Home / Romance / Never Fall Again to the Heartless Billionaire / Kabanata 204 The Happy Ending: Love Wins

Share

Kabanata 204 The Happy Ending: Love Wins

last update Last Updated: 2025-06-02 18:17:18

Isang halik ang sumunod na iginawad ni Cayden, banayad ngunit puno ng pangakong walang iwanan. Kinarga siya nito habang magkalapat pa din ang kanilang mga labi.

“Oy, nakakahiya sa staff ng resort. Ibaba mo ako!” aniyang nagpumiglas at inihiwalay ang labi sa binata.

Ngunit tila walang nadinig si Cayden, at ipinasok siya sa loob. Walang ilaw.

“Mayumi, miss na miss ka na ni Junjun. Matagal ko ng gustong angkinin ka ulit,” anas ng binata ng ibaba siya at isandal sa pader at siniil ng mapusok na halik sa labi. Nag-espadahan ang kanilang mga dila.

Biglang bumukas ang ilaw. Mabilis silang naghiwalay. May nakahanda palang sorpresa.

Sa loob ng villa ay puno ng mga pastel-colored balloons, mga banderitas na may pangalan niya, at isang mesang puno ng masasarap na pagkain. May malaking backdrop na may nakasulat, “Baby Aragon-Villamor: Ready to Pop!”

Biglang sumabog ang confetti poppers at hiyawan ng buong pamilya.

“Surprise!!!” masayang bati ni Lola Mila, Justin, Don William, Mommy Cecil, Kristel
Maria Bonifacia

Nagustuhan po ba ninyo ang Book 2? Palambing po ako ng rating at review sa mismong aklat. Maraming salamat po sa pagsama sa pag-iibigan nila Mayumi at Cayden. Abangan ang Book 3: Gab and Justin Love Story.

| 26
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (20)
goodnovel comment avatar
Maria Bonifacia
Awww! Maraming salamat po sa suporta!
goodnovel comment avatar
Alicia Cordero Guro
thanks author lahat ng book hinahanap ko basta ikaw ang author maganda at nakaka excite. di ko mapigilan ang hindi sundan. thanks thanks and more more stories na abangan.
goodnovel comment avatar
Maria Bonifacia
Maraming salamat po
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Never Fall Again to the Heartless Billionaire   Kabanata 210 Not in This Lifetime

    Nasamid si Justin. “Lola, ang dapat itanong ay kung kailan kayo magpapaopera ngayong nakilala ninyo na si Gab.”“Bakit pa ninyo papatagalin ang relasyon ninyo? Magpakasal na kayo agad. Doon din naman patungo. Gusto to itong si Gabriella para sa’yo. Bigyan ninyo ako agad ng apo sa tuhod.”“Lola, pag-usapan po natin ‘yan pagkatapos ng operasyon ninyo. Huwag po kayong ma-stress at kailangang handa ang katawan at kalooban ninyo bago ang surgery.”“Sa ibang bansa ako magpapaopera. Pero hindi ako aalis hanggang hindi nasasaksihan ang pag-iisang dibdib ninyo para kung sakaling hindi na ako makabalik ng buhay ay nakita ko man lang ang kasal ninyo,” tila naluluha ang matanda.Inubo ito ng matindi. Agad siyang lumapit at hinaplos ang likod ng matanda. Napansin niya ang dugo sa panyong pantakip nito sa bibig. Kailangan nito ng agarang operasyon. Agad siyang nakaramdam ng habag sa matanda.“Yes, Lola Mila. Magpapakasal po kami agad. Justin, ayusin mo na ang mga dokumento para makasal tayo kahit b

  • Never Fall Again to the Heartless Billionaire   Kabanata 209 Meeting the Ex-Girlfriend

    Ipinakilala silang dalawa ni Justin. Ngumiti siya ng matamis upang batiin ang babae.Gumanti ito ng yakap at beso sa kanya. Niyaya sila ni Camille sa loob ng malaking bahay.Bumalik sa sasakyan si Justin upang kuhanin ang pasalubong para kay Camille at sa pamilya nito.Lumapit si Camille sa kanya at mahinang nagsalita. “Ikaw babae ka. Lumagay sa ayos at huwag mong kakalimutang nagpapanggap ka lang na girlfriend. Huwag mong lalandiin si Justin.”Nagpanting ang tenga niya sa nadinig.“Paano kung sabihin ko sa’yong hindi kami nagpapanggap lang. Totoo ang relasyon namin?” sabi niya.Kung nakakamatay lang ang tingin ay bumulagta na siya sa titig ng babae.“Sinungaling ka! Ang sabi ni Justin ay nagpapanggap lang kayo dahil ipinakilala mo ang sarili mo na girlfriend niya.”“Paano kung si Justin ang nagsinungaling sa’yo? May relasyon kami.” Lihim siyang napangiti ng makitang naiinis ang babae. So, mahal pa nga nito si Justin. Pagseselosin niya ito para magkabalikan na ang dalawa at maisip na

  • Never Fall Again to the Heartless Billionaire   Kabanata 208 Not His Type

    “Anong gagawin natin? Hindi uubra ang pang-aakit mo sa akin. Inuulit ko lang, hindi kita type,” ani Justin na tingnan ng may disgusto si Gab.Sa dami ng lalaking nakakasalamuha niya araw-araw ay sanay na sanay siyang makisama at makipagbiruan sa mga ito. Pero iba si Justin. Alam niyang maginoo ito. Agad niyang sinaway ang sarili sa kalandiang naiisip. Wala siyang balak mag-asawa at magkaanak. Ayaw niyang ipamana ang buhay na mayroon siya sa magiging anak niya.“Iwan mo muna ako dito. Tatambay muna ako. Ang ganda ng lugar.”Umalis na nga ang lalaki at muli siyang nilingon bago tuluyang magtungo sa elevator.***Linggo. Dumating sa saktong oras ng usapan si Justin. Ford Ranger Raptor ang dala nitong sasakyan.“Nakahanda ka na ba?” tanong nito pagpasok niya sa loob ng sasakyan.“Ipinanganak akong handa.”“Heto ang isusuot mong mga damit.” May ibinigay itong malaking paperbag.“Ano ba ‘to? Mga pang manang,” aniya ng binuklat ang mga damit na pawang mahahabang dress.Isuot mo na ‘yan at hu

  • Never Fall Again to the Heartless Billionaire   Kabanata 207 Seal the Deal

    Nakabalik na si Justin sa condo. Nakahiga siya sa kama ng biglang nag-ring ang cellphone. Number lang. Baka si Gabriella.“Hello, sino ‘to?”“Si Gab ‘to. Sige, papayag ako pero iba ang kabayaran. May tao akong papabantayan sa’yo o mag-assign ka ng pulis na pwedeng magbantay sa kanila araw-araw.”“Sige, sino?”“Nanay at kapatid ko. Ibigay ko ang ibang detalye. Hindi niya dapat malaman na may nagbabantay sa kanila. Isa pa, ayoko ng nagtatanong ka ng kung ano-ano.”“Oo, magpapanggap ka lang na kasintahan ko. Pagkatapos noon ay tapos na. Ako ang bahala sa nanay at kapatid mo.”“Deal.”“Magkita tayo bukas. Pag-usapan natin ang dapat gawin.”“Hindi ako pwede bukas. Ngayon na. Nasa condo ka ba? Pupuntahan kita,” sabi ni Gab.Napabalikwas siya. Wala siyang niyayayang babae sa condo niya. “Ha? Paano mo nalaman na nasa condo ako?”“Malamang inimbestigahan kita kagaya ng pag-iimbestiga mo sa akin.”Nailing na lamang siya. “Gabi na. Delikado sa babaeng kagaya mo ang gumala ng gabi. Ako na lang an

  • Never Fall Again to the Heartless Billionaire   Kabanata 206 The Offer

    “Iha, pagtiyagaan mo ang apo ko at napakaswerte mo. Gwapo na ay mabait pa ang apo ko. Maganda kang bata, artista ka ba o modelo?” masayang sabi ni Lola Mila.“Ay lola naman, salamat po sa papuri. Bigla ko pong na-miss ang lola ko ng makita ko kayo,” sabi ni Gab na lumambot ang boses.“Magiging lola mo na din ako. Kailan ang kasal ninyo?”Nasamid ang babaeng madaldal at pakialamera. Tinignan ito ng masama ni Justin. Agad niyang inilayo ang cellphone dito.“Apo, papayag na akong sumalang sa operasyon sa isang kondisyon,” masiglang sabi ng kanyang lola.“Good decision po magpapaopera na kayo. Ano po ang gusto ninyo Lola Mila? Gagawin ko lahat para matuloy lang ang surgery ninyo at tuluyan ng mawala ang bukol sa inyong tiyan.”“Ipakilala mo sa akin ang nobya mo. Dalahin mo siya dito sa mansyon ng mga Aragon.”Napakamot siya sa ulo. Nagpaalam na siya sa kanyang lola. Napatingin siya sa babaeng nakatulala sa mesa. Inakala ng kanyang lola na kasintahan niya ito! Hindi ito ang tipo niyang bab

  • Never Fall Again to the Heartless Billionaire   Kabanata 205 Hate at First Sight (Book 3: Gabriella and Justin Love Story)

    Buod (Never Fall Again to the Heartless Billionaire Book 3)Pinagtagpo ng tadhana sina Justin, isang bilyonaryong pulis at si Gabriella, miyembro ng sindikato. Kinausap ni Justin si Gab upang magpanggap bilang girlfriend sa harap ng kanyang lola bago ito sumalang sa delikadong operasyon. Hahayaan ba ng dalaga ang lalaking pumasok sa kanyang magulong buhay? Wala itong ginawa kundi ang ikumpara siya sa babaeng una nitong minahal. Puro panlalait din ang inaabot niya dito. Tutal ay wala sa plano niya ang mag-asawa at magkaanak, makikipagtikiman na lamang siya sa gwapong pulis. Kaso ay pakipot ang lalaki at ayaw siyang patulan. Kaya ang naging layunin niya ay akitin ang bilyonaryong pulisAng simulaNasa isang luma at abandonadong gusali ang grupo ni Justin. May malakihang operasyon kontra sindikato ng human trafficking ang kapulisan sa kanyang pangunguna. Matagal ng under surveillance ang Kapatiran Mob. Ngayon lang sila nagkaroon ng pagkakataon dahil sa lihim na impormante na nagpadala ng

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status