Share

KABANATA 54

Noong araw na 'yun, pauwi na sana siya nang makita niya si Ling Yiran na nakaupo sa gilid ng kalsada. May pinapatahan itong batang babae. Nakita niyang kumanta, tumalon, at kung anu-ano pang ginawa nito para lang tumahan ang bata, na para bang wala itong pakielam kahit pagtinginan pa ito ng ibang tao.

At tagumpay nga nitong napatahan ang bata!

Pagkatapos, bumili ito ng tinapay para makakain muna ang bata bago nito dalhin ito sa police station, kung saan naghintay ito ng matagal hanggang sa dumating ang mga magulang nito.

Nakita niya rin na sinubukang bigyan ng mga magulang ng bata si Ling Yiran ng pera bilang pasasalamat, pero ngumiti lang ito at umiling.

Pagkaalis ng bata, kasama ang mga magulang nito, nakatingin lang si Ling Yiran sa pamilya habang naglalakad palayo, na masayang nakangiti.

Kaya noong oras na yun, sinabi niya sa sarili niya na ang kagaya ni Ling Yiran ang gusto niyang mapangasawa.

Hindi niya alam kung love at first sight ba ang tawag 'dun pero yun ang una
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status