Share

Chapter 28

Allyson's P.O.V

Lumipas ang ilang araw at naging mas maganda ang pakikitungo ni Travis sa 'kin. Palagi niya akong ipinagluluto ng breakfast at palagi ko rin itong tinatanggihan. Kapag nasa opisina naman ako, ay palagi itong pumupunta sa opisina ko o 'di kaya ay magpapadala ng pagkain. Palagi ko namang ipinapakita sa kaniya na ibinibigay ko  sa ibang empleyado ang mga pagkaing dumadating sa 'kin.

Alam kong masama ang pagtrato ko sa kaniya pero kailangan ko lang subukan ang pasensya niya.

"May ipinapabigay si Travis sa 'yo."

Napalingon ako sa kapapasok lang na Zia. Kasalukuyan akong nakaupo sa sofa ng aking opisina dahil kailangan kong magbasa ng maraming reports.

"Ano na naman 'yan?"

Nagkibit balikat siya at lumapit sa 'kin. Ibinaba ko naman ang hawak na folder at sinuri ang dalang kahon ni Zia. Inilapag niya ito sa ak

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status