Share

Rye 7:

Author: Hiraya_23
last update publish date: 2026-07-02 17:02:19
Pagkasabi ko n'on, parang biglang nahinto ang pag-ikot ng mundo.

Nanlaki ang mga mata ko. Ang utak ko ay nag-loading. Oh my gosh, Rye! Anong sinabi mo?! Gwapo?! Sinabihan mo siyang gwapo?! Gusto ko na talagang magpalamon sa lupa ngayon din. Ang bibig mo, Crystal Rye, walang preno!

Isang mababa, paos, at nakakakilabot na tawa ang pinakawalan ni Hunter.

Napahawak siya sa magkabilang gilid ng sofa kung saan nakapatong ang mga kamay ko, kinukulong ako nang tuluyan sa pagitan ng dalawang malalaking b
Hiraya_23

<3

| 8
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Riri_28
patay tayo dyan Rye Rye..anu kyang pinaplano ni Hunter?
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Naglalagablab na Secrets and Revenge   Rye 68:

    THIRD PERSON’S POVSa kabilang dako ng kalsada, eksaktong nakatapat sa lumang apartment building nina Rye, isang itim at heavily-tinted na SUV ang tahimik na nakaparada.Sa loob, ang aircon ay nakatodo, ngunit ang atmospera ay tila nakakapaso sa tindi ng tensyon.Nakaupo si Hunter Saviano ng tahimik, ang kaniyang malaking bulto ay halos sakupin ang buong backseat. Nakasuot siya ng kaniyang tipikal na itim na suit, ngunit ang mga manggas nito ay bahagyang nakatupi, naglalantad sa kaniyang matitigas na ugat at pamilyar na mga pilat.Sa kaniyang kanang kamay, mahigpit niyang hawak ang isang maliit na earpiece kung saan rinig na rinig niya ang bawat salita, bawat galaw, at bawat paghinga sa loob ng apartment nina Rye.“I'll be the perfect boyfriend and the perfect father from now on. Pangako 'yan.”Narinig ni Hunter ang boses ni Tristan mula sa earpiece.Isang madilim, mapanganib, at malademonyong ngisi ang sumilay sa mga labi ng bilyonaryo. Ngunit sa likod ng ngising iyon ay isang naglal

  • Naglalagablab na Secrets and Revenge   Rye 67:

    RYE'S POVHindi ako nakatulog nang maayos. Ilang gabi na ang makalipas nang umuwi si Tristan dala ang malaking per ana iyon.Napapaisip parin talaga ako, dahil bagong engineer lang si Tristan at hindi gano’n kalaki ang sahod niya noon kesa ngayon kaya ako nagooverthink? Baka mas lumaki lang talaga ang salary niya?Ngunit sa kabila no’n, alam ko ang nakita ko. Alam kongi sang beses ko na siyang nahuling nagsusugal at may mga babae pa.Masakit. Pero hindi ko alam kung paano ako magrereklamo at magtatanong tungkol sa bagay na iyon sa kabila ng pagtanggap niya sa akin kahit nabuntis ako ng iba.Buong gabi akong nakabaluktot sa maliit na espasyo ng kama naming habang malalim na nag-iisip, mahigpit na nakayakap sa sarili kong tiyan.Kinaumagahan.Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko nang maramdaman ko ang sinag ng araw na tumatagos mula sa bintana ng apartment.Kinapa ko ang kabilang gilid ng kama. Malamig. Wala si Tristan. Wala na naman siya.Bumangon ako nang dahan-dahan, inaalalayan

  • Naglalagablab na Secrets and Revenge   Rye 66:

    Tumigil si Hunter.Ang pangalan ni Rye ay tila isang mahika na mabilis na nagpatigil sa naglalagablab niyang galit.Kung hahayaan niyang kunin ng mga loan shark si Tristan, o ipapakulong ito sa kasong estafa, si Rye ang unang-unang maapektuhan. Si Rye ang mag-aalala. Si Rye ang iiyak, maghahanap, at ma-i-stress. At sa sitwasyon ng dalaga ngayon, lalo pa’t maselan ang pagbubuntis nito, ang stress ay ang huling bagay na pwede nitong maranasan.Napansin ni Tristan ang pag-aalinlangan sa mga mata ni Hunter. Isang pag-aalinlangan na hindi madalas makita sa isang demonyong katulad niya.Isang mababa, paos, at nang-aasar na tawa ang pinakawalan ni Tristan. Kahit duguan, nakuha pa nitong ngumisi dahil alam nitong hawak niya sa leeg ang bilyonaryo.Bumaba ang tingin ni Hunter. Ang mga mata niya ay nag-aapoy sa galit, naghihintay.“You can't get rid of me, can you?” nakangising tanong ni Tristan, hinahamon ang mismong diyablo. “Dahil kapag nawala ako, kailangan mong magpaliwanag sa kaniya. Kail

  • Naglalagablab na Secrets and Revenge   Rye 65:

    “It’s too fucking simple! Accept her—”“I fucking did! Tinaggap ko parin ang babaeng binuntis mo! I still make her think I love her!”Mahigpit niyang hinablot ang kuwelyo ng jacket ni Tristan at marahas na hinila ito pataas, halos masakal ang lalaki.“You call leaving a pregnant woman alone in a freezing apartment, crying, while you blow off two million pesos on my Baccarat tables holding up your end of the deal?!”Umuubo ngunit lumalaban ng tingin si Tristan. Wala na siyang pakialam kung mamatay siya ngayon. Wasak na ang ego niya, wasak na ang karera niya, at ang nag-iisang babaeng minahal niya ay dinungisan ng mismong lalaking sumasakal sa kaniya ngayon.“Engineer ako, Saviano!” nanggagalaiting sigaw ni Tristan sa mukha ni Hunter, ang mga mata ay nanlilisik sa galit.“May pinag-aralan ako! May direksyon ang buhay ko! Tingin mo ba ginusto kong tanggapin ang maruming limos mo?! Kung hindi lang ako na-trap sa project ko, kung hindi ko lang nadispalko ang pondo ng kumpanya dahil sa isan

  • Naglalagablab na Secrets and Revenge   Rye 64:

    THIRD PERSON’S POVSa ilalim ng kumikinang at nag-aapoy na nightlife ng Saviano Nightlife Tower, nagkukubli ang isang madilim, tahimik, at nakakakilabot na mundo na iilan lamang ang nakakaalam.Ang underground basement.Walang music o tawanan ng mga lasing na bilyonaryo. Walang tunog ng mga nag-aagasang chips sa baccarat tables.Ang tanging maririnig ay ang mabigat at kalkuladong tunog ng itim na leather shoes ni Hunter Saviano na tumatama sa malamig na kongkretong sahig.Bawat hakbang niya ay nagdadala ng matinding awtoridad.Ang kaniyang panga ay mahigpit na nakakuyom, ang kaniyang madidilim na mata ay walang kahit anong emosyong mababasa kundi ang isang malamig at naghihintay na kamatayan.Kasunod niya si Gregor, tahimik at alerto, bitbit ang tablet na naglalaman ng lahat ng ebidensya laban sa lalaking kanina pa nagpapakulo ng dugo ni Hunter.“Did he try to resist?” basag ni Hunter sa nakakabinging katahimikan. Ang boses niya ay kasing lamig ng yelo.“He tried to bribe the floor ma

  • Naglalagablab na Secrets and Revenge   Rye 63:

    Habang lumalaki ang hinala kong alam na ni Hunter ang totoo, mas lalo naman akong naguguluhan sa mga ikinikilos ng sarili kong boyfriend.Kagabi, umuwi si Tristan sa apartment. Gising pa ako, nakaupo sa maliit na sofa habang umiinom ng gatas. Pagbukas ng pinto, inasahan kong aamoy semento o pawis siya dahil sa construction, pero hindi.Pumasok si Tristan na amoy alak, sigarilyo, at... mamahaling cologne.“Babe! Gising ka pa pala!” masayang bati niya, medyo namumula ang mga mata at halatang tipsy.Kumunot ang noo ko. Tumayo ako at nilapitan siya. “Tristan? Saan ka galing? Akala ko ba nag-overtime ka sa site?”“Ah... oo! O-Overtime nga!” utal na sagot niya, mabilis na umiwas ng tingin habang hinuhubad ang sapatos niya. “Pero nag-celebrate kami. I had a successful job!”Inilabas niya ang isang makapal na bundle ng pera mula sa bulsa ng jacket niya at ipinatong sa ibabaw ng mesa.Nanlaki ang mga mata ko. Libo-libo iyon! Hindi bababa sa two-hundred thousand.“S-Saan mo nakuha 'yan?!” gulat

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status