Share

Kabanata 7

Author: A Potato-Loving Wolf
"Ikaw si… Harvey?"

Nagdududang tinignan ni Howard Stone si Harvey. Ngumisi siya sandali, ipinarke ang kanyang kotse, at naglakad papasok sa hotel.

Sobrang naiilang si Harvey. Hindi niya inaasahan na hindi siya papansinin ni Howard nang makipag-usap siya sa kanya.

Magkasunod na pumasok ang dalawa sa private room. Naroon na ang lahat ng kanilang kaklase sa oras na ito. Lumingon silang lahat nang bumukas ang pinto.

"Hindi ba siya ang class monitor? Nagtagumpay rin sa buhay class monitor! Napakagwapo!" sabi ng isa. Suot ng tuksido at isang pares ng sapatos na balat si Howard habang nakasabit sa kanyang baywang ang susi ng kanyang Audi. Napakakisig niyang tignan sa sandaling ito.

Hindi nagtagal, may nakakita rin kay Harvey na naglakad sa likod ni Howard. Kahit na hindi masyadong hapit sa kanya ang tuksido, mamahalin pa rin ito at galing sa isang sikat na brand.

Nakita ito ng isang kaklase at ngumiti. "Harvey, mukhang maayos rin ang naging buhay mo. Halika, ang dalawang upuan na ito ay nakalaan para sa iyo at sa class monitor!"

Lumingon si Howard kay Harvey at ngumisi. Umiling siya at hindi nagsalita. Hindi niya sinabi na dumating si Harvey rito gamit ng isang electric bike.

Tumugon si Harvey pero wala siyang pakialam sa upuan. Sa halip, tiningnan niya ang mga nasa paligid. Walang masyadong magagandang babae sa klase nila noon. Subalit, maganda pa rin si Wendy hanggang ngayon. Nararapat sa kanya na maging goddess.

Nakasuot si Wendy ng business attire. Ang kanyang perpektong katawan ay walang hamis na napagmamasdan, katulad ng isang hinog na peach. Sobrang nakakapanghalina at nakakapang-akit nito.

Kahit na ang preskong si Howard ay napansin si Wendy sa sandaling ito. Napabilib siya. Lumapit siya, ngumiti, at nagsabing, "Oh, ikaw pala 'yan, our goddess. Ang tagal kitang hindi nakita. Bakit hindi mo ako hinanap o tinawagan man lang? Saan ka na nagtatrabaho ngayon?"

Nahihiyang ngumiti si Wendy at mahinang sumagot, "Hindi ako gaanong kayaman kagaya mo. Nagmamaneho ka pa nga ng isang Audi.

Kuminang ang mga mata ni Howard nang marinig niya ito. Mukhang mayroong siyang pagkakataon. Mukhang napaboran ng goddess ang Audi na kanyang binili gamit ng installment loans.

Nang nais niyang magsalita, nakangiti na ang mga babae sa kanyang tabi at nagsabing, "Class monitor, huwag kang magpapaloko kay Wendy. Siya na ngayon ang administrative manager ng pinakamalaking investment company ng Niumhi-- ang York Enterprise. Ang sabi nila ay sa susunod ay mapropromote na siya bilang general manager at siya na ang hahawak nito!"

"Wow…"

Napamangha ang lahat. Alam nila kung gaano kamakapangyarihan ang York Enterprise. Maraming mga enterprise at mga self-employed na indibidwal ang pinopondohan nito. Kahit na ang kumpanyang ito ay hindi humahawak ng pisikal na negosyo, ang impluwensya nito ay umaabot sa lahat ng bagay.

Kung maging general manager si Wendy sa ganitong edad, magkakaroon siya ng matinding kapangyarihan. Kung sinoman ang magtatagumpay na magpa-oo sa kanya, hindi lang sa mayroon siyang magandang babae sa kanyang mga bisig kundi pati na rin sandamakmak na pera. Napakalaki ng benepisyo nito.

Higit pa roon, ang babaeng ito ay napakaganda na mas nakakamangha pa siya kumpara sa mga A-listed na mga artista. Ang mga lalaki sa private room ay nahiya sa kanilang mga sarili na hindi nila mapigilang mapalunok.

Noong una ay walang masyadong interes si Harvey kay Wendy, ngunit naging interesado siya nang marinig niya ang tungkol sa York Enterprises. Lalo na ngayong siya na ang may-ari nito. Sa ibang salita, katrabaho niya si Wendy. Subalit, ganoon ba siya kagaling? Maaari ba siyang maging general manager?

Ngumiti si Harvey at lumapit habang iniisip ito. Umupo siya sa tabi ni Wendy at handa nang makipag-usap.

Sa una ay ngumiti si Wendy, pero di nagtagal ay kumunot ang kanyang noo. Pagkatapos siya nitong tignan mula ulo hanggang paa, nagsalita siya, "Harvey, pwede bang huwag kang umupo rito?"

"Ah? May iba bang nakaupo rito?" Tumayo siya at nagsalita.

"Hindi. Ayaw lang talaga kitang tumabi sa akin," sabi ni Wendy. "Mabuti na magsuot ng suit. Pero sa tingin ko ay nakalimutan mong magsapatos. Hindi kaya'y hiniram mo lang 'yang suit na suot mo?"

Sa oras na narinig ang mga salitang iyon, maraming nakapansin na hindi gaanong hapit kay Harvey ang suit na kanyang suot pero maganda ang tela nito. Ang pinakaimportanteng bagay ay nakasuot lamang siya ng tsinelas na maraming butas, at maski na ang kanyang hinlalaki sa kaliwang paa ay nakausli mula rito. Magulo ang kanyang istilo ng pananamit.

Walang nagawa si Harvey. 'Sana pala ay bumili ako ng sapatos. Hindi ito nababagay."

"Hahaha, Wendy, ang talas ng mga mata mo. Sa umpisa, ayaw ko lang itong pag-usapan dahil magkakaklase tayo noon. Subalit, may isang tao diyan na napakayabang at gustong makakuha ng isang bagay na hindi naman nararapat sa kanya. Sa tingin ko ay nararapat na malaman ng lahat ang kanyang tunay na kulay." Lumabas mula sa likuran si Howard at ngumiti kay Wendy.

"Ang kaklase natin, si Harvey, ay pumunta rito sakay lamang ng isang electric bike. Sa una ang akala ko ay pansamantala niya lang ginamit ang electric bike dahil baka hindi lang madali para sa kanya na i-park ang kanyang kotse. Lalo na na nakasuot siya ng mamahaling suit. Sa hindi inaasahan, nakalimutan niya ang kanyang sapatos. Sobrang nakakahiya…"

Umarte si Howard na para bang nakita niya ang katotohanan sa likod ng kasinungalingan. "Harvey, hindi kaya binili mo ang suit na ito nang may discount sa kung saan? At sa itsura mo, malamang ay hindi mo pa tinatanggal ang label. Tara at ibalik natin 'yang suit pagkatapos ng reunion party, okay?"

"Sa tingin ko 'di naman ganoon kasama…"

"Pero, mukha ngang dumating siya dito sakay ng electric bike. Nakita ko yung mga susi niya!"

"At saka, malinaw na hindi pa niya napapalitan ang kanyang tsinelas ng ilang taon…"

"Oo nga…"

Kaagad na magchismisan ang kanyang mga kaklase. Mayroong iilan na gustong magpasikat sa harapan ng kanilang goddess-- si Wendy, at sa sandaling ito, matindi nilang kinukutya si Harvey.

Nang magpapaliwanag pa lang si Harvey, tumayo at malakas na nagsalita ang kanyang dating katabi sa klase--- si Shirley. "Sumosobra na kayong lahat. Magkakaklase tayong lahat dito. Kahit na medyo kakaiba ang pananamit niya, kailangan niyo bang sabihin 'yon?"

Si Shirley ay mayroong nakakaakit at eleganteng anyo. Mukha siyang nanggaling sa isang maganda at mayamang pamilya. Lagi siyang ginugulo ni Harvey na pakopyahin siya ng sagot noong nasa kolehiyo pa sila. Dahil doon ay maganda pa rin ang relasyon nila sa isa't isa. Hindi naisip ni Harvey na tutulungan siya ni Shirley na magsalita para sa kanya.

Biglang lumapit si Howard at hinablot ang kwelyo ni Harvey nang makita niyang tinulungan magsalita ng isa pang magandang kaklase ang basurang ito. Mabilis niyang hinila ang isang tag at di mapigilang magsabing, "Shirley, gusto mo pa rin bang tulungan siya? Nakikita mo ba 'to? Hindi man lang niya tinanggal yung mga tag! Isang piraso nito ay nasa sampung libo! Sa tingin mo ba makakabili siya ng ganitong damit sa itsura niya?! At saka kung tama ang naaalala ko, si Harvey ay naging live-in son-in-law ng Zimmer family tatlong taon na ang nakakalipas, hindi ba? Isang live-in son-in-law pero nakasuot pa rin ng haute couture suit ng Armani, hahaha…"

"Baka ninakaw lang niya mula sa isang lalaki sa Zimmer family ang damit na suot niya. Kaya siguro medyo maluwang ito sa kanya…"

"Harvey, tanggapin mo na ang katotohanan. Alam ng buong Niumhi na ikaw ang live-in son-in-law ng Zimmer family. Hindi mo na kailangang magpanggap sa harapan namin. Magkakaklase tayong lahat. Bakit ka nagpapanggap?!"

Tinaas ni Harvey ang kanyang kamay, hinawi ang kamay ni Howard at tinignan siya nang masama.

Nakita ni Howard ang titig ni Harvey sabay ngumisi, "Gusto mo ba akong suntukin pagkatapos kong ibunyag ang tunay mong kulay? O gusto mong sabihin sa akin na hindi talaga sa'yo ang damit na 'yan? Kung kaya mong patunayan, luluhod ako para sa'yo!"

Magsasalita sana si Harvey nang biglang tumunog ang kanyang cellphone.

Mabilis siyang naglabas ng isang lumang model na cellphone. Tumawa na ang lahat bago pa niya masagot ang tawag.

Sobrang nakakatawa. Hindi ba ito ang lumang model ng cellphone na mayroong three-year calling credit sa halagang 99 dollars?

Ganitong klase ng cellphone ang ginagamit ni Harvey. Paano niya nagawang magsuot ng Armani para magyabang?

Nababaliw na ba siya? O naging tanga siya pagkatapos niyang maging isang live-in son-in-law?

Walang pakialam si Harvey sa mga reaksyon ng iba sa sandaling iyon. Sa halip, mabilis niyang sinagot ang tawag. Hindi nagtagal, narinig ang sigaw ng kanyang biyenan-- ni Lilian mula sa kabilang linya. "Harvey, saan ka nagpunta? Bakit hindi mo nilinis yung toilet?"

Patay! Nakalimutan niya! Walang magawa si Harvey, hindi na lang sana siya nagpunta sa reunion party.

"Ikaw nga talaga ang live-in son-in-law. Tinawagan kapa nga para pagalitan sa pag-attend mo sa reunion party!"

"Mukhang pinapagalitan siya ng kanyang biyenan at pinapauwi siya para linisin yung toilet."

"Aye! Para utusan ang isang lalaki para gawin 'to, mas gugustuhin ko na lang na iuntog ang ulo ko hanggang sa mamatay ako kesa maglinis ng toilet. Kahit na hindi ako kumikita ng pera, at least hindi ako isang live-in son-in-law. Kahit na bugbugin niyo pa ako, hindi ko 'yon gagawin!"

"Napipigil ng kahirapan ang ambisyon ng isang tao, hindi ko alam na makitid pala ang paningin mo!"

Pinaguusapan ito ng lahat ng naroon, kahit na si Shirley ay bahagyang napabuntong-hininga sa sandaling iyon. Naawa siya na makita si Harvey sa ganitong sitwasyon. Nagkataon na naghahanap ng security guards ang kanilang lugar nitong nakaraan. Mukhang kailangan niyang kausapin si Harvey para tanungin tungkol sa trabahong iyon, kung hindi ay wala siyang magagawa at hindi man lang makakabili ng sapatos.

"Sige. Umalis ka na lang dito as soon as possible. Hindi welcome dito ang mga basurang kagaya mo!"

Tinignan siya ni Howard nang may pandidiri. Pagkatapos ay lumapit siya kay Wendy at ngumiti. "My goddess, huwag mong hahayaang masira ng mga ingrato ang iyong mood. Ang restaurant na ito ay pagmamay-ari ng matalik na kaibigan ng pinsan ko."

"Speaking of pinsan ko, kilala mo siguro siya. Nagtatrabaho siya ngayon sa company niyo. Don Xander ang pangalan niya. Dapat bigyan siya ng pabor ng kanyang matalik na kaibigan, which is ang huwag siyang ipahiya. Siguro pwede kong utusan ang hotel na ilabas ang kanilang best na wine dito."

Napindot na niya ang service bell bago makasagot si Wendy. Nang dumating ang waiter, mukha siyang hindi nasiyahan at nagsabing, "Anong klaseng service 'to? Bakit ang bagal mo? Dalian mo at magdala ka ng dalawang bote ng pinakamasarap na wine ng hotel dito…"

Saglit na napahinto ang waiter. Pero biglang nagsalita ang waiter, "Sir, ang pinakamasarap na wine dito ay medyo may kamahalan. Ikinakatakot ko na…"

Smack! Binato ni Howard ang susi ng kanyang Audi mula sa kanyang baywang papunta sa mesa. "Mukha ba kaming mahirap para hindi ma-afford yung order? Pinsan ko si Don Xander. Kilala mo ba kung sino siya? Kaibigan siya ng boss mo! Bakit di ka magmadali at dalhin ang wine dito?"

Kalmadong lumingon si Howard sa mukha ni Wendy at nakita niya na nagulat ang goddess, pero nagpanggap siya na wala lang sa kanya ito. Nakagawa siya ng isang napakalaking pabor ngayong gabi. Sigurado siya na magkakaroon ng magandang impresyon ang goddess sa kanya.

Hindi inaasahan ni Harvey na pinsan ni Howard si Don. Pareho ng ugali ang dalawa na nakakamangha itong isipin. Interesado siya kung ano ang susunod na gagawin ni Howard.

Hindi nagtagal, naglabas ang waiter ng dalawang bote ng wine. Pagkatapos ay mahinahon siyang nagsalita, "Sir, narito na ang wine, pero…"

"Manahimik ka at buksan mo 'to!" Tumawa si Howard at kumumpas. "Kung hindi kayo malasing ngayong gabi, huwag kayong uuwi. Tara, it's my toast sa inyong lahat."

Kinuha niya ang kanyang wine glass at tinignan si Harvey na walang natira para sa kanya. Kumunot ang kanyang noo. "Harvey, kahit na magkakaklase tayong lahat, hindi mo ba nakikita? Hindi ka welcome dito. Binabalak mo bang makiinom kasama namin?"
Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 5590

    ”Anong silbi ng pagpapanggap ngayon?”Nanghamak si Aria; hindi siya naniniwala kay Harvey. Kinawayan niya ang kanyang kamay, at ang mabangis na lalaki ay humakbang sa harap ni Harvey.Sa laki ng kanyang tiyan, malinaw na may hawak siyang baril. Kung may mangyaring mali, hindi siya magdadalawang-isip na kumilos.Ngumiti ang matandang lalaki nang makita niyang tahimik lang si Harvey.Hayaan ninyong ipakilala ko ang aking sarili. Ang pangalan ko ay Lennon Surrey. Ito ang aking apo, si Aria.Ang Walong Sukdulan na aming isinasagawa ay medyo naiiba sa iba.Malinaw na hindi ka ordinaryong tao. Dahil napansin mo na may mali sa ensayo ng apo ko, bakit hindi mo na lang sabihin sa kanya? ”Nagsalita si Lennon nang magalang, na para bang talagang gusto niya ang mga payo ni Harvey. Gayunpaman, ang kanyang tono ay puno ng pagmamalaki. Lahat dito ay walang pagpipilian kundi magbigay-galang pagkatapos makilala ang pangalang Surrey. Gayunpaman, tila walang pakialam ang batang lalaking ito sa

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 5589

    ”Marunong ka ba ng martial arts?“Kung magpapakitang-gilas ka, mag-aral ka muna kahit ilang taon!“Nakakainis ang mga taong mahihina ang itsura na katulad mo! Naiintindihan mo ba?!”Tinanaw ng babae si Harvey, tinuring siyang isang baliw na nagpapakitang-gilas.Hindi napigilang iirap ni Harvey ang kanyang mga mata. Kung hindi siya marunong ng martial arts, walang sinuman ang marunong.Hindi naman kahanga-hanga ang ginagawa ng babae. Kaya naman napabuntonghininga si Harvey.Wala siyang balak makipagtalo sa babae. Hindi rin niya gustong ilantad ang kanyang pagkakakilanlan dahil dito.“Pasensya na, pero hindi talaga ako marunong ng martial arts. Hindi rin ako bumuntong-hininga dahil sa iyo. Hindi ko mapigilan ang sarili ko matapos kong isipin ang aking matandang kaibigan. Pasensya na kung hindi ka komportable.”Sumimangot ang babae. “Kung wala kang alam, umalis ka na lang diyan! Mas mabuting huwag ka nang magpakita rito ulit! Kung gagawin mo...""Bumalik ka rito, Aria," sabi ng m

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 5588

    Hindi inakala ni Harvey na makakaakit siya ng ganito karaming atensyon sa simpleng paglalakad-lakad lang.Pagkaalis sa moog, nakahanap siya ng lugar para bilhin ang kanyang mga pangunahing pangangailangan. Pagkatapos, nagtungo siya sa villa na inayos ni Harlan para sa kanya.Medyo luma na ang lugar, pero walang amoy ng amag sa hangin. Natural lang na naglaan si Harlan ng malaking pagsisikap para makaramdam si Harvey na parang nasa sariling bahay.Natuwa si Harvey. Naalala niyang bumili ng villa sa Eden Mountain para maibalik ang utang na loob sa bandang huli.Kinabukasan, nagpasya si Harvey na mag-jogging sa tabi ng ilog nang maaga sa umaga. Sariwa naman ang hangin sa paligid ng lugar, sa huli.Walang pagpipilian si Harvey kundi ang maghintay dahil hindi sumagot si Ethan.Tumatakbo siya sa lahat ng dako para harapin ang mga problema, pero sa wakas ay nagkaroon din siya ng oras para magpahinga pagkarating dito.Paminsan-minsan ay gumagawa ng ilang galaw si Harvey kapag walang nak

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 5587

    Sinasaulo ni Harvey ang bawat impormasyon at ang mapa ng mga kalapit na lugar, ngunit ito pa rin ang unang beses niya rito.May ilang magagandang sundalo mula sa Kampo ng Espada na nagmula rito.Hindi maalala ni Harvey ang impormasyon ng kontak ng mga sundalo. Nagpadala siya ng text kay Ethan para magtanong tungkol dito, tapos kaswal na naglakad sa tabi ng moog.Makikita ang mga weeping willow. Napakagandang tanawin nila.Naglakad-lakad si Harvey habang pinag-iisipan kung ano ang susunod niyang gagawin. Hindi niya basta-basta mahahanap si Mandy kaagad. Sa huli, kasangkot ang Kuwintas na May Dalawang Mata. Templo ng Aenar, rin.Kahit ang pamilyang Jean ay hindi magdadalawang-isip na mawalan ng dalawang pinuno ng sangay para sa kapakanan ng kuwintas. Kinidnap pa nga si Mandy dahil dito. Kung hindi dahil kay Harvey, kakila-kilabot sana ang sitwasyon.Sapat na ito upang ipakita kung gaano kalalim ang tubig. Kung kumilos nang walang pag-iingat si Harvey, magiging malubha ang mga kahih

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 5586

    Kakila-kilabot ang mukha ni Whitley sa buong kainan.Hindi alam ni Harlan kung ano ang nangyari. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin, dahil palagi siyang mahiyain sa kanyang asawa.Nang bumalik si Whitley sa kanyang silid-tulugan pagkatapos ng nakakahiya na pagkain, sa wakas ay kinausap ni Harlan si Harvey.Huwag mo na lang pansinin ang tita mo. Ganyan na siya noon pa man.Paano ito? Siguradong hindi ka pa masyadong pamilyar dito dahil unang araw mo pa lang. Sasabihin ko kay Billie na samahan ka sa pamimili. Maaari kang bumili ng ilang mahahalagang bagay habang nasa daan ka.Hindi mo kailangang mag-alala tungkol sa pagtira dito.Tahimik na sinilipan ni Harlan si Harvey ng pilak na kard.Alam ni Harvey na maghihinala si Harlan kung tatanggihan niya ang kard. Sa huli, narito siya upang humingi ng suporta. Nagpasya siyang kunin ang card, iniisip na ibabalik ito kapag oras na para umalis siya.Hindi nagtagal, nakatanggap ng tawag si Harlan mula sa kanyang kumpanya at umalis.Ng

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 5585

    Sa impormasyong ibinigay ni Kairi, si Whitley ay nagmula sa Gangnam. Nakilala niya si Harlan habang bumibisita sa mga labas ng lungsod para magbakasyon, at magkasama na sila mula noon.Sumimangot si Whitley nang makita niyang pumasok si Harvey, pero tumango pa rin siya sa kanya bilang pagbati.“Tingnan mo kung sino ang nandito, mahal?” Tumawa si Harlan. “Halika, magtsaa tayo kasama ang iyong tiyahin. Ihahanda ko na ang pagkain. Dito ka na kumain ngayong gabi.”Masayang isinuot ni Harlan ang kanyang apron bago pumasok sa kusina.Napatigil si Harvey; nagulat siya nang may bagong natuklasan, kahit nabasa na niya ang ibinigay na impormasyon.Batay sa nakikita niya, tila si Whitley ang namamahala sa pamilya.Walang-pakialam na sinenyasan ni Whitley si Harvey na umupo. Inilabas niya ang dalawang mamahaling tasa, at nagpunta para magpakulo ng tsaa. Tila siya'y medyo lutang, pero bawat galaw niya ay sakto lang.Natural lang na siya ay isang eksperto.Sinulyapan ni Harvey si Whitley na

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status