Share

Nakalimutan sa Kamatayan
Nakalimutan sa Kamatayan
Author: Honey Cub

Kabanata 1

Author: Honey Cub
Dahil hindi nila ako makontak at napepressure sa lola ko, ang pamilya ko ay nakatayo ngayon sa harap ng lumang apartment sa lungsod.

Pinisil ni Flynn Patterson ang ilong niya. “Paano nagagawa ng walang kuwentang iyon na tumira dito? Ama, Ina, hindi ko gustong pumasok!”

“Sige na, sige na. Puwede na kayong dalawa umuwi. Kami na ang Ama ninyo ang bahala dito,” sagot ng nanay ko.

Kumapit si Scarlett Patterson sa braso ng nanay ko, kita ang pag-aalala sa mukha niya. “Seryoso, bakit hindi kaya umayos ni Whitney kahit minsan? Hindi niya sinasagot ang mga tawag natin o kaya text, at ngayon kinailangan pa ninyong dalawa na pumunta dito.”

“Pagbabayaran niya ito!” kita ang galit sa mga mata ng nanay ko habang hinahatak niya ang aking ama papasok.

Umakyat sila sa apat na palapag ng hagdan, hinihingal na sila ng makarating sa apartment 401.

Noong kumatok ang ama ko, isang malaking lalake ang sumagot sa pinto ng walang suot na pang itaas. “Sinong hinahanap ninyo?”

Nagsimula magalit ang ama ko ng makita siya. “Anong relasyon mo sa anak ko, at bakit ka dito nakatira?”

Nilampasan siya ng nanay ko, galit na galit habang sumisigaw, “Whitney! Lumabas ka dito! Ang lakas ng loob mo na tumira dito ng may kasama ng hindi sinasabi sa amin?”

Sa oras na iyon, isang babae na buntis ang nagpakita.

“Maling bahay ba ang pinuntahan ninyo? Dalawang buwan na kaming nakatira dito,” sambit niya.

Malinaw na ubos na ang pasensiya ng nanay ko. “Ito ang address na ibinigay ng anak namin na si Whitney. Paano kami magkakamali?”

Ang middle-aged na lalake, na naiinis na dahil ayaw makinig ng nanay ko, ay itinulak siya palayo. “Lumayas kayo! Hindi ninyo alam kung saan nakatira ang anak ninyo, at ang lakas ng loob ninyo na tawagin ang mga sarili ninyo na mga magulang!”

Bigla, nagsalita ang buntis na babae, “Si Whitney ba ang dating umuupa dito? Sinabi ng landlord na may isang buwan siyang utang at hindi makontak, kaya kami na ang tumira dito.”

Matapos ito marinig ng nanay ko, tumaas ang kilay niya sa galit. “Umalis siya ng hindi nagsasabi? Walang kuwenta pala ang pagpunta natin dito. Inggratang anak!”

Noong paalis na sila, nakabalik na ang landlord.

Nalaman niya na sila ang mga magulang ko at agad na hiningi ang bayad sa upa. “Kailangan ninyo bayaran ang upa niya ngayon din. At alisin na ang mga gamit niya para hindi na kainin ang espasyo ko!”

Ang mga magulang ko, na nagdududa, ay sinundan ang landlord patungo sa storage kung saan nakatago ang mga gamit ko.

Napalilubutan ng alikabok ang lahat, dahil dalawang buwan ng hindi nagagalaw.

Nakilala ng ama ko ang ilan sa mga paborito kong mga damit. “Siguradong kanya iyon.”

Sumimangot ang nanay ko, malamig na sinabi, “Sinasadya ba ito ni Whitney? Iniwan ang lahat ng mga kalat niya para linisin natin?”

Hindi na ito matiis ang landlord at nagsalita siya, “Hindi ito kalat; mga gamit niya ito! Ito ang mga albums at importanteng dokumento. Mabait siyang babae; kaya itinago ko ito para sa kanya.”

Sumenyas lang ang nanay ko sa kanya.

Amoy kulob ang storage.

Habang hawak ang ilong, umatras siya at tinawagan ang phone ko.

Matapos ang ilang mga hindi nagsagot na tawag, nag-iwan siya ng message.

“Whitney, tapos ka na ba sa mga kalakohang ito? Nandito kami ng ama mo sa apartment ngayon. Bilisan mo na at bumalik ka na!”

Bakas sa karaniwan niyang tono ang panglalait, at walang filter ang pandidiri niya.

Hindi siya nagulat na hindi ako sumagot sa mga message ni Flynn.

Naging kaaway ko nga naman ang nakababata kong kapatid dahil sa pinag-away kami ng nakatatandan kong kapatid, na si Scarlett.

Pero ang hindi bigyan ng pansin ang mga message ng sarili niyang nanay? Hindi ito inaasahan.

Dahil sa inis, humarap siya sa ama ko at sinabi, “Kalimutan na lang natin siya at umuwi na. Hindi ko na kayang tiisin pa ang manatili dito!”

Ang lanlord, na narinig ang sinabi ng nanay ko, ay tinitigan siya ng masama. “Hoy, ang bastos ninyo. Anyway, kukunin ba ninyo ang gamit niya o hindi? Kung hindi, itatapon ko na ang mga ito,” sambit niya, malinaw na ubos na ang pasensiya.

Dahil napagtanto niyang hindi siya makakakuha ng bayad sa upa mula sa mga magulang ko, napagdesisyunan ng landlord na hayaan na lang ito.

Habang hindi tumitingin pabalik, umalis na ang nanay ko.

Dahil sa galit, nagsalita ang landlord, “Wala ba kayong malasakit? Dalawang buwan na kayong hindi kinokontak ng anak ninyo. Hindi ba kayo nag-aalala na baka may masamang nangyari sa kanya?”

Ngumisi ang nanay ko. “Malakas ang babaeng iyon. Kung may mangyayari, magugulat ako!”

Noong nakauwi sila, tinawagan ng nanay ko ang lola ko.

“Ma, ano ba ang espesyal sa inggratang iyon? Puwede mo naman iwan ang lahat kay Scarlett at Flynn; bakit ka ba nag-aabala pa kay Whitney?”

Ang espirito ko ay lumutang sa malapit, hindi na mapigilan ang tumawa ng mapait.

Ako lang ang tunay niyang anak. Bakit ba niya ako kinamumuhian ng husto?

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Nakalimutan sa Kamatayan   Kabanata 10

    Ang balita tungkol sa masalimuot at nakakadalamhating kamatayan ko ay dumurog ng husto sa nanay ko, halos bumigay na siya ulit.Sa bawat araw, nakakapit siya sa silk scarf na iniregalo ko sa kanya, tumutulo ang mga luha niya habang hawak niya ito ng mahigpit.Ang ama ko, kahit na matindi ang sakit na nararamdaman, ay nagawang magpigil, ipinakita na lalake pa din siya na itinatago ang nararamdaman.Inalagaan niya ang nanay ko, na mukhang wala na sa sarili dahil sa pagdadalamhati, ginagawa niya ang lahat para masigurong manatili na buo ang pamilyang nasira na.Pumunta si Tita Lilian para pagaanin ang loob ng nanay ko, ikinuwento ang mga bagay na walang pasensiya ang nanay ko na pakinggan noon.“Naaalala mo ba noong nasa elementarya si Whitney?” tanong ng mahinhin ni Tita Lilian. “Pumasok siya sa art competition at ginugol ang bawat gabi pagkatapos gawin ang homework niya para magsketch hanggang sa hating gabi. Hindi siya nakaramdam ng pagod! Noong nanalo siya, nagmadali siyang umuwi

  • Nakalimutan sa Kamatayan   Kabanata 9

    Sumarado ng mahigpit ang mga kamay ni Scarlett, nataranta siya ng husto.Pero hindi niya mapipigilan ang mga pulis sa pagpapatuloy. “Nakakita kami ng ilang mga binurang message sa phone niya.“Kinumpirma ng report ng coroner na namatay si Whitney matapos ilibing ng buhay. Ang huling mga tawag niya sa iyo ay paghingi niya ng tulong. Pero hindi ka sumagot kahit na isa sa mga tawag niya.”Namutla ng husto ang nanay ko. “Paano iyon naging posible? Naghihintay ako ng tawag niya para humingi ako ng tawad, pero hindi naman siya tumawag!”Agad niyang inilabas ang phone niya, kinumpronta ang mga pulis, at ang nakita lang niya ay record ng mga hindi sinagot na mga tawag ko sa trash folder.Sa mga oras na iyon, ang phone ng nanay ko ay nasa mga kamay ni Scarlett.Naupo siya doon, ng hindi kumikilos, na tila ba sinipsip palabas ang kaluluwa niya.Si Scarlett, na natataranta, ay sinubukan ipaliwanag, “N-Naiinis lang ako sa kanya. Itinulak niya ako, kaya hindi ko hinayaan ang nanay ko na sagu

  • Nakalimutan sa Kamatayan   Kabanata 8

    Sa interrogation room, katabi ng nanay ko si Scarlett, madiin ang boses niya pero nakakagaan ng loob. “Ako ang guardian ng batang ito. Puwede ninyo itanong sa akin ang lahat. Bata pa si Scarlett; hindi niya kayang matakot ng ganito.”Nakapuwesto doon si Scarlett habang nanginginig ng kaunti, mukhang nakakaawa at walang kayang gawin.Nagkatinginan ang mga pulis, nakangiti ang isa, “Dalawamputanim na siya; hindi siya ganoon kabata!”Mahinhin na hinimas ng nanay ko ang likod ni Scarlett, sinusubukan siyang pakalmahin. Tumingala siya sa mga pulis. “Naiintindihan ko na ginagawa lang ninyo ang trabaho ninyo, pero tunay na walang alam si Scarlett. Kahit na magkapatid sila ni Whitney, makaiba ang buhay nila.”“Nakatanggap kami ng report na may nahuling nagsusugal sa nirerentahang apartment kahapon. Ang mga pulis sa Acturia ay nakita ang mga gamit ni Whitney sa apartment na iyon. Si Scarlett ba ang kumuha sa mga gamit niya?”Tumigil ang nanay ko, mabilis ang takbo ng isip niya. “Oo. Inabot

  • Nakalimutan sa Kamatayan   Kabanata 7

    Ang ika animnapung kaarawan ng lola ko ay maliit na pagtitipon, nilimitahan ito sa malapit na mga kamag-anak at malapit na mga kaibigan.Habang nangyayari ang selebrasyon, ang mga magulang ko ay patuloy na nagmamasid sa paligid, hinahanap ako.Kahit si Flynn ay mukhang nabigla. “Ma, Pa, hindi ba talaga pupunta si Whitney? Paano kung may masamang nangyari sa kanya?”Hinampas ng mahina ni Scarlett ang kamay niya. “Tumigil ka sa kalokohan mo. Malaki na si Whitney; okay lang siya.”Mukhang gumaan ang loob ng mga magulang ko sa sinabi niya.Bumuntong hininga ang nanay ko. “Kung hindi magpapakita ang babaeng iyon, ang lahat ng mga kamag-anak natin ay sisisihin tayo sa hindi pagpapalaki sa kanya ng maayos.”Matapos ito marinig, hindi ko mapigilan na mapangiti na lang.Iyon pala ang inaalala nila. Ang akala ko sabik sila sa paghihintay sa akin dahil sa pag-aalala.Isinantabi ito ng nanay ko at inutusan si Scarlett na gamitin ang pagkakataon para ipresinta ang magarang regalo niya sa lo

  • Nakalimutan sa Kamatayan   Kabanata 6

    Sa oras na sinagot ng nanay ko ang phone, nagsimula ang panenermon niya. “Ikaw na bata ka, puwede ba tumigil ka na sa pang gagatong sa lola mo na magalit sa akin?”Seryoso ang boses sa kabilang linya. “Hello, ito ba ang pamilya ni Whitney Patterson?”Matapos marinig ang boses ng lalake, napasimangot ang nanay ko. “Anong nangyayari? Bakit nasa iyo ang phone ni Whitney?”“Nakita namin ang ID ni Whitney at phone sa apartment. Puwede ba kayo pumunta sa estasyon ng pulis para iberipika ang ilang mga impormasyon?”Nagrelax ang kilay ng nanay ko ng kaunti. “Lumipat talaga ang paslit na iyon. Lagi siyang gumagawa ng gulo.”Ibinaba niya ang tawag at bumalik sa pagkain na parang wala lang.Kinakabahan siyang tinignan ni Scarlett. “Ma, tungkol ba iyon kay Whitney?”“Nawala ang phone niya at sinasabihan tayo ng mga pulis na kunin iyon. Puwede iyon maghintay; pupunta tayo pagkatapos kumain.”Humigpit sa pag-aalala ang mukha ni Scarlett. “Ma, ako na lang ang pupunta. Kapatid ko nga naman si

  • Nakalimutan sa Kamatayan   Kabanata 5

    Ang lola ko ay kontra sa relasyon ng nanay ko at ama ko ilang taon na ang nakararaan, natatakot sa hirap na pagdadaanan nila dahil walang pera ang ama ko.Bilang resulta, ilang mga gabi na nagpakalunod ang nanay ko sa alak dahil sa lungkot, kung saan sinamantala siya ng magnanakaw na naging dahilan para mabuntis siya.Sa mga panahon na iyon, bata pa siya, at maraming pagpipilian para sa kanyang kinabukasan.Pero pinili niya na parusahan ang lola ko at iparamdam sa kanya na guilty siya sa pamimilit na iluwal ako.Noong tatlong taong gulang na ako, nakita ng nanay ko ang itsura ng ama ko sa mukha ko at isinama ako sa paternity test.Nakumpirma ng resulta ang matagal na niyang gusto marinig: na anak talaga ako ng ama ko, hindi ng magnanakaw na umatake sa kanya.Dahil sa tuwa, ginamit ng nanay ko ang rebelasyong ito para makuha ulit ang loob ng ama ko.Pero, laging dungis lang sa purong lovestory nila ang tingin nila sa akin, pinili nila akong itapon, na isang bata, sa lola ko haban

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status