LUMIPAS ANG MGA ARAW at BUWAN, sabay ng pagtatapos ni Ellie sa Highschool.
Excited ang lahat sa nalalapit na pagpasok sa College.
"Ellie, anak kinausap ako ng senyora, pag-aaralin ka daw nila sa Maynila" turan ni Nana Nimfa habang naghahapunan
Mabilis na napatingin si Ellie sa kanyang ina-inahan.
"Pumayag po kayo Nana?"
"Ayaw ko hadlangan ang pangarap mo anak, ayoko na makatulad ka sakin na dito na tumanda, pero mamimiss kita 'Nak" sabay singhot ni Nana Nimfa,
"Nana, mag-aaral akong mabuti, at kapag meron na akong trabaho kukuhanin kita at titira tayo sa Maynila"
"Kuu ayaw ko doon, gusto ko pa rin ang buhay probinsya, sapat na sakin na matupad mo ang iyong pangarap, masaya na ako"
"Salamat Nana sa pagmamahal mo sakin, at pag-aalaga, love din kita " masuyong turan ni Ellie.
"Basta mag-iingat ka dun"
Malungkot ang mansyon sa araw ng pag-alis ni Ellie, lalong lalo na si Boyet na sa Santa Fe napiling mag-aral ng Agrikultura dahil yun ang hilig nya. Napamahal na si Ellie sa mga tao sa mansyon. Pansin nila ang espesyal na pagtrato sa kanya ng mga Del Mundo sa dalagita.
Hindi alam ni Ellie kung anong buhay ang naghihintay sa kanya sa Manila, ang mahalaga matutupad nya ang kanyang pangarap.Excited din sya dahil may posibilidad na makita nya muli ang lalaking gumising sa kanyang murang puso.
"Nathan" bulong nya sa hangin habang sakay ng bus byaheng Maynila. Hindi nya nakita ang binata mula ng huli silang nagkita sa prom, wala mang malinaw na sinabi ang binata ngunit tila may lihim na unawaan na ang kanilang mga puso. Nabalitaan nya lumipad eto pa-America upang tutukan ang Negosyo nila doon.
TUWANG-TUWA syang sinalubong ni Senyora Catalina. Napakabait nito lalo na sa mga taong naninilbihan sa kanila. Bakas pa rin ang pagiging glamorosa at ganda nito sa kabila ng edad.
"Naku Ikaw na ba si Ellie? pasensya ka na at hindi ka na nasundo, kumusta ang byahe mo? kuuu pagkaganda-ganda mo na lalo!" magiliw na salubong sa kanya ng ginang.
"Ayos naman po ang byahe ko medyo nanibago lang po sa paligid" Pabungisngis na wika ni Ellie sabay tingin sa paligid.
"Napakaganda po na bahay nyo, mas malaki sa bahay nyo sa probinsya" humahangang wika pa ni Ellie.
Napangiti ang Ginang
"Halika na at alam ko pagod ka sa byahe" "Manang Flor, pakisamahan si Ellie sa magiging kwarto nya" Tawag nito sa isang kasambahay nila. "bahala ka na sa kanya at pupuntahan ko lang ang Senyor nyo sa Library." magiliw na paalam nito
"Opo Senyora, kuu ikaw na ba ang anak ni Nana Nimfa? Kuu kagandang bata!" Masayahing wika ni Manang Flor
Kiming napangiti si Ellie, natutuwa sya sa magiliw na pagtanggap sa kanya sa tahanan ng mga Del Mundo.
"Opo" kimi nyang sagot
"O sya halika na at samahan kita sa kwarto mo, alam mo ba na pinalinis yun ni Senyora para sayo, kuuu palibhasa ay sabik sa anak na babae!" natutuwang wika nito
Isang katamtamang laki ng kwarto ang bumungad sa kanya, puti ang lahat ng dingding, halos kaseng laki lang eto ng tirahan nila ni Nana Nimfa sa probinsya, meron din verandang maliit. Ang kama ay puti rin, may sariling banyo ang kanyang silid.
"Wow! dito po ako matutulog? Napakaganda!" humahangang wika ni Ellie
"Eto ang pinakamaliit na silid sa second floor, dati etong nursery room, ang katabi mo naman na room ay dating master's bedroom na kwarto na ngayon ni Senyorito Nathan, kase mula nung magkasakit ang Senyor ginagawa ng Master's Bedroom ang isang malaking kwarto sa ibaba para di na mapagod sa pag-akyat, ang bandang dulo naman ay Library ni Senyorito Nathan, Si Senyorito Daniel naman ay sa 3rd floor mamaya pa uuwi ang batang at nahihilig sa barkada" mahabang paliwag ni Manang Flor.
Maagang Gumising si Ellie kinabukasan excited sya kase eto ang araw na pupunta silang University, maaga nyang inihanda ang kanyang sarili.
"Magandang umaga po!" bati nya kay Nana Flor pagpasok nya ng kusina.
"Oh Ellie ang aga mo gumising, mamaya ng hapon ang Eskwela mo ah" ani Manang Flor
"Hindi pa naman daw po simula ng klase, pupunta kami ngayon umaaga para mapamilyar daw po ako at meron din po ako kailangan gawin dun, picture-picture po yata yun"
"ah baka ko-kodakan ka hihihi" nakangiting wika ni Manang Flor
Napatawa si Ellie kay Manang Flor talagang brand pa ng camera ang naisip wikain
"oh sya, ako nga ineng ay tulungan mo na laang dine, ay areng si Marie ay tulog pa" tukoy nya sa isang kasambahay "Mabuti at andito ka, pakihiwa na laang nitong mga gulay, alam mo ang ating mga amo ay mahilig sa mga gulay lalo na si Senior, maya- maya laang eh dudulog na ang mga yun" mahabang paliwanag ni Manang Flor.
"GOOD MORNING!
Sabay na napalingon ang dalawang babae sa bagong dating.
"Ano ka ba namang bata ka, bakit ba ikaw ay nanggugulat, susmee akoy aatakihin sa iyo eh" gulat na gulat na wika ni Manang Flor habang hawak ang dibdib.
Tumatawang naupo si Daniel habang nakatingin kay Ellie.
"Ikaw talaga Manang di ka na nasanay sa akin" tumatawang wika ni Daniel "Good Morning Ellie, mukhang ang aga mong gumising ah, excited ka na ba para mamaya, wag ka mag-alala itu-tour kita sa buong school" dagdag pa nito.
"H-ha, a eh, ikaw ba ang sasama sa kin?" wika ni Ellie
"Bakit, ayaw mo ba? Kinausap ako ni Mama na ako na lang ang sasama sayo kase kailangan ni Papa bumisita sa Doctor nya today"
"..Kaya.. walang kang magagawa kundi tiisin ang ka gwapuhan ko" nakangiting wika ni Daniel
"Kuuu dyaske kang bata ka, wag mo nga inaasar iyang si Ellie" ani Manang Flor
"Gusto mo ng kape?" alok ni Ellie kay Daniel
"Now we're talking! kanina ko pa hinihintay na alukin mo ako!" nakangiting wika ni Daniel
Napangiti si Ellie, noong mga bata pa sila alam nya na makulit eto, ang gaan ng loob nya dito. Malaki ang paghanga ng kaibigan nyang si Lorna dito, Nalungkot nga sya noong magpaalam ang kaibigan na magta trabaho sa Maynila kase hindi sya kayang tustusan ng mga magulang sa pagkokoliheyo, humahanga sya sa kaibigan dahil napakadiskarte nito sa buhay.
Mayamaya pa dumating na ang mag-asawang Del Mundo at nagsimula ang magana nilang agahan.
"Mahal, kilala mo na ba si Ellie? anak ni Nana Nimfa" wika ng Senyora Catalina sa Asawa.
Napatingin si Senyor Alfred kay Ellie at napakunot noo. Kahit madalas sya umuuwi sa Hacienda hindi pa nya muli nakikita ng malapitan ang batang si Ellie, marahil dahil nag i eskwela eto at sya naman ay madalas din sa Opisina at sa Manggahan.
"Ikaw na ba ang batang dala ni Beth noon?" wika ng Senyor, lihim na sinipa ng Senyora ang Senyor, nagkatinginan ang mag-asawa.
"Opo" nahihiyang wika ni Ellie "kumusta po kayo?"
Napangiti ang Senyor.
"Kamukhang kamukha mo ang iyong Ina" anas ng Senyor
Elizabeth ang tunay na pangalan ng Ina ni Ellie na kapatid ni Nana Nimfa na nagpalaki at nag-alaga sa kanya mula ng mamatay ang kanyang ina, Ang kwento ni Nana Nimfa, lumuwas ng Maynila ang kanyang ina upang magtrabaho, pangarap nito na magkaron ng magandang buhay, matalino ang kanyang ina bukod sa napakaganda talaga nito. Noong unang buwan daw na umalis ang kanyang ina, madalas etong sumulat hanggang sa dumalang ng dumalang. Makalipas ang ilang taon pinasundo daw ni Senyor Alfred si Nana Nimfa sa Visaya at dinala sa Hacienda dahil dun daw nagta-trabaho si Elizabeth na pansamantalang nasa Manila lang. Makalipas ang ilang linggo nya sa Hacienda dumating ang kanyang Ina bitbit ang isang batang babae na halos kakapanganak lang, meron malubhang sakit ang kanyang ina at di nagtagal binawian din eto ng buhay. Hindi nalaman ni Nana Nimfa ang buong kwento kung ano nangyari sa kanyang ina kaya hindi rin nya alam kung sino ang kanyang ama.
***Itutuloy****
SENYOR ALFRED POV Hindi ko mapigilang mapaluha habang nakatingin sa babaeng naglalakad papuntang altar, napakaganda nito sa suot na puting pangkasal bagay sa busilak nitong puso. Napatingin sya sa altar “Elizabeth, siguro ay masaya ka na, natupad na ang hiling mo, hindi na ako mahihiyang humarap sayo kapag nagkita tayong muli sa kabilang buhay” FLASHBACK "Senyor umalis po si Ellie" imporma sa kanya ng taong nagbabantay sa kilos ng dalaga "Sundan mo, wag mong aalisin ang paningin sa kanya" kapagdaka ay ibinaba na ang tawag. "Senyor, sa isang club po sila pumunta kasama ng kaibigan nya" muling imporma nito. Nakasilip ako ng magandang pagkakataon na isagawa ang plano, parang umaayon sa kanya ang panahon hindi sya mahihirapan na kumbinsihin ang dalawa na magpakasal sa naiisip nyang plano. Sinabihan nya eto na lagyan ng gamot ang inumin ni Ellie at siguraduhuhin na maiinum eto ng dalaga, bahala na kung paano ko isasagawa eto, matyaga kong hinintay na dumating ang dalaga pero nagulat
“SIR, you need to watch this!” nagmamadaling pasok ni Jeff sa Opisina habang inaabot ang gadget. Napakunot ang nuo ni Nathan habang pinapanood ang video. Ang dami ng nakapanood ng video pero wala syang pakialam iisa lang ang pumasok na isip nya. “Ellie” “Ask someone to take that down this post, bayaran nyo kung sino ang dapat bayaran!” utos nya kay Jeff. Wala akong pakialam sa video, mas concern ako sa mararamdaman ni Ellie. Tumango lang si Jeff at nagpaalam na sa kanya. Kinuha nya ang cellphone at tinawagan si Daniel. “Hello Kuya, Did you watch the video?” agad na tanong nito pagkasagot sa call. “Where is Ellie?” balik tanong nya. “She is with Ruth, papunta na ako dun!” sagot ni Daniel Alam ko sa oras na eto napanood na rin nya ang video, ayoko mag-isip sya ng iba at lumayo sya sakin. Napagpasyahan kong umuwi sa mansyon, nainis ako ng hindi ko sya makita ang sabi ni Manang hindi pa daw umuuwi, naiisip ko na baka kasama nya ang Alex na yun, naninibugho ako dahil kaedad nya an
MASAYA ang lahat sa ibinalita ng mga doctor, lalong lalo na ako.Nakahinga ako ng maluwag ng masigurong ligtas na ang aking mag-ina, sa loob ng anim na buwan na walang malay ang aking asawa, araw-araw akong nagpapasalamat sa Dyos, kahit ang mga doctor ay nawawalan na rin ng pag-asa na gigising eto, hinihintay na lang na sumapit ang ika-7 buwan ng tiyan ni Ellie para isilang ang aming anak. Hindi ko mapigilang mapaiyak habang nakatitig sa natutulog kong asawa. Akala ko nung una etong mag flatline ay mawawala na eto sa amin base sa hitsura ng Doctor ng lumabas eto, nakahinga lang ako ng maluwag ng magsalita eto. “She keep holding on!!” sabi nito.“Nathan..” paos na tawag ni Ellie sa akin habang nakayupyop ako sa gilid ng kama. Mabilis akong nagising at napatayo.“May masakit ba sayo? Okay na ba ang pakiramdam mo?” Sunod sunod na tanong ko.Umiling lang si Ellie bilang sagot, tinitigan ako ng aking asawa. Nagmamadali akong tumawag ng doctor na agad naman pumasok upang tingnan si Ellie.
MAHIGPIT nyang niyakap ang anak na parang takot na takot na mawala eto, saglit na niluwagan nya ang yakap dito parang haplusin ang mukha nito para siguraduhing hindi sya nanaginip lang! “Hey buddy!” sabi nya dito na umiiyak sa sobrang tuwa. “Hi, Daddy” nakangiting tawag nito sa kanya. Mahina syang napatawa, ganun din ang nakapaligid sa kanya sa sagot ng anak. Muli nya etong niyakap. “I thought I couldn’t see you again!” bulong nya sa anak. “I guess we’re even!” singit ni Gerald sa kanilang mag-ama. Napatingin naman si Nathan sa kaibigan bago tumawa ng mahina. “SURE IT IS!!” Nagpatango-tango si Gerald. Ilang saglit lang nagsalita ulit eto. “Can I have a word with you?” sabi nito na tila may nais sabihin, saglit syang nagpaalam sa anak at nilapitan ang kaibigan. “It would be better if you had Marcus check-up. He wakes up in the middle of the night screaming at the top of his lungs.” punong-puno ng pag-aalala ang mukha nito. Naawang muli syang napatingin sa anak na kasalukuya
KINAKABAHAN sya sa ibinalita ni Karlos tungkol kay Marcus, hindi nito kinumpirma kung si Marcus ang natagpuang bata malapit sa isla kung saan naganap ang pagsabog, ngunit nagbabakasakali sya na ang anak ang batang tinutukoy nito. Halos hilahin nya ang oras para makarating sa lugar. Isang concerned citizen ang nagparating sa mga pulis na may napulot silang bata, halos wala daw etong damit, wala ring galos or kahit anong sugat eto kaya inakala ng lahat na naanod lang eto dun. Nasa pangangalaga daw eto ng DSWD sa lugar. Ngunit nadismaya sila pagdating sa lugar. “May nagclaim na sa bata, sinabi nito na sya ang Uncle.” paliwanang ng babaeng nangangasiwa dito. “Maraming salamat po.” wika ni Karlos. Tumalikod si Nathan at tumanaw sa mga batang naglalaro. “Kelan po sya kinuha?” muling tanong ni Karlos. “Kahapon lang po, hindi na kami nagdalawang isip na ibigay eto dahil kilala sya ng bata” sabi muli ng babae na kanina pa pasulyap-sulyap kay Nathan. Napansin eto ni Karlos, tila napahiya n
HALOS himatayin sya sa warning shot na pinaputok ni Trixie. Pinagpapawisan ngayon sa takot si Ellie dahil sa baril na nakaumang sa kanya. Kitang-kita nya ang galit sa mukha ng babae na parang wala sa sariling isip. Nakita nya sa gilid ng kanyang mata ang babaeng hawak- hawak ng isa nyang tauhan, "Lorrie?" sigaw ng isip nya, napaawa sya sa babae. “Nasan ang kasama mo? Tatakas ka pa? ” Galit sa sigaw ni Trixie kaya muling bumalik ang atensyon nya dito, marahil ay hindi nito napansin ang babaeng hawak ng tauhan nya. Umiling ng malakas si Ellie habang nakataas ang dalawang kamay. "Ang tapang-tapang mo! Ngayon ipakita mo sakin ngayon ang galing mo!" napatingin si Ellie sa dulo ng baril na nakaumang sa kanya na umuusok pa. “Parang awa mo na, wala kaming kasalanan sayo, pakawalan mo na kami” “Sorry dahil hindi ko kilala ang salitang awa!” sigaw nito, napangisi eto ng makita ang babaeng duguan na hawak ng tauhan nya na halos hindi na makatayo dahil sa sugat nito. “Dalahin nyo sa loob s