Mag-log inHello, okay pa po ba kayo?
Iniiwas ko ang tingin ko sa kaniya at mabilis kong binuksan ang aking styling kit. Kinuha ko ang itim na tuxedo jacket na isusuot niya para sa kaniyang gala event.“Isuot niyo na po ito, Sir, para masukat ko ang balikat,” pormal kong sabi, hindi man lang tumitingin sa kaniyang mukha.Narinig ko ang mabibigat niyang hakbang palapit sa akin. Huminto siya sa mismong harapan ko. Ang kaniyang matangkad at malaking kaanyuan ay tuluyang nagpadilim sa liwanag sa kinaroroonan ko. Ang amoy ng kaniyang matapang at mamahaling pabango ay muling pumasok sa ilong ko, na nagdulot ng panginginig sa aking kalamnan.“Look at me, Rye,” utos niya.Hindi ako tumingin. Inangat ko ang jacket para isuot sa kaniya. “Sir, pakipasok na po ang kamay niyo—”Sa isang iglap, hinawakan niya ang dalawa kong balikat at mabilis na iniharap ako sa kaniya. Sa lakas ng galaw niya, napatingala ako nang walang oras.“I said look at me!” madiin at paos na utos niya.Ang kaniyang mga mata ay madilim at nag-aapoy. Galit siya. G
Nakatulala pa rin ako sa cellphone ko kahit matagal nang naputol ang tawag.“Miss Rye? Sakay na po kayo,” nakangiting pakiusap ng driver habang nakahawak pa rin sa nakabukas na pinto ng magara at makintab na sasakyan.Wala na akong nagawa. Para akong naglalakad sa ulap nang sumakay ako sa likod. Ang amoy ng mamahaling leather at interior ng sasakyan ay halos kapareho ng Bugatti ni Hunter.Habang umaandar ang sasakyan sa gitna ng liwanag ng gabi sa Maynila, hindi mathimik ang isip ko.Company order? Private car dahil on-call stylist ako?Alam kong napakalaking kasinungalingan niyon. Wala sa rules ng agency na may hiwalay na car service ang isang stylist, kahit pa VVIP Head Stylist ka pa. Si Hunter ang may gawa nito. Alam ko. Pero bakit? Bakit kailangan niyang mag-abala nang ganito para sa akin?Pilit kong ipinikit ang mga mata ko. Ang imahe ni Tristan sa casino—tumatawa, naghahagis ng daan-daang libong chips habang nakahawak sa hita ng ibang babae—ay muling sumaksak sa utak ko. Kasabay
Isang linggo ang lumipas matapos ang grand opening ng VIP Casino.Nasa loob ako ng private fitting room ng agency. Nakatayo sa harapan ko si Hunter, nakasuot ng bagong tailored na charcoal gray suit na isusuot niya para sa isang exclusive underground auction.Hawak ko ang isang maliit na box ng pins, dahan-dahang inaayos ang tupi sa balikat ng coat niya.Tahimik. Walang imikan.Dati, sa ganitong mga pagkakataon, siguradong inasar na niya ako. Siguradong nakipagtalo na ako. Siguradong may nabagsak na akong pin o natapid sa sarili kong paa.Ngunit ngayon, parang naging isang robot ang katawan ko.Malamig, walang emosyon, at eksakto ang bawat galaw. Ang mga mata ko ay may malalalim na dark circles. Ang balat ko ay maputla. Ang bigat ng dinadala ko sa sinapupunan ko ay sumasabay sa bigat ng katotohanang pinapasan ng isip ko.“You're unusually quiet, clumsy,” biglang basag ni Hunter sa katahimikan.Hindi ako tumingala. Ipinagpatuloy ko lang ang paglalagay ng pin sa laylayan ng manggas niya.
Halos walang imikan sa buong byahe pabalik sa apartment. Hindi narin ako nakatanggi nang nag-insist si Hunter na ihatid ako.Nakasandal lang ang ulo ko sa malamig na bintana ng Bugatti ni Hunter, nakatingin sa mga dumadaang ilaw ng siyudad ngunit blangko ang isip.“Are you going to be sick in my car?” basag ni Hunter sa katahimikan. Ang boses niya ay walang emosyon, nakatutok lang ang paningin sa kalsada.“H-Hindi po,” mahinang sagot ko. “M-Medyo okay na po ako.”“Good. Because if you ruin this leather, you're working for me for the rest of your miserable life without pay.”Kahit gusto kong mainis sa kayabangan niya, wala akong maramdamang lakas. Wala akong ganang makipagtalo. Parang naubos ang lahat ng enerhiya ko sa VIP Lounge na iyon.Nang makarating kami sa tapat ng apartment building ko, mabilis akong bumaba. Hindi ko na siya tiningnan. “S-Salamat po, Sir Hunter.”Hindi na siya sumagot. Narinig ko na lang ang malakas na pag-arangkada ng makina niya palayo.Umakyat ako sa apartment
Walang iba kundi ang boyfriend kong si Tristan.Bumagsak ang Restricted Collection Folder sa sahig na may malakas na kalabog. Ang mga pahinang naglalaman ng bilyun-bilyong halaga ng utang ay nagkalat sa mismong paanan ko.Ngunit wala akong pakialam.Ang buong mundo ko ay tumigil sa pag-ikot. Ang ingay ng mga nagtatawanang high-rollers, ang pagkalansing ng mga casino chips, ang nakakabinging background music—lahat ng iyon ay naging isang mahinang ugong na lamang sa pandinig ko.Tinitigan ko si Tristan. Ang lalaking akala ko ay nagpapakahirap sa trabaho, ang lalaking walang ibang ginawang masama sa isip ko!Ang lalaking pinakaiingat-ingatan ko at pinoprotektahan ko laban sa sarili kong konsensya... ay nandito.Nakasuot ng pamilyar na itim na jacket. Nakangisi nang malawak. Nakasandal sa isang babaeng halos lumabas na ang kaluluwa sa nipis ng suot, habang ang isang kamay niya ay nakahawak sa hita nito.‘Babe, pagod ako sa site ngayon... baka madaling-araw na ako makauwi...’Paulit-ulit na
“Y-Yes, Mr. Saviano! Understood po!” halos maiyak na sagot ng pit boss, nakayuko nang halos umabot sa sahig.Napalunok ako nang mariin sa likuran niya. Nanginginig ang mga daliri kong nakakapit sa black folder.Bakit pakiramdam ko… sobrang bigat ng aura ng lalaking kasama ko ngayon.Diyos ko... ito ang ama ng batang nasa sinapupunan ko, umiiyak na bulong ko sa sarili ko. Kapag nalaman niya ito, ano ang gagawin niya sa akin? Papatayin niya ba ako? Kukunin niya ba ang bata at itatapon ako sa Manila Bay?!Mas lalong sumama ang pakiramdam ko. Ang amoy ng usok ng cigar, ang matatapang na alak, at ang walang-tigil na pag-ikot ng mga roleta ay nagpapasikip ng dibdib ko. Parang gusto ko na lang mahimatay.“Stop trailing behind like a lost puppy. Walk beside me,” utos ni Hunter nang hindi man lang lumilingon, halatang nararamdaman ang pagbagal ng mga hakbang ko.Pilit kong binilisan ang lakad ko hanggang sa makapantay ko siya. Nagpatuloy kami sa pag-iinspeksyon. Mula sa mga slot machines, patun







