LOGINIsang tasa ng kape ang lumikha ng kanilang unang pagtatagpo — at isang kontrata naman ang tila magbubuklod sa kanila magpakailanman. Si Alexandra "Xandra" Reyes ay isang ordinaryong freelance graphic artist na desperadong maghanap ng paraan para masagip ang buhay ng kanyang tatay. Wala siyang balak na maging bahagi ng mundo ng mayayaman — hanggang sa isang aksidenteng pagkakabuhos ng kape sa isang estrangherong lalaki ang magbabago sa kanyang kapalaran. Si Diego Castillo, ang batang CEO ng Castillo Group, ay may isang buwan na lang para magpakasal bago siya mawalan ng kontrol sa sarili niyang imperyo. Sa halip na piliin ang isang taong kilala ng lipunan, mismong ang babaeng aksidenteng nagbuhos ng kape sa kanya ang kanyang pinili — walang malisya, walang planong yumaman, tanging isang babaeng desperado lang tulad niya na naghahanap ng paraan para iligtas ang mahal sa buhay. Isang simpleng kasunduan. Isang kontrata na may takdang panahon. Ngunit habang lumalalim ang bawat araw nilang magkasama — mula sa mga ngiting hindi sinasadya, sa mga halik na dapat sana'y para lamang sa panonood ng publiko, hanggang sa mga gabing unti-unti nang nawawala ang linya sa pagitan ng negosyo at katotohanan — mapapatunayan nilang minsan, ang pinakamalaking pagsusugal sa puso ay nagsisimula sa pinakahindi inaasahang paraan. Ngunit hindi lahat ay masaya sa kanilang pagsasama. May mga taong handang gawin ang lahat para wasakin ang tiwala nilang dalawa sa isa't isa. Kaya bago pa sila lubusang maniwala sa bagong buhay na kanilang binubuo, kailangan muna nilang harapin ang katotohanan — kaya ba ng pag-ibig na manaig laban sa mga taong ayaw silang magkasama? Minsan, ang pinakamatibay na pundasyon ng pag-ibig ay hindi nagsisimula sa puso — kundi sa isang piraso ng papel.
View MoreMay mga araw na alam mong hindi maganda ang mangyayari bago pa man ito magsimula. Para sa akin, ang araw na iyon ay nagsimula sa isang sirang alarm clock, isang bill na overdue, at isang tatay na halos hindi na makahinga nang maayos sa sofa namin sa maliit naming inuupahang bahay sa Project 4, Quezon City.
"Tay, aalis na po ako," sabi ko, yumuko para hagkan ang noo niya. Mahina ang boses niya nang sumagot, "Ingat ka, anak. Sabi ni Dr. Molina, kailangan na daw talaga ng operasyon bago sumama pa ang kalagayan ko." Tumango na lang ako, kinagat ang labi para hindi umiyak sa harap niya. Alam kong hindi ko kayang bayaran ang operasyong iyon—hindi sa ganitong kita ko bilang freelancer.
Kaya naman, buong linggo akong nag-apply sa mga in-house design job, kahit alam kong mas gusto ko ang kalayaan ng freelancing. Kailangan ko ng steady income, at kailangan ko ito ngayon.
Ang interview na pupuntahan ko ay sa isang advertising firm malapit sa Ayala Avenue—maliit na kompanya, pero disente ang alok na sahod. Dahil sa gulat kong maaga akong nakarating, dumaan muna ako sa isang coffee shop sa ground floor ng gusaling katabi para umupo at ayusin ang isip ko bago ang interview.
Mali iyon.
Habang pumipila ako, nabigla ako sa biglang paghinto ng linya sa harapan ko. Isang babaeng naka-corporate attire ang biglang lumingon papunta sa akin habang nakikipag-usap sa telepono, at hindi ko na naiwasan—sumalpok ang aking iced americano sa dibdib ng isang lalaki sa likod ko na noon pala ay papasok din sa parehong pila.
"Sir, sorry po talaga!" halos sigaw ko sa gulat. Kumuha ako ng mga tissue sa counter, at nang lumingon ako para hawanin ang basa sa kanyang suot na amerikana, saka ko lang unang nakita nang husto ang mukha niya.
Matangkad siya, mas matangkad pa kaysa sa akin ng halos isang ulo. Naka-navy blue na suit, maayos na parang naka pomada ang buhok, at ang mga mata niya—kulay itim, matalim, parang alam agad kung ano ang nasa isip mo. Hindi siya galit sa akin. Sa katunayan, may bahagyang aliw sa paraan niya ng pagtingin, na parang aksidenteng ito ay isang kakaibang libangan sa gitna ng nakasanayan niyang seryosong araw.
"Ito na naman," bulong niya, halos hindi ko marinig, habang tinitingnan ang basa niyang damit.
"Ano po?" tanong ko, kinakabahan, hinahagod ang tissue sa kanyang dibdib bago ko pa naisip kung tama bang ginagawa ko iyon. Napansin ko na lang ang sarili kong kamay sa dibdib niya, at mabilis kong binawi ito.
"Wala," sagot niya, kinuha na lamang niya mismo ang tissue mula sa kamay ko. Sandaling nadikit ang mga daliri namin, at kakaiba—may bahagyang init na dumaan sa balat ko sa maikling sandaling iyon, parang kuryenteng biglang tumama sa akin. "Sino ka?"
"Ako po si Alexandra Reyes. Xandra na lang po ang itawag niyo sa akin. Sorry talaga, sir, babayaran ko po ang dry clean n'yo—" Sinimulan kong maghalungkat ng wallet sa bag, pero hinawakan niya ang braso ko para pigilan.
"Hindi na kailangan," sabi niya, seryoso ngunit hindi masakit ang paghawak. "Nagtatrabaho ka ba dito malapit?"
"Ah, hindi po. Nandito pop o ako para sa interview. Freelance graphic designer po ako, pero naghahanap ng regular na trabaho."
Tumango siya, tila iniisip ang sinabi ko. Bago pa siya nakasagot, tumunog ang cellphone niya. Sinagot niya ito nang mabilis at seryoso, "Sige, order mo na. Sabihin mo dadalhin ko within an hour." Pagkababa ng tawag, bumalik agad sa akin ang buong atensyon niya, na parang hindi naputol ang usapan namin.
"Diego Castillo ang pangalan ko, I don’t know if familiar sa iyo," sabi niya, may bahagyang ngiti sa gilid ng labi niya ngayon.
Nabigla ako, halos mahulog ang bag ko. Ang Castillo Group ay isa sa pinakamalaking kompanya sa real estate sa buong bansa—laging nasa headlines ng Business section, at kilala rin sa mga chismis section dahil sa dami ng babaeng gustong makasama ang bunsong Castillo.
"Ang—ang Diego Castillo po ng Castillo Group?" nautal ako, hindi maiwasang tumaas ang boses sa gulat.
"Ikaw mismo ang nagsabi noon, hindi ako," sabi niya, halatang naaaliw sa reaksyon ko.
Napahiya ako sa sarili ko, tumayo nang tuwid at hinagod ang basa kong palad sa damit. "Talagang sorry po ulit, sir. Aalis na po ako, baka po kasi ma-late ako sa interview ko."
Bago pa ako makatalikod, hinawakan niya muli ang braso ko—hindi mahigpit, pero sapat para mapatigil ako sa kilos. Kumislap ang mata niya habang tinititigan ako, tila may naiisip.
"Anong oras yung interview mo?"
"Ano po?" nalilito ako sa biglaang tanong.
"Sabi ko, anong oras," ulit niya, mas dahan-dahan ngayon, parang nakikipag-usap sa isang batang kailangang paulit-ulitan ang tanong.
"Alas-diyes po."
Tumingin siya sa relo sa kanyang pulseras—mukhang mamahalin ito, kahit hindi ko masyadong alam ang tungkol sa mga brand ng relo. "May labinlimang minuto ka pa. Sabihin mo sa akin, Miss Reyes—gaano kalaki ang kailangan mong pera?"
Napakunot ang noo ko sa gulat. "Excuse me po?"
"Hindi ko na uulitin ang tanong," seryoso ang tono niya ngayon, wala nang pagbibiro sa boses. "Kita ko sa mga mata mo. Desperado ka. May malaking problema, at hindi ito basta-bastang problema sa pera para sa renta o bill. Sabihin mo sa akin, at baka may maitulong ako."
Hindi ko alam kung dapat akong matakot o magtaka sa kakayahan niyang basahin ako. Pero ang totoo, hindi ko rin alam kung paano niya nahulaan iyon nang ganoon kabilis. Tama siya—desperado nga ako. Nakaratay sa ospital ang tatay ko dahil sa stroke, at kulang pa ako ng halos dalawang daang libo para sa operasyon niya sa loob ng ilang linggo.
"Wala pong kinalaman iyon sa inyo, sir," sagot ko, sinusubukang manatiling magalang pero matatag sa harap ng ganoon kalaking presensya.
Ngumiti siya—ang unang tunay na ngiti na nakita ko mula sa kanya. Hindi ito ngiti ng kabaitan. Mas parang ngiti ng isang taong nakakita lang ng isang bagay na gusto niya, at ngayon ay iniisip na kung paano ito makukuha.
"Sigurado ka?," sabi niya, kinuha ang isang business card mula sa panloob na bulsa ng amerikana niya at inilagay ito sa aking palad. Malamig ang papel, pero mainit ang daliri niyang bahagyang nadikit sa akin habang inaabot ito. "Bukas, alas-dose ng tanghali. Sa opisina ko. May i-ooffer akong pero hindi pangkaraniwang trabaho."
Bago pa ako makasagot, tumalikod na siya at lumakad papalayo. May dalawang lalaking naka-suit din na nagbabantay malapit sa p***o na bigla na lamang sumulpot sa paligid, na para bang nagsilabasan lang sila sa hangin nang biglaan.
Tiningnan ko ang card sa kamay ko habang naglalakad papunta sa aking sariling interview. Simple lang ito—pangalan niya, numero ng telepono, at address ng opisina ng Castillo Group sa Makati.
Hindi ko alam kung ano ang gustong niyang sabihin sa "hindi pangkaraniwang trabaho." Pero may kakaibang kutob akong sasabihin niya bukas ang isang bagay na magbabago ng buong buhay ko—at ang tanong na iyon, "gaano kalaki ang kailangan mong pera," ay nag-iwan ng kakaibang kaba na hindi ako makatulog nang maayos kinagabihan.
Ang interview kong pinuntahan pala ay hindi ko na natapos nang maayos—buong oras kong iniisip ang mga mata niyang matalim, ang boses niyang mababa at seryoso, at ang tanong na parang alam na alam ang lahat tungkol sa akin bago pa man ako magsalita.
“Alexandra!”Ang sigaw ni Diego ay umalingawngaw sa buong House of Mercy.Wala na siya.Ilang segundo lamang ang lumipas mula nang mamatay ang mga ilaw, ngunit sapat na iyon upang mawala si Alexandra sa harap ng kanilang mga mata. Sa sahig ay nakakalat ang mga dokumento, ang litrato ng sanggol, at ang pilak na pulseras na ilang sandali pa lamang ay mahigpit na hawak ng dalaga.Lumuhod si Diego at dinampot ang pulseras.“Hindi ko siya hahayaang mawala sa akin,” mariin niyang sabi.“Walang sinuman ang nagsabing hahayaan natin siyang mawala,” sagot ni Rafael habang sinusuri ang makitid na lagusan sa likod ng aparador. “Pero kung basta tayo papasok, baka iyon mismo ang gusto ng kumuha sa kaniya.”“Wala akong pakialam kung ano ang gusto nila!”“Diego!” sigaw ni Inspector Cruz. “Kailangan nating mag-isip. May mga armadong lalaki sa labas, may lihim na lagusan sa loob, at hindi natin alam kung ilan ang kasama nila.”“Kung gayon, bilisan natin.”Sa kabilang bahagi ng silid, nakaupo sa sahig a
Hindi agad nakasagot si Alexandra.Nakatayo siya sa gitna ng Room 1 ng House of Mercy, hawak ang lumang pilak na pulseras na natagpuan niya sa kahon sa ilalim ng kama. Sa harap niya ay ang lalaking ilang taon niyang inakalang patay na—ang lalaking tinawag niyang ama, ang lalaking nag-iwan sa kaniya ng mga tanong na walang kasagutan.Si Eduardo Reyes.At sa tabi ng pintuan ay ang babaeng buong buhay niyang tinawag na Ma.Dalawang taong minahal niya. Dalawang taong nagsabing ginawa nila ang lahat para iligtas siya. Ngunit ngayon, pareho silang may bahaging itinago sa kaniya.“Ma,” mahina niyang tawag, pilit pinipigilan ang panginginig ng kaniyang boses. “Totoo ba ang sinabi niya?”Hindi sumagot ang kaniyang ina.“Pumirma ka ba sa isang kasunduan na muntik nang pumatay sa akin?”Napapikit ang babae. Unti-unting bumagsak ang mga luha sa kaniyang pisngi, ngunit hindi pa rin siya lumapit kay Alexandra.“Anak…”“Huwag mo akong tawaging anak kung hindi mo kayang sagutin ang tanong ko!”Napaat
Hindi na maalala ni Alexandra Reyes kung ilang minuto siyang nakaluhod sa tabi ng katawan ni Dr. Damian Valdez.Naririnig niya ang mga sigaw ni Inspector Cruz, ang pagmamadali ni Rafael sa pagtawag ng ambulansiya, at ang mahinang pag-iyak ni Corazon sa may pintuan. Ngunit ang lahat ng iyon ay tila nagmumula sa napakalayong lugar.Ang tanging malinaw sa kaniyang pandinig ay ang huling sinabi ng doktor.Ang iyong ina.Sino sa dalawang babaeng tinawag niyang ina ang tinutukoy nito?Ang babaeng nagpalaki sa kaniya, nag-aruga sa kaniya, at nagturo sa kaniya kung paano mabuhay kahit wala na ang kaniyang ama?O ang babaeng nagsabing siya ang nagbigay sa kaniya ng buhay, ngunit lumitaw lamang matapos ang maraming taon ng pananahimik at mga kasinungalingan?At ano ang ibig sabihin ng pangalan sa kard?THE HOUSE OF MERCY — ROOM 13.“Xandra.”Naramdaman niya ang kamay ni Diego sa kaniyang balikat.Hindi niya ito tiningnan.“Xandra, kailangan nating umalis dito. Darating na ang mga pulis mula sa
Hindi na marinig ni Alexandra Reyes ang ingay ng paligid.Nakatitig lamang siya sa papel na hawak ni Inspector Cruz, paulit-ulit na binabasa ang pangalang nakasulat sa ilalim ng tala ng ospital.ELENA VILLANUEVA.Ang ina ni Bianca.Ang babaeng natagpuan nilang patay sa labas ng lumang klinika. Ang babaeng may kaugnayan sa mga lihim ng kaniyang ama. Ang babaeng pinaniniwalaan nilang hindi na makapagsasalita upang sabihin ang katotohanan.Ngunit ayon sa rekord, may isang pasyenteng inilipat nang buhay apat na araw lamang ang nakalipas.“Hindi ito maaari,” mahinang sabi ni Xandra. “Nakita namin ang katawan niya. Namatay siya.”“May nakita tayong katawan na pinaniniwalaang kay Elena Villanueva,” pagwawasto ni Inspector Cruz. “Pero hindi pa natin nakukumpirma ang pagkakakilanlan nito sa pamamagitan ng opisyal na pagsusuri.”Napatingin si Rafael sa inspektor.“Ibig mong sabihin, maaaring ibang babae ang namatay sa labas ng klinika?”“Posible. Hindi pa natin masasabi nang tiyak.”“Kung ganoo






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.