ba yun? Akala ko may mali sa mga mata ko."“Nasiraan na ba ng bait si Ella Graves? Tumanggi siyang umupo sa napakaraming mga sports car at ngayon ay nakaupo siya sa passenger seat ng isang electric bike? Isa pang shared electric bike! Iyong nagkakahalaga lamang ng two dollars kada oras!""Parang yung sinasabi nila dati. Mas gugustuhin ng isa na umupo sa isang electric bike at maging masaya kaysa sa umupo sa isang luxury car at umiyak…""Kung alam lang natin na may gusto si Doctor Graves sa mga eunuch na tulad niya, hindi na sana tayo bumili pa ng mga kotse..."Mula sa araw na iyon, nagpalit ang lahat ng mga lalaking staff ng ospital sa electric bike at tumigil sa pagmamaneho papasok ng trabaho. Nawala ang problema kalaunan sa kawalan ng mga parking space sa car park ng ospital. Hindi ito inaasahang pagbabago ng mga kaganapan.***Habang nasa daan, walang self-awareness si H
Walang nakaisip na magkakaroon sila ng napakagandang eksena sa isang maliit na car accident. Ang pinakamahalagang ay may kanya-kanyang likas na kagandahan ang dalawang babae. Kung pwede silang makasama ang isa kanila sa isang gabi, pwede na silang mamatay nang maaga.Ang isa ay merong first love face. Naalala nila ang kanilang kabataan habang tinitingnan siya at ang mga araw na may mga crush sila. Ang isa naman isang may eleganteng kagandahan. Tila nanaginip ng gising ang isa habang nakatingin sa kanya.Habang ang lahat ay nangangarap ng gising, napatigil si Harvey York at hindi sinasadyang sinabi, "Shirley Ryan?"Alam ni Harvey ang binibini mula sa MPV. Siya ang desk mate ni Harvey sa university. Nagsalita siya para sa kanya noong nagkita silang muli sa university reunion. Isang pambihirang pagkakataon na magkita sila sa lugar na ito."Harvey?" Nagulat din si Shirley.Ininsulto ng ibang university mate si Harvey sa kanilang reuinion at tinawag siyang talunan. Naging live-in son-i
Ngumiti si Harvey York. "Shirley Ryan, bakit kung kumilos ka ay parang nung nandoon ka pa sa unibersidad? Pinapangaralan ako bigla-bigla tungkol sa mga aral ng buhay? "“Huwag ka nang magbiro! Ang mga kasama natin sa unibersidad ay may maaanghang na opinyon tungkol sa iyo noong huling reunion natin. Bakit hindi ka makahanap ng disenteng trabaho sa halip na magpakalat-kalat buong araw? " Nag-alala at kinakabahan si Shirley para sa kanya. "Sa palagay mo masaya ka na ngayon? Handa kang maging isang hustler para sa kakarampot na kita. Bakit hindi ka maghanap ng mas matinong trabaho tulad ng sa security upang mapayapa naman isip mo? "Napakaganda ng pagtrato ni Shirley kay Harvey. Nag-aalala pa rin siya para kay Harvey kahit na siya ay nasa sugatang kalagayan.Ganun din ang naging reaction ni Harvey, katulad ng dati. Iniunat niya ang kanyang kamay at hinawakan ang mukha ni Shirley sa kanyang kamay. "Sa totoo lang, pinagsisisihan kong hindi ako nakinig sa iyo sa maraming mga taon. Hindi k
Ngumiti si Harvey York na parang wala lang at hindi pinansin si Jerry Zabel na patalon-talon at handang makipag-sparring. Sa halip, paalis na siya ng eksena.Humakbang si Jerry at hinarang ang daanan ni Harvey matapos makita ang kanyang pagkilos. Ngumuso siya, “Halika rito at bayaran mo ang mga pinsala! Kung hindi, tatawag ako at magsasampa ng reklamo laban sa iyo agad-agad! "Si Shirley Ryan, na nakatayo sa likuran niya, ay naantig ang puso at sinabi. "Harvey, kung hindi mo talaga makukuha ang pera, pwede kitang pahiramin."Medyo lumambot ang kanyang puso nang makita niya si Harvey na sobrang eterminado. Ayaw niya na mawalan ng trabaho si Harvey dahil lang sa walang kwentang bagay.Si Ella Graves, na matagal nang nananahimik, ay naiintindihan na ang lalaki at babae na nasa harapan niya ay ang dating senior ni Harvey at ang kanyang desk mate.Gayunpaman, bakit ba napaka-unreasonable nila? Dahil lang sa sila ay senior niya?Sa sandaling ito, hindi na niya ito kayang tiisin, at hin
Matapos makita ang membership card ni Jerry Zabel, kaagad na yumuko sa kanya ang assistant manager. Ito ang patakaran ng Niumhi Grand Hotel, kung saan 'customers always come first'.Pagkatapos noon, malamig siyang tumingin kay Harvey York at sinabing, "Sir, kung hindi ka miyembro ng hotel na ito, hindi mo pwedeng gamitin ang aming mga serbisyo dito. Ang aming mga parking spaces ay para lang sa mga customer, ang mga outsider ay bawal iparada ang kanilang mga sasakyan nang basta-basta. Ngayon, kailangan mong bayaran ang pinsala sa kotse ng aming customer dahil sa iyong biglaang pagparada. "Si Jerry ay nakatitig kay Harvey na may halong yabang batid na ang assistang manager pumapanig sa kanya. At saka niya sinabi, "Hindi mo ba siya narinig? Basahan, bayaran mo ngayon din pinsala mo. Kung hindi, tatawag ako ng pulis! "Sumimangot si Harvey. Hindi niya inakala na may ganoong patakaran ang Niumhi Grand Hotel. Gayunpaman, magalang pa rin niyang sinabi, “Assistant manager, kahit na hindi a
"Ito ..." Nag-aalangan si Shirley Ryan.Never pa siya nagkaroon ng boyfriend mula noong pagkabata. Kahit na lumabas siya ngayon, ito ay dahil sa patuloy na paghahabol sa kanya ni Jerry Zabel. Ginamit pa niya ang kanyang mga koneksyon at pinagbantaan siya gamit ang kanyang pamilya. Noon lamang siya atubiling pumayag na lumabas para kumain.Walang sense para sa kanya ang feelings at ito ay napaka-unreasonable. Pag sinabing walang feelings, walang feelings. Kung may feelings siya kay Jerry, papayag sana siyang maging girlfriend niya noong siya ay nasa kolehiyo.Gayunpaman, sa sandaling ito, ginagamit ni Jerry ang mga affair ni Harvey York upang pagbantaan siya, ngunit medyo nahihiya siya.Napakaganda ng pinagsamahan niya ni Harvey noong sila ay nasa kolehiyo. Minsan nga may namagitan pa sa kanilang dalawa. Gayunpaman, si Harvey ay naging live in na manugang ng pamilya Zimmer matapos siyang makapagtapos. Tuluyan na silang nawalan ng contact.Gayunpaman, ang makita niya si Harvey na gu
Samantala, sa parking lot, hindi mapigilang ngumiti ni Jerry Zabel nang makita ang cellphone ni Harvey York. Tumawa siya saka sinabi, “Ay naku, Harvey. Ginagamit mo pa ang old-model na cellphone na may kasamang three-year calling credit na fifteen dollars. Iba ka rin, no! "Pagkatapos ay sinulyapan niya si Shirley Ryan at walang kabig na sinabi, "Shirley, hindi mo ba nakikita sa puntong ito? Ang lalaking ito as iyang walang kwentang hampaslupa. Bakit mo pa rin siya tinutulungan? Sa palagay mo ba ay magpapasalamat siya? Alam kong may namamagitan sa inyong dalawa noon, ngunit tingnan mo siya, wala siyang kwenta ngayon. Ni hindi siya karapat-dapat tumayo sa harapan ko. Posible bang iniisip mo pa rin ang kanyang kabaitan at tumanggi na maging girlfriend ko? "Oo naman, hindi rin bobo si Jerry. Alam niya na si Harvey ang sumira sa kanyang plano nang subukan niyang ligawan si Shirley noon. Tiyak na nais niyang mapahiya ng husto si Harvey dahil meron siyang pagkakataon ngayon.Hindi lamang
"Okay pa rin ang mood ko ngayon.”"Pero, magagalit ako nang mabilis.""Huwag mo akong sisihin kung magpatong-patong ang mga bangkay dito pagkatapos nito!"Si Miles Keaton ay bahagyang ngumiti habang walang pakialam na kinuha ang isang butterfly knife at nagsimulang maglinis ng kanyang mga kuko.“Ako si Harvey York.Sa wakas ay humarap si Harvey habang tahimik na tumingin kay Miles."Bakit ka pa nagpunta dito para sa akin, kung maaari kong itanong?"Tiningnan ni Miles si Harvey nang may pag-usisa bago tumawa."Ikaw ba ang maalamat na Representative York?""Hindi naman talaga siya ang alamat.""Isa lang akong ordinaryong kinatawan."Si Miles ay nagmukhang masungit at kumaway ng kanyang kamay.Isa sa kanyang mga nasasakupan ang lumapit at ibinagsak ang tseke sa mesa.Tiningnan ni Harvey ang tseke nang walang gaanong pakialam.Isang daan at limampung libong dolyar ang nakasulat dito."Narito ang isang daan at limampung libo, Representative York. Isipin mo na lang itong regalo
Sa sandaling si Harvey York ay handang harapin ang mga customer nang sabay-sabay, isang malakas na ingay ang narinig.Ang mga customer ay itinaboy sa gilid bago dumaan ang isang grupo ng mga lalaking nakasuot ng madilim na berdeng mga suit.Lahat sila ay may matitinding tingin, nakataas ang kanilang mga ulo, at malinaw na hindi sila mga karaniwang tao.Ang pinuno ng grupo ay isang lalaking may salamin na may gintong rim, maputing balat, at makikitid na mata, na nagbigay sa mga tao sa paligid niya ng masamang pakiramdam.Matatag siyang humarap sa lahat.Si Castiel Foster at ang iba pa ay humakbang pasulong."Sino kayo? Ano ang problema?”Ngumiti ang lalaki."Ito ba ang Fortune Hall?""Tama yan. Ano naman?" Sumagot si Castiel.Sinipa ng lalaki si Castiel sa lupa bago kumuha ng silya at umupo.“Ayos yan!"Malamang nandito ang isang lalaking nagngangalang Harvey York!""Ilabas mo siya dito ngayon na!""Mag-ingat ka sa sinasabi mo!"Si Kellan Ruiz ay itinatabi ang pera ng iba
Matapos makita ang tingin ng mga tao na lumipat mula sa paghanga patungo sa paghamak, nag-aapoy si Kora sa galit."Ano bang gusto mo, Harvey?!" sigaw niya habang nagngingitngit ang kanyang mga ngipin."“Simple lang.“Mayroon kang dalawang pagpipilian."Una. Maging alipin kita ayon sa kontrata."Ikalawa. Magbayad ng isang daan at limampung milyong dolyar bilang kompensasyon para sa stone gambling site, pagkatapos ay sabihin mo sa akin kung sino ang nagpadala sa iyo dito."Kung magsasabi ka ng totoo, maaari kang umalis."Si Kora ay nakaramdam ng pangingilabot. Hindi niya inaasahan na bistado na ni Harvey ang lahat.Gayunpaman, agad siyang nanginig matapos niyang isipin ang taong nag-utos sa kanya na pumunta rito.“Ano ang ibig mong sabihin?"Nagpunta lang ako dito para maglaro!“Handa akong aminin ang pagkatalo ko!“Sasama ako sayo!"Gusto ko talagang makita kung ano ang gagawin mo sa akin!"Kapag dinungisan mo ang pagiging inosente ko, hindi ka titigilan ng school ko!”Ng
Ang maayos na plano ni Kora ay agad na nawasak dahil kay Harvey York.Sa sandaling lumitaw ang Emperor’s Gem, tuluyan nang natalo si Kora.Mukhang nakakatakot siya habang tinitingnan ang tanawin, parang hindi pa rin siya makapaniwala sa anumang nakita niya noon.Ang ilang magagandang disipulo ay pinagsampal pa ang kanilang mga sarili sa mukha, umaasang panaginip lamang ang lahat.“Nanalo tayo! Nanalo tayo!"Si Arlet Pagan ay nahimasmasan bago tumalon-talon habang niyayakap ang braso ni Harvey.Si Kade Bolton ay nakahinga ng maluwag.Ngumiti rin ang mga tauhan ng Archa Corporation.Hindi nila inasahan na ganito ang magiging takbo ng mga pangyayari."Lumabas na tayo dito. Tama, hindi ba't dapat sumama ka rin sa amin?“Kailangan namin ng isang tao na magbuhos ng tsaa namin sa selebrasyon, di ba?”Ngumiti si Harvey kay Kora."Nasa akin ang kontrata. Hindi mo naman ito tatalikuran, hindi ba?"Ang ekspresyon ni Kora ay naging madilim habang ang buong mukha niya ay nanginginig.
"Kung ano ang itinanim, siya ring aanihin."Ngumiti si Harvey York."Dahil mabait ka, bibigyan din kita ng pagkakataon."“Lumuhod ka at humingi ng tawad para sa lahat ng mga mapagmataas na salita na sinabi mo."Mag-iwan ka ng isang daan at limampung milyong dolyar dito bilang kabayaran sa mga pagkalugi ng stone gambling site; saka ko lang pag-iisipan na huwag buksan ng panday ang batong ito."Mag-iiwan ako ng kaunting respeto para sayo at sa iyong guro.“Pero kung hindi mo gagawin ‘yun, huwag mo akong sisihin sa susunod na mangyayari.”Ang lahat ay nagulat bago sila humalakhak.Marami na silang nakitang mga mayayabang noon…Pero ito ang unang pagkakataon nilang makakita ng isang tao na ipinagmamalaki ang kanyang lakas sa bingit ng kamatayan!Ang katawan ni Kora ay nanginginig sa galit matapos makita ang kalmadong ekspresyon ni Harvey."Buksan mo ‘to! Buksan mo na ‘to!" sigaw niya habang tinuturo si Harvey.“Makikita natin kung magagawa mo akong pagsilbihan ka!"Pagsisisiha
Bumuntong-hininga si Harvey York."Hindi ka pa nga matanda, at gusto mo pang tawagin kita ng ganyan?""Walang hiya ka."Pulang-pula ang mukha ni Kora."Hayop ka!" sigaw niya.""Anong karapatan mong inisin ako ng ganito?!""Kapag natalo ka, huhugasan mo ang mga paa araw-araw!"Ang mga lalaking katabi ni Kora ay nagulat bago tumingin kay Harvey na may inggit at selos.Nanginig si Harvey bago siya umirap."Hindi ako interesado."Kapag natalo ka, uutusan kitang ikuha ako ng tsaa, maglampaso ng sahig, at lilinisin mo ang inidoro sa Fortune Hall araw-araw!“Ang lahat ng kailangan mo ay ibibigay sayo."Kasama na ang pagkain at matutuluyan. Huwag kang mag-alala."Bumilis ang paghinga ni Kora. Sa wakas ay nagawa niyang pakalmahin ang kanyang sarili bago magsalita.“Bumukas niyo na ang mga bato!"Gusto kong makita kung paano mo tutuparin ang mga salitang iyon gamit ang lahat ng kalokohang ito!"Ngumiti si Harvey bago tinawag ang panday na buksan ang mga bato, na hindi pinansin an
Si Harvey York ay tuluyang hindi pinansin si Kora habang nagpapakitang-gilas siya.Iginuhit niya ang kanyang kamay, senyales kay Kade Bolton na maghanda ng kontrata.Sa kanyang mga mata, ang mga tao mula sa mga sacred martial arts training grounds ay lahat mayabang.Kung walang kontrata, masama kapag binalewala ni Kora ang pustahan.Matapos gawin ang kontrata, nilagdaan ni Harvey ang kanyang pangalan bago ito ihinagis kay Kora.Nag-alinlanagn sandali si Kora bago pirmahan ang kanyang pangalan habang nagngingitngit ang kanyang ngipin.“Dalian niyo! Isara niyo ang buong lugar na ito!"Suminghal si Kora matapos makita si Harvey na kunin ang kontrata. Syempre, kampante siya sa kanyang energy detection technique.Talagang naniniwala siya na matatalo si Harvey.Tumingin si Harvey kay Kora."Hindi kita pagsasamantalahan."Pipiliin ko ang labindalawang bato dito mismo.“Ayos lang naman ‘yun, hindi ba”Kumabog ang puso ni Kora nang makita na kampante si Harvey.“Sige! Mayroon akon
Tumingin ng malamig si Kora matapos niyang marinig ang mga sinabi ni Harvey.Tumalim ang kanyang mga mata habang sinusuri niya si Harvey bago siya suminghal.“Natatakot?"Hindi kailanman nagkaroon ng salitang iyon sa aking diksyunaryo mula pa noong bata pa ako!"Nagdisect ako ng mga pusa at aso mula pa noong tatlong taong gulang ako!"Mag-isa akong natulog sa sementeryo ng isang buong gabi noong anim na taong gulang ako!"Dinala ko pa nga ang isang bangkay mula sa punerarya pauwi noong siyam na taong gulang ako!"Hindi ako marunong matakot!"Pero gayunpaman, wala akong interes sa isang walang kwentang pustahan na tulad ng sayo."Kung handa kang taasan ang pustahan, makikipaglaro ako sayo!"Nagpakita si Kora ng malamig na ekspresyon."Gayunpaman, may lakas ka ba ng loob?""Magsalita ka," sagot ni Harvey."Kapag natalo ako, gagapang ako palabas ng lungsod na ito.“Kapag natalo ka, ikaw ang gagawa nun.“Ano sa tingin mo?”Tumawa si Harvey.“Hindi pa sapat ‘yun…“Bakit hi
Siyempre, alam ni Kora kung sino si Harvey York.Alam niyang baka hindi siya magkaroon ng kalamangan kung siya rin ay kikilos.Sinasadya niyang nagkunwari na pigilan ang mga tao sa likuran niya upang wala nang dahilan si Harvey na makipaglaban.Kung nakipaglaban pa rin si Harvey sa ilalim ng mga kalagayang iyon…Tatanungin siya kahit na siya ang kinatawan ng Martial Arts Alliance ng bansa.Kasabay nito, tinawag lamang ni Kora si Harvey na isang utusan upang hindi niya maipahayag ang kanyang pagkakakilanlan. Maaari niyang ipagpatuloy ang pag-pressure sa kanya sa ganung paraan.Ang karamihan ay nagpakita ng labis na paghamak nang tingnan nila si Harvey.‘Hindi nakapagtataka kung bakit siya tumatahol sa lahat ng nakikita niya! Alaga siya ng pamilya Pagan!’‘Pero sa totoo lang, mas mabuti pang magpakamatay na lang siya!’‘Makikinabang siya sa pagiging alaga. Wala siyang kahit ano kung isa lang siyang utusan!Kung hindi pagmamay-ari ng pamilya Pagan ang lupa, malamang ay nalunod na