Share

Kabanata 74

"Sinong nagsabing hindi namin kayang bumili? Kaya naming..." Sa sobrang galit ni Qin Lianyi sa supervisor na nanginsulto sakanila, muntik na siyang mapasubo.

Pero buti nalang at pinigilan ni Ling Yiran ang kaibigan at sinabi sa supervisor, "Pwede po bang tumingin muna kami?"

"Halata namang hindi niyo kayang bumili dito at nageeskandalo na kayo. Protocol namin na protektahan ang mga customer namin." Sagot ng supervisor, na parang makatao ang ginagawa nito.

Walang emosyong sumagot si Ling Yiran, "Pero wala kang ebidensya na nageeskandalo kami. Ang sabihin mo ay dinidiscriminate mo kami. Naalala mo ba kung ano yung mga sinabi mo? Wag kang mag-alala, narecord ko ang lahat at sapat na 'tong ebidensya para maireport ka namin sa management ng mall."

"Ikaw..." Galit na galit ang supervisor dahil hindi niya inakala na marerecord ang mga sinabi niya.

"Ling Yiran, tumgil ka na nga. Hindi ka ba nahihiya? Street sweeper ka lang pero sobrang dami mong pinaglalaban. Bakit ba nangangarap ka
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status