“Lucian, totoo ba ang sabi mo?” aniyang hindi makapaniwala. Ngunit mahinang hilik ang naging tugon nito.Niyugyog niya ang balikat ng asawa ngunit tulog na talaga sa labis na pagod.Kahit pagod ay hindi siya dalawin ng antok, bumabalik siya sa baliw era niya! Agad niyang kinontrol ang utak ngunit tila ayaw sumunod ng kanyang puso. Hindi na siya dapat umibig ulit sa dating asawa. Hindi pa man ay alam na niya ang kakahinatnan ng damdamin niya.Kinabukasan ay hindi na niya naabutan si Lucian sa kanyang tabi. Bumaba siya at nakitang kumakain na ng agahan ang mga kasamahan. May isang araw na lamang sila upang tapusin ang lahat ng designs.Hindi maganda ang pakiramdam niya dahil siguro sa puyat. Inabutan siya ng plato ni Lucian na may lamang pagkain.Niyaya siya nito sa garden upang mag-agahan. Nakakunot ang noo niya habang nakatitig sa malayo.“Bakit parang wala ka sa mood?”“Hindi maayos ang tulog ko kagabi.”“May gumugulo ba sa isip mo?”Umiling siya. Wala siyang lakas ng loob na tanungi
Nahimasmasan si Emerald. Huli na para bawiin ang sinabi. Napanggap siyang tulog. Mahina siyang tinawag ni Lucian ngunit kahit anong mangyari ay hindi siya didilat. Naramdaman niya ang pag-angat ng katawan niya sa lupa. Ipinasok siya ni Lucian sa loob ng kubo. Naramdaman niya ang pagdantay ng katawan sa malambot na kama. Kinumutan siya nito. Nadinig niya ang yabag nitong palabas. Gusto niyang sampalin ang sarili sa ginawang pagtatapat kay Lucian. Nahihibang na siyang talaga!Kinabukasan ay ipinagpasalamat niya ang hindi pag-ungkat ni Lucian sa sinabi niya kagabi. Bumalik sila sa resort upang makisali sa kasayahan. Madaming activities sa team building.Nagsusukat siya ng swimsuit ng pumasok si Lucian sa room.“Hey, huwag kang lalabas ng naka-ganyan.”Umikot siya sa salamin. “Bakit hindi pa bagay? Hindi ba maganda?”“Sobrang ganda na ayokong makita ka ng iba. For my eyes only ang katawan mo. Don’t worry, you look beautiful kahit ano ang suot mo. Actually, right now, you’re very beautiful
Labis ang kaba ni Emerald habang hinihintay ang resulta ng pregnancy test. Dalawang guhit! Muntik malagot ang ugat niya sa ulo. Nagsisikip ang kanyang didbib. Nagbuga siya ng hangin sa bibig at napahawak sa ulo. Baka mali ang resulta. Pinagpawisan siya ng malapot. Kailangan niyang magpunta sa clinic upang makatiyak.Habang naglalakad papasok sa clinic, hindi niya maiwasang mag-isip ng mga posibilidad, ang mga takot at alinlangan na dapat niyang pigilan. Kailangan niyang maging matatag.Puno ng katanungan ang kanyang isipan. Paano kung hindi tanggapin ni Lucian ang kanilang anak? Paano kung magalit ito o kung hindi ito maging handa sa responsibilidad ng pagiging isang ama?“Kahit anong mangyari ay bubuhayin ko ang bata. Kailangan kong maging matatag para sa anak ko,” bulong niya sa kanyang sarili.Matapos ang ilang sandali, tinawag ang pangalan ni Emelrald ng nurse. Sumailalim siya sa mga pagsusuri. Pinaupo siya ng doktor at ipinaliwanag ang resulta ng tests. Binati siya nito sa kanyan
“Pumasok na tayo sa loob. Ipapakuha ko na lang ang maleta sa kotse. Sa guest room ka matutulog,” sabi ni Lucian kay Abby.“Em, hintayin mo ako at may pag-uusapan tayo. May gusto akong sabihin,” baling nito sa kanya. Tila sinakmal ang puso niya. Heto na ba ang wakas ng kanilang ugnayan? Pero hindi ba at ito naman ang nais niyang mangyari?Ilang lakad at ikot ang nagawa niya sa garden. Mukhang napasarap ang pag-aayos ng gamit ng dalawa. Pilit niyang iwinawaksi ang pangit na imahe sa kanyang isip. Malamang naglalambingan ang dalawa. Matagal hindi nagkita ang mga ito.Napakaligalig niya. Nalaman niyang buntis siya tapos ngayon naman ay bumalik mula sa hukay si Abby. Naramdaman niya ang matinding kabog sa kanyang dibdib, may hindi maipaliwanag na kirot.Nakita niya ang padating na si Lucian. Niyaya siya nito sa upuang kahoy. Ilang minuto na ang lumilipas ay wala pa ding nagsasalita sa kanilang dalawa.“Em, kailangan nating mag-usap. May kailangan akong sabihin.”Ang mga salita ni Lucian ay
Hindi kumibo si Emerald. Hindi niya alam kung tatagal siyang makasama pa si Lucian.“Kapag hindi mo tinapos ang proyekto, hindi kita hahayaang makaalis. Em, just finish the project, nakikiusap ako sa’yo.”Huminga siya ng malalim. Mukhang wala na naman siyang kawala.“Sige, tatapusin ko ang limited edition project, isang buwan na lamang namang mahigit at tapos na,” aniyang napahawak sa tiyan. Four weeks pa lang naman ang tiyan niya. Hindi pa naman siguro magiging halata kung mananatili siya ng isang buwan pa.“Em, I’m sorry. I’ll make sure that you will have a good life. Kailangan kong tuparin ang pangako ko kay Abby. Malaki ang naging pagkukulang ko sa kanya.”“Sshhhhh! Tapusin na natin ang usapang ito. Iisa lang naman ang papatunguhan. I understand na nagbalik na ang babaeng minamahal mo. Masaya ako para sa’yo. Ako naman ay makakapagsimula ng panibagong buhay. Pero may request ako. Huwag mo na akong kakausapin o lalapitan. Para mas madali ang lahat. Nakakahiya kay Abby. Pumasok ka na
Nakuyom ni Emerald ang kamao sa pagpipigil na sagutin si Lucian sa harap ng mga kasamahan.“Nandito ako para tapusin ang trabaho ko. At kung gusto mong maging productive ako ay hayaan mo ako dito. Nga pala, pakipirmahan,” mahina niyang sabi sabay abot ng kasunduang ginawa niya na nagsasabing kapag natapos ang limited edition project ay pinapayagan na siyang hindi tapusin ang pinirmahang kontrata at hindi na siya guguluhin pa ni Lucian. Sa pagtatapos ng proyekto ay tapos na din ang ugnayan nilang dalawa.“Pipirmahan ko sa opisina ko, sumunod ka sa akin. Wala akong dalang ballpen,” anitong lumakad ng palayo dala ang papel.Sabay sabay na nag-abot ng ballpen ang lahat ng empleyado.“Heto ang ballpen, Sir Lucian.”“Thank you pero babasahin ko pa bago pirmahan,” sabi nitong lumabas na.Mabigat ang paang sumunod siya sa opisina nito. Papasok na siya sa elevator ay may humila sa kanya. Si Abby!“Emerald, mag-usap tayo. Babawiin ko na ang sa akin. Huwag kang magkakamaling isumbong ako kay Luci
Lumapit si Emerald sa kotse ni Lucian.“Alam ba ni Abby na kinukulit mo ako? Wala ka ng dahilan para lumapit sa akin.”“Get into the car!” iritableng sabi ni Lucian.Sa halip na sumunod ay itinaas niya ang middle finger. Pinalayas siya sa mansyon tapos ginugulo siya ngayon.Naglakad siya ng mabilis at hindi pinansin ang tawag nito. Nang biglang na-shoot sa butas ang kanyang high-heeled shoes. Bilis naman ng karma niya samantalang ang ibang taong masama ang ginagawa sa kapwa ay ni hindi man lang madapa ng una ang mukha! Life is unfair! She should get use to it.Nasalo siya ni Lucian. Nagpumiglas siya at hinakbang ang paa ngunit namilipit siya sa sakit. Napakapit siya sa braso nito. Kinarga siya nito sa waiting shed. Hinilot nito ang kanyang paa. Napatitig siya dito.Muli siyang binuhat at ipinasok sa loob ng kotse.“Saan po tayo?” ani Kiel na may pilyong ngiti sa labi.“Sa condo,” sagot ni Lucian.“Bakit sa condo? Ayoko!”Naalarma siya. Ayaw niyang magsolo kasama ito at baka kung saan
“Nasa proseso na ang annulment nila. Alam ng lahat na ako ang mahal ni Lucian. Hindi ba, babe?” kumpyansang sabi ni Abby.“Yes, Miss Abby saksi po ako sa pagmamahalan ninyo ni Sir Lucian. Welcome po,” ani Jona, ang numero unong s****p sa department nila.“I’m so happy to be back. Buti na lang at may mga natitira pa akong kaibigan. Matagal akong nawala. Hindi ko alam na may umagaw ng lahat ng sa akin. Dahil nandito na ako, our department will surely soar high. Magtutulungan tayo upang tulungan ang aking asawa sa pagpapalago ng LM Corporation,” anunsyo ni Abby na tila ba nagpatawag ng meeting.Pumalakpak si Jona kaya nagsunuran na din ang iba.“Miss Abby, naabutan ko din kayo. Kung naaalala ninyo, magkatabi po tayo ng table. Welcome po! Sana po ay hindi na rejected ang ipapasa ninyo sa inyong pagbabalik,” banat ni Tina.“Aba’t, gusto mo bang ----” umusok ang ilong ni Abby.“Guys, back to work na,” ani Luna ng mapansin na aatakehin ng babae si Tina. “Em, papadalahan pa kita ng iba’t iban
Tulala pa din si Mayumi kinabukasan. Mabango at masagana ang almusal ngunit wala siyang gana. Ngayon lang siya nawalan ng gana sa pagkain sa laki ng problema niyang dinadala."Ayusin mo ang mukha mo pababa na si mommy," siko sa kanya ni Cayden.Agad siyang ngumiti ng matamis sa matandang padating. Hindi siya dapat mandamay ng iba sa problema niya. Wala namang ibang tutulong sa kanya kundi ang sarili."Magandang umaga po. Kain na po kayo Mommy Cecil.""Bakit mukhang pagod ka, ang aga aga pa. Hindi kaya naglilihi ka na?"Muntik siyang mabulunan sa kinakain. Nanlaki ang mata niya ng maalala na hindi siya umiinom ng contraceptive. Saan nga ba niya naitago ang gamot na ibinigay ng doctor? Nawala na sa isip niya.Nasamid naman si Cayden at uminom ng tubig."Mom, tinulungan lang ako ni Mayumi na tapusin ang paperworks. Hindi ba at sabi ko sa inyo ay gusto niyang matuto sa pasikot sikot sa negosyo."So ayun pala ang dahilan nito sa pagpipilit na maging sekretarya siya para mas mapaniwala si M
Binawi ni Mayumi ang kamay na hawak ni Cayden. Baka matsismis sila ng CEO, mas humirap ang buhay niya sa kumpanya.Huminto ang sasakyan ni Cayden sa harapan nila. Nakatingin lahat ng empleyadong pauwi. Mas lalaki ang tsismis kapag pumasok siya sa kotse at umuwi sila ng sabay."Cayden, mauna ka na. May pupuntahan pa akong importante," aniyang nagmamadaling tumakbo at tumawid sa kabilang kalsada. Hindi na niya hinintay ang sagot nito.Nagulat siya ng may humintong sasakyan sa harap niya. Nanigas ang katawan niya ng ibaba nito ang bintana. Si Don Manuel!"Small world Mayumi. So nagtatrabaho ka pala sa Villamor Realty Corporation. Pumasok ka sa kotse para makapag-usap tayo."Nilakasan niya ang loob at pumasok sa sasakyan kahit pa tila dinadaga ang dibdib. Papakiusapan niya ang matanda na bigyan pa siya ng palugit para makabayad."Don Manuel, bigyan mo pa po ako mg konting panahon at titiyakin ko pong makakabayad ako.""Pagod na akong maghintay, Mayumi. Alam mong matagal na kitang hinihint
Nagpanting ang tenga ni Thesa ng madinig ang sinabi Mayumi. Akmang susugurin siya nito."Wow, hindi ka lang palpak na sekretarya, ilusyunada ka pa! Makakatikim ka sa akin!"Mabilis na nakaharang si Cayden."Thesa, let's talk outside."Lumabas si Cayden sa opisina bitbit si Thesa na nanggagalaiti sa kanya. Nagkaroon ng pagkakataon si Mayumi na lapitan si Henry ng sila na lang."Henry, bakit ba biglang nangailangan ng secretary si Cayden?""Hindi ko din alam. Bigla na lang sinabi sa akin na babawasan daw ang trabaho ko. Siyempre natuwa ako.""Inalok niya ako kahapon na maging secretary niya. Nakakapagtaka lang dahil naiinis na nga siya sa mansyon tapos magkakasama pa kami sa office.""He is obsessed only with two women, una sa batang nagligtas sa kanya noong teenager siya. Pangalawa, kay Emerald na nakipagbalikan na sa dating asawa. Baka ikaw na ang pangatlo, I'm warning you. Hindi ka basta basta papakawalan ni boss kapag nagustuhan ka niya.""Naku, imposibleng magkagusto sa akin si Cay
Tahimik silang dalawa. Nakaupo si Mayumi, nakayuko. Si Cayden, nakatayo pa rin, ngayon ay nakapamulsa at nakatingin sa kanya.“Cayden, sa tingin ko hindi ako pwedeng maging secretary mo. Nakita mo naman ang mga kapalpakan ko.”“Akala ko hindi ka madaling sumuko. First day pa lang umaayaw ka na.”“Actually, wala naman akong masyadong pake sa ibang tao kaso nahihiya ako na pati ikaw nadadamay. Tsaka hindi ako dumaan sa proseso talagang may masasabi ang ibang tao.”“Then, prove them wrong. Tsaka I feel bored sometimes, I need a toy. Kaya kita dinala dito,” anitong lumapit sa kanya at napatingin sa dibdib niyang basa pa din.Napahinga siya ng malalim. Akala pa naman niya ay bumabait na ito. Gusto lang pala siyang gawing laruan kapag nabo-bored. Ngunit sa halip na mainis ay tila willing siyang maging laruan. Kunsabagay dalawang buwan na lang naman niyang makakapiling ang binata. Dapat niyang samantalahin ang pagkakataong makalapit dito.Nagkatinginan sila. Walang imikan. Binagtas ni Cayden
Si Thesa Ramirez ang dumating, ang head ng Marketing Department. Kilala sa buong kumpanya bilang matalino at matapang.Tumayo si Cayden mula sa kanyang upuan, kalmado ang kilos, pero tiningnan agad si Mayumi sa gilid ng mata.“What’s the problem, Thesa?” tanong nito. Napakagat labi siya sa malaking katangahan.“Heto, Sir Cayden,” sabay pakita ni Thesa ng tablet. “This email was sent to one of our VIP partners. It has the wrong sales figures, the wrong product list, and worst of all, a wrong sign-off with a typo that says Much lust, Mayumi instead of Much trust! Que Horror!”Namutla si Mayumi. “Lagot,” bulong niya. Parang gusto niyang maglaho na lang at kainin ng lupa.“Hindi lang ito nakakahiya, Sir Cayden. This puts our image at risk! The client literally called me asking if we hired an intern to run our corporate correspondence!” dagdag ni Thesa, habang halatang pinipigilan ang sarili na huwag lumipad ang tablet sa ulo ni Mayumi.“Pa-pasensya na, hindi ko si-sinasadya,” nauutal niyan
“Makinig ka. Pulis ako. Ipapaliwanag ko sa’yo ang lahat. Sumama ka sa amin.”Wala siyang nagawa kundi ang sumunod sa lalaki. May kasama itong naka-unipormeng pulis. Isinakay siya sa puting van. Labis ang kabog ng kanyang dibdib.“Huwag kang matakot. Hindi ka namin sasaktan. Kanina, nakita ko ang walang pag-aalinlangan mo sa pagtulong sa nangangailangan. Kaya naman may iaalok kami sa’yo.”Hinubad ng lalaki ang suot na jacket, ipinakita ang isang markang hindi karaniwang badge, kulay itim at pilak na may nakaukit na letrang SFU: Secret Force Unit.Nanlaki ang mata niya.“Gobyerno kami,” patuloy ni Justin. “Lihim kaming yunit na tumutugis sa mga malalaking sindikato. Isa sa mga target namin si Don Manuel.”Napalunok siya sa narinig. “Bakit ako? Wala akong kakayahan sa ganyan. Oo matulungin ako sa nangangailangan dahil alam ko ang pakiramdam ng walang malalapitan. Pero hindi ko kayang banggain si Don Manuel,” mahina niyang sabi.“May koneksyon ka sa kanya. Kailangan namin ng mata at tenga
Hiyang hiya si Mayumi kay Mommy Cecil ng nagawa niyang utangan ito ng pera. Ngunit kailangan niyang kapalan ang mukha."Magkano, hija?" medyo nagulat ngunit kalmadong tanong nito."Isang milyon po.”"Isang milyon? Para saan, Mayumi?”"Ipambabayad ko po ng utang ng nanay ko,” aniyang nagpipigil ng luha.Tahimik ulit si Mommy Cecil. Malalim na nag-iisip."Ibigay mo sa akin ang detalye ng bank mo at ipapadala ko ang isang milyon.”“Talaga po? Papahiramin ninyo ako? Maraming salamat po. Pasensya na po kayo. Babayaran ko din po.”Tila anghel ang tingin niya sa Donya at parang nabunutan ng tinik ang kanyang dibdib.“Anak ang turing ko sa’yo, Mayumi. Magsabi ka lang kapag may problema ka at nakahanda akong tumulong.”Napayakap siya sa matandang naging napakabait sa kanya. Gagawin niya ang lahat upang makabawi dito.***Nakaupo si Mommy Cecil sa mahogany desk, may hawak na checkbook at cellphone. Katatapos lang nitong tawagan ang accountant upang ayusin ang transfer ng pera. May kumatok sa pin
Marahang umalis si Mayumi sa kama. Humiga siya sa sofa. Yumaman lang siya tapos ang problema niya sa buhay. Ayaw na siyang bigyan ni Cayden ng isang milyon. Tila lumobo ang utak niya kakaisip.Maagang gumising si Mayumi para maghanda ng agahan. Naglagay siya ng tatlong tasa ng kape sa mesa. Gunawa niya ang kape gamit ang coffee maker. Nagtrabaho syang barista sa sikat na coffee shop sa lugar nila kaya masarap ang timpla niya.Maya-maya pa'y bumaba si Mommy Cecil na nakangiti sa kanya. Napatingin siya sa matanda. Kung hindi siya bibigyan ng pera ni Cayden baka pwede siyang humiram sa Donya. Ngunit nakaramdam siya ng hiya. May ilang araw pa naman siya para maghagilap ng pera."Aba, Mayumi! Ang sipag mo talaga. Napakapalad naman ng anak ko sa'yo.""Naku, Mommy Cecil, maliit na bagay lang po ito. Si Cayden po kasi, pagod palagi sa trabaho kaya gusto ko po siyang pagsilbihan,” aniyang pilit pinapasigla ang boses.Sakto namang lumabas si Cayden mula sa kwarto. Bagong paligo ito at talaga nam
Bumangon si Cayden at pumasok sa banyo upang maligo. Hinintay ni Mayumi ang paglabas nito. May hinanap siya sa bag at nakita niya maliit na bote ng langis at kumuha siya ng isang tuwalya."Cayden, gusto mo bang i-masahe ko ang likod mo? Parang pagod ka kasi."Lumingon si Cayden, at sa halip na ngumiti, napakunot ang noo."Kahit anong gawin mo ay hindi kita papahiramin ng pera.”Napaatras si Mayumi, kita sa mukha ang pagkabigla at medyo nasaktan kahit sanay naman siyang minamaltrato ng nanay at kapatid."Hindi kita pipiliting bigyan ako ng pera. Gusto lang kitang tulungang gumaan ang katawan mo,” aniyang napayuko."Gusto kong magpahinga. Umalis ka diyan.”Maingat ang mga hakbang niya, hawak pa rin ang maliit na bote ng langis."Alam kong pagod ka. Mas marerelax ka at makakatulog kapag minasahe kita,” mahinahong sabi niya.Hindi umimik si Cayden. Bumuntong-hininga lang siya, pero hindi umalis. Dahan-dahan siyang lumapit at naupo sa gilid ng kama. Binuksan niya ang bote ng langis at pina