Share

Chapter 2

SECTION Newton. ‘Yan ang pangalan ng section namin ngayong taon. Hindi pa rin ako makapaniwala na ka klase ko na ang mga sinto-sinto kong kaibigan. Hindi nga lang kami magkakatabi ng upuan dahil may seatplan na palang hinanda ang adviser namin.

Kasalukuyang nasa harapan si Lex at nagpakilala sa buong klase.  Nang matapos, bumalik siya sa upuan niya na animo’y model na rumarampa sa runway.

Pinunasan ko ang mangilan-ngilan na luha na lumabas sa mata ko gawa ng paghikab. Tumingin ako sa bakanteng upuan sa kaliwa ko. Maganda ang pwesto dahil malapit sa bintana. Gustohin ko mang lumipat, hindi pwedi dahil may naka assign na sa seat na ‘yan.

Nakapangalumbabang pinagmasdan ko ang mga ulap sa kalangitan—ang ganda ng panahon. Naalala ko ang nangyari kanina sa shortcut na dinaanan ko. Muntik pa akong mapatili, buti nalang nakilala ko siya agad. Student council member lang pala na nag ro-roving sa campus. S***a. Akala ko ‘yong Shaun na.

Kinalabit ako ng katabi ko sa kanan kaya napalingon ako sakanya. “Ikaw na ang susunod.” sabi niya. Nawala ang antok ko sa sinabi niya.

Sino na kasi ang nagpauso ng introduce yourself na’yan?  Hindi man sang-ayon, hinay-hinay akong tumayo at humakbang patungo sa harap. Tila hinalukay ang tiyan ko dahil sa nararamdamang kaba. Gusto ko tusukin isa-isa ang mga matang nakasunod sa’kin. Sana talaga hindi ako masuka sa harap!

No’ng nasa harap na’y, huminga ako ng malalim. Hinihigop ko ang lakas ng loob na nagkalat sa hangin. Bibilisan ko nalang para matapos agad. Tumikhim ako at nagsimulang mag salita.

“H—Hello, everyone. I am Xenica—”

“Just one moment, miss Montel.” pigil ni ma'am sa’kin. Iniharang niya pa ang isang palad niya, mga dalawang pulgada ang layo mula sa mukha ko. Nagtatakang tumango ako at naduduling na nakatitig sa kamay niya. Nabalot ng bulongan ang silid. Anong meron?

Umatras ako bahagya bago paman ako tuluyang maduling. No’n ko lang nalaman ang dahilan kung bakit tila bubuyog na nag bulongan ang mga kaklase ko—may apat na nag ga-gwapohang nilalang pala ang pumasok sa room namin!

Kagaya ng mga ka-klase ko, nasa mga bagong dating nakatuon ang mga tingin ko. Nakaawang bahagya ang bibig ko habang isa-isang silang pinapasadahan ng tingin. Lahat sila good-looking, pero isa sa nakaka-angat sa paningin ko ay ang pinakamatangkad sa kanila.

I’ve never seen such gorgeous guy in my life. He’s someone who would stand out in the crowd, whom girls would swoon over. His eyes were deep and expressive, where you could get lost if you stare too much.

Kagat labing pinigilan ko ang mga tili nang inanunsyo ni ma’am na ka-klase namin sila. Best year ko na talaga ‘to!

Nakasunod parin ang mga tingin ko sa prospect ko hanggang sa makarating siya sa upuan na naka assign sakanya. Sumilay na ang mga mahaharot kong ngiti nang makitang umupo siya sa bakanteng desk sa tabi ko. In a blink of an eye, nabura ang mga ngiti ko nang magtama ang tingin namin. ‘Yong puso ko, gusto pa atang lumabas sa ribcage ko sa lakas ng tibok.

Kung ‘di ako nag kakamali, may kulay ang mga mata niya. Pakiramdam ko’y hinahalukay ang tiyan ko at may sinulog festival na nagaganap sa d****b ko. Para siyang gulay, nag papakulay ng buhay—charot!

Mga ilang segundong titigan ang nangyari. Kung hindi pa iwinagayway ni ma'am ang mga kamay niya sa harap ng mukha ko, tuluyan na siguro akong nalunod sa mga mata ng lalaking ‘to.  Napasinghap ako nang napagtantong, kanina pa pala ako kinakausap ni ma'am!

I smiled awkwardly, “S—Sorry po.” paumanhin ko kay ma'am. Nagtawanan ang mga ka-klase ko. Sarap batuhin ng thumbtacks isa-isa.

“Silence. Silence.” sita ni ma'am sakanila, “Go on, miss Montel. Introduce yourself.” utos ni ma'am. Tumango ako, tumikhim at sinimulan na ang pagpapakilala.

“Ako nga pala si Xenica with an X Montel...” palihim kong sinulyapan ang prospect seatmate ko na nakatingin parin sa direksyon ko, “...X—Xenica ang pangalan ko.” wala sa sariling sabi ko.

Inatake kasi ako ng hiya dahil sa mga titig niya. Kung sorbetes pa ako, kanina pa ako tunaw.

“You already said that, miss Montel. Tell us more about yourself.” sabi ni ma'am. 

“R—Right. About myself.” mahinang sabi ko. Tumikhim ako at sinadyang tumingin sa kabilang direksyon para iwasan ang tingin niya. Kahit gano’n, ramdam ko na nasa akin parin ang mga mata niya.

Tuloy, hindi ko maiwasang isipin na may gusto siya sa’kin. Nakakakilig na nakakailang ang mga titig niya. 

Ganda ka, gurl?  Pinaghahampas ako ng kinikilig kong konsensya.

Isinabit ko sa tenga ang mangilan-ngilang hibla ng buhok na nagsitakas mula sa nakapungko kong buhok. Magsasalita na sana ako ulit nang biglang may tumunog na cellphone—may tumatawag!

Nataranta ako nang mapagtantong sa bulsa ko nanggagaling ang tunog! “Sht. Sht—” dinukot ko ito. Nang mailabas, walang pagdadalawang isip na kinancel ko ang tawag.

Saglit na napapikit ako ng taimtim, dumilat at tumingin kay ma’am.“Sorry po, ma’am.” panghihingi ko ng paumanhin kay ma'am.

Inayos ni ma'am ang eye glasses niya at tumingin sa buong clase. “Everyone, please keep in mind that you are not allowed to use cellphone in my class. Either  hide in your locker, keep it on your bag on silent mode, or just leave it at home. I don’t want to see any phones. Else, I will confiscate it.” Paalala ni ma’am.

Pa’no ba mag evaporate? Kotang-kota na ako kay ma’am. Umingay ang klase na animo’y hindi nila nagustohan ang policy na narinig. “Nagkakaintindihan ba tayo?” maotoridad na tanong ni ma’am.

Labag man sa kalooba’y, nagsitango ang halos lahat sa amin at sabay-sabay na sinambit ang YES, MA’AM.

“Miss Montel, papalampasin ko muna ang nangyari ngayon, pero sa susunod, I will no longer tolerate it. ” mabilis akong tumango sa sinabi ni ma’am.

“Sorry po talaga, ma'am.” mahinang sabi ko. Kung nakakain pa ang sorry, busog na busog na si ma’am.

“Now, please continue—”

“Shuta—” natarantang dinukot ko sa bulsa ang cellphone ko nang muli itong mag-ring. Nahulog pa ito sa sahig! Gumapang pa ako dahil sumuksuk ito sa ilalim ng table ni ma'am.

Narinig ko ang malalim na pag hinga ni ma'am, palatandaan na hindi niya nagustohan ang nangyayari. Hinubad ni ma'am ang glasses niya at pinunasan gamit ang isang tissue.

“You may answer it.” pagbibigay pahintulot ni ma’am. Isinuot niya ulit ang glasses niya, “Baka emergency ‘yan.” dagdag niya.

Ayoko na mag sorry, baka hambalusin na ako ni ma’am. Jusmio.  Humakbang ako palabas para sagutin ang tawag. Balak kong awayin ang isturbo! Magkaabot kilay na tiningnan ko ang numero sa screen. Gano’n nalang ang panlalaki mga mata ko nang makilala kung kanino ang numerong ‘yon.

“Na block ko na‘to—” natigilan ako nang maalala na hiniram pala ito ni Nisha kanina. Mukhang na unblock din niya ang number ni Shaun!

Yes. Tumatawag nanaman siya!

Buset talaga. Akala ko ba okay na kami—I mean, ‘yon ang alam ko dahil hindi na siya nagpaparamdam, pero maling hinala lang pala ako. Kinansela ko agad ang tawag at tarantang hinanap ang power button.

Bago ko pa man mapatay ang phone ko, tumawag siya ulit. Seryoso? Kelan niya ba ako tatantanan?! 

Sa inis na nararamdaman, sinagot ko na talaga ang tawag para awayin siya. Buset siya.

“Ano nanaman?!” inis na bungad ko. Katahimikan. Wala akong narinig sa kabilang linya kaya inilayo ko ang cellphone sa tenga ko para tingnan kung naroon pa ba ang tawag. He’s still on the line.

Sa paniniwalang nasa kabilang linya lang siya at nakikinig, muli akong nagsalita, “Leave me alone. Stop bothering me!” lakas loob na sabi ko.

“You should have thought about that before doing the prank.” sagot nito. Tila umtras ang tapang ko nang marinig ang boses niya. Napalunok ako ng laway—RETREAT!

“N—Nasa klase pa pala ako. M—Mamaya nalang tayo mag usap—”

“Wait. May sasabihin ako.”

I could’ve cancelled the call, pero hindi ko ginawa. Bagkus, nanatili akong tahimik sa linya at hinintay ang gusto niyang sabihin. Sana pala pinatay ko na ang tawag dahil mas nakakatakot pa sa multo ang narinig ko mula sakanya.

“I found you, Xenica with an X Montel.”

Tila binuhusan ako ng malamig na tubig. Napahawak ako sa dingding nang maramdaman ang panlalambot sa tuhod. N—NAHANAP NA NIYA AKO?

Lumingon-lingon ako sa paligid. Tahimik na pasilyo, walang tao. “A—Ano naman kung nahanap mo ‘ko?  H—Hindi ako natatakot sa’yo, buset ka!”

“Dapat matakot ka… you should be.”

“Gagou. D—Dapat ikaw ang matakot dahil i-rereport na talaga kita sa pulis! Leave me alone. I’m warning you. P—Pulis tatay ko!”  pagsisinungalin ko. Narinig ko ang maikli’t mahina niyang tawa.

“Who cares if your dad’s a cop?” he said.

“A—Ano ba’ng gusto mo?”

“Isn’t is obvious? I WANT YOUR LIFE.”

Natigilan ako. Medyo nabingi ako kunti, ‘di ako sigurado sa narinig ko. Tinanong ko siya ulit para makasiguro.

 “Y—You want me in your life? Tama ba ang narinig ko?”

“What the—I SAID, I WANT YOUR LIFE!” mahihimigan ang pagk-asar sa boses niya. “Sinisiguro ko lang! Ayaw ko rin maging parte ng buhay mo ‘no!”

Pumagitna ang katahimikan sa amin. Nang mapagtanto ang sinabi niyang gusto niya ang buhay ko, gumapang ang takot sa’kin. Dumoble ang bilis ng tibok ng puso ko. Anong klaseng tao ba ‘tong nakabangga ko?

Hindi kaya tinatakot lang ako ng taong ‘to?  Maybe, he want to get even with me. Prank sa prank!

“I—Is this a prank?” bigla kong natanong, “No.” mabilis rin niyang sagot.  Inilayo ko ang cellphone sa tenga ko at tinitigan ang number niya sa screen. Wala siguro ‘tong magawa sa kanila. Pinidot ko ang end button kaya namatay ang tawag. Napatitig ako sa cellphone at napaisip.

Pa’no kung nagsasabi siya ng totoo? Anong gagawin ko? S***a talaga—

Napapitlag ako nang may magsalita sa likod ko, “Baliw, pinapatawag ka na ni ma’am. ” nilingon ko siya at tumango. Kunot noo niya akong pinagmasdan. “May ginawa ka bang kalokohan, baliw?” makahulogan na tanong ni Nisha.

Imbes na sagutin, lumakad ako at nilampasan siya.  “Ipagdasal mo nalang ang kaluluwa ko,  baliw.” nanghihinang sabi ko bago pumasok sa loob.

Pagkapasok ko, nasa akin ang mga mata nilang lahat. Binalot ng katahimikan ang room na parang may nangyari habang wala ako. Napatingin ako sa seatmate ko, na nakatingin din pala sa’kin. 

He smirked—that’s the sexiest smirk I’ve ever seen! Nauna na akong nag iwas ng tingin at palihim na kinapa ang pisngi ko. May dumi ba ako sa mukha? Sumulyap ulit ako sakanya.

Napatingin ako bagay na hawak niya. Iniangat niya ito at mahinang iwinagayway, habang ang mata niya’y nasa akin parin. Hindi ko makuha ang ibig niyang sabihin. Nagpapainggit ba siya?

His eyes were—gazing at me intently. Isinabit ko ang mga nagsitakas na buhok sa tenga ko at nahihiyang ngumiti. Nang hihingi na siya ng number? Ito na ba ang crush back?

May pinindot siya sa screen ng phone, pagkatapos, idinikit niya ito sa tenga niya. Napapitlag ako at napatingin sa cellphone na hawak ko nang muli nanaman itong tumunog.

Tumatawag nanaman siya! Sana all, maraming load.

Kailan ba siya titigil?! Kinansela ko ang tawag at sinuksok ito sa bulsa ko. Napalunok ako ng laway nang makitang magkasalubong na ang mga kilay ni ma’am. Pigil hiningang idiniin ko ng palihim ang power button ng cellphone habang nasa loob ito ng bulsa ko. ‘Yong tingin ni ma’am, parang gusto na ako hatawin ng hanger!

Nakahinga ako ng maluwag nang maramdaman ang pag vibrate ng phone ko, palatandaan na patay na ito.

There. . . Hindi na siya makakatawag—

“Why did you turn your phone off?” napatingin ako sa nagtanong—‘yong seatmate ko pala. Hindi ko napigilan ang ngiti ko—kinausap niya ako!  Sasagutin ko na sana ang tanong niya, pero may bigla akong naalala.

Unti-unting nabura ang ngiti ko at kinutuban. ‘Di ba pinatay ko ang cellphone ng PALIHIM sa loob ng bulsa ko? Pa’no niya nalaman na pinatay ko ito?!

Nabuhay ang kaba sa d****b ko sa isang posibilidad. No. No. Impossible ang iniisip ko! Hindi siya ang taong ‘yon—hindi naman siya ‘yon ‘di ba?

Hindi ganyan ka gwapo ang iniimagine ko! Malayo siya sa tambay sa kanto na may tattoo. Muling umangat ang isang gilid ng labi niya—a devilish smile. Kung kanina’y kinikilig ako sa ngiti niya, ngayon, kinikilabutan na!

Napaatras ako nang tumayo siya. Napalunok ako ng laway habang sinusundan ang bawat galaw ng kamay niya. He slid the phone on his pocket, then fixed his eyes on me again.

 “Why did you turn your phone off? Hindi na tuloy kita matawagan.”

Tahimik lang ang mga ka-klase ko, naghihintay sa susunod na mangyayari. “What’s going on?” nagtatakang tanong ni ma'am. Walang sumagot.

Dahil hindi rin ako sigurado sa nangyayari. Nanuyo ang lalamunan ko kasabay ng pagtriple ng tibok ng puso ko.

Oh, no. He can’t be him. No, waaay! Hindi siya si—

“Let me introduce myself...” he uttered. His devil’s grin grew as his cold eyes gazed at me.

Kung kanina gusto ko malaman ang pangalan niya, ngayon ayaw ko na. Natatakot ako... natatakot ako na tumugma ang pangalan niya sa taong ‘yon. Pigil-hiningang hinintay ko ang mga kasunod na salita na lalabas sa bibig niya.

Then he said it. I froze.

“..I'm SHAUN JOSHUA SY and nice to meet you,  XENICA MONTEL.”

Tila tinakasan ng kaluluwa ang kaluluwa ko sa narinig. Double dead.

HE FOUND ME! I’m really dead!

----

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status