Share

Kabanata 23

"Pero... pero dahil sakin kaya ka napahiya sa lahat, lalo na yung kay Shen Wanhao.."

"Sila ang may gawa 'nun. Wala ka namang kinalaman dun, diba?"

"Siyempre ako pa rin yun!" Parang batang umiiyak si Miao Jiayu sa harap ni Ling Yiran. Ito ang kauna-unahang pagkakataon sa buong buhay niya na umako siya ng kasalanan na hindi lang naman siya ang may gawa.

"Ah.. Okay. Kung wala ka ng ibang sasabihin, mauna na ako kasi marami pa akong trabaho." Sagot ni Ying Liran, na parang hindi apektado sa mala-basang sisiw na itsura ni Miao Jiayu. Nilampasan niya lang ito at naglakad papunta sa wawalisan niya.

Kahit na walang ideya si Ling Yiran kung bakit pinuntahan siya ngayon ni Miao Jiayu para magmakaawa sa harapan niya, ay wala siyang balak na patawarin ito at basta-basta nalang kalimutan ang mga nangyari sakanya noong araw na yun.

Habang nagwawalis, may biglang sumulpot sa harapan niya at nang tignan niya ito, nakita niya si Guo Xinli na nakatayo at nakatingin sakanya.

Medyo namumula
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Ramela Gumba
maganda yung story nakakabitin nga lang😊👏👏
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status