Short
Palitan ang Tadhana, Bagong Simula

Palitan ang Tadhana, Bagong Simula

By:  Hammer TitanOngoing
Language: Filipino
goodnovel4goodnovel
Not enough ratings
10Chapters
436views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Sa mismong araw ng aming kasal, ang childhood sweetheart ni Hansel Lennox na si Nara Sullivan, ay nagbantang tatalon mula sa isang gusali. Hindi niya ito pinansin at itinuloy ang kasal. Ngunit nang talagang tumalon si Nara, saka siya nag-panic. Simula noon, palagi na siyang pumupunta sa simbahan, unti-unting naging isang deboto. Pinipilit pa niya akong bigkasin ang mga banal na kasulatan at lumuhod habang nagdarasal—lahat sa ngalan ng pagsisisi sa aking mga kasalanan. Dahil sa kanya, nawala ang aking anak. Sa araw na nakunan ako, gusto ko nang makipag-divorce. Ngunit sinabi niyang pareho naming pinagkakautangan si Nara, kaya dapat kaming magsisi nang magkasama. Ginamit niya ang aking pamilya upang takutin ako at panatilihin sa kanyang piling. Inaksaya ko ang buong buhay ko para sa kanya. Ngunit pagmulat ko ng aking mga mata, bumalik ako sa mismong araw ng aming kasal. Sa pagkakataong ito, ako mismo ang magtutulak kay Hansel kay Nara. Ako naman ang magpapahirap sa kaniya.

View More

Chapter 1

Kabanata 1

"Sabihin mo kay Nara, kung gusto niyang mamatay, bahala siya, pero hindi ko siya susuyuin!" Nagising ako sa malamig na boses ni Hansel Lennox, at pagtingin ko sa salamin, nakita kong suot ko ang puting wedding gown.

Napagtanto ko na muli akong nabuhay sa sandaling inakalang pinakamasayang parte ng buhay ko. Nakatayo sa likod ko si Hansel, seryoso ang mukha, at ramdam ko ang inip at pagkairita sa boses niya.

Noong nakaraang buhay ko, labis akong nagpapasalamat sa sandaling ito—salamat na pinili niya ako kaysa kay Nara Sullivan. Ngayon, malinaw kong nakikita na may mas malalim na dahilan ang pagkairita niya ngayon.

Marahil ay nahulog na talaga siya kay Nara dahil sa walang katapusang paghabol nito. Pero pinili pa rin niya akong pakasalan para lang mapanatili ang reputasyon niya at hindi matawag na manloloko.

Ngunit nang mamatay si Nara, doon niya napagtanto ang totoong nararamdaman niya at tuluyang nabaliw sa pag-ibig. Para makabawi sa "pag-ibig" na nawala, ginawa niya ang lahat para makontrol ako habambuhay.

Naging devoted siya sa pagmamahal kay Nara pero hindi manlang siya naawang iligtas ang anak ko. Hinangaan siya ng mundo bilang lalaking tapat sa kaniyang childhood sweetheart, habang ako naman ang lumabas na walanghiyang kabit na sumira sa pag-ibig nila.

Sabi nila na deserve ko maging mag-isa, walang nagmamahal. Siyempre, hindi alam ng mga tao na si Hansel ang unang lumapit sa akin—apat na taon niya akong niligawan nang todo, binuhusan ng kabaitan at atensyon. Tinanggap ko lang siya nang makita kong totoo ang intensyon niya.

Siya ang unang lumapit sa akin, pero sa huli, ako pa rin daw ang may kasalanan. Talagang napakawalang kwenta.

Ngayon, nabigyan ako ng pangalawang pagkakataon. Nagpasya akong hindi na mauulit ang pagkakamali. Ayoko nang magkaroon ng kahit anong kaugnayan kay Hansel.

Mahinahon kong hinawakan ang sleeve ni Hansel at sinabi, "Hansel, puntahan mo na si Nara."

Napakunot ang noo niya. Laking gulat niya sa sinabi ko dahil noon, bawat abala ni Nara ay ikinagagalit ko. Para sa akin, isa siyang spoiled at manipulative na babae na feeling espesyal, na laging kumikilos na parang umiikot ang mundo sa kanya.

Para siyang teenager na baliw sa pag-ibig, at kapag nag-uusap sila ni Hansel, madaling uminit ang ulo ko. Kaya natural lang na masorpresa siya sa bigla kong pagbabago.

Nakita niyang seryoso ako. Sumeryoso rin siya’t nagtanong, "Gusto mo talaga na iwan kita dito sa mismong araw ng kasal natin para puntahan ko ‘yung ibang babae? Amber, alam mo bang anong isusulat ng mga tabloid tungkol sa ‘yo?"

Palihim akong natawa. Hindi naman ‘yung chismis ang papatay sa akin—siya ang papatay sa akin.

Kunyari, pinakita ko ang pagkaunawa ko. "Hansel, wala akong pakialam sa sasabihin ng iba, basta totoo ‘yung pagmamahal mo sa akin."

Idinagdag ko pa, "Pwede rin nating i-postpone ang kasal natin. Matagal na kayong magkaibigan ni Nara, ‘di ba? Kung may masamang nangyari sa kanya, baka magsisi ka, at baka ako rin. Buhay ang nakataya—kahit sinong tao, payag akong ipagpaliban ang kasal kung ibig sabihin ay pagsagip ng buhay."

May narinig akong pagbulong ng approval mula sa mga bisita. Pati sina Mr. and Mrs. Lennox na madalas mababa ang tingin sa akin, mukhang nagulat at napahanga.

Hinawakan ako ni Hansel nang mahigpit at hinalikan sa noo. Nanginginig ang boses niya sa emosyon. "Amber, alam kong tama ‘yung pagpili ko sa ‘yo. Hintayin mo lang ako—babalik ako agad. Pag nailigtas ko si Nara, itutuloy natin ang kasal."

Tumango ako at bahagya ko siyang itinulak palayo. "Sige na, bilisan mo. Mas mahalaga siyang sagipin ngayon."

Walang pag-aalinlangang tumalikod siya at tumakbo papunta sa rooftop. Sinundan ko siya ng tingin, at mahigpit kong hinawakan ‘yung wedding gown para hindi ako matumba.

Noong nakaraang buhay, sobrang kinagalit niya sa akin ang pagpigil ko sa kanya na makasama si Nara. Ngayon, kusa kong ibinigay ang kalayaan niya, umaasang maging masaya sila ni Nara.

Para maging kapani-paniwala, tumayo ako sa stage suot ang mabigat kong gown at naghintay nang buong isang oras. Naririnig ko ang mga bulungan ng mga taong hindi alam kung dapat bang umakyat sa rooftop para sa chismis o mag-extend ng simpatiya para sa akin.

Sa huli, bumalik din si Hansel—pero hindi siya nag-iisa. Kasama niyang bumaba si Nara, may suot ding wedding gown.

Halos nakalimutan kong sa nakaraan kong buhay, tumalon si Nara mula sa rooftop, suot din ang wedding gown niya. Ngayon, nakakapit siya kay Hansel na may ngiti ng tagumpay, at ang mga mata niya ay tila nanghahamon.

Nagsimulang magbulung-bulungan ang crowd, at puro awa ang tingin nila sa akin.

Mukhang hindi alam ni Hansel kung anong gagawin. Hinarap niya ako, halatang hirap magpaliwanag. "Amber, sinabi sa akin ni Nara na… matagal na niya akong mahal, at isa lang ang hiling niya—ang ikasal siya sa akin. Ipinapangako niyang hindi na siya manggugulo pagkatapos. So… pwede ko bang ibigay sa kanya ‘yung kasal ngayong araw?"

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

No Comments
10 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status