The Billionaire's Reluctant Bride: His Billion-Dollar Secret

The Billionaire's Reluctant Bride: His Billion-Dollar Secret

last updateTerakhir Diperbarui : 2026-08-29
Oleh:  CelestielleEmpressOngoing
Bahasa: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
2 Peringkat. 2 Ulasan-ulasan
10Bab
165Dibaca
Baca
Tambahkan

Share:  

Lapor
Ringkasan
Katalog
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi

Isang gabing puno ng pagkakamali ang tuluyang nagpabago sa buhay ni Christine Jade Gomez. Matapos ang isang hindi inaasahang one-night stand, nalaman niyang ang lalaking nakasama niya ay walang iba kundi ang kanyang bilyonaryong boss na si Xian Gabrielle Montevierra. Mula sa isang pekeng relasyon, nauwi sila sa isang kontratang kasal. Ngunit habang unti-unting nahuhulog ang kanilang mga loob sa isa't isa, isang maling akala ang muling naghihiwalay sa kanila. Makalipas ang anim na taon, nagbalik si Christine—mas matagumpay, mas matatag, at handang harapin ang lalaking minsang nagwasak ng kanyang puso.

Lihat lebih banyak

Bab 1

Chapter 1

“Tagay na, Christine.”

Inabot sa akin ng isa sa mga katrabaho ko ang shot glass na punong-puno ng alak. Hindi ko naman talaga sana gustong uminom, pero napilitan ako dahil pinilit ako ng manager namin.

“A-ah, Ace, puwede bang bawasan mo ng kaunti? Ang dami kasi niyan. Alam mo namang—”

“Ay sus! ‘wag ka nang KJ, Christine. Sige na, minsan ka lang naman naming makasama sa ganitong celebration, e.”

Nagdadalawang-isip pa ako nang biglang kinuha ng isa sa kanila ang alak at pilit binuksan ang bibig ko. Hindi na ako nakapalag nang ibinuhos nila ang alak sa bibig ko.

“Ayan! Ang dali lang, di ba?” natatawang sabi ng katrabaho ko.

Nang bitawan na nila ako, naubo ako at bahagyang nakaramdam ng hilo. Pero ininda ko ito.

Okay, para sa trabaho. Kailangan mo ito, Christine.

“Okay ka lang, Christine?” tanong ng manager namin na si Mr. Lopez.

Tumango-tango lang ako.

“Kung ganon isa pa!”

“Hinde—”

Inulit nila ang unang ginawa nila. Pinilit nilang ipinainom sa akin ang alak na bagong salin. At ulit-ulit. At isa pa. Hanggang sa makuntento na sila.

“Wooo! That’s our girl!” malakas na sigaw ni Mr. Lopez. “Okay, spin the bottle!”

Ramdam na ramdam ko na ang pagkahilo na para akong mahihimatay. Pilit ko itong ininda. Hindi ko na nasundan ang spin the bottle kung ano na ang nangyari dahil nga nahihilo na ako. Basta’t ramdam ko na ang pag-init ng katawan ko. Kakaibang init na ngayon ko lang naramdaman. Dala lang ba ito ng alak?

Maya-maya ay hinila ako ni Ace at namalayan ko na lang na papasok kami sa isang kwarto ng mismong hotel kung saan kami naroon.

“T-teka, Ace…s-saan mo…ba ako…dadalhin?” Parang sadyang napilipit ang dila ko, dahilan para hindi ako makapagsalita nang diretso.

“Basta. Mag-e-enjoy ka rito.”

Tinanggal ko ang pagkakaakbay niya sa akin nang na-realize ko kung ano ang balak niya. Bagama’t nahihilo na ako, alam ko pa ang lahat maliban na lang sa nangyari sa spin the bottle kanina.

“Ace, ayoko.”

Pinilit kong maglakad palayo, pero natumba lang ako.

“Halika dito sabi. Huwag ka nang magpilit. Matatanggal ang init mo sa katawan dahil dito,” aniya.

Itinayo niya ako at hinawakan nang mahigpit sa baywang. “I’ll make sure na mag-e-enjoy ka.”

“Ace, ano ba? Sabing…ayoko!”

Pinilit kong makawala, pero hindi pa rin sapat ang lakas ko lalo na’t wala na akong lakas pa. Dahil sa pagpupumiglas ko, mas lalo lang akong nahihilo dahil sa masyadong paggalaw.

Naging agresibo na siya. Isinandal niya ako sa pader ng corridor at hinawakan nang mahigpit sa kamay bago niya ako ipako sa pader. Hinalikan niya ako sa leeg hanggang sa tumaas ito sa pisngi. Hahalikan na sana niya ako sa labi, pero naiwas ko ito.

“Ace, ano ba! Sabing pakawalan mo ako! Tulong!”

“Huwag ka na maarte.” Sinampal niya ako, dahilan para mas lalo akong mahilo.

Fuck! Someone, please.

Gusto kong sumigaw pa para may makarinig sa akin, pero mahina pa rin ang boses na lumalabas sa bibig ko.

Muli akong hinalikan ni Ace sa leeg. Hindi na ako makatayo nang maayos dahil sa sobrang hilo. Para akong nasusuka at ang init sa pakiramdam.

Kahit na naikot ang paningin ko, nakita ko ang pagdating ng isang lalaki. Hindi ko na siya namukhaan. Hindi ko na rin namalayan ang mga sumunod na nangyari dahil bumagsak na ako sa sahig at nawalan ng malay.

Tampilkan Lebih Banyak
Bab Selanjutnya
Unduh

Bab terbaru

Bab Lainnya

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


Ulasan-ulasan

ArtofPollyanna
ArtofPollyanna
Wow! Interesting plot! Basahin niyo na guys ...
2026-08-29 02:07:17
2
0
JADE DELFINO
JADE DELFINO
Good luck, Miss A.
2026-08-28 20:06:49
2
1
10 Bab
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status