Share

Kabanata 48 Broken Pieces

Penulis: Maria Bonifacia
last update Terakhir Diperbarui: 2025-03-21 00:15:05
“Pumasok na tayo sa loob. Ipapakuha ko na lang ang maleta sa kotse. Sa guest room ka matutulog,” sabi ni Lucian kay Abby.

“Em, hintayin mo ako at may pag-uusapan tayo. May gusto akong sabihin,” baling nito sa kanya. Tila sinakmal ang puso niya. Heto na ba ang wakas ng kanilang ugnayan? Pero hindi ba at ito naman ang nais niyang mangyari?

Ilang lakad at ikot ang nagawa niya sa garden. Mukhang napasarap ang pag-aayos ng gamit ng dalawa. Pilit niyang iwinawaksi ang pangit na imahe sa kanyang isip. Malamang naglalambingan ang dalawa. Matagal hindi nagkita ang mga ito.

Napakaligalig niya. Nalaman niyang buntis siya tapos ngayon naman ay bumalik mula sa hukay si Abby. Naramdaman niya ang matinding kabog sa kanyang dibdib, may hindi maipaliwanag na kirot.

Nakita niya ang padating na si Lucian. Niyaya siya nito sa upuang kahoy. Ilang minuto na ang lumilipas ay wala pa ding nagsasalita sa kanilang dalawa.

“Em, kailangan nating mag-usap. May kailangan akong sabihin.”

Ang mga salita ni Lucian ay
Maria Bonifacia

Maraming salamat po sa pagsubaybay, comments, at gems! Very much appreciated po ang inyong suporta.

| 27
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (12)
goodnovel comment avatar
Dhaiz Bordz
bat sakit......... nauyak talaga Ako......... ok na sana......
goodnovel comment avatar
Rowena Orbos Nicor
tulo luha ko dito
goodnovel comment avatar
Maluz Dumancas Diaz Amistoso
Wag na umalis kana.thats all.
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Never Fall Again to the Heartless Billionaire   Kabanata 170 Jealous Heart

    Wala nagawa si Mayumi kundi ang umalis ng muna. Tulala siya habang naglalakad. Tinawagan siya ni Kristel at sinabing nasa ospital daw ang ina na ikinagulat niya. Kahit pa hindi siya minahal ng ina ay labis pa din ang pag-aalala niya dito. Agad siyang tumungo sa ospital.Nilapitan niya si Nanay Sally na nakaupo sa kama.“Nay, anong nangyari? Bakit hindi ninyo man lang ako sinabihan na nasa ospital pala kayo?”“Naku, baka madamay pa kami sa hulihan kay Don Manuel. Huwag ka munang lalapit sa amin at mas mainam kung lumayo ka ng tuluyan!” singhal nito. Hindi niya ininda ang sinabi ng ina, sanay na siya sa trato nito.Bumukas ang pinto. Pumasok si Naomi, suot ang designer na blouse at may hawak na bouquet ng rosas. Lumapit kay Nanay Sally ang kapatid na ngayon ay bahagya nang nakakangiti.“Bakit ka andito?” tanong ni Naomi na tila ba gusto siyang paalisin.“Natural, nasa ospital si nanay kaya ako nandito. Salitan tayo sa pag-aalaga sa kanya.”“Maayos na ang kalagayan niya,” tugon ni Naomi.

  • Never Fall Again to the Heartless Billionaire   Kabanata 169 Ending the Relationship

    Nakaalis na si Cayden. Abot tenga ang ngiti ni Naomi ng pumasok sa silid ni Aling Sally. Isinara niya ang pinto. Lumapit siya sa ina na nakahiga at humihingal, kunwa’y nanghihina."Ma, tumingil ka na sa drama mo, nakaalis na si Cayden. Kanina pa ako kinakabahan pero ang galing ng akting mo.""Ay, anak, kung hindi tayo kikilos agad mawawala ang pagkakataon nating makabingwit ka ng gwapong mayaman na mag-aahon sa atin sa kahirapan. Lalo na nahuli na ng pulis si Don Manuel.”"Ma, hindi natin hahayaang mawala ang pagkakataong ito. Si Cayden lang ang sagot sa lahat ng hirap natin. Sa wakas, may pagkakataon tayong makaahon at magkaroon ng magandang katayuan sa lipunan.”"Buti na lang ang mabilis ang utak ko. Anak, gawin mo ang lahat. Kausapin mo siya. Sabihin mong baka ito na ang huling hiling ng nanay mo.”"Oo, Ma. Ako na ang bahala. Hindi na siya makakatanggi. Mapapayag ko din siya. May tumawag lang kanina kaya naputol ang usapan namin. Basta galingan ninyo ang akting. Nakausap ko na ang

  • Never Fall Again to the Heartless Billionaire   Kabanata 168 Trapping the Billionaire

    “Boss! Tara na! Tumakas tayo!” ani Patrick kay Don Manuel. Hinila nito ang amo hanggang sa madapa.Ngunit nahuli si Don Manuel ni Justin. Tinulak nito ang matanda sa lupa, tinutukan ng baril sa ulo. Si Justin mismo ang lumapit.“Don Manuel, inaaresto ka sa kasong international drug trafficking, money laundering, murder, at illegal arms possession,” ani Justin.“Walang basehan ‘yan! Anong pruweba n’yo?! Bitawan ninyo ako. Talk to my lawyer!” anang matandang nag-aalimpuyo sa galit.“Maraming ebidensyang hawak ang pulisya kaya wala kang lusot! Matagal ka na naming minamanmanan.”“Mag ulol! Saan kayo kukuha ng ebidensya laban sa akin?! Magkita tayo sa korte!”“Deretso kulungan ka dahil sa ebidensyang nakalap sa shipment mo ngayon! Wala ka ng kawala sa batas!” ani Justin na pinigilan ang sariling bugbugin ang matanda.Sa hindi kalayuan ay nakapwesto si Mayumi. Nagkukubli siya sa saradong tindahan malapit sa pier. Nasaksihan niya ang mga pangyayari. Nakahinga siya ng maluwag. Tapos na din a

  • Never Fall Again to the Heartless Billionaire   Kabanata 167 The Impostor

    Nakarating sa isang maliit na barangay hall si Cayden at Henry. Nakatayo siya sa harap ng mga opisyal ng barangay. Katabi niya si Henry. Nasa harap nila si Naomi Olivares, ang babaeng nagsasabing siya ang batang nagligtas kay Cayden labingpitong taon na ang nakalipas. Mahinhin ang kilos ng dalaga at nakamahabang bestida.“Sa lugar na ito ako dinala matapos akong makatakas sa mga kidnappers. Isang batang babae ang tumulong sa akin. Maliit pa siya noon, sa tingin ko ay anim o pitong taong gulang. Binigyahan niya ako ng bracelet at mayroon din siyang isa pa. Nasa iyo pa ba ang bracelet?” ani Cayden at ipinakita ang suot.Nag-aalangan, ngumiti ng pilit si Naomi.“Wala na po, Mr. Villamor, labingpitong taon na po ang lumipas. Naalala ko na itinago ko ang bracelet kaso nawala rin sa paglipas ng panahon.”Sandaling katahimikan. Si Henry ay napatingin sa kanyang tablet na may detalye. May mumunting bulungan sa mga opisyal ng barangay.“Si Naomi nga ang batang ‘yon, Mr. Villamor. Anak ko siya.

  • Never Fall Again to the Heartless Billionaire   Kabanata 166 Finding the Girl

    Gustong sumama ni Mayumi kay Cayden ngunit hindi ito ang tamang panahon. Kailangan niyang matapos ang misyon. Makakapaghintay ang nararamdaman nila para sa isa’t isa.“Cayden, buo na ang pasya ko. Walang nabago. Sasama ako kay Don Manuel para matupad ang pangarap ko. Bumalik ka na sa lungsod.”“Mayumi, hindi kita kayang iligtas kung ikaw mismo ang may ayaw. Lider ng sindikato si Don Manuel. Mapapahamak ka sa pagsama mo sa kanya. Itatakas kita,”“Hindi mo naiintindihan. Kaya tayong hanapin ni Don Manuel kahit saan. Hindi lang ako ang nasa panganib kundi pati ikaw sa pakikialam mo.”Hinawakan nito ang kanyang kamay, mahigpit.“Kaya nga kita ilalayo. Kaya kitang protektahan laban sa kanya.”“Hindi mo ako kailangang protektahan. Gusto ko ang ginagawa ko. Gusto ko ng matandang mayamang magbibigay ng lahat ng luho ko,” aniya upang maitaboy ang binata.“Akala ko masaya ka na kasama ako?”“Oo, hindi ko naman ikinakaila ‘yan. Pero mas masaya ako kung magbubuhay reyna ako.”“Kaya kong ibigay sa

  • Never Fall Again to the Heartless Billionaire   Kabanata 165 Unforgettable Moments

    Nalukot ang mukha ni Mayumi sa kakornihang nadinig. Hindi niya inasahang makakadinig ng mga linyang baduy sa CEO. Pero labis ang saya ng puso niya. Kinikilig siya sa banat ni Cayden ngunit hindi niya ipinahalata.“Tara, doon naman tayo!”Nagtungo sila sa color game booth. Maingay, maraming tao, at tila sugal talaga ang dating. Nagmasid muna sila. Si Cayden ang unang tumaya. Kumuha ito ng pera sa bulsa. Limang daan agad ang taya nito.“Oy, bakit ang laki ng taya mo? Bente bente lang.”“Anong kulay ng panty mo ngayon?” sa halip ay tanong nito na hindi niya makita ang koneksyon ng kulay ng panty sa game na lalaruin.“Blue, bakit mo tinatanong?” mahina niyang sabi.“Mas malaki taya, mas malaki kapag panalo. Blue ‘yan. Sigurado ako,” kumpiyansa nitong sabi.“Red ang feeling ko!” sabat niya.Umikot ang roleta. Tila mabagal ang lahat habang pinapanood nilang huminto sa kulay red.Sabay silang napatigil.“Talo, sayang ang five hundred! Ilang kilong bigas na ‘yan. Tara na, tama na ‘yan. Alalaha

  • Never Fall Again to the Heartless Billionaire   Kabanata 164 Winning the Prize

    “Kailangan pa po ba ng ID? Nawala po kasi ang wallet ko, andoon lahat ng ID naming mag-asawa,” ani Cayden upang pagtakpan ang pagsisinungaling nila.“Kahit picture ng ID to verify lang po.”“Lahat ng tao may ID, imposibleng wala kayong maipapakita,” sabat ng babaeng masungit sa tabi ng taga-barangay.Nagkatingin silang dalawa.“Excuse me po. Dala ko na ang naiwan mong wallet sa restaurant,” ani Henry.Maasahan talaga ang assitant ni Cayden. Namangha siya ng may dala itong ID nila dalawa na may bagong pangalan.Matapos abutin ang wallet ay ibinigay agad ni Cayden ang dalawang ID sa taga-barangay.Pagkaalis ng mga opisyal, agad isinara nito ang pinto. Sumilip siya sa bintana upang tiyaking wala nang tao. Huminga siya nang malalim.“Sir, may dala din akong charger. Grabe ang kaba ko sa pagtakas ninyo. Buti na lang at hindi kayo nahuli. Nasundan ko ang tracker na nasa kwintas mo. Kaya bago pa ninyo ako matawagan ay papunta na talaga ako dito,” mahabang kwento ni Henry.“Okay na, umalis ka

  • Never Fall Again to the Heartless Billionaire   Kabanata 163 Simple and Happy Life

    Maingay ang lumang bentilador na nakakabit sa kisame ng inuupahang silid. Humahalo ang amoy ng lumang kahoy at alikabok sa malamig na simoy ng hangin na pumapasok sa bintana.Habang naglilipat ng channel sa telebisyon ay nakita niya ang sarili sa balita."Breaking news: Isang dalagang nagngangalang Mayumi Olivares ang naiulat na nawawala matapos umanong dukutin habang sakay ng delivery van.”Tumigil ang kanyang kamay. Napako ang kanyang paningin sa screen. Doon, malinaw na malinaw ang kanyang mukha sa larawan. Nakita din niya ang interview sa ina na maluha luha pa. Kung hindi niya ito kilala ay maniniwala siyang nag-aalala ito sa pagkawala niya.Napatingin siya kay Cayden na noon ay abala sa paglalatag ng bedsheet sa papag."May balita na, hinahanap na nila ako. Kapag nalaman nilang ikaw ang kumidnap sa akin. Baka mapahamak ka."Tahimik si Cayden habang nakatingin sa kanya, malamig ang titig ngunit may bakas ng pag-aalala."Hindi mo pa rin naiintindihan, Mayumi. Ginawa ko 'to para ila

  • Never Fall Again to the Heartless Billionaire   Kabanata 162 Fake Husband and Wife

    Mabilis na nagbihis si Cayden at binuksan ang pinto. Kumakatok si Henry bakas sa mukha ang pag-aalala.“Sir, ano ba itong pinasok ninyo? Nakakatakot ah,” bungad nito.“Anong nangyari? Bilisan mo at busy ako!” iritabbleng sabi niya.“May problema. Yung kargamento hindi umabot sa meeting point sa mga pulis na kausap natin.”“Anong ibig mong sabihin hindi umabot? Hindi ba’t pinabantayan ko 'yan sa mga tauhan na kinuha mo?”“Oo, sir. Pero ayon sa report, bago pa man nila maihatid sa drop-off, may humarang sa convoy. Matitinik ‘yung umatake, may mga baril.”“Sino daw ang nasa likod nito?”“Wala pa tayong ideya. Pero hindi raw pulis. Hinala ko mga tauhan ni Don Manuel.”“Gamitin mo ang lahat ng koneksyon natin. Gusto kong malaman kung sino at bakit nagleak ang impormasyong ibinigay natin sa mga pulis.”“Sir, ano ba itong pinapasok mo? Baka mapahamak ka. Malamang kasapakat ni Don Manuel ang kapulisan. Hayaan mo na si Mayumi, na-o-obsessed ka na naman,” ani Henry na hindi mapakali.“Sir, may i

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status