Short
Sinira ng First Love niya ang Kasal ko

Sinira ng First Love niya ang Kasal ko

By:  Mr. ProsperityCompleted
Language: Filipino
goodnovel4goodnovel
Not enough ratings
7Chapters
670views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Sa araw ng kasal ko, dumating ang first love ng fiance ko sa wedding ceremony suot ang parehong haute couture gown na gaya ng sa akin. Pinanood ko silang tumayo ng magkasama sa entrance, binabati ang mga bisita na para bang sila ang bride at groom. Nanatili akong mahinahon, pinuri ko sila, sinabi ko na bagay sila sa isa’t isa—maganda at matalino, itinadhana sila para sa isa’t isa. Napaluha ang babae at umalis. Gayunpaman, ang fiance ko, ay hindi nagdalawang-isip na ipahiya ako sa harap ng lahat, inakusahan niya ako na mapaghiganti at makitid ang pag-iisip. Noong matapos ang wedding banquet, umalis siya para sa dapat sana ay honeymoon namin—at siya ang kasama niya. Hindi ako nakipagtalo o gumawa ng eksena. Sa halip, palihim akong nag-book ng appointment para sa abortion.

View More

Chapter 1

Kabanata 1

Nang makauwi ako, hatinggabi na.

Kumalat sa loob ng sala ang malamlam na liwanag ng buwan, na nagbigay ng malamig, at malungkot na ilaw sa lugar.

Sa pagod ko, kinaladkad ko ang sarili ko papunta sa kwarto, ngunit sinalubong ako ng makulay na wedding decor sa mga pader.

Nakakatawa, sabi ko sa isip ko.

Hindi pa naalis ang makukulay na ribbon sa kama, ngunit masyado akong pagod para pakialaman ito. Hinawi ko ang mga ito paalis ng kama at bumagsak ako sa malambot na mattress, naramdaman ko ang bigat ng buong araw na nakadagan sa’kin.

Nang isaksak ko ang phone ko para magcharge, isang notification ang “nagkataong" nakakuha ng atensyon ko—isang post mula kay Susie McKinney sa kanyang social feed.

"Nagpapasalamat ako na kasama kita, walang nasayang na sandali” ang caption.

Makikita sa naka attach na photo na hawak siya ni Hank sa kanyang mga bisig, nakatitig silang dalawa sa mga mata ng isa’t isa, halos ilang sentimetro lang ang pagitan nila, malapit nang magdikit ang kanilang mga labi. Kumikislap ang magkaparehas na couple rings sa kanilang mga daliri.

Kung nangyari ito noon, baka sinugod ko sila at humingi ako ng eksplanasyon mula sa kanya.

Pero ngayon? Tahimik kong pinatay ang aking phone, gumulong ako, at natulog.

Lumipas ng tahimik ang mga sumunod na araw. Hindi ako nakatanggap ng kahit isang message mula kay Hank.

Sa halip, ang feed ko ay napuno ng mga update ni Susie—mga larawan nila na naghahalikan, nagshoshopping, nagtatawanan, na para bang pinangangalandakan nila sa mundo ang kasiyahan nila.

Hindi ako nagreact, hindi ako nakaramdam ng galit o lungkot. Sa halip, tumawag ako ng abogado at nagsimula akong maghanda para sa divorce.

Walong taon na kaming nagsasama ni Hank Dawson, mula pa noong university days namin. Bagaman kailan lang kami naghost ng wedding ceremony namin, yung totoo, legal kaming nagpakasal pagkatapos mismo ng graduation namin.

Isa itong tahimik at padalos-dalos na sandali. Walang sere-seremonya, walang mga regalo, walang alahas—tanging ang mapusok na damdamin ng dalawang kabataang nagmamahalan.

Pero ngayon, ang damdamin na iyon ay matagal nang naglaho, wala itong ibang iniwan kundi isang kalat na kailangang linisin.

*

Pagkaraan ng halos dalawang linggo, nakaupo ako sa bahay, binabasa ko ang draft na hinanda ng abogado ko para sa divorce.

Tahimik ang bahay, ngunit biglang sinira ng tunog ng pagpihit ng susi sa lock ang katahimikan.

Inangat ko ang tingin ko, at heto na nga sila—pumasok si Hank habang magkahawak-kamay sila ni Susie.

Nagtagpo ang aming mga mata, at nakakita ako ng bakas ng pagkailang sa kanyang mukha. Agad niyang binitawan ang kamay ni Susie, kabado ang boses niya habang sinusubukan niyang magpaliwanag.

"Hindi pa nakapunta sa beach si Susie, kaya dinala ko siya dun. Isa pa, buntis ka… hindi ba sinabi ng doktor na dapat mag-ingat ka…”

Bago pa siya matapos sa pagsasalita, nilihis ko ang tingin ko, bumalik ang mga mata ko sa legal documents sa harap ko.

Tumango ako, halos hindi ako interesado.

“Mm. Okay," sagot ko, walang pakialam.

“Sige lang…”

Anupaman ang balak niyang sabihin ay bumara sa lalamunan niya. Nang makita niya akong nakaupo doon, kalmadong nakatutok sa screen ng computer, at walang pakialam, tila lalo siyang nagalit.

Naging malamig ang kanyang boses, at nagwala siya, "Kailangan mo ba talagang gawin ‘to? Sinabi ko na sayo, hindi pa nakapunta sa beach si Susie—kaya dinala ko siya doon! Maliit na bagay lang ‘yun. At bakit ka gumagawa ng eksena? Para namang hindi tayo maghoneymoon anumang oras! Ano bang problema mo?”

Nagpatuloy siya sa pagsasalita, malinaw ang inis sa kanyang boses. “At gaano karaming beses ko ba dapat sabihin sayo na, walang namamagitan sa’min ni Susie—”

Pinutol ko siya sa pagsasalita, pagod na ako sa kasinungalingan niya.

"Parang magkapatid lang kayong dalawa. Oo na, alam ko.”

Tumingin ako sa kanya, kalmado at walang pakialam ang ekspresyon ko. Walang kahit kaunting bakas ng galit.

Gayunpaman, lalong lumamig ang ekspresyon ni Hank, nagsalubong ang mga kilay niya sa inis. Ang boses niya, na puno ng inis, ay umalingawngaw sa buong silid.

"Kung ganun, anong kinakagalit mo ngayon?”

“Busy ako," sagot ko, muling bumaling ang atensyon ko sa draft sa harap ko, hindi ako interesadong tumingin sa mga mata niya.

Nang makita ang tensyon sa pagitan namin, agad na namagitan si Susie, hinawakan niya ang braso ni Hank ng may pekeng pag-aalala. Ginatungan niya ang sitwasyon gamit ng kanyang matamis, at malambing na tono.

"Pakiusap, Pearl, huwag kang magalit. Hindi ka dapat makipagtalo kay Hank dahil sa’kin. Hindi ka man isinama ni Hank sa pagkakataong ito, pero binilhan ka niya ng espesyal na regalo mula sa beach!”

Humarap siya kay Hank, peke ang pagiging inosente ng kanyang boses. “Hank, dalian mo at ipakita mo sa kanya ang regalo!"

Si Hank, na gustong-gustong magyabang, ay inilabas ang isang maliit na kahon mula sa bulsa niya. Binuksan niya ito at itinulak ito palapit sa’kin na para bang may ginawa siyang napakaganda.

"Binili ko ‘to para lang sayo. Sige na, tingnan mo ito.”

Napuno ng pagmamalaki ang kanyang mukha na para bang umaasa siya na magpapasalamat ako sa kanya.

Tiningnan ko ang kahon. Naglalaman ito ng isang simpleng pares ng mga hikaw na hugis bulaklak, na nilinyahan ng malliliit na dyamante, at ang mga petals nito ay gawa sa blue gemstone. Maliit at maselan ang mga ito.

Tiningnan ko ito, pagkatapos ay itinulak ko ito pabalik sa kanya ng walang pag-aalinlangan.

"Hindi na kailangan. Hindi ako interesado sa pangongolekta ng mga trinket.”

Natahimik ang buong silid. Napuno ng tensyon ang paligid at dumilim ang mukha ni Hank.

"Anong ibig mong sabihin dun, Pearl Jennings?”
Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

No Comments
7 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status