Share

Chapter 2

Kumabog ng malakas ang dibdib ko nang pumasok ako sa back stage. Ngunit pinilit kong itinago ang aking kaba nang makita ko ang paglapit ng manager ng bar sa'kin. Pilit ko siyang nginitian.

"You look good." Hinagod niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. I'm already wearing a red lingerie and pair of seven inches red high heels. 

"Sexy naman kahit mukhang stick."

Ano daw? Mukha akong stick?

Nakuyom ko ang kamao ko. Tinimpi ko ang sarili kong huwag tumalim ang tingin ko sa kanya.

"But better than ours girls." Ibinalik niya ang tingin sa mukha ko. "Kaya pala ikaw ang napiling star dancer ni Big boss," turan ng bar manager habang humihithit ng sigarilyo. She is wearing a violet backless fitted dress. Malaki ang hinaharap niya. Hindi ko tuloy masabi kung natural iyon o gawa sa retoke.

"Oh siya! Alam mo na ang gagawin mo kapag ikaw na sasalang. Make sure to give them a nice show." Muli itong humithit sa kanyang sigarilyo bago ako iwanan.

I just rolled my eyes.

Mas maganda at mas mabango pa rin ako sa kanya.

I inhale and exhale. Pinilit kong kalmahin ang sarili ko.

Kailangan kong ituon ang atensiyon ko sa misyon.

Naghintay na lang ako sa dressing room na nasa backstage. I'll just wait for a few minutes and the show will start.

"Are you okay there, Virgo?" I heard Red's voice from the earpiece on my earlobe. Mukha itong nunal but the truth is, it is an earpiece.

Virgo is my code name. Leo kay Zach, Gemini naman kay Red. Ang codename ni Denver ay Aries at Scorpio naman kay Thirdy.

Kinapa ko ang kwintas na suot ko, may dalawa itong maliit na mukhang gemstone .I press the white stone of my necklace, doing that will let me transmit a message saying 'yes' and the red stone in my necklace for 'no' answer. 

I don't need to talk just to respond. Thanks to technology, every mission is possible.

Maya-maya lang ay narinig ko ang pagkatok sa pinto dahilan para mapalingon ako. Nakabukas naman ang pintuan. Mukhang kumatok lamang siya upang makuha ang atensiyon ko.

"Ready yourself. Ikaw na ang susunod," turan ng manager na nasa pintuan ng dressing room.

Tumayo ako at isinuot ang maskara ko.

This is it!

After the second to the last performance, a curtain covered the stage. That is my cue to go on the center of the stage and start the show.

When the music starts, the place gets dim and a spot light focused to where I am standing. I sways my hips sexily and seductively. I slowly faced the crowd. I also gave them my most seductive smile.

Tsk! Maglaway kayong mga malilibog.

Naghiyawan ang mga costumer sa bar. Lalo ko pang inigihan ang pag-indak ng mabagal, nakakaakit.

Narinig kong may sumisipol  mula sa mga costumer.

Mga lalaking manyak, tsk!

Iginala ko ang paningin ko sa bar, patuloy pa rin ako sa pagsayaw. I sightly parted my legs and play my fingers sexily on it.

Nakita ko si Zach na bar counter, he is holding a wine glass. Mukha siyang costumer ng bar sa suot niyang gray three-piece suit. Hindi nawala ang masungit niyang aura na tila nakakatakot lapitan.

Nakita ko naman si Red na may kalandiang babae. Hapit nito ang beywang ng isang balingkinitang babae. Kitang-kita ko pang tatawa-tawa ito habang nakikipagbulungan. Ang lokong 'to, naisingit pang mambabae.

"Nasa harap si Mr. Guo. He is wearing a black polo with eyeglasses. Look straightly and you will see him,"Thirdy said from the other line. Mukhang siya ang nasa loob ng van at nakatoka sa screen monitor.

I followed the direction that Thirdy told me. And there he is. May lalaki ngang nakasuot ng itim polo at pantalon. May kumikinang na gold necklace sa leeg niya, nakasuot ng malaking singsing na gawa sa ginto. May suot din itong gintong relo.  Unang tingin pa lamang ay namukhaan  ko na agad siya. Madali lang kabisaduhin ang mukha niya dahil sa singkit na mata niya at malapad na ilong.

Mataman ko siyang tinitigan. I even slightly pouted my lips while not breaking my stare to him. Nakita kong bahagya niyang iniangat ang likod niyang nakasandal.

Mukhang tinamaan ang hayop na hukluban.

Okay. Bitinin natin siya ng konti. I turned my back while I'm still swaying my hips. I slowly raise my hands to my head particularly to the lace that holds my mask.

Narinig ko silang naghiyawan. Sige lang, mabaliw kayo sa'kin.

Tinanggal ko ang maskarang suot ko. I even sexily hold the tip of it before dropping it on the ground.

I faced the crowd, the lower part of my face was covered with a fan revealing only my eyes. I made sure that  they could only see seduction in my eyes.

Mga baliw! Akala ba nila ipapakita ko ang mukha ko sa kanilang lahat. Iginala ko muli ang aking paningin para naman 'di makahalata si Mr. Guo na siya talaga ang target ko.

Dumapo ang paningin ko sa isang lalaking nakaupo sa kanang bahagi ng bar, mataman siyang nakatingin sa'kin.  Nakasuot siya ng asul na polong nakatupi ang manggas hanggang sa kanyang siko.

Bumaba ako sa performance stage palapit sa kanya. Noon ko siya natitigan ng husto. Mukhang magkalapit lamang kami ng edad. Mukha siyang mayaman sa hitsura niya. Idagdag pang nakasuot siya ng mamahaling relo. Matikas ang kanyang pangangatawan. Tumaas ang tingin ko sa kanya at hindi nakaligtas sa'kin ang pagtaas-baba ng adams apple niya.

I grinned.  Mukhang nag-iinit na ang loko. Para tuloy gusto siyang paglaruan. Lalo pa akong lumapit sa kanya habang patuloy pa rin sa pag-indak ng nakakaakit.

Sinalubong ko ang mga mata niya. I can see lust in his eyes. Sayang ang isang 'to! Gwapo pa naman. Manly eyebrows, pointed nose and well-defined jawline. Tsk! Papasa sanang jowa ko 'to kung 'di lang hayok sa laman.

Nagulat ako nang hapitin niya ako sa beywang dahilan para ma-out balance ako at mapaupo sa kandungan niya. 

Teka! Ano 'yong matigas na naramdaman ko malapit sa pwetan ko?

He smirked. Aba! Lokong 'to!

Tinaasan ko siya ng kilay.

"Name your price, Lady." Nanindig ang balahibo ko. Bakit gano'n ang boses niya? Parang may kung  anong dulot na kiliti sa kaibuturan ko. Gayunman, hindi naging maganda sa pandinig ko ang sinabi niya. Nangibabaw ang inis ko sa kanya. Sayang talaga ang isang 'to, jowable pa naman sana.

Inilapit ko ang bibig ko sa tainga niya. I hold tightly the folded fan that covers the lower part of my face. Kung wala lang kami sa misyon, kanina ko pa sana ipinalo sa mukha niya ang pamaypay.

"Sorry mister, I'm not for sale nor for rent," I whispered in his ears.

Anong tingin niya sa'kin? Prostitute? Duhhh!

Tumayo ako sa kandungan niya at tuluyan nang lumayo sa kanya. Lumapit ako kay Mr. Guo tutal siya naman talaga ang pakay ko.  I danced sexily infront of him. I trace his chest using my fingers. Natulala niya sa ginawa ko. Before he could react, I left him. Gayunman, alam kong nagtagumpay ako dahil kita ko ang pagnanasa sa mukha niya.

"Good move." It's Thirdy's voice.

I continued dancing while going back to the stage. And when the music stops, curtains covered the stage. Agad kong dinampot ang mask ko. Kailangan ko iyon dahil nandoon ang camera.

"Good news. Kumagat si Mr. Guo sa pain. The manager sold you to him for ten million. Puno na rin ang mga VIP rooms gaya ng plano. Mukhang iuuwi ka niya." That's Denver's voice. Mukhang nasa loob din siya.

Nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi ni Denver.

Konting push pa. We're halfway there.

Makalipas ang ilang sandali ay dumating ang Bar manager na malawak ang ngiti.

"Unang gabi mo pa lang dito pero napakamahal na agad ng bayad sa'yo," nakangising saad niya kasabay ng paghangod ng tingin niya sa'kin  mula ulo hanggang paa.

Mahal na daw ang ten million?Tsk! Kung alam lang niyang buhay ko ang nakataya dito.

"Ready yourself dahil iuuwi ka ng costumer." Tumindig ang balahibo ko dahil sa sinabi niya. Kahit ito naman talaga ang plano, hindi ko pa rin naiwasan ang hindi kabahan.

"Matutuwa si Bigboss nito. Fifty million ba naman ang ibinayad niya para sa isang gabi mo lang," tumatawang saad niya.

Nalaglag ang panga ko. Fifty million? Ang sabi ni Denver ten million lang ang ibinayad ni Mr. Guo. Anong nangyari? Nagdagdag ba siya ng bayad?

"What's happening? Lumabas na si Mr. Guo at may kasamang ibang babae!" Boses iyon ni Zach.

Nanlaki ang mata ko. Lumabas na si Mr. Guo? Kung gano'n, sinong nakabili sa'kin?

"Ba't ganyan ang reaksiyon mo? 'Di ba alam mo naman ang trabahong pinasok mo?" mataray na turan ng kaharap ko nang makita niya ang panlalaki ng mga mata ko.

"Aalis na ako," turan kong lalagpasan  na dapat siya kaso hinarang niya ako.

"Hoy babae! Anong aalis ang sinasabi mo? Nag-iinarte ka ba? "

"Let me go! I'm leaving this place!" turan kong pinilit siyang bangain para makaalis ako. Nagtagumpay  naman akong malampasan siya kaso hinarangan ako ng dalawang maskuladong lalaki.

"Huwag niyong hayaang makaalis yan!" nanggagalaiting turan ng bar manager. 

Lumapit sa'kin ang isang lalaki kaya sinipa ko siya. Eksaktong may upuan sa gilid kaya kinuha ko iyon at ibinato rin sa kanya. Tinamaan siya dahilan para mamilipit siya sa sakit. Lumapit rin sa'kin ang isa pang lalaki sa harapan ko. Sisipain ko din sana siya kaso biglang may malakas na braso ang humawak sa dalawang kamay ko. Pakiramdam ko ay tila nakakadena ako dahil sa lakas niya.

"Let me go!" Nagpumiglas ako. I tried to reach the knife on my thigh but before I could grab it, I saw the bar manager near my face. She covered my nose with a handkerchief. Lalong akong nagpumiglas pero unti-unti akong nakaramdam ng pagkahilo.

"Move! Rescue Virgo!" I heard Zach's voice  before everything went dark.

---amvernheart---

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status