Short
Namatay Dahil sa Tatay, Inautopsy ng Nanay ko

Namatay Dahil sa Tatay, Inautopsy ng Nanay ko

By:  Cora SealsCompleted
Language: Filipino
goodnovel4goodnovel
Not enough ratings
8Chapters
1.6Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Habang brutal akong pinapaslang ng kriminal, ang dad ko, ang head ng Criminal Investigation Division, at ang mom ko, ang Chief Forensic Pathologist, ay nanonood sa laban ng kapatid kong si Lily Lambert. Bilang paghihiganti, ang kriminal, na dating nahuli ng dad ko, ay pinutol ang dila ko at ginamit ang phone ko upang tawagan siya. Isang bagay lang ang sinabi ng dad ko bago niya binaba ang tawag. “Anuman ang nangyayari, ang laban ni Lily ang pangunahing prayoridad ngayong araw!” Ngumisi ang kriminal, “Mukhang maling tao ang dinukot ko. Akala ko mas mahal nila ang tunay nilang anak!” Sa pinangyarihan ng krimen, nagulat ang mga magulang ko sa brutal na kalagayan ng bangkay at kinasuklaman nila ang kawalan ng awa ng killer. Subalit, hindi nila napagtanto na ang gula-gulanit na bangkay na iyon ay ang sarili nilang anak.

View More

Chapter 1

Kabanata 1

Natagpuan ang katawan ko sa isang abandonadong gusali.

Ang mga construction worker, na pilit na pinipigilan ang mga suka nila, ay tumawag ng pulis.

Nagmadaling umalis ang mga magulang ko mula sa celebration banquet ng kapatid ko na si Lily Lambert patungo sa crime scene.

Ang crime scene investigator, si Chester Ford, ay sumimangot at sinenyasan niya sila na magsuot ng mask.

Ang dad ko, si David Lambert, ay isa sa top investigators na kinuha ng pulisya para sa mga espesyal na kaso, at ang mom ko, si Stella Zimmer, ay ang nangungunang forensic pathologist sa Jasper City. Bagaman marami na silang nakitang mga crime scene, nabigla pa rin sila nang makita nila ang bangkay.

Sa matinding init ng panahon, lumobo nang husto ang bangkay ko. Basag na basag ang mukha ko, duguan ito at hindi na makilala. Puno ng mga sugat ang buong katawan ko, at kaunting balat na lang ang tanging nagdudugtong sa ulo ko sa aking leeg. Pinuno ng masangsang na amoy ng nabubulok kong bangkay ang hangin.

Ipinikit ni mom ang kanyang mga mata, huminga siya ng malalim, at sinuot niya ang kanyang gloves upang simulan ang preliminary examination. Ang kanyang tingin ay mayroong bakas ng awa na bihira kong makita habang tinitingnan niya ang katawan ko.

Sa buhay, kailanman ay hindi niya ako trinato ng ganito karahan.

Kabado ako habang pinapanood ko siya na alisin ang duguang singsing mula sa kamay ko.

Gumawa ako ng magkakaparehong mga singsing para sa pamilya ko, kaso hindi nagkasya yung kay Lily, kaya pinagalitan ako ng husto ng mga magulang ko.

"Lagi ka na lang may binabalak na hindi maganda, sinasadya mong saktan ang kapatid mo!”

“Emily, kahit na ikaw ang tunay naming anak, naging parte ng pamilyang ‘to si Lily ng labing walong taon. Lagi siyang magiging mas mahalaga kaysa sayo!”

Umaalingawngaw pa rin sa mga tainga ko ang mga galit nilang boses, ngunit naniwala ako na mahal ako ng mga magulang ko. Siguradong makikilala nila ang regalong ibinigay ko sa kanila!

Ngunit hindi nagbago ang ekspresyon ni Mom. Inutusan lang niya ang kanyang assistant, si Ruby Gomez, na ilagay ang singsing sa loob ng isang evidence bag.

Hindi dapat ako umasa. Sa mga puso nila, wala lang ako, kahit na ako ang tunay nilang anak.

Ang kapatid kong lalaki, si Eddie Lambert, ay sinabi sa’kin minsan na inampon nila Mom at Dad si Lily dahil hindi nila ako mahanap pagkatapos akong makidnap. Sinabi niya na ako ang paborito nilang anak na babae.

Ngunit noong makabalik ako, wala nang puwang para sa’kin. Pakiramdam ko ay isa akong estranghero sa sarili kong pamilya.

Pagkatapos suriin ang crime scene, bumuntong-hininga si Dad at tinanong niya si Mom, “Anong sitwasyon sa bangkay na ‘to?”

Tinanggal ni Mom ang kanyang gloves at minasahe niya ang nagsasalubong niyang mga kilay. “Lumalabas na nasa 20 taong gulang na ang biktima. Mukhang ang pangunahing sanhi ng pagkamatay niya ay ang malaking sugat sa leeg niya. Malamang matagal siyang pinahirapan bago siya namatay.”

“Brutal ang pagpatay sa kanya, at malaki ang magiging impact nito sa publiko. Kailangan nating malutas agad ang kasong ito bago ito lumabas sa balita.” nagsindi ng sigarilyo si Dad at hinithit niya ito. Problemado ang ekspresyon niya.

Maging hanggang sa kamatayan, gumagawa pa rin ako ng problema para sa mga magulang ko.

Pinaalalahanan sila ni Chester, "Hindi pa nahuhuli ang killer, kaya dapat maging mas maingat kayo sa bahay. Dalawa ang anak niyong babae. Huwag niyo silang palalabasin sa gabi.”

Ramdam ang inis sa boses ng Mom ko. "Laging masunurin si Lily. Itong si Emily ang hindi ko makontrol.”

Si Chester, bilang matagal nang kaibigan ng mga magulang ko, ay alam ang lahat tungkol sa sitwasyon ng pamilya ko.

Hinimas ni Dad ang kanang balikat niya. Napansin ito ni Chester at nagtanong siya, “David, sumasakit nanaman ba ang balikat mo?”

Binalewala niya ang sinabi ni Chester. “Ayos lang ako. Naglagay ako ng isa sa pain relief patch na binili ni Emily…”

Huminto siya sa kalagitnaan ng pagsasalita niya.

Ang anak na tinatawag nilang rebelde ay nag-aalala pa rin sa kalusugan nila.

Tinapik ni Chester ang likod ni Dad. “Dapat tratuhin niyo ng mas maayos si Emily. Siya ang tunay niyong anak.”

Umiling si Dad. “Noong nakaraang ilang araw, may tennis match si Lily, at ilang beses niyang hiniling na pumunta si Emily at manood. Pero si Emily, sinagot niya ang phone niya at hindi niya kami sinipot. Sa sobrang pag-aalala ni Lily sa kapatid niya, naka third place lang siya.

“Ilang araw nang hindi umuuwi si Emily. Anong malay namin kung patay na ba siya. Malaking sakit talaga ng ulo ang mga batang hindi naman ikaw mismo ang nagpalaki.”

Nang marinig ko ang mga reklamo at akusasyon ng mga magulang ko, nakaramdam ako ng kirot sa aking puso.

Mom, Dad, hindi ito dahil sa ayaw kong umuwi.

Hindi ko lang… hindi na lang talaga ako makakauwi.

Ang walang utang na loob na anak na sinasabi niyo, ay namatay noong araw na nasa tennis match kayo ni Lily.

Nasa harap niyo ngayon ang bangkay ko.
Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

No Comments
8 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status