Share

Chapter 4

Chapter 4

TRAPPED. Nakapamulsang nakatayo ang nilalang sa harap ko na may mga matang sinlamig ng north pole kung makatitig. He wore a blank face—aakalain mo’ng wala siyang pake. But I would prefer a face na may emosyon kaysa sa ganito na hindi mo alam kung galit ba o handa nang pumatay. Walang warning! 

Hindi ko inalis ang mga mata ko sakanya. Binantayan ko ang bawat galaw niya at hinanda ang sarili sa mga posibleng mangyari. Malay mo, baka yakapin ako nito sa leeg ng mahigpit. Tigok!

Tumikhim rin ako, sinisigurong kaya ko pang sumigaw ng malakas kung sakali. Napapitlag ako at mas napapidpid ng humakbang siya, “D—D’yan ka lang. S—Sisigaw ako!” banta ko.

Huminto siya mga dalawang ruler ang layo mula sa akin. He bended his knees. Nakatalungko siya sa harap ko, giving me a better view of his unbelievably flawless look. His mild musky masculine scent was calming. Jusmio, ang bango niya. 

Umangat ng isang sulok ng labi niya, “L—Lumabas ka nga dito! Female CR ‘to. Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?!” lakas loob na tanong ko.

“Hunting my prey.” deretsang sagot niya. Pumasok sa isip ko ‘yong mga palabas na hinahabol ng predator ang mga prey nila, pati ang lesson namin noon tungkol sa ecosystem. Hindi gumana ng maayos ang isip ko, kung ano-ano nalang ang lumabas sa bibig ko.

"P-prey?Hindi ba dapat maghahabulan pa tayo?L—Like tom and jerry diba...diba?Masarap kainin 'yong pinaghirapan...alam mo 'yon?"  I smiled awkwardly.

Napakunot-noo siya na tila na weirdohan sa mga pinagsasabi ko. Huta—ba’t ang gwapo niya sa part na’yan? Isang kunot-noo pa nga! 

“Nasa bingit ng kamatayan na nga, kung ano pa iniisip ko.” bulong ko. Matalas ang pandinig ng kaharap ko, at narinig ang sinabi ko. 

“Buti naman alam mo.” he responded.

Napalunok ako ng laway sa kaba. He’s handsomely cold. Terrifyingly hot—wait! Tandaan mo, naglipana na ang mga gwapong serial killer sa panahon ngayon. Standing kingly in front was a substantial proof.

Sht. Pa’no kung may masamang balak talaga ang taong ‘to at may plano nang kitilin ang buhay ko? Dito na ba matatapos ang lahat? Mariin ko siyang pinagmasdan, sinipat ang katawan kung may s*****a. Ano ba kahinaan niya?

Hindi niya rin inalis ang mga mata niya sa’kin. He’s like doing a full body X-RAY sa mga titig niya. Kung wala lang akong atraso dito, iisipin ko, may pagnanasa siya sa’kin. Nasa? Huh. In my dreams. Mukhang kating-kati na nga ‘to na iligpit ako.

Kung makatitig naman! Parang pinagaaralan niya talaga ang katawan ko—wait! Hindi kaya hinuhubaran na niya ako sa paningin niya?! M-maniac kaya siya? POSIBLE YON! 

Minuto na ang lumipas at ngayo'y parang tunaw na ice cream na ako sa titig niya. Napapitlag ako nang makarinig ng sunod sunod na katok mula sa main door. Tumingin ako ro'n pero 'tong kaharap ko, hindi pa ata nagsawa sa kagandahan ko. Hindi man lang pinansin ang pinto!

Tunaw na tunaw na ako,anuba!

Tumikhim ako para basagin ang katahimikan. Iginala ko ang mata ko sa paligid, naghahanap ng daan kung saan ako makakalabas at kung paano ako makakatakas mula sa sakanya.

Tinantanan niya ako, tumayo at lumapit sa pinto at binuksan ito. Nakahinga ako ng maluwag pero andon parin ang kaba sa d****b. Napasign of the cross ako. Akala ko tapos na, hutang’na, simula pa pala!

Domoble ang kaba ko nang makitang sunod sunod na nagsipasok ang tatlo pang kalalakihan; ‘yong mga kasama niya kanina. I can’t ignore the possibility na baka ma-rape ako. Alam kong may itsura sila pero, jusmio, hindi ako gano'n kababaw para hayaan ko silang gahasain ako dito.

Waaah.Prank call lang naman ginawa ko pero ba't umabot ako sa ganitong sitwasyon—kalma, girl. Advance mo mag isip. Wala pa ngang nangyayari!

Napasiksik ako sa saradong pinto ng cubicle na sinasandalan ko nang magsilapit silang tatlo sa'kin. Ngayon, apat na sila. Oh, my gosh! Nasabi ko na ba na nangangalay na ang leeg ko kakatingala sa mala tore nilang height? Napahilot ako sa leeg.

"There you are." sambit ng isa sa kanila, "Mas maliit siya sa personal." dagdag ng unang lalaki na nakabukas ang dalawang butones sa polo. Aba't—matadyakan nga 'to. 

Tumaghoy ang isa sa kasama nila na nakaconverse na sapatos. 

"So anong plano mo sakanya,dude." tanong naman ng pangatlo na nakasampay lang ang blazer sa balikat. Siya ang mukhang pinakamabait ang itsura niya sa kanilang apat.

Si Shaun naman, galit na galit gustong manakit.

Nanlaki ang mata ko at napayakap sa sarili nang humakbang palapit ‘yong Shaun.He was 2 ruler away from me. Tumalungko siya, glared at me with his blank straight face. 

"D—Do you mind? Staring is rude. Baka ‘di mo alam. Inaano ka ba? Pakawalan niyo na nga ako—palabasin niyo na ako, utang na loob." naiiyak na pagmamakaawa ko.

"You're asking me? Don't play dumb. I know you knew what you did two days ago fruitcake. Stop asking me nonsense question."  nanunuyang sabi ni Shaun. 

Paulit ulit na nag echo sa tenga ko 'yong salitang FRUITCAKE. May callsign agad? Hoy, koya—magseryoso ka nga, Xen! 

Magkasalubong ang kilay na nakipagsukatan ako ng tingin sakanya, “Oo, alam ko na may atraso ako sa’yo pero hindi naman ata makatarungan na ganyan niyo ako takutin dahil lang sa prank call na ginawa ko.” lakas loob na sabi ko. 

Sumilay ang ngiti sa mga labi niya. Alam ko na hindi ‘yon friendly smile, pero hutaah, ang gwapo talaga. Hindi ko namalayang nangingiti na pala ako. Nabura rin ang mga ngiting 'yon nang pitikin niya ako sa noon.

“A—Aray ko!” Napasapo ako ng noo at sinamaan ko siya ng tingin, “What the hell is wrong with you!” inis na sabi ko. Pero ang loko, tinugunan lang ako ng ngis—note, nang-aasar na ngisi ‘yon.

"Fruitcake."

"Don't fruitcake me. Hindi tayo close! Di mo ako fruitcake. Buset,tantanan moko."  Hindi ko alam kung saan ko nahugot ang lakas ng loob ko. But I want to hug myself for that.

I heard the other guys laughed lightly sa sagutan namin. Tumayo si Shaun pero nakatuon parin ang mga mata sa’kin. “Tantanan? Hindi kapa bayad sa atraso mo.”

“A—Ano ba ang gusto mo na gawin ko para mabayaran ka?”

“Simple lang, I want you to fckn fix the mess you made or else, I'm gonna make you regret your existence.” may tono ng pagbabanta na sabi niya. He sounded serious at nakakatakot ‘yon. Napalunok ako ng laway sa kaba. Namamawis ako at nanginginig ang tuhod ko.

“S—Seryoso ka?W-Wag naman gano’n. Unfair naman ata. Prank call lang ang ginawa ko and I didn't do any physical harm—"

"My girlfriend broke up with me because of you!"

Natigilan ako sa sinabi niya. Sht—naghiwalay talaga sila? Pero ang babaw naman ata? Hala... hindi ako sure pero kahit sino ang tatanungin, hindi valid reason na makipaghiwalay nang dahil lang sa prank call na natanggap. Pero malay natin, sensitive talaga siya. 

“S-Sorry—”

“Sorry? Are you fvckn kidding me? Alam kong sinadya mo 'yon. Do you really think I'd believe you that... that was just a prank call? I know, you're one of them...one of those obsessed crazy girls who wants my attention."  mariin na sabi niya. Tumawa siya pagak pagkatapos. 

Hindi ko naiwasang iikot ang mga mata ko sa narinig. “Sigurado ka ba sa mga pinagsasabi mo?!” I retorded, “Imbentor ka‘ba or author? Ang layo sa totoo ng mga lumalabas sa bibig mo! Ulitin ko, prank ko lang ‘yon at na dial ko lang ang number mo randomly.”

"I won't buy that." umiiling na sabi niya, hindi kombinsido. “You’re a desperate girl who wants my attention.” ulit niya.

Hindi ko na napigilang pumalakpak sa confidence na ibinubulwak niya. I laughed loudly na ikinaapagtaka nila. I stopped at seryoso silang tiningnan isa-isa. Tinaasan ko ng kilay ang nilalang na may matayog na confidence.

“Excuse me lang ha. Linawin ko lang talaga kasi parang pinapalabas mong isa akong desperada. Unang una, ngayon pa tayo nag kakilala. Pangalawa, na dial ko lang talaga ang number mo ng hindi sinasadya at pangatlo, wag kang feeler. Yes may itsura ka, but I know my worth. Hindi ako bababa sa level na gagawin ang lahat kahit manira ng relasyon para lang makuha ang gusto. Excuse me.” 

"Sasagot ka pa talaga."  inis na sabi niya.

“Talaga.”

“You're asking for war, aren't you?” pinanliitan niya ako ng mata. Siyempre, lumaban ako. Hindi ko inalis ang mga mata ko sakanya. 

“Fix this mess,btch.”

Napaawang ang bibig ko at napantig ang tenga ko sa narinig. Tumaas ata ang presyon ko kaya’t napahawak ako sa batok, “What did you just call me?”  

A smirked found it's way on his lips. Nakakagigil! Hindi niya inulit ang sinabi niya pero naiwan na 'yon sa isip ko. Buset! Btch pala ha.

"Sa anong paraan ko ba 'to aayosin? Kausapin siya at mag sorry?" 

"Your sorry won't do anything." sagot niya.

"Anong gusto mong gawin ko? Halikan ang sahig ng cr na'to? Ew...Yuck—no,na ah. Ayoko nga. Mag isa ka!"

"Kung maibabalik siya ng pag h***k mo sa sahig, why not?" Sumilay ang mga nakakalokong ngiti sa labi.

Pinanliitan ko siya ng mata, nagsukatan ulit kami ng tingin, “You know what, mag isa kang ayosin problema mo.” I said. 

Gano’n nalang ang pagkagulat ko nang sigawan niya ako, “AYOSIN MO TO!” umalingawngaw ang boses niya sa cr. Napapidpid ulit ako sa sinasandalan ko.

“Makasigaw naman! Wala nga akong kasalanan sa break up niyo. I may have told her about the GIRLFRIEND thing but that was just a joke. Sorry to say this pero ang bobo ng girlfriend mo para maniwalang totoo ang sinabi ko. May nakita ba siyang proweba na mga kasama tayo? Diba wala? Jusmio kaya wag mo kong inaano. Kung nakipaghiwalay man siya sa'yo, hindi ako ang dahilan no'n. Siguro nagsawa na siya sa ugali mo—buti nga sa'yo!”

Napatango tango naman ang mga kasama niya na nakuha ang punto ko, "Tama siya dude." sabi nong relax na lalaki.

Hinay hinay akong tumayo, "Excuse me. Nasasayang lang ang oras ko dito. Aalis na ako—”

"You're not going anywhere." he said. Nagsihakbang ang tatlo pa niyang higanteng kasama at hinarangan ang pinto.

"Don't play games, you did eveything on purpose. I hate desperate stupid btch like you. Kung di mo lang sana tinext yon edi...fck ths! I think you should better kiss that floor.” tumalikod siya, na tila nagtitimpi. Napasinghap ako sa init ng ulo na nararamdaman ko.

Sinampal na nga ako ng bitch word niya, gusto pa h***k sa sahig.

No way!

"Kung maka utos wagas. Bahala ka sa buhay mo kung ayaw mong maniwala. I'm not kissing that floor. I'm not your servant to follow your command. Prank call lang ang ginawa ko at wala akong itinext so leave me alone!" 

"Napakastupid talaga ng girlfriend para paniwalaan ang isang bagay na wala pa siyang proweba.Sana naman hindi siya may abogado kasi tiyak,mapapahiya siya." pang-aasar ko sakanya.

“Don't call her stupid, btch. Hindi mo siya kilala.” seryosong sabi niya. He gazed at me, na tila handa na niyang dalhin sa impyerno ang kaluluwa ko.

Oh. No.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status