LOGINGood night na pooooo
Snap.“You forgot about your own weakness, Hunter.”Bago pa man makapag-isip si Hunter kung anong ibig sabihin ni Black, isang malakas na ingay mula sa labas ng abandonadong gusali ang bumasag sa tensyon.Tunog iyon ng dalawang itim na van na pilit at mabilis na pumreno sa mismong bunganga ng nawasak na warehouse.Ang mga ilaw ng sasakyan ay tumagos sa dilim, nagbibigay ng matalim na liwanag sa buong palapag.Nanlaki ang mga mata ni Hunter. “What the fuck is that, Black?!”Bumukas ang pinto ng unang van. Ilang tauhan ni Black na balot sa itim na tactical gear ang bumaba. Ngunit ang nagpatigil sa paghinga ni Hunter ay ang pigurang pilit na inilalabas mula sa likuran ng sasakyan.Isang babaeng umiiyak, nanginginig, at nakaposas ang mga kamay.“K-Kuya Hunter?!”Umawang ang mga labi ko. Parang binuhusan ng malamig na tubig si Hunter. Ang matigas niyang hawak sa akin ay biglang nanghina.Si Hannah.“H-Hannah?!” tarantang sigaw ni Hunter, ang boses ay tuluyan nang nabasag. “P-Paano... Paano
Nandito siya.Dumating ang lalaking mahal ko.Ang lalaking akala ko wala akong halaga sa kan’ya, ang lalaking akala ko ginagamit lang ako sa kama.Nandito si Black!Pero mabilis ding nawala ang panandaliang ginhawang iyon nang ilipat niya ang kaniyang malamig na tingin kay Hunter.“An interesting party. Having my woman as an invitation? How cheap, pathetic trick, Hunter.” malamig at nakakakilabot na bungad ni Black.Ang kaniyang baritone na boses ay nag-echo sa buong abandonadong gusali.Isang boses na kayang magpanginig sa takot sa mga nakakarinig. Ang tauhan ni Hunter na balak akong paluin ng tubo kanina ay literal na nabitawan ang hawak niya, nanginginig na umaatras at hindi makatitig nang diretso sa mga mata ni Black.Napansin ko rin ang bahagyang paninigas ni Hunter. Pero dahil isa rin siyang demonyong sinanay mismo ni Black, mabilis siyang nakabawi. Isang malawak at nang-uuyam na ngisi ang gumuhit sa mga labi niya.Mabilis niyang itinago ang kaba at sa isang marahas na galaw,
“Mamamatay ka rin naman, Azher.”Isang malamig, mapang-asar, at nakakakilabot na ngisi ang sumilay sa mga labi ni Hunter matapos niyang bitawan ang mga salitang iyon.Click.Rinig na rinig ko ang pagkasa ng baril na hawak niya, direktang nakatutok sa ulo ng babaeng nasa harapan namin.Halos tumigil ang pag-ikot ng mundo ko. Parang naubos ang lahat ng hangin sa loob ng malawak at abandonadong gusali.Nagkakatutukan sila ngayon. Parehong sanay sa patayan. Parehong walang inuurungan.Isang lalaking traidor at isang babaeng sunod-sunoran pero wala rin akong balak tulungan.Tinitigan ko si Azher.Katulad ng inaasahan ko sa kan’ya, walang takot ang mga mata niya.Ang mga kamay niyang nakahawak sa baril ay hindi man lang nanginginig, pakiramdamdam ko, sa lugar at oras na ito ako lang ang kinakabahan.Habang ang dalawang ito ay parang handa ng makipagpatayan.“Go ahead, pull the trigger, Hunter,” hamon ni Azher, ang boses ay mababa at parang nang-uudyook. “Let’s see kung sino ang unang babags
“You! I know you’re already here, Azher. Lumabas ka na.”Umalingawngaw sa malawak na gusali ang boses ni Hunter habang animo’y nagmamatyag parin sa paligid niya at ngayo’y nakahawak ng mahigpit sa baril niya.Si Azher? Nandito na si Azher? Kasama na ba niya si Black?! Mula sa pinakamadilim na sulok ng semento, nakarinig ako ng mabibigat ngunit kalmadong mga yabag, parang taking ng combat shoes na pangbabae.Bawat hakbang ay tila sumasabay sa mabagal at masakit na pagtibok ng puso ko.At mula sa dilim, dahan-dahang lumabas ang kanang kamay ni Black.Si Azher.Nakatali nang maayos ang kaniyang buhok, nakasuot ng kaniyang nakasanayang black tactical attire na lalong nagpapakita ng kaniyang pagiging matatag na babaeng mandirigma.Walang bakas ng gulat o takot sa kaniyang magagandang mata.Sa halip, isang blangkong ekspresyon ang nakapaskil sa kaniyang mukha habang kalmadong naglalakad palapit sa amin. Hindi niya ako tiningnan. Ang buong atensyon niya ay nakapako kay Hunter.“Masyado ka ya
“Palabas?” nangangambang tanong ko. Ang mga luha ko ay patuloy sa pag-agos ngunit ang utak ko ay nagpupumilit na intindihin ang ibig niyang sabihin.Kung gano’n… lahat ng sakit na pinadama sa akin ni Black, lahat iyon palabas.Para ano? Ipamukha kay Hunter na wala akong halaga sa kan’ya?Isa-isang pumasok sa isip ko ang lahat, mula sa mga sinasabi ng bear. Na parang pinaprogram na ipaalala sa akin kung gaano ako ka importante.Kung paano niya ako ipagtabuyan at saktan sa harap ni Hunter.At higit sa lahat kung paano niya ipamukha sa akin na si Hannah… na kapatid nila mismo ni Hunter ang mas mahalaga sa kan’ya.Ginawa niya ba ang lahat ng iyon para protektahan ako? Dahil alam na niyang nasa teretoryo niya ang kalaban niya?Alam na niyang si Hunter ang traidor sa grupo niya?Sandaling tumayo si Hunter at naglakad paikot sa akin, sinasadyang iparamdam ang kaniyang presensya na tila isang aninong nakakasakal. Bawat yabag niya sa semento ay tila martilyong bumabaon sa isip ko.Pero sa inaak
“I'm not here to play hero, Yna. I'm here to show my brother that everything he loves... will turn to ash.”“I-Ikaw ang traydor?!” Ang boses ko ay halos mapatid sa halo-halong sakit, gulat, at galit.Hindi ako makapaniwala! Hindi si Hunter! Sa lahat ng pwedeng sumaksak patalikod kay Black, hindi si Hunter!Pinilit kong kumawala mula sa pagkakatali, binalewala ang matinding hapdi sa mga pulso ko, umaasang baka sakaling gumising na lang ako mula sa bangungot na ito. “P-Pamilya ang turing sa'yo ni Black!! Itinuring niya kayong mga kapatid! Paano mo nagawa 'to?!”Sandali niyang pinagbalingan ang baril niya, nilinis linis na parang handang handa ng gamitin at sa isang kisapmata, nagbago ang ihip ng hangin.Nawala ang mapang-uyam niyang ngisi. Napalitan ito ng isang matinding poot na tila matagal nang kumukulong asido sa loob ng kaniyang dibdib, naghihintay lang ng tamang oras para sumabog.Sa isang marahas na galaw, nilapitan niya ako at malakas na sinabunutan. Napasigaw ako sa sakit nang h



![Just One Night [Tagalog]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)



