Share

Kabanata 4

Penulis: Eira Winters
Nang umalis ako sa group chat, agad akong nakatanggap ng tawag mula kay Nathan.

“Roxanne, magpunta ka rito ngayundin.”

“Saan?”

“Alam mo na kung saan. Sa dati.”

“Mayroon bang problema?”

“Kailangan mong humingi ng tawad kay Sophia.”

“Bakit naman ako hihingi ng tawad?”

“Dahil bigla kang umalis sa group chat. Mayroon ka bang ideya kung ano ang iisipin sa kaniya ng mga kaibigan natin ngayon?” Nanlamig at naguutos ang tono ng boses ni Nathan sa kabilang linya.

“Ayaw kong masabihan ng hindi maganda ng kahit na sino si Sophia. Kasalanan ko ito. Ako ang nagmahal sa kaniya at ako rin ang may gustong bigyan siya ng tamang estado sa aking buhay. Inosente siya kaya hindi siya karapat dapat na masabihang homewrecker nang dahil sa pagiging impulsive mo.”

Inakala kong magiging immune na ako sa kaniyang mga salita at ginagawa pero agad pa rin akong nakaramdam ng nakakasuffocate na sakit sa aking dibdib.

Bahagyang nanginig ang aking mga daliri habang hinahawakan ko ang phone, nanginig ang aking boses habang sumasagot ako ng, “Nathan, hindi mo ako puwedeng tratuhin nang ganito. Ano ang karapatan mo para apihin ako nang ganito? Ikaw ang nagtaksil sa akin. Wala akong ginagawang mali. Nagawa ko pa ngang icongratulate kayong dalawa. Hindi pa ba iyon sapat?”

Napakagat ako sa aking labi para pigilan ang aking luha pero nabalot na ng tunog mula sa sakit na aking nararamdaman ang aking boses.

Sandali naman akong nakarinig ng katahimikan mula sa kabilang linya.

“Roxanne,” sabi ni Nathan gamit ang mababa niyang boses.

“Palalampasin ko ito sa ngayon,” nanlalamig na sinabi ni Nathan. “Pero umaasa ako na tatandaan mo ito—inosente si Sophia kaya huwag mo siyang pagbuntunan ng galit o saktan.”

Dali daling natapos ang tawag sa pagitan naming dalawa.

Nanginig ang buo kong katawan habang nakaupo ako sa carpet.

Makikita sa nightstand ang nakaframe na picture ng aking ina na nakatingin sa akin, naging mahinahon at puno ng pagmamahal ang itsura niya sa picture na iyon.

Dito na biglang tumulo ang luha sa aking mukha. Itinaas ko ang aking kamay para hawakan nang maigi ang picture frame, hinawakan ko ito nang maigi na para bang niyayakap ko ito.

Idiniin ko ang aking mukha sa malamig nitong salamin habang walang tigil na tumutulo ang aking luha. Naramdaman ko noong mga sandaling iyon na nagdadalamhati ang aking ina sa kaniyang anak kahit na mula sa loob ng picture na ito.

Ayaw ko nang umiyak pa. Ayaw ko na makaramdam ang aking ina, kung nasaan man siya ngayon, ng kalungkutan nang dahil sa akin.

Sa sandaling lumipas ang unang death anniversary niya, iimpake ko ang mga naiwan niyang gamit para sa akin bago ako umalis nang tuluyan sa Riverdale.
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (4)
goodnovel comment avatar
Isha Quinale
paano ba mababasa kasunod nito
goodnovel comment avatar
Rima Catalan Alombro
I love this story next pls.
goodnovel comment avatar
Jade Kathleen Alcantara Rasalan
nakakarelate sa lahat kasi marami ganito
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Nalanta at Muling Namukadkad ang Pagibig   Kabanata 20

    Naging extravagante at romantic ang kasal naming dalawa noong araw na iyon.Hindi pinayagan sina Nathan o Charles na humakbang papasok sa seremonya. Pero hindi pa rin nagawa ng dalawang ito na umalis.Hindi na natapos ni Charles ang kasal. Inatake siya sa puso habang nasa gitna ng seremonya kaya agad siyang isinugod sa ospital. Kahit na nailigtas ang buhay nito, nanatili pa rin siyang nasa coma.Pero nanatili naman si Nathan hanggang sa huli.Sa mga dahilang hindi niya maintindihan, hindi siya nagawang iblock ni Cassie sa social media. Nakita niya mula sa mga post nito ang buong kasal—ang bawat photo naming dalawa ni Eustace at ang bawat video ng aming kasal.Alam na ni Nathan bago pa ang aming kasal na si Eustace ang groom ni Roxanne, ang senior nito sa college na may malayong narating sa buhay.Noong unang mga araw ng kanilang relasyon, noong inaalam pa lang nila ang mga bagay bagay, madalas na purihin ni Roxanne si Eustace.Nakakaramdam si Nathan ng selos sa bawat sandaling m

  • Nalanta at Muling Namukadkad ang Pagibig   Kabanata 19

    Isinagawa namin ni Eustace ang aming kasal pagsapit ng tagsibol noong kasunod na taon.Hindi ko rin binali ang pangako na ibinigay ko sa aking bestfriend dahil tumayo si Cassie sa aking tabi bilang natatangi kong bridesmaid sa kasal.Hindi ko sinabihan ang kahit na sino sa aking pamilya o kaibigan sa Riverdale pero agad pa ring nakarating doon ang balita. Noong araw ng aking kasal, parehong nagpakita ang aking ama at si Nathan.Lumapit sa akin si Eustace para hingin ang aking opinyon.Kasalukuyan pa akong inaayusan ng makeup artist nang mapatingin ako sa salamin, dito ko nakita ang imahe ng lalaki na mapapangasawa ko.Mas naging kumplikado ang bridal makeup ko kaysa sa pangkaraniwan kong itsura, pero naramdaman ko pa rin na hindi pamilyar at attractive ang tao na nakatingin pabalik sa akin.Naramdaman ko na para akong isang namumukadkad na hydrangeang tinanim ni Eustace sa bago naming hardin—masyado itong nagliliwanag at puno ng buhay.Masyado namang guwapo ang nagpakita ng c

  • Nalanta at Muling Namukadkad ang Pagibig   Kabanata 18

    Pero hindi manlang siya tiningnan ng lalaki na dating nagaalaga sa kaniya, ang “ama” na dati niyang inaasahan.Walang pakialam na ikinaway ni Charles ang kaniyang kamay na para bang tinataboy lang nito ang isang langaw. Dito na niya inutusan ang kaniyang mga tauhan na itapon ang magina sa labas.Hindi pa rin sumuko si Sophia sa front gate ng tahanan ng pamilya Evans.Habang desperado nitong hinahawakan ang gate, namamaos itong sumigaw ng, “Nathan… hindi mo ito puwedeng gawin sa akin! Hindi—dahil buntis ako! Ikaw ang ama ng dinadala ko! Kailangan mo akong panagutan!”Biglang nawala ang kaniyang boses sa huli na para bang nawawala na siya sa kaniyang sarili.“Nathan?” Kwestiyonable namang tiningnan ni Charles si Nathan.Nakaramdam naman si Nathan ng pandidiri sa buo niyang katawan. Gusto niyang tumawa pero hindi niya ito nagawa sa tindi ng pait sa kaniynag dibdib.Paano niya magagawang maattract sa isang tao na kagaya nito?“Mr. Evans.” Sagot ni Nathan, umabante siya para harapin

  • Nalanta at Muling Namukadkad ang Pagibig   Kabanata 17

    Hindi nagtagal, tinawagan na ng mga naistorbong kapitbahay ni Roxanne ang building management.Dito lang nalaman ni Nathan ang katotohanan mula sa property office: Matagal nang umalis dito si Roxanne. Nagawa pa nitong humingi ng tulong sa kanila na ibenta ang apartment para sa kaniya.“Saan siya nagpunta? Nasa Riverdale pa ba siya? Babalik pa ba siya? Kung oo, kailan?” Hindi naman nakatanggap ng sagot si Nathan.Ito ang bagay na kumonsumo sa kaniya na nagbigay dito ng napakatinding panic na parang may halimaw sa dilim na nakahandang lumamon sa kaniya nang buo.Nawala na sa kaniya si Roxanne.At sa pagkakataong ito, maaaring hindi na ito bumalik sa kaniya kahit na kailan.Samantala, ang bawat plano at kasinungalingan na ginawa ni Sophia at ng kaniyang ina para masiraan si Roxanne ay agad na nalaman ng lahat.Maging ang mga staff sa tahanan ng pamilya Evans ay lumaban para depensahan ang dati nilang amo habang ibinabahagi ang mga pangaapi na tahimik nilang dinanas sa kamay ni So

  • Nalanta at Muling Namukadkad ang Pagibig   Kabanata 16

    “Allergic ako sa mga peach! Alam ito kahit ni Dad,” Iyak ni Sophia habang hawak ang kaniyang mukha, nabalot ng pagkaapi ang tono ng kaniyang boses. “Inutusan ni Roxanne ang isa sa mga kasambahay na magsaboy ng katas ng peach sa aking kama. Nagawa itong imbestigahan at kumpirmahin ni Dad.”“Sinungaling ka!” Biglang abante ni Nathan para hawakan nang mahigpit ang kwelo ni Sophia.Matangkad at malakas ang kaniyang katawan kaya sapat na ang isang beses na paggalaw para maiangat nito si Sophia mula sa lupa.“Nathan… tama na! Hindi ako makahinga!” Sabi ng naghahabol sa kaniyang hininga na si Sophia habang hinahawakan nito ang kamay ni Nathan.Tumitig naman pababa sa kaniya si Nathan habang nagdidilim sa galit ang kaniyang mukha, nagpakita ang galit sa guwapo nitong mukha na bumagsik sa bawat segundong lumilipas.“Sophia,” Sabi nito, gamit ang mababa at nanlalamig niyang boses, “nakalimutan mo ba na ang gamit mong perfume ngayon ay ang paboritong perfume ni Roxanne? Ito ang perfume na pa

  • Nalanta at Muling Namukadkad ang Pagibig   Kabanata 15

    Nabalot ang isipan ni Nathan ng mga huling imahe ng pagtingin ni Roxanne sa kaniya.Isa itong kalmado at walang emosyong pagtingin na para bang hindi na ito maaapektuhan nang kahit na kaunti sa kaniya.Noong mga sandaling iyon, naramdaman niya na para bang hindi siya nito kilala—isang hindi importanteng tao na dumaan sa buhay nito.Biglang tumayo si Nathan para umalis, pero bago pa man siya makahakbang paalis, itinulak ni Sophia pabukas ang pinto bago ito naglakad papasok sa pinto.“Nathan,” Mahina nitong sinabi, nabalot ng pangkaraniwang takot na ipinapakita nito ang kaniyang boses.Nagliwanag ang mga mata nito na para bang iiyak ito anumang oras na nagpakita sa parang inaapi nitong itsura.“Napaparami ka nanaman ng inom.” Maingat nitong sinabi habang nilalagay nito ang kaniyang braso sa braso ni Nathan. “Sigurado ako na magrereklamo ka nang dahil sa sakit ng ulo na mararanasan mo bukas.”Naging sweet at caring ang tono ng kaniyang boses, pero nang ibukas ni Nathan ang kaniyang

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status