Allyson's P.O.V
Napatingin ako sa labas at hindi ko man lang namalayan na gabi na pala. Masyado akong nagpapakalunod sa trabaho para lang patunayan na karapat dapat ako sa posisyon ko.
Sinimulan ko ng iligpit ang mga gamit ko nang biglang bumukas ang pinto at pumasok si Zia na may malaking ngiti. Sa hitsura pa lang niya, alam ko na kung ano ang gusto niyang sabihin. Pumunta lang 'yan dito kapag mang-aasar sa 'kin.
"Hi Flare!"
Napakunot ang noo ko sa pagkakatawag niya sa 'kin. Minsan lang 'to tumatawag ng Flare sa 'kin. Una, kapag seryoso siya at ikalawa, kapag may nalaman siyang maganda na ako ang dahilan.
"Anong chismis na naman ang nakuha mo at ganiyan ka makangiti sa 'kin?"
Umiling ito sa 'kin. Bumalik naman ako sa pagkakaupo sa aking upuan at hinintay ito na makalapit sa 'kin.
"Uuwi ka na?"
Allyson's P.O.VLumipas ang ilang araw at naging mas maganda ang pakikitungo ni Travis sa 'kin. Palagi niya akong ipinagluluto ng breakfast at palagi ko rin itong tinatanggihan. Kapag nasa opisina naman ako, ay palagi itong pumupunta sa opisina ko o 'di kaya ay magpapadala ng pagkain. Palagi ko namang ipinapakita sa kaniya na ibinibigay ko sa ibang empleyado ang mga pagkaing dumadating sa 'kin.Alam kong masama ang pagtrato ko sa kaniya pero kailangan ko lang subukan ang pasensya niya."May ipinapabigay si Travis sa 'yo."Napalingon ako sa kapapasok lang na Zia. Kasalukuyan akong nakaupo sa sofa ng aking opisina dahil kailangan kong magbasa ng maraming reports."Ano na naman 'yan?"Nagkibit balikat siya at lumapit sa 'kin. Ibinaba ko naman ang hawak na folder at sinuri ang dalang kahon ni Zia. Inilapag niya ito sa ak
Allyson's P.O.VNanatiling nakayakap ako sa anak ko. Kinakabahan pa rin ako kahit na maayos siyang nakarating sa Pilipinas. Alam ko na may teacher silang kasama pero masyado kasing malayo ang lugar ng field trip nila. Dati kasi, kalapit lugar lang ng Italya ang field trip nila pero ngayon umabot pa sa asya.Bahagya kong inilayo si Tyler sa 'kin at tiningnan ito ng seryoso. Napansin ko naman kaagad ang mga mata at ilong niya na katulad kay Travis.Tsk. Pati ugali kay Travis pa talaga nagmana."Humingi ka na ba ng tawad kay Tita Zia mo? Nag-aalala rin 'yan sa 'yo."Inginuso ko si Zia na ngayon ay umaarteng hindi makatingin kay Tyrell.Bumuntong hininga ang anak ko at dahan-dahang nilapitan si Zia at hinigit ang damit nito. Masyado kasing matangkad si Zia para sa kaniya."Tita, I'm really sorry sa nagawa ko k
SLIGHT SPG AHEAD!!!Allyson's P.O.VKasalukuyan akong nakaupo sa tabi ni Luigi. Inutusan ko naman si Zia na bantayan kami sa labas. Mabuti na ang sigurado keysa ang mabuking ako at masira ang plano ko."May mga impormasyon akong nalalaman na hindi alam ng ibang tao."Hindi ako sumagot sa kaniya at itinuon ang atensiyon sa aking kamay. Kailangan niya munang sabihin ang gusto niya bago ko siya sagutin."Alam ko, na alam mo kung gaano kahigpit ang asawa mo sa mga taong titiwali sa kaniya kaya medyo malaki ang gagawin kong sakripisyo at asahan mo na malaki rin ang gusto kong kapalit."Tumango ako dito at humilig sa sofa. Like I expected, mukha talaga siyang pera kahit kailan."You know me uncle. Sabihin mo lang ang gusto mo at ibibigay ko ito sa 'yo." Tumawa ito na par
Third Person's P.O.VKasalukuyang nakaenroll si Tyrell si Nord Anglia kung saan may mga nakakasalamuha siyang iba't ibang lahi ng bata. Maaga silang pinauwi kaya nagpasama siya sa yaya niya sa isang pambatang basketball court.Inilibot ni Tyrell ang paningin at halos lahat ng batang nakikita niya ay may kasamang ama. Sinubukang hindi pansinin ni Tyrell ang mga tao pero rinig na rinig niya ang bawat pagtawag ng mga bata sa kanilang mga ama."Daddy!""Help me reach the ring Dad!""Pa, masyadong mabigat ang bola!""Thank you, Dad!"Sa murang edad ay nakaramdam siya ng selos sa ibang bata. Gusto niya ring maranasan ang makipaglaro kasama ang tatay niya."Hoy bata!"Napalingon si Tyrell sa ka
Third Person's P.O.VNanatiling nakayakap si Allyson kay Tyrell. Natatakot siyang magsalita dahil baka mas lalo lamang itong magalit sa ama."Tulog na siya Ally. Dahil mo na siya sa kwarto."Napatingin si Allyson sa kaniyang anak at pagkatapos ay binuhat ito papunta sa sariling kwarto. Dahan-dahan niya itong inilapag upang hindi magising. Inayos niya ang kumot nito bago siya umupo sa tabi ng anak upang titigan ang maamong mukha ng bata. Habang tinititigan niya ito ay biglang bumalik sa kaniyang ala-ala ang nangyari noong nalaman niya na buntis siya kay Tyrell.FlashbackMaluha-luha si Allyson habang nakatingin sa papel na hawak niya. Ang buong akala niya ay wala na siyang anak pero nagulat siya pagkagising na may isang bata pang nabubuhay sa sinapupunan niya at pilit na lumalaban upang mabuhay. Mahirap man paniwalaan pero nagk
Third Person's P.O.VNakakunot ang noo at seryoso ang mukha ni Travis habang nakatutok kay Chad. Inutusan niya itong bumili ng orange at balatan ito ng maayos na hindi napuputol ang balat. Nagtataka si Chad pero sinunod niya ang inutos ng kaniyang amo.Sa kalagitnaan ng pagbabalat ay hindi na mapigilan ni Chad ang tingnan si Travis. Naiilang siya sa ibinibigay na titig nito."Ano ba talaga ang nangyayari sa 'yo? Itigil mo nga 'yang pagtitig mo. Natatakot na 'ko sa 'yo."Nanatiling nakatutok si Travis sa hawak na orange ni Chad. Inoobserbahan nito ang bawat galaw na gagawin ni Chad."Ayusin mo ang pagbabalat Chad. Importante sa 'kin ang bagay na 'yan."Sa isip ni Chad ay nababaliw na ang kaibigan niya. Hindi naman ito ang klase ng orange na galing pa sa ibang bansa kaya hindi niya maintindihan ang sinasabi ng kaibigan
Allyson's P.O.VPagkatapos ng trabaho ko ay bumisita ako kay Tyrell bago diretsong umuwi kay Travis. Kailangan ko pa palang bumawi sa isang 'yun.Nagbihis ako sa aking usual na lingerie kapag natutulog bago kinuha ang first aid kid at dumiretso sa kwarto ni Travis. Ilang beses akong kumatok pero walang sumagot.Hindi naman siguro siya magagalit kapag pumasok ako.Dahan-dahan kong pinihit ang door knob at diretsong pumasok sa kaniyang kwarto. Dumiretso ako sa mini office niya dito kung saan nakalagay ang vault. Naabutan ko naman itong nagbabasa ng folder kaya tumikhim ako upang makuha ang atensiyon niya. "Travis," pagtawag ko dito pero inirapan niya lang ako at pinagkrus ang braso niya.Tsk, nababakla na naman."Galit ka ba?" malumanay na tanong ko dito at tumabi sa kaniya.
Allyson's P.O.VBago ako bumalik sa aking opisina ay kinuha ko muna ang mga folder na naglalaman ng iba't ibang detalye tungkol sa thorough dye. Gusto kong pag-aralan ito upang hindi ako mahirapan sa susunod kong hakbang."Ano 'yan? Overtime ka mamaya?" tanong ni Zia na kapapasok lang.Umiling ako dito at isa-isang ipinakita sa kaniya ang mga folder."Mga data lang naman tungkol sa bagong thorough dye ng kompanya."Umupo si Zia sa aking harapan habang binabasa ang label ng bawat folder."So, katulad ba ito sa Heavens Earth Brocade?"Dismayado akong umiling sa kaniya kahit na alam kong magkaiba talaga ang mga ito. Mukhang walang alam si Travis sa Heavens Earth Brocade kaya malabong alam niya ang hitsura nito."Malaki ang pinagkaiba nila. Hindi na rin naman ako magdu