NAKARAAN..
Pawis na pawis si Beth sa pagtakbo dahil hinahabol nya ang oras baka ma-late sya sa a-applyan nya na trabaho.
"Kuya! kuya, saglit lang abot pa ba ako? Kase mag-aaply sana ako" tawag ni kuya sa security guard ng building na pag a-appyan nya.
"Naku ganda hindi ko alam eh, mabuti pa pumunta ka dun sa receptionist tanong mo sa kanya, eto ang visitor's pass" wika ng guwardya.
"Salamat kuya, ang gwapo gwapo mo talaga!" tuwang tuwang wika ni Beth. Napakamot ng ulo ang gwardya.
Dali dali pumunta si Beth sa Reception area habang kinabit ang clip ng visitor's ID habang nakayuko pag-angat ng ulo nabundol sya sa isang matigas na bagay. Isang pares ng maganda mata ang kanyang nakita, nakahawak eto sa bewang nya, ramdam na ramdam nya ang init ng katawan nito, sandaling tumigil ang mundo habang titig na titig sila sa isat-isa.
Napakunot ang noo ni Alfred.
"Sa susunod, tumingin ka sa nilalakaran mo" wika ni Alfred sa Dalaga. Parang dun natauhan si Beth at bigla nya naitulak ang lalaki.
"S-Sorry po" nakayuko nyang wika.
"Sir, Naghihintay na po si Mr. Paete" wika ng secretary nya.
"Okay Let's go" wika ni Alfred habang nakatitig pa rin kay Beth.
Habang sakay ng kotse muli nya sinulyapan ang dalaga na ngayon ay kausap na ng receptionist, napakaganda nito....
KASALUKUYAN...
"Naiisip mo na naman ba sya?" wika ni Catalina sa asawa habang yakap yakap sya mula sa likod. Nakasalukuyan syang nasa veranda at nagpapahangin
"Hindi ko maiwasang maisip ang lahat ng nangyari" butunghininga ni Alfred sabay hawak sa kamay ng asawa na nakayakap sa kanya.
"Wala kang kasalanan sa lahat ng nangyari" wika ni Catalina "Wag mo parusahan at sisihin ang sarili mo, You had enough" Malambing na wika niya sa asawa.
Humarap sya sa asawa ay niyakap eto, hinalikan nya sa noo nito.
"Maraming salamat sa pang-unawa at pagmamahal mo" anas ni Alfred.
"Syempre, gwapo mo eh!" nagbibirong turan ni Catalina. Hindi maiwasang mapatawa ni Alfred.
"Halika ka na sa loob, masama sayo ang mag-isip , kailangan nating bumisita kay Doctor Martin today" yaya ni Catalina sa asawa.
“WOW! Ang laki naman ng school na eto, hindi ba ako maligaw dito!?” humahangang wikani Ellie
“Kaya nga kita isinama dito bago ang formal na start ng Class mo” wika ni Daniel habang inaalalayan sya pagbaba sa sasakyan. “Sige po Mang Greg, sunduin nyo na lang po kami mamaya” paalam nito sa driver.
Architecture ang kinukuhang kurso ni Ellie, dahil eto ang pangarap nya simula ng mallit pa sya, sabi nya kapag nagkapera sya igagawa nya ng magandang bahay ang kanyang Nana Nimfa. Medisina naman ang kinukuhang kurso ni Daniel, Matanda sya dito ng isang taon, Matyaga syang inilibot ni Daniel sa buong Universidad. Natapos na rin nila ang kanilang dapat tapusin na kailangan ni Ellie sa pagsisimula ng klase. Ang gym ang huli nilang pinuntahan.
“Daniel, Ang ganda ng kasama mo ah, alam ba yan ni Ruth?” tumatawang bati ni Jiro.
“Loko!” Pabirong sinuntok ni Daniel ang braso ni Jiro. “Loyal to!” sabay tawa.
“Hi! Jiro at your service!” sabay kuha sa kamay ni Ellie, sabay halik sa likod ng kamay nya.
Medyo nagulat at nailang si Ellie, pero ngumiti lang sya.
“E-Ellie ” nahihiyang pakilala nya sabay bawi sa kamay nya.
“Ouch!! Sino yun?!” Sigaw ni Jiro sabay lingos kung sino ang bumato ng bola sa kanya.
“Masyado kang mabilis! Nakahalik ka na kaagad!” nakakunot nuong wika ng lalaking naghagis ng bola kay Jiro.
“Grabe ka naman Alex! Sakit nun ah” sabay himas sa ulo na tinamaan ng bola, hindi naman masyado malakas ang pagkahagis sapat lang paraa umagaw ng atensyon ni Jiro.
Matikas na lumapit si Alex sa grupo, sya ang captain ng basketball team, matikas, gwapo at matalino din.
Dahan dahan syang lumapit sa tapat ni Ellie habang matiim na nakatitig sa mukha nya. At umikot pa sa likod nya bago bumalik ulit sa harapan na para sinisipat ang buong katawan nya.
“Uy loko, wag mong takutin!” wika ni Daniel, sabay siko kay Alex. Napatawa si Alex at lumabas ang biloy nya. Nakahinga ng maluwag si Ellie akala nya minamanyak na sya ng poging tipaklong na eto.
“PERFECT!” wika ni Alex habang nakatitig pa rin sa kanya. “Naghahanap kami ng muse!”
“H-Ha, M-muse?!” kinakabang wika ni Ellie. Napatingin sya kay Daniel na tila nagpapasaklolo. Nagkibit balikat lang si Daniel na tila sinasabi “It’s up to you”.
“Eh- hindi kase ako marunong sa mga ganyan, humanap ka na lang ng iba” nahihiyang wika ni Ellie
“Don’t Worry Babe, Ako bahala sayo” sabi ni Alex sabay Akbay sa kanya.
“HEY GUYS!!” agaw atensyon ni Alex sa team mates nya. “We have new QUEEN, ELLIE!” anunsyo nito sa buong team nila.
Umuugong ang bulungan, ang iba naman ay pumalakpak lalo na ang kalalakihan.
Nahihiyang nagyuko na lang ng ulo si Ellie, pakiramdam nya ang init init ng mukha nya.
"Hay mukhang mapapasubo ang byuti ko dito, kainis ka Daniel, mamaya ka saking lalaki ka!" bubulong bulong sya habang nakatingin kay Daniel sabay sign ng kamao. Tatawa-tawa naman si Daniel na parang aliw na aliw sa kanya.
“SIRA ka talaga!, kainis ka!” sabay hampas ni Ellie kay Daniel habang nasa loob ng sasakyan. Ilag naman ng ilag ang isa habang tumatawa.
“Relax! Okay!” habang tawa ng tawa si Daniel
“Relax!? paano ako magre-relax? Anong gagawin ko dun? Wala naman akong alam sa mga ganyan ganyan, Ikaw Daniel pinaglalaruan mo na ako ha!”
Unti-unting sumeryoso si Daniel.
“Ellie, Maganda ka kaya natural sa mga lalaki na hangaan ka” seryosong wika ni Daniel.
“At isa pa hindi kita ipapahamak, dahil baka mabatukan ako” sabay ingos sa kanya na ngumingiti.
“Sino naman babatok sayo?” tanong ni Ellie
“Basta! Tsk! Dami mo tanong, wag ka na masyadong magtanong, okay” nakabungisngis na turan nito.
***Itutuloy***
SENYOR ALFRED POV Hindi ko mapigilang mapaluha habang nakatingin sa babaeng naglalakad papuntang altar, napakaganda nito sa suot na puting pangkasal bagay sa busilak nitong puso. Napatingin sya sa altar “Elizabeth, siguro ay masaya ka na, natupad na ang hiling mo, hindi na ako mahihiyang humarap sayo kapag nagkita tayong muli sa kabilang buhay” FLASHBACK "Senyor umalis po si Ellie" imporma sa kanya ng taong nagbabantay sa kilos ng dalaga "Sundan mo, wag mong aalisin ang paningin sa kanya" kapagdaka ay ibinaba na ang tawag. "Senyor, sa isang club po sila pumunta kasama ng kaibigan nya" muling imporma nito. Nakasilip ako ng magandang pagkakataon na isagawa ang plano, parang umaayon sa kanya ang panahon hindi sya mahihirapan na kumbinsihin ang dalawa na magpakasal sa naiisip nyang plano. Sinabihan nya eto na lagyan ng gamot ang inumin ni Ellie at siguraduhuhin na maiinum eto ng dalaga, bahala na kung paano ko isasagawa eto, matyaga kong hinintay na dumating ang dalaga pero nagulat
“SIR, you need to watch this!” nagmamadaling pasok ni Jeff sa Opisina habang inaabot ang gadget. Napakunot ang nuo ni Nathan habang pinapanood ang video. Ang dami ng nakapanood ng video pero wala syang pakialam iisa lang ang pumasok na isip nya. “Ellie” “Ask someone to take that down this post, bayaran nyo kung sino ang dapat bayaran!” utos nya kay Jeff. Wala akong pakialam sa video, mas concern ako sa mararamdaman ni Ellie. Tumango lang si Jeff at nagpaalam na sa kanya. Kinuha nya ang cellphone at tinawagan si Daniel. “Hello Kuya, Did you watch the video?” agad na tanong nito pagkasagot sa call. “Where is Ellie?” balik tanong nya. “She is with Ruth, papunta na ako dun!” sagot ni Daniel Alam ko sa oras na eto napanood na rin nya ang video, ayoko mag-isip sya ng iba at lumayo sya sakin. Napagpasyahan kong umuwi sa mansyon, nainis ako ng hindi ko sya makita ang sabi ni Manang hindi pa daw umuuwi, naiisip ko na baka kasama nya ang Alex na yun, naninibugho ako dahil kaedad nya an
MASAYA ang lahat sa ibinalita ng mga doctor, lalong lalo na ako.Nakahinga ako ng maluwag ng masigurong ligtas na ang aking mag-ina, sa loob ng anim na buwan na walang malay ang aking asawa, araw-araw akong nagpapasalamat sa Dyos, kahit ang mga doctor ay nawawalan na rin ng pag-asa na gigising eto, hinihintay na lang na sumapit ang ika-7 buwan ng tiyan ni Ellie para isilang ang aming anak. Hindi ko mapigilang mapaiyak habang nakatitig sa natutulog kong asawa. Akala ko nung una etong mag flatline ay mawawala na eto sa amin base sa hitsura ng Doctor ng lumabas eto, nakahinga lang ako ng maluwag ng magsalita eto. “She keep holding on!!” sabi nito.“Nathan..” paos na tawag ni Ellie sa akin habang nakayupyop ako sa gilid ng kama. Mabilis akong nagising at napatayo.“May masakit ba sayo? Okay na ba ang pakiramdam mo?” Sunod sunod na tanong ko.Umiling lang si Ellie bilang sagot, tinitigan ako ng aking asawa. Nagmamadali akong tumawag ng doctor na agad naman pumasok upang tingnan si Ellie.
MAHIGPIT nyang niyakap ang anak na parang takot na takot na mawala eto, saglit na niluwagan nya ang yakap dito parang haplusin ang mukha nito para siguraduhing hindi sya nanaginip lang! “Hey buddy!” sabi nya dito na umiiyak sa sobrang tuwa. “Hi, Daddy” nakangiting tawag nito sa kanya. Mahina syang napatawa, ganun din ang nakapaligid sa kanya sa sagot ng anak. Muli nya etong niyakap. “I thought I couldn’t see you again!” bulong nya sa anak. “I guess we’re even!” singit ni Gerald sa kanilang mag-ama. Napatingin naman si Nathan sa kaibigan bago tumawa ng mahina. “SURE IT IS!!” Nagpatango-tango si Gerald. Ilang saglit lang nagsalita ulit eto. “Can I have a word with you?” sabi nito na tila may nais sabihin, saglit syang nagpaalam sa anak at nilapitan ang kaibigan. “It would be better if you had Marcus check-up. He wakes up in the middle of the night screaming at the top of his lungs.” punong-puno ng pag-aalala ang mukha nito. Naawang muli syang napatingin sa anak na kasalukuya
KINAKABAHAN sya sa ibinalita ni Karlos tungkol kay Marcus, hindi nito kinumpirma kung si Marcus ang natagpuang bata malapit sa isla kung saan naganap ang pagsabog, ngunit nagbabakasakali sya na ang anak ang batang tinutukoy nito. Halos hilahin nya ang oras para makarating sa lugar. Isang concerned citizen ang nagparating sa mga pulis na may napulot silang bata, halos wala daw etong damit, wala ring galos or kahit anong sugat eto kaya inakala ng lahat na naanod lang eto dun. Nasa pangangalaga daw eto ng DSWD sa lugar. Ngunit nadismaya sila pagdating sa lugar. “May nagclaim na sa bata, sinabi nito na sya ang Uncle.” paliwanang ng babaeng nangangasiwa dito. “Maraming salamat po.” wika ni Karlos. Tumalikod si Nathan at tumanaw sa mga batang naglalaro. “Kelan po sya kinuha?” muling tanong ni Karlos. “Kahapon lang po, hindi na kami nagdalawang isip na ibigay eto dahil kilala sya ng bata” sabi muli ng babae na kanina pa pasulyap-sulyap kay Nathan. Napansin eto ni Karlos, tila napahiya n
HALOS himatayin sya sa warning shot na pinaputok ni Trixie. Pinagpapawisan ngayon sa takot si Ellie dahil sa baril na nakaumang sa kanya. Kitang-kita nya ang galit sa mukha ng babae na parang wala sa sariling isip. Nakita nya sa gilid ng kanyang mata ang babaeng hawak- hawak ng isa nyang tauhan, "Lorrie?" sigaw ng isip nya, napaawa sya sa babae. “Nasan ang kasama mo? Tatakas ka pa? ” Galit sa sigaw ni Trixie kaya muling bumalik ang atensyon nya dito, marahil ay hindi nito napansin ang babaeng hawak ng tauhan nya. Umiling ng malakas si Ellie habang nakataas ang dalawang kamay. "Ang tapang-tapang mo! Ngayon ipakita mo sakin ngayon ang galing mo!" napatingin si Ellie sa dulo ng baril na nakaumang sa kanya na umuusok pa. “Parang awa mo na, wala kaming kasalanan sayo, pakawalan mo na kami” “Sorry dahil hindi ko kilala ang salitang awa!” sigaw nito, napangisi eto ng makita ang babaeng duguan na hawak ng tauhan nya na halos hindi na makatayo dahil sa sugat nito. “Dalahin nyo sa loob s