Share

Kabanata 2

Author: Eira Winters
Nagpakita ng tuwa sa kaniyang mukha ang aking ama nang makita niya kung gaano ako kaconsiderate sa aking stepsister habang nagpapakita naman ng natutuwang ngiti ang aking stepmom.

Nang makaalis ang mga ito, nagpaiwan si Sophia sa kwarto.

“Roxanne, hayaan mong tulungan kitang magempake,” Sweet nitong sinabi habang nakatayo sa harapan ko na parang isang masunuring bata. Pero nagpakita ng direktang pagtatagumpay ang kaniyang mga mata nang umikot ang kaniyang paningin sa aking kuwarto.

“Hindi ko inasahan na papayag si Dad sa pagpapalitan natin ng mga kwarto,” Dagdag nito. “Galit ka ba sa akin, Roxanne?”

Tumigil siya sa pagsasalita para magkaroon ng bigat ang kaniyang mga sinasabi, “Sabagay, kakakuha ko lang kay Nathan, at ngayon ay nakuha ko naman ang kuwartong tinulugan mo ng sampung taon.”

Hindi ako sumagot sa kaniya. Tuamlikod ako para kunin ang aking suitcase.

Nang biglang gumawa si Sophia ng isang nagdadramang ingay. “Ouch!” bago ito bumagsak sa sahig habang hawak ang kaniyang braso.

“Roxanne…” Naiiyak nitong sinabi.

Tumama ang kaniyang braso sa kanto ng aking lamesa na nagiwan ng maitim na pasa sa namumutla niyang balat.

“Roxanne, ano bang ginagawa mo?”

Pagkatapos ng ilang sandali, nagpakita na si Nathan Foster na kasalukuyan nang nakatayo sa pintuan. Naglakad siya papasok nang may seryosong mukha para makita ang nasa sahig na si Sophia.

Nakasimangot itong sumugod para maingat itong ilagay sa kaniyang mga bisig.

“Okay lang ako, Nathan,” Naiiyak na sinabi ni Sophia habang pilit siyang ngumingiti habang tumutulo ang luha mula sa kaniyang mga mata.

“Hindi ito ginusto ni Roxanne.”

“Nagkapasa ka na pero sinasabi mo pa rin na hindi ito masakit,” sabi ni Nathan habang nakatitig ang paningin nito sa marka ng pasa sa kaniyang braso. Nabalot ng pagaalala ang kaniyang mga mata.

Pero napalitan ito ng panlalamig nang humarap si Nathan sa akin na parang yelong kumakalat sa kuwarto.

“Roxanne Evans, ako ang harapin mo kung may issue ka sa akin,” Naiinis nitong sinabi gamit ang matalas at nanlalamig niyang boses.

“Huwag mong idamay dito si Sophia. Masyado nang matindi ang kaniyang pingdadaanan.”

“Hindi kagaya mo,” pagpapatuloy nito sa pagsasalita habang nababalot ng inis ang kaniyang mga sinasabi, “ipinanganak ka sa karangyaan kaya hindi mo alam ang ibig sabihin ng tunay na paghihirap.”

Inakala ko na hindi na ako madadala sa aking mga emosyon nang dahil sa kaniya. Inakala ko na hindi na ako magpapakita pa ng luha kay Nathan.

Pero sa huli, isa lang akong ordinaryong babae. Hindi ako gawa sa bakal at hindi rin perpekto ang aking puso.

Ito ang lalaking kasabay ko lumaki, ang kaibigan ko mula pagkabata. Ang lalaking minahal ko ng tatlong taon.

At sa loob lang ng ilang araw ay nagawa na nitong mahulog sa mas bata at mas mahinhing babae kaysa sa akin. At ngayon ay tinitingnan niya ako na para bang isa akong makamandag na halimaw.

Ayaw kong umiyak. Gusto kong matawa sa kalokohang ito. Pero agad na kumalat ang sakit ng aking dibdib sa aking mga tear glands na nagbanta ng pagluha sa aking mga mata.

“Nathan Foster,” sinabi ko gamit ang nanginginig kong boses, “Napakaraming taon na nating magkakilala. Hindi mo ba talaga kilala kung anong klase ng tao ako?”

Bahagya namang napasimangot si Nathan habang nagbabago ang kaniyang itsura. Tumama ang kaniyang paningin sa aking mukha habang isang sandaling gumagaan ang panlalamig sa kaniyang presensya.
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Nalanta at Muling Namukadkad ang Pagibig   Kabanata 20

    Naging extravagante at romantic ang kasal naming dalawa noong araw na iyon.Hindi pinayagan sina Nathan o Charles na humakbang papasok sa seremonya. Pero hindi pa rin nagawa ng dalawang ito na umalis.Hindi na natapos ni Charles ang kasal. Inatake siya sa puso habang nasa gitna ng seremonya kaya agad siyang isinugod sa ospital. Kahit na nailigtas ang buhay nito, nanatili pa rin siyang nasa coma.Pero nanatili naman si Nathan hanggang sa huli.Sa mga dahilang hindi niya maintindihan, hindi siya nagawang iblock ni Cassie sa social media. Nakita niya mula sa mga post nito ang buong kasal—ang bawat photo naming dalawa ni Eustace at ang bawat video ng aming kasal.Alam na ni Nathan bago pa ang aming kasal na si Eustace ang groom ni Roxanne, ang senior nito sa college na may malayong narating sa buhay.Noong unang mga araw ng kanilang relasyon, noong inaalam pa lang nila ang mga bagay bagay, madalas na purihin ni Roxanne si Eustace.Nakakaramdam si Nathan ng selos sa bawat sandaling m

  • Nalanta at Muling Namukadkad ang Pagibig   Kabanata 19

    Isinagawa namin ni Eustace ang aming kasal pagsapit ng tagsibol noong kasunod na taon.Hindi ko rin binali ang pangako na ibinigay ko sa aking bestfriend dahil tumayo si Cassie sa aking tabi bilang natatangi kong bridesmaid sa kasal.Hindi ko sinabihan ang kahit na sino sa aking pamilya o kaibigan sa Riverdale pero agad pa ring nakarating doon ang balita. Noong araw ng aking kasal, parehong nagpakita ang aking ama at si Nathan.Lumapit sa akin si Eustace para hingin ang aking opinyon.Kasalukuyan pa akong inaayusan ng makeup artist nang mapatingin ako sa salamin, dito ko nakita ang imahe ng lalaki na mapapangasawa ko.Mas naging kumplikado ang bridal makeup ko kaysa sa pangkaraniwan kong itsura, pero naramdaman ko pa rin na hindi pamilyar at attractive ang tao na nakatingin pabalik sa akin.Naramdaman ko na para akong isang namumukadkad na hydrangeang tinanim ni Eustace sa bago naming hardin—masyado itong nagliliwanag at puno ng buhay.Masyado namang guwapo ang nagpakita ng c

  • Nalanta at Muling Namukadkad ang Pagibig   Kabanata 18

    Pero hindi manlang siya tiningnan ng lalaki na dating nagaalaga sa kaniya, ang “ama” na dati niyang inaasahan.Walang pakialam na ikinaway ni Charles ang kaniyang kamay na para bang tinataboy lang nito ang isang langaw. Dito na niya inutusan ang kaniyang mga tauhan na itapon ang magina sa labas.Hindi pa rin sumuko si Sophia sa front gate ng tahanan ng pamilya Evans.Habang desperado nitong hinahawakan ang gate, namamaos itong sumigaw ng, “Nathan… hindi mo ito puwedeng gawin sa akin! Hindi—dahil buntis ako! Ikaw ang ama ng dinadala ko! Kailangan mo akong panagutan!”Biglang nawala ang kaniyang boses sa huli na para bang nawawala na siya sa kaniyang sarili.“Nathan?” Kwestiyonable namang tiningnan ni Charles si Nathan.Nakaramdam naman si Nathan ng pandidiri sa buo niyang katawan. Gusto niyang tumawa pero hindi niya ito nagawa sa tindi ng pait sa kaniynag dibdib.Paano niya magagawang maattract sa isang tao na kagaya nito?“Mr. Evans.” Sagot ni Nathan, umabante siya para harapin

  • Nalanta at Muling Namukadkad ang Pagibig   Kabanata 17

    Hindi nagtagal, tinawagan na ng mga naistorbong kapitbahay ni Roxanne ang building management.Dito lang nalaman ni Nathan ang katotohanan mula sa property office: Matagal nang umalis dito si Roxanne. Nagawa pa nitong humingi ng tulong sa kanila na ibenta ang apartment para sa kaniya.“Saan siya nagpunta? Nasa Riverdale pa ba siya? Babalik pa ba siya? Kung oo, kailan?” Hindi naman nakatanggap ng sagot si Nathan.Ito ang bagay na kumonsumo sa kaniya na nagbigay dito ng napakatinding panic na parang may halimaw sa dilim na nakahandang lumamon sa kaniya nang buo.Nawala na sa kaniya si Roxanne.At sa pagkakataong ito, maaaring hindi na ito bumalik sa kaniya kahit na kailan.Samantala, ang bawat plano at kasinungalingan na ginawa ni Sophia at ng kaniyang ina para masiraan si Roxanne ay agad na nalaman ng lahat.Maging ang mga staff sa tahanan ng pamilya Evans ay lumaban para depensahan ang dati nilang amo habang ibinabahagi ang mga pangaapi na tahimik nilang dinanas sa kamay ni So

  • Nalanta at Muling Namukadkad ang Pagibig   Kabanata 16

    “Allergic ako sa mga peach! Alam ito kahit ni Dad,” Iyak ni Sophia habang hawak ang kaniyang mukha, nabalot ng pagkaapi ang tono ng kaniyang boses. “Inutusan ni Roxanne ang isa sa mga kasambahay na magsaboy ng katas ng peach sa aking kama. Nagawa itong imbestigahan at kumpirmahin ni Dad.”“Sinungaling ka!” Biglang abante ni Nathan para hawakan nang mahigpit ang kwelo ni Sophia.Matangkad at malakas ang kaniyang katawan kaya sapat na ang isang beses na paggalaw para maiangat nito si Sophia mula sa lupa.“Nathan… tama na! Hindi ako makahinga!” Sabi ng naghahabol sa kaniyang hininga na si Sophia habang hinahawakan nito ang kamay ni Nathan.Tumitig naman pababa sa kaniya si Nathan habang nagdidilim sa galit ang kaniyang mukha, nagpakita ang galit sa guwapo nitong mukha na bumagsik sa bawat segundong lumilipas.“Sophia,” Sabi nito, gamit ang mababa at nanlalamig niyang boses, “nakalimutan mo ba na ang gamit mong perfume ngayon ay ang paboritong perfume ni Roxanne? Ito ang perfume na pa

  • Nalanta at Muling Namukadkad ang Pagibig   Kabanata 15

    Nabalot ang isipan ni Nathan ng mga huling imahe ng pagtingin ni Roxanne sa kaniya.Isa itong kalmado at walang emosyong pagtingin na para bang hindi na ito maaapektuhan nang kahit na kaunti sa kaniya.Noong mga sandaling iyon, naramdaman niya na para bang hindi siya nito kilala—isang hindi importanteng tao na dumaan sa buhay nito.Biglang tumayo si Nathan para umalis, pero bago pa man siya makahakbang paalis, itinulak ni Sophia pabukas ang pinto bago ito naglakad papasok sa pinto.“Nathan,” Mahina nitong sinabi, nabalot ng pangkaraniwang takot na ipinapakita nito ang kaniyang boses.Nagliwanag ang mga mata nito na para bang iiyak ito anumang oras na nagpakita sa parang inaapi nitong itsura.“Napaparami ka nanaman ng inom.” Maingat nitong sinabi habang nilalagay nito ang kaniyang braso sa braso ni Nathan. “Sigurado ako na magrereklamo ka nang dahil sa sakit ng ulo na mararanasan mo bukas.”Naging sweet at caring ang tono ng kaniyang boses, pero nang ibukas ni Nathan ang kaniyang

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status