Share

Kabanata 6

Author: A Potato-Loving Wolf
"Si Don?"

Saglit na napahinto si Harvey. Pagkatapos ay ngumiti siya, 'Ang lalaking iyon ay isa lamang tuta ng York Enterprise. Ilang sandali na lang bago siya mapaalis.'

"Ina, hindi ako makikipag-divorce. Kahit na mag-divorce pa kami, wala na kayong pakialam dito. Sana ay hindi ka mangingialam sa relasyon namin." Tumawa si Harvey at nagsalita bago sumakay sa kanyang paboritong electric bike at umalis.

"Harvey, sampid ka lang!" Nanginig sa galit si Lilian. Muntik na niyang sagasaan si Harvey gamit ng kanyang kotse. Subalit, nagawa na lang niyang pigilan ang kanyang galit at kaagad na umalis pagkatapos niyang makita ang mga tao na nakapalibot sa kanila.

Naglakad si Mandy papunta sa front desk ng kumpanya nang lagpas na sa oras ng opisina.

Pagkatapos ay nakakita siya ng dalawang babaeng tumatawa habang may sinasabing kung ano at maraming empleyado ang nanonood.

"Isang talunan ang asawa ni Miss Zimmer. Sinabi niya na bibigyan siya nito ng rosas na galing sa Prague. Paano niya nasabi iyon? Hindi ba niya nakikita ang sarili niya sa salamin? Hindi lang sa nakasakay siya sa isang electric bike, sira rin ang kanyang tsinelas. Dapat ay namamalimos na lang ang mga lalaking kagaya niya…"

"Oo nga, hindi ko alam paano nakahanap si Miss Zimmer ng isang talunan!"

"Kung hindi siya isang talunan, hindi siya magiging isang live-in son-in-law!"

"Kung ako sa kanya, matagal ko nang hiniwalayan ang lalaking iyon…"

"Napakarami namang lalaki diyan na nanliligaw kay Miss Zimmer…"

Walang masabi si Mandy.

"Ikaw…" Kinagat ni Mandy ang kanyang mapupulang labi at namula rin ang kanyang mukha na para bang nilalagnat nang marinig niya ang mga komentong iyon. Sobra ang kanyang pagkapahiya.

"Miss Zimmer…" Mukhang takot na takot ang dalawang babae sa front desk nang mapansin nila si Mandy.

"Miss Zimmer, wala lang yung pinag-uusapan namin. Huwag kang magalit…"

"Manahimik ka!" sigaw ni Mandy habang bahagyang nanginig ang kanyang katawan.

Namumula ang kanyang mga mata at halos mapaiyak. Bakit ba siya nagkaroon ng isang walang kwentang asawa?

Ang mga asawa ng iba ay kadalasang mga may matataas na posisyon sa isang kumpanya o hindi kaya ay mula sa mga mayayamang pamilya. Subalit, ang kanyang asawa ay isang walang kwentang live-in son-in-law. Hindi lang sa hindi siya nito kayang protektahan, lagi rin siyang pinapahiya sa harap ng ibang tao.

Sa sandaling iyon, tumunog ang telepono sa front desk. Sinagot ng natatakot na babae ang telepono at mahinang nagsalita, "Miss Zimmer, sabi ng security ay isang logistics company ang nagpadala sa inyo ng isang trak ng mga kagamitan. Papapasukin ba natin sila?"

"Para sa'kin?" Saglit na nabigla si Mandy. Wala naman siyang binili, pero tumango pa rin siya.

Hindi nagtagal, nakita niyang papasok ang isang lalaking gwapo at mukhang may mataas na katayuan na nakasuot ng tuksido.

Magalang siyang nagsalita, "Ikaw ba si Miss Zimmer? Ito ang global express delivery service na nasa ilalim ng aming kumpanya. Nagmula ito sa Prague. Maaari sana itong pirmahan."

"Prague?!" Natapos pumirma si Mandy nang may bakas ng gulat sa kanyang mukha. Nang kumumpas ang makisig na lalaki, ilang mga trabahador ang maingat na nagbuhat ng isang mamahaling kahon na gawa sa kahoy at nilapag sa lobby.

Ang ibabaw ng kahon ay may disenyong mga makikintab na kristal na kumikinang kapag naiilawan.

Nanlaki ang mga mata ng lahat ng mga empleyado.

"Wow! Galing ba ito ng Prague?"

"At ang mamahalin ng kahong ito, ano kayang laman?"

"Miss Zimmer, pwede mo ba 'tong buksan at ipakita samin?"

Karamihan sa kanila ay mga babaeng empleyado mula sa mga advertising companies. Sa sandaling ito, naghihintay ang lahat ng empleyado nang may makikinang na mata.

Kahit na naguguluhan si Mandy, pinabukas niya sa lalaki ang kahon nang makita niya na sobrang sabik ang lahat.

Higit pa roon, sa susunod na segundo, napatunganga ang lahat at nanahimik sa loob ng ilang minuto.

"Ito… ito ay mga rosas galing sa Prague…"

"Sigurado ka ba? Hindi ba sabi sa balita na mayroong pagbaba sa produksyon ng rosas sa Prague ngayong taon? Gaano karami ito?"

Nakita ng makisig na lalaki na tuwang tuwa ang lahat ng mga kababaihan. Ngumiti siya at tinuro ang bouquet ng rosas. "Miss Zimmer, hayaan mong ipakilala ko sa iyo…"

"Ito ay mga rosas galing sa Prague. Dapat ay alam ninyo na ang mga ito ay ang pinakamagandang batch ng rosas ngayong taon."

"Pero, hindi iyan ang pinakamahalagang bagay, tignan niyo rito…"

Tinuro ng makisig na lalaki ang gitna ng malaking bouquet ng rosas, at naroon ay isang maliit na rosas na kasing liit ng isang brooch.

Ngunit, kung titignan mo sa malapitan, mapapansin mo na hindi ito isang rosas, puno ito ng mga diamante at mga bato na may iba't-ibang kulay.

"Ang Heart of Prague!" Nagulat si Mandy. Pakiramdam niya ay nananaginip siya.

Ang Heart of Prague ay dinisenyo at inukit ng ilan sa mga pinakatanyag na master ng sining sa kasaysayan ng Prague. Nag-iisa lang ito sa buong mundo. Talagang natatangi ito. Higit pa roon, ito ang simbolo ng Prague. Kahit na napakamahal nito ay hindi ito binebenta. Hindi niya inaakala na may magbibigay sa kanya nito ngayong araw.

"Wow! Sinong nagpadala nito sa'yo?"

"Miss Zimmer, bigay siguro ito ng iyong manliligaw!"

"Napakalaking halaga nito, hindi kaya galing ito kay Mr. Xander?"

"Hindi ba sinabi rin ng walang kwentang asawa ni Miss Zimmer na gusto niya rin siyang bigyan ng rosas galing Prague?"

"Pfft, pinapatawa mo ako. Paano siya makakabili ng mga rosas na ito? Kahit na ibenta niya ang sarili niya, hindi pa rin niya ito mabibili!"

Sobrang nabigla si Mandy. Sino ang magbibigay sa kanya ng mga rosas na ito at ng Heart of Prague?

Hindi naisip ni Mandy si Harvey, dahil siya ang pinakanakakaalam sa kanyang sitwasyong pinansyal. Madalas ay binibigyan niya ito ng bagong pera. Hindi nga niya kayang bumili ng ordinaryong rosas, mas lalo na ang mga rosas galing Prague. Hindi niya ito kayang bilhin.

Hindi kaya… Pinadala ito ni Don?

Napuno ng kakaibang emosyon ang puso ni Mandy nang naisip niya ito-- napahanga siya pero medyo nahihiya.

Sa Niumhi, sa loob ng Platinum Hotel.

Ang hotel na ito ay tinaguriang kilalang lugar na pinagdarausan sa Niumhi at hindi mababa ang bayad dito. Pinaniniwalaan na ang mga tao na nagpunta rito ay tanyag at mataas ang impluwensya. Dahil dito, maraming mamahaling kotse ang nakaparke sa gate sa harap ng hotel.

Sa pagkakataong ito, ang college reunion party ni Harvey ay idaraos dito.

Humuni si Harvey at ipinarke ang kanyang electric bike sa parking space sa may gate. Kahit na mayaman na siya ngayon, isa siyang mapagpahalagang tao. Naging kasama niya ang electric bike na ito sa hirap ng kanyang buhay sa loob ng tatlong taon. Hindi niya ito kayang pabayaan.

Bigla na lang, isang nakakabinging busina ang narinig sa kanyang likuran bago niya maiayos ang kanyang electric bike.

"Tanga ka ba?! Isa ka bang delivery man o isang alalay? Hindi mo ba alam ang patakaran dito? Paano mo nagawang okupahan ang isang parking ng sirang electric bike na iyan? Baliw ka ba?!"

Isang Audi A4 ang huminto sa likuran ni Harvey. Sumilip mula sa bintana ang isang lalaki, tinuro siya, at sumigaw.

Lumingon si Harvey. Parehong silang nagulat.

"Class monitor?" sambit ni Harvey. Ang taong ito ay kanyang kaklase sa kolehiyo na naging class monitor sa loob ng ilang taon.
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (3)
goodnovel comment avatar
Anzen Camanian
Hayst sayang oras
goodnovel comment avatar
Executer ariel
nag recycle lang ng linya eh
goodnovel comment avatar
Executer ariel
same lang story ng the ultimate husband pinalitan lang pangalan
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 5560

    Napabuntong-hininga si Harvey York pagkatapos marinig ang sagot ni Damon John.“Magiging ganito ka ba ka-makasarili?”Nanghamak si Damon. Malinaw na nawalan na siya ng interes sa pakikipag-usap kay Harvey.“Tama! Ganoon nga!" Sigaw ni Blaine.Ano pa nga ba ang magagawa mo tungkol diyan?Umalis ka na rito!Hindi ka na magkakaroon ng isa pang pagkakataon! ”Tumango si Harvey bago humakbang pasulong na nakataas ang ulo.Sige! Dahil hindi makikipagtulungan sa atin ang pamilya John...Kung ganoon, hindi ko na kailangang isaalang-alang ang mga kontribusyon ng pamilya sa bansa."Bahala na ang pamilyang John!Kung gusto mo ng away, heto na ang pagkakataon mo!Kasalukuyang nag-snap ng daliri si Harvey.Halika! Dalhin dito si Shepard at ang ikalabindalawang sangay ng Evermore! ”Evermore?!Si Shepard?!Ang ikalabindalawang sangay?! 'Hindi mabilang na tao ang napasinghap bago kusang lumingon upang tingnan si Harvey.Ano ang kinalaman nito sa Evermore? '‘Hindi ba siya nagsasal

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 5559

    ”Tama na, kayong lahat!" sigaw ni Damon John nang malamig.Umupo siya sa kanyang upuan, galit na galit na nakatingin.Ako ang unang pinuno ng gobyerno!May karapatan akong magpasya kung ano ang mangyayari sa Golden Sands!Kung kailangan ko pang patunayan ang kawalang-sala ng pamilya dahil sa ilang random na akusasyon...Wala na tayong oras para gawin ang iba!"Sabihin ko sa iyo ang isang bagay! Kung walang tunay na ebidensya, kahit ang Nine Great Elders ng bansa ay hindi pinapayagang maghanap sa atin!Kung magrereklamo ka pa...Pababagsakin ko ang anim na Pamilyang Hermit mula sa mundo!"Huwag mong isipin na takot ako sa iyo dahil lang malapit nang maging isa sa Dakilang Matatanda si Eliel Braff!Kung hindi ako interesado na maging pinuno, sa palagay mo ba talaga may pagkakataon siya?!Mga mangmang na hangal!"Paano mo nagawang gamitin ang kapangyarihan ng Longmen para salakayin ang bahay ko?!"Sino ang nagbigay sa iyo ng lakas ng loob?! ”Malungkot ang itsura ni Damon.

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 5558

    Hindi ko alam kung anong uri ng tunggalian mayroon ang bansa, ni hindi ko rin gustong malaman.Sumulong si Ayaka Ueda.Pero kailangan mong bayaran ang presyo sa paninirang-puri mo sa mga taga-Isla!"Pagkatapos ng lahat, malaking krimen ang basta na lang magsalita ng walang kabuluhan! ”Nakamit muli ni Blaine John ang kanyang pagpipigil bago nagpakita ng malalim na tingin na nakapamewang.Lahat ng Pamilya ng Eremita! Alam ng buong Golden Sands na nagkaroon ka ng masamang ugnayan sa pamilyang John.Magkaaway na tayo sa pinakamahabang panahon.Normal lang naman na ipaglaban natin ang ating mga benepisyo!Pero napaka-hindi naaangkop na siraan mo ako sa ganitong napakahalagang kaganapan!Pagkatapos ng lahat, itinalaga ng palasyo ang aking ama bilang unang pinuno!"Paano mo nagawang bastusin ang pamilyang John ng ganito?!"Kung hindi mo maipakita ang anumang patunay..."Ang paninirang-puri sa mga nasa mataas na posisyon ng gobyerno ay dapat sapat na para kayong mga tao ay makulon

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 5557

    Hindi pinlano ni Harvey York ito kasama ang mga Hermit Families…Pero alam nila na kailangan nilang ipagtanggol siya sa sandaling ito.Sa huli, hindi na sila magkakaroon ng isa pang pagkakataon pagkatapos nito.Baka palayasin lang ang anim na Hermit Families mula sa Golden Sands pagkatapos ng seremonya ng inagurasyon!Kaya naman walang gustong palampasin ang pagkakataong iyon!Agad nagbago ang ekspresyon nina Blaine at Damon John pagkarinig sa mga sigaw na iyon.Mga walanghiya talaga!Sakto talaga ang timing nila! 'Ang iba pang bisita ng pamilya John ay nagkikibot-kibot ang mga mata.Tumayo nang sabay-sabay ang anim na Pamilya ng Eremita!Inilalagay nila ang lahat sa panganib sa puntong ito!'Hindi naman sila basta-basta pumipili ng panig para akusahan si Blaine ng ganoong mga bagay!‘Kung hindi mapipigilan ng pamilyang John ang mga ito, walang duda na mapapanganib ang kanilang posisyon sa Golden Sands!'Nanginginig ang mga mata ni Master Mograine, Karina Joyner, Ibuki Ma

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 5556

    Bam!Binato ni Harvey York ang isang badge sa harap ni Damon John.Makikita ang kinang ng titulong batang panginoon ng Longmen sa badge.Hindi lang parang sinampal sa mukha si Damon, na tuluyang tumigil ang kanyang galit...Ang mga guwardiya na humakbang pasulong ay biglang tumigil din sa kanilang paglalakad.Sinulyapan ni Damon ang badge bago niya agad napagtanto na totoo ito.Bahagyang kumurap ang kanyang mga mata bago tuluyang nagsalita.“Magaling! Totoo ang badge!“Pero kung ganoon man, mailalabas pa rin kita dito kahit ganoon ang sitwasyon!“Ayon sa batas, hindi namamahala ang Longmen sa pamilyang John! ”Ngumiti si Harvey.Kung hindi ako nagkakamali, may karapatan ang Longmen na gawin iyan mismo sa sampung nangungunang pamilya.Sa huli, papatayin natin kung sino man ang hindi kayang gawin ng Palasyo ng Dragon. Aayusin natin ang mga bagay na hindi kayang gawin ng Dragon Cell. Poprotektahan din natin ang mga taong hindi poprotektahan ng Palasyo ng Dragon!May espesyal

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 5555

    Kalmadong tiningnan ni Harvey York ang malamig na titig ni Damon John.Lahat ay biglang nanginginig pagkakita sa tanawin.“Hindi mo pa ako sinasagot, Sir York!“Sa tingin mo ba mga naglalakad na target lang kami?!”Galit na galit na kinunot ni Damon ang noo kay Harvey.Ngumiti lang si Harvey.“Ang pamilyang John ang nangunguna sa sampung pinakamayamang pamilya. Paano mangyayari iyon?“Hindi kailangan ang paghamak sa sarili.”“Kung ganoon, hindi ba dapat ay bigyan mo kami ng paliwanag sa pagpasok nang walang pahintulot?""Hindi po ganoon, Mr. Damon," sabi ni Kairi Patel, nakangiti.“Si Sir York ang consultant ng gobyerno. Pareho kaming may napakalaking ranggo.Kahit hindi siya inimbitahan, nandito pa rin siya para ipagdiwang ang pag-akyat mo sa kapangyarihan.Ano ang ikagagalit doon?Dapat masaya ka! Dito siya pumunta para sa ikabubuti ng iyong paggalang, pagkatapos ng lahat! ”Respeto?Natawa si Damon nang malamig.Binugbog niya ang kapatid ko...Ininsulto ang aking

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status