Share

Chapter 3

MAKAILANG beses akong napamura sa isip ko. Everything seems so surreal. Nasa panaginip pa rin ba ako o di kaya’y nasa other world? Nababaliw na ba ako? Bakit sa dinamirami ng lalaki sa mundo, siya pa talaga ang lalaking ‘yon, at sa laki ng mundo, dito pa talaga sila sa school namin napadpad. A real definition of sinuwerte na minalas!

Hindi ko alam pero bigla nalang napuno ang pantog ng wala sa oras nang malaman kong ang pangalan ng nialalang na ‘yon ay Shaun. Yes, siya si SHAUN! 

Nagpapasalamat na rin ako na tinawag ako ng kalikasan dahil nagkaroon ako ng rason para matakasan ang mga bagong salta.  Hindi rin kasi ako sigurado kung pa’no ko sila haharapin! Kanina pa ako nagtatago rito—sa isa sa mga CR ng Armani, pero hanggang ngayon, wala akong maisip na maayos kung papa’no at ano ang gagawin ko ngayong iisa na ang mundo namin ng taong ‘yon. 

Napapitlag ako nang nagpatay-sindi ulit ang ilaw na dinaig pa ang christmas lights kada pasko. Kada patay ng ilaw ay napapakurap ako. Napatili ako ng hindi na muling sumindi ang ilaw, “Hutang’na, J—Jesus-Mary-Joseph, iligtas niyo ho ako.” mahinang bulong habang nag sa-sign of the cross. Naaalala ko kasi ang kwento nila tungkol sa multo na nakatira sa isa sa mga CR ng Armani. Hindi ako sigurado kung ito ba ang CR na tinutukoy nila, pero parang gano’n na nga!

Hindi masukat ang kaba ko. My sweats were dripping like bullets on my forehead. Kagat-kagat ko ang kuko ko habang nakatitig sa handle ng pinto, nag-iisip kung lalabas ba ako o hindi. Takot ako sa multo pero mas natatakot akong harapin ang lalaking ‘yon. I could not ignore the possibility na pwedi niya akong saktan. He seemed serious.

Napamura nanaman ako sa isip nang marinig ang tunog ng kislap ng kurente dahil namamatay-sinding lightbulb sa kisame. Pinaparusahan na ata ako ng langit dahil sa kakulitan ko. Bakit ba kasi dito ko pa naisipang magtago?

Gusto ko ng lumabas pero dahil sa takot na baka nakaabang na ang mga ‘yon sa labas ng pinto ng CR na’to—tinatakasan ako ng lakas ng loob. Mukhang dito na ako maagnas—charot!

Tamang tago nalang muna. Dinukot ko sa bulsa ko ang cellphone at tiningnan kung may mensahe ako mula sa mga baliw kong kaibigan. Unfortunately, tahimik pa sa menteryo ang notifications ko. Bawal nga pala ang cellphone sa klase. Gusto ko sana silang gawing mga mata ko para malaman ko kung ano na ang ginagawa o binabalak ni Shaun at ng gang niya. 

“Tiis-tiis na muna. Fifteen minutes nalang.” bulong ko habang nakaupo sa nakasarang bowl. Hindi na ako tumingala sa takot na baka may makita akong sadako na nakasilip. Itinaas ko rin ang mga paa ko sa takot na baka may mga naagnas na kamay na biglang manghila dito. Naramdaman ko ang pananayo ng balahibo ko kaya napahimas ako sa batok at sa braso ko.

Napapitlag ako at natigilan nang marinig ang pagbukas ng pinto—not my door, but the main door. Walang kibo ang pumasok pero sigurado akong tao ‘yon at hindi multo base sa mga tunog ng yapak nito. Narinig ko ang isa-isang pagbukas niya sa cubicle, namimili siguro. Nakahinga ako ng maluwag sa ideyang may kasama na ako!

Ibinaba ko na ang paa ko. Tamang-tama rin na tumunog ang cellphone ko, palatandaan na may nagchat. Dali-dali ko itong tiningnan. Tamang hinala nga ako. Mga kaibagan ko ang nag message, hinahanap ako. Isesend ko na sana ang reply ko nang biglang pumasok ang tawag mula kay Nisha. 

Pagkasagot, hindi ko na nagawang mag-hello dahil agad siyang nagsalita, “Hoy, baliw. Hinanap ka ni ma’am kanina. Bakit raw hindi kana bumalik sa klase. Asan ka raw?” 

Tumikhim muna ako bago sumagot, “Nasa CR.” mahinang sabi ko, “At bakit ka bumubulong ha?Ikaw, may hindi ka talaga sinasabi sa’min. ‘Yong totoo? Kakilala mo ba ‘yong mga bagong classmates natin—lalo na ‘yong Shaun?” nagdududang tanong niya.

“M—Mahabang estorya, baliw. Kwento ko sa’yo mamaya. For now, pwedi favor?” 

“What?” sabay na sabi ni Lex at Nisha. Halatang naka loudspeaker ang mga baliw, “Nakita niyo ba ‘yong mga transferees? Gusto ko sana na bantayan niyo sila—”

“Sino ang babantayan e wala naman sila dito. Nasa canteen na kami. Pagkalabas kanina, agad silang lumabas at naghiwa-hiwalay. May hinahanap nga ata sila, ‘yon ang narinig ko.” wika ni Lex. 

Tila binuhusan ko ng malamig na tubig sa narinig. Hinahanap raw. Hutang’na! Malakas ang kutob ko na ako ang tinutukoy nila. Oh, sht.

“May kasalanan kaba sa kanila?” biglang sabi ni Nisha, “M—Mamaya ko na ikukuwento sainyo.” rason ko. Pero makulit ang mga baliw, nagtanong ulit.

“May atraso ka ata sa may pangalang Shaun e. Ano nanamang ginawa mo?” tamang-hinalang sabi ni Lex, “Ang kulit ha. Mamaya ko na nga kasi ikukuwento. For now, hanapin niyo muna sila at pag nakita niyo, sabihin niyo agad sa’kin.” utos ko.

“Ano nanamang kalokohan ang ginawa mo?” di makapaghintay na tanong ni Nisha, “Later. Later. Hanapin niyo muna sila, okay?”

“Ba’t pakiramdam ko, makakalbo ka today?” natatawang pahabol ni Lex, “H—Hoy! Wag mong sabihin ‘yan. B—Baka magkatotoo! Ilang taon ko ‘to pinahaba.” alma ko. Narinig ko ang makukulit nilang tawanan.

“YAH!” sita ko sakanila, “Hanapin niyo na. It's a matter of life and death!” wika ko. Bigla nalang nila pinatay ang tawag ng walang pasabi. Kasunod no’n ang pagpasok ng mensahe mula kay Nisha na halatang nang-aasar. 

NISHA: AYAW NAMIN!

Ma-unfriend nga ‘tong mga ‘to sa f******k! Wala ng mensaheng dumating bukod doon. Bi-nlock ko ‘yong Shaun para hindi na makapasok ang tawag at text niya kung sakali. Hindi rin ako sasagot ng unknown numbers, baka siya ‘yon at nakitawag sa tropa niya. Dapat handa tayo!

I tapped my feet on the floor while biting my lower lips. Inabot ko ang doorknob ng pinto sa harap ko. I stopped. Should I go out now? Hindi naman siguro nila ako nasundan? Sa dami ng CR dito sa Armani, mahihirapan sila. Right. Right.

But, where could they—he be?

Pinihit ko ang doorknob at binuksan na ang pinto ng cubicle na pinagtataguan ko. Huminga ako ng malalim, tumayo at maingat na lumabas. Patay-sindi parin ang ilaw pero dahil nga may kasama na ako, nagkaroon ako ng lakas ng loob.

Iginala ko ang mata ko sa paligid at napakunot noo sa pagtataka. Nasaan na ‘yon? B—Bakit walang tao?! Tiningnan ko ang bawat cubicle na puro nakaawang ang pinto. Sigurado ako na may pumasok. Hindi ko rin narinig na muling bumukas ang pinto kung lumabas man ‘yon. Nanlamig ako at naramdaman ko nanaman ang pananayo ng balahibo ko. Was it a ghost?!

Parang binuhusan ako ng malalimig na tubig. Parang nasa bangungot na gusto kong tumakbo pero ayaw gumalaw ng mga paa ko. Nakaharap pa ako sa malaking salamin na pakiramdam ko’y may magpapakita in any minute, “J—Jesus-Mary-Joseph.” paulit-ulit kong sambit at pumikit ng taimtim.

Binabawi ko na ang sinabi ko. Mas nakakatakot na ang MULTO sa TAO! Napatili ako ng mahina at gamit ang natitirang tapang, tumakbo ako palapit sa pinto. Pagkapihit ko, hindi ito bumukas. Nakadouble-lock!

Nanginginig ang mga kamay na sinubukan kong i-unlock ito. Malapit ko na matanggal ang lock nang makaramdam ako ng presensya sa likod ko. Nataranta ako. Mas domoble ang kaba ko nang maramdaman kong may tila kamay na dumapo sa balikat ko.

“AAAAHHHH—”

Napasinghap ako nang takpan ng nilalang ang bibig ko. My heartbeat was racing. I trembled in fear. Gamit ang buong lakas ko, tinanggal ko ang kamay niya at lakas loob na hinarap ang nilalang ng nakapikit!

Ayoko makita!

Siguro, dala ng takot, hindi gumana ang isip ko. Ilang pulgada lang ang layo ko sa main door, pero mas pinili kong itulak siya at tumakbo papunta sa cubicle na pinanggalingan ko kanina. Sa kasamaang palad, nahawakan niya ang laylayan ng blazer ko kaya hindi ko nagawa ang binabalak! Muntik pa akong patihaya—buset!

Napasandal ako sa nilalang at taimtim na napapikit. Nanginginig ang mga tuhod ko habang nag iisip ng gagawin. Panlaban. Panlaban. Ano ba ang panlaban—AH! ALAM KO NA.

Tingnan natin kung hindi ka masususunod sa gagawin ko. Walang pasabing humakbang ako palayo sa nilalang, nakapikit na hinarap ito, tumungko at nakayukong itinaas ko ang mga kamay ko. Pinagdikit ko ang aking dalawang hintuturo para maging krus! 

“H—HUTANG'NA, GHOST. W—WAG AKO! HINDI TAYO TALO...HIND KITA TYPE! WAG MO'KO KUNIN. MARAMI PA AKONG PANGARAP—MAHAL KO PA ANG BUHAY KO. At isa pa...tatagus lang tayo sa isa’t isa kung magyayakapan tayo at magkikiss. Magkaiba ang mundo natin—ahhh basta! Layo, lumayo ka sa’kin. SHOOOOOOO!” bugaw ko rito. 

Wala akong narinig. Binalot ng nakakatakot na katahimikan ang paligid. Wag naman sanang magsalita dahil paniguradong hihimatayin ako. Ilang segundo na ang nagdaan, pikit mata pa rin akong nakiramdam. Wala. Wala na ata.

Hinay hinay kong minulat ang aking mga mata. Pero sana pala hindi ko na ginawa 'yon dahil mas nakakatakot pa sa multo ang nakita ko. Nanlaki ang mga mata ko, nanlamig. Nawalan ng lakas ang tuhod ko't napaupo ako ng tuluyan. Tanging pag gapang ng paatras ang ang nagawa ko hanggang sa mapasandal sa malamig na tiled wall ng CR.

"S-Shaun the k-killer."

A sinister grin found its way on his lips. “Got you.” 

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status