LOGINIsang video ng boyfriend ko na nagpo-propose sa kanyang secretary ang nag-trending. Lahat ay kilig na kilig at sinasabing napaka-romantic at nakakaantig ang eksena. Nag-post pa mismo ang secretary niya sa social media: "Matagal kitang hinintay, at buti na lang hindi ako sumuko. Ipagkakatiwala ko ang buhay ko sayo, Mr. Emerson." Isa sa mga komento ang nagsabi: "Diyos ko, sobrang sweet nito! CEO at secretary—bagay na bagay sila!" Hindi ako umiyak o nag-eskandalo. Sa halip, tahimik kong isinara ang webpage at hinarap ang nobyo ko para humingi ng paliwanag. Doon ko siya narinig na nakikipag-usap sa mga kaibigan niya. "Wala akong choice. Mapipilitan siyang pakasalan ang isang taong hindi niya mahal kung hindi ko siya tinulungan." "Eh si Vicky? Siya ang totoong girlfriend mo. Hindi ka ba natatakot na magalit siya?" "Eh ano naman kung magalit siya? Pitong taon na kaming magkasama—hindi niya ako kayang iwan." Sa huli, ikinasal ako sa parehong araw ng kasal nila. Nang magkasalubong ang aming mga sasakyan, nagpalitan kami ng bouquet ng kanyang secretary. Nang makita niya ako, labis siyang nasaktan at humagulgol.
View MoreHindi ko maalala kung nakita ko na si Isaac noon sa ganitong kaawa-awang kalagayan."Tama na, Isaac," kalmado kong sabi. "Hindi kahiya-hiya ang umamin na nagbago ang nararamdaman mo. Naniniwala akong minahal mo talaga ako noon, pero totoo rin na nagbago 'yung puso mo."Agad siyang umalma, "Hindi 'yan totoo. Mahal pa rin kita, Vicky. Kailangan mong maniwala."Napatawa ako nang malamig. "Sinasabi mong mahal mo ako, pero hindi mo nga maalala kung ano ang gusto ko. Lahat ng binibili mong food at snacks para sa akin, paborito pala ni Jenny. Sabi mo mahal mo ako, pero binibigyan mo ako ng regalong ibinigay mo rin kay Jenny. Mahal mo raw ako, pero hindi mo man lang maalala ang birthday ko o anniversary natin."Sabi mo mahal mo ako, pero nang magkaroon ng panganib, nakalimutan mong kasama mo ako at dumiretso ka sa ibang tao. Ito ba ang ‘pag-ibig’ para sa 'yo, Isaac? Kung ganito, parang walang kuwenta 'yung pagmamahal mo, 'di ba?"Nakita kong nag-panic si Isaac dahil hindi ako natinag sa sinasa
Sa araw ng kasal namin, puro prominenteng tao ang mga bisita. Ayokong makilala sa lipunan nang dahil lang sa iskandalong kagaya nito, at lalo nang ayokong sirain ang araw na kay tagal nang inaasam nina Mom at Dad.Pinatawag ko kay Henry ang mga security guard para palabasin si Isaac mula sa hall. Sandali lang ang kaguluhan; tuloy-tuloy pa rin ang ceremony at walang aberyang nangyari.Pagtapos ng lahat at naihatid na ang mga bisita, hinarap ko si Henry at sinabi, "Pwede mo ba akong bigyan ng oras para ayusin 'yung nangyari kanina? Kailangan kong maliwanagan siya."Walang pag-aalinlangang tumango si Henry at sinabing, "Sige, puntahan mo. Pero mag-iingat ka. Tawagin mo lang ako kung kailangan mo. Nandito lang ako."Hindi ko alam kung bakit, pero nakaramdam ako ng kapanatagan sa sinabi niya.Naka-upo si Isaac sa isang kuwarto, binabantayan ng security. Pagkakita sa akin ng guard, agad siyang nagsalita, "Pakisuyo naman, kausapin mo siya nang matino. Naaksidente siya at nawalan ng maraming d
Dahil sa peklat na ‘yon, sobrang nakonsensya ako at napaiyak. Pero dahan-dahang pinahid ni Isaac ang mga luha ko, bahagya pang tumawa, na para bang wala lang, "Ayos lang ‘to. Pilat lang naman. Gwapo pa rin naman ako, ‘di ba?"Mas lalong umagos ang luha ko. "Masakit ba?" tanong ko, kahit alam kong malamang masakit nga talaga.Napatulala si Isaac sa walang humpay kong pag-iyak. "Hindi masakit, promise! ‘Wag ka nang umiyak, please? Nahihirapan akong makita kang nasasaktan…"Noon, walang pag-aalinlangang iniligtas niya ako mula sa sunog at ibinuwis ang kaniyang buhay. Pero ngayon, iba na ‘yung buhay na handa niyang ipaglaban. Hindi na ako ‘yon.Kinalaunan, biglang nagkaproblema ang pamilya ni Isaac. Nagdusa ang buong Emerson family at nalubog sila sa utang. Pati si Isaac na dating may napakagandang kinabukasan, tuluyan ding bumagsak.Lumuhod ako sa tabi niya, hinalikan ko ang mga luha niya, at pinangako, "Nandito pa rin ako. Hindi kita iiwan."Pinili kong mag-aral sa parehong kolehiyo na p
Nung nagsimula akong magdala ulit ng lunch para kay Isaac, sinalubong ako ni Jenny nang masigla. Pero agad kong napansin 'yung kuwintas na suot niya. May ganun din ako sa bahay—binigay 'yon sa akin ni Isaac nung anniversary namin.Noon, pinuri pa ni Jenny 'yung necklace, sabi pa niya, "Ang ganda! Ang galing pumili ni Isaac. Buti ka pa, Victoria—ako, hindi naman ako makakapagsuot ng ganito kagandang kuwintas."Naalala kong nabadtrip talaga ako noon. At ngayong nakita kong suot niya 'yung kuwintas, nginitian lang niya ako, parang walang hiya-hiya o pag-iwas sa mata."Yung kuwintas mo…" sambit ko."Si Mr. Carter ang nagbigay sa akin," sagot niya agad, deretsahan, na parang wala lang.Dahil doon, nag-away kami ni Isaac. Pero ayon sa kanya, nag-o-overthink na naman daw ako—“reward” lang daw niya kay Jenny dahil magaling itong magtrabaho.Sa araw ding 'yon, binalikan ko 'yung opisina ni Isaac para kunin 'yung bag na naiwan ko at nakita kong nakatapon sa basurahan 'yung lunch na inihanda ko.






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.