Share

Rye 86:

Author: Hiraya_23
last update publish date: 2026-08-29 23:40:10

Nahinto si Hunter sa pagpirma. Ang kaniyang panulat ay nanatiling nakadiin sa papel. Dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin. Ang kaniyang madidilim at nakakamatay na mga mata ay dumiretso sa akin.

Walang kumurap sa aming dalawa.

“Y-Yes, po,” pilit kong sagot kay Madam Valeria, pero ang mga mata ko ay nakatutok lang kay Hunter, sinusubukan kong basahin kung ano ang tumatakbo sa isip niya.

“Oh, how wonderful!” pumapalakpak na sabi ni Madam Valeria, hindi napapansin ang nakakapasong tensyon sa pag
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Naglalagablab na Secrets and Revenge   Rye 86:

    Nahinto si Hunter sa pagpirma. Ang kaniyang panulat ay nanatiling nakadiin sa papel. Dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin. Ang kaniyang madidilim at nakakamatay na mga mata ay dumiretso sa akin.Walang kumurap sa aming dalawa.“Y-Yes, po,” pilit kong sagot kay Madam Valeria, pero ang mga mata ko ay nakatutok lang kay Hunter, sinusubukan kong basahin kung ano ang tumatakbo sa isip niya.“Oh, how wonderful!” pumapalakpak na sabi ni Madam Valeria, hindi napapansin ang nakakapasong tensyon sa pagitan namin ng CEO niya. “A baby is a true blessing! How many months? And who is the lucky father? He must be so proud of you, working so hard for a billionaire’s company while carrying his child!”Kung nakakamatay lang ang kaba, kanina pa ako bumagsak sa carpeted na sahig.Ang mga mata ni Hunter ay unti-unting nanlamig. Ang kaniyang panga ay umigting. Walang kahit anong salitang lumabas sa bibig niya, pero ang katahimikan niya ay mas nakakabingi kaysa sa isang sigaw. Nakatitig lang siya sa akin,

  • Naglalagablab na Secrets and Revenge   Rye 85:

    Kinabukasan.Ang sikat ng araw ay tumatagos na sa manipis na kurtina ng apartment, pero ang pakiramdam ko ay nasa loob pa rin ako ng malamig at madilim na sasakyan ni Hunter.Nakatitig lang ako sa blangkong kisame. Malamig ang kabilang gilid ng kama. Wala na naman si Tristan. Pagkagising ko, isang text lang ang bumungad sa akin.“Babe, sorry hindi na ako nakauwi kagabi. Sobrang daming problema sa site, nagka-issue sa budget. Dito na ako natulog sa office. Babawi ako, promise. I love you.”Ilang beses ko nang nabasa ang salitang babawi ako. Pero kahit anong pilit kong kumbinsihin ang sarili ko na naiintindihan ko siya, hindi ko maiwasang makaramdam ng matinding guwang sa dibdib ko. Buntis ako, alam niyang kailangan ko ng makakasama.Pero imbes na mukha ni Tristan ang maalala ko, ang matigas na panga at madidilim na mata ni Hunter ang nag-flash sa utak ko.“You have Tristan. And I have my company. Let’s keep it that way.”Napapikit ako nang mariin at napasabunot sa sarili kong buhok. “J

  • Naglalagablab na Secrets and Revenge   Rye 84:

    Tahimik sa loob ng sasakyan.Napakabigat ng hangin. Ang tanging maririnig ay ang mahinang tunog ng makina at ang mabibigat na paghinga ni Hunter sa tabi ko.Nakapikit siya, nakasandal ang ulo sa headrest, at mahigpit na nakakuyom ang mga kamao niya sa kaniyang hita. Halatang nagpipigil ng matinding emosyon.Ako naman ay nakasiksik sa kabilang dulo ng pinto, pilit na inilalayo ang sarili ko.Nag-iinit ang ulo ko. Bakit ba siya ganyan?! Kanina, hinayaan niyang landiin siya ng Cassandra na 'yon! Tapos nung may kumausap lang sa aking lalaki, parang gusto niya na itong patayin?!“Bakit mo ginawa ‘yon?” basag ko sa katahimikan. Hindi ko na mapigilan.Dumilat siya. Tiningnan niya ako mula sa gilid ng mga mata niya. Ang talim.“Ginawa ang alin?” malamig niyang tanong.“Yung kanina! Kay Mr. Alcantara! Nag-uusap lang kami, Mr. Saviano. Nag-offer lang yung tao ng juice kasi nakita niyang nakatayo ako mag-isa! Wala kaming ginagawang masama para ipahiya mo siya nang ganoon at idamay pa ang negosyo

  • Naglalagablab na Secrets and Revenge   Rye 83:

    Hinawakan niya ang pulso ko para pigilan ang patuloy na panginginig ng mga kamay ko. Ang init ng balat niya ay agad na nagpadala ng kuryente sa sistema ko.“Are you trying to stab me, clumsy?” mahinang tanong niya. Hindi siya galit. Sa katunayan, parang... naaaliw siya.Agad kong binawi ang kamay ko at umatras ng isang hakbang. “S-Sinabi ko namang hindi sinasadya eh. Pagod lang ako, Mr. Saviano. Kanina pa ako nakatayo rito.”Tinaasan niya ako ng kilay. Tiningnan niya ang kabuuan ng mukha ko, mula sa magkasalubong kong kilay hanggang sa nakanguso kong labi.“Tired? Or just irritated?” malamig ngunit mapanuksong tanong niya. Inihakbang niya ang isang paa niya palapit sa akin, binabawasan ang espasyong nilikha ko. “You’ve been glaring at my direction for the last twenty minutes, Rye. Kung nakakamatay lang ang tingin, kanina pa nakabulagta sa sahig ang kausap ko.”Nag-init ang mga pisngi ko. Nahuli niya akong nakatingin?!“H-Hindi no!” mabilis na depensa ko, umiiwas ng tingin. “Nakatitig

  • Naglalagablab na Secrets and Revenge   Rye 82:

    Isang napakagandang babae.Matangkad, balingkinitan, at nakasuot ng isang hapit na hapit na red silk gown na may napakataas na slit. Base sa mga bulungan sa paligid ko, siya si Cassandra, ang kaisa-isang anak ng pinakamalaking real estate magnate sa buong bansa.Nakita ko kung paano ngumiti si Cassandra kay Hunter. Isang mapang-akit at kumikinang na ngiti. At ang mas malala... hinawakan niya ang braso ni Hunter.Hindi lang iyon. Lumapit pa siya nang sobra, halos idikit na niya ang dibdib niya sa braso ng boss ko habang may ibinubulong dito. Tumawa si Cassandra, ibinabato ang kaniyang ulo patalikod bago muling hinaplos ang lapel ng suit ni Hunter.At si Hunter? Hindi siya lumayo.Nanatili siyang nakatayo roon, seryosong nakikinig sa babae, pero hindi niya tinabig ang kamay nito. Sa katunayan, binigyan niya pa ito ng isang tipid na ngiti—ang klase ng ngiti na ginagamit niya kapag may gusto siyang makuha sa isang business deal.Biglang may kung anong matalim na bagay ang bumaon sa dibdib

  • Naglalagablab na Secrets and Revenge   Rye 81:

    Kinabukasan.Papasok pa lang ako sa malaking glass doors ng headquarters ng Saviano Empire, ramdam ko na ang bigat ng mga paa ko.Pagkatapos ng nangyari kagabi, halos hindi ako makatulog. Idagdag pa na pag-uwi ko, tulog na si Tristan. Hindi man lang niya ako tinanong kung bakit ginabi ako o kung kumain na ba ako. Nakatalikod siya sa akin sa kama, mahigpit na hawak ang cellphone niya na nakasaksak sa charger.Gusto ko siyang gisingin, gusto ko siyang kausapin tungkol sa aso ni Mr. Chen, tungkol kay Liza, tungkol sa nangyari sa trabaho ko…Pero alam kong hindi siya makikinig. Sasabihin niya lang, “Buntis ka kasi, masyado kang nag-iisip. Matulog ka na nga lang.”Kaya ibinaon ko na lang iyon sa loob ko.Naglalakad ako sa lobby nang biglang tumunog ang elevator chimes sa dulo ng pasilyo—ang exclusive elevator para sa mga VIP at executives.Huminto ako sa paglalakad.Awtomatikong lumingon ang mga mata ko patungo sa direksyon na iyon. Ang puso ko ay biglang nag-umpisang tumibok nang mabilis,

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status