Share

Chapter 7

Allyson's P.O.V

Maaga akong nagising upang patunayan ang sarili ko kay Travis na karapat-dapat ako sa posisyon na hawak ko. Kailangan ko rin na madaliin ang plano ko dahil baka magkaroon ng problema lalo na't mabilis gumawa ng aksiyon ang walang hiya kong kapatid.

"Good Morning Flare! Aga natin ah." bati ni Zia habang himihikab pa.

"Good Morning Zi! Bakit mukha ka namang hindi nakatulog?" anas ko dito dahil pansin ko kasi na medyo pumipikit pa siya ,eh mas nauuna pa nga siyang natutulog sa 'kin.

"Talagang nagmana siya sa 'yo sa pagiging matalino. Akalain mo yun? Na-hack niya ang gcash ko at ibabalik niya lang daw ng pa unti-unti kapag natapos kong ikwento sa kaniya ang beauty and the beast at frozen." reklamo ni Zia at sumimsim ng kape.

Napangiti na lang ako sa sinabi niya. Bigla ko tuloy naalala ang maliit na mukha nito at singkit na mga mata.

"I really miss him so much Zi. Gusto ko ng umuwi at mayakap siya pero hindi ko rin pwedeng iwan si Auntie dito." wala sa sarili kong saad at napabuntong hininga.

Minsan naiisip ko rin na umuwi na lang sa Italya at huwag ng magpakita sa lahat pero hindi kakayanin ng konsensiya ko kapag may nangyaring masama kay Auntie lalo na't hindi ko pa alam ang tunay na nangyari sa factory niya.

"Pwede ka namang umuwi muna sa Italya at ako na lang ang bahala dito." tinapik nito ang likod ko kaya napatingin ako sa kaniya. "He is waiting for you Ally and I'm sure he needs you so much." anas nito at akmang sasagot na ako nang biglang tumunog ang cellphone ko kaya dali-dali ko itong kinuha at hindi na tiningnan kung sino ang tumawag.

"Who's this?" tanong ko sa kabilang linya at seryosong nakatingin kay Zia.

"Good Morning Flare! Sorry for interrupting your rest but Mr. Tan requested to instruct you to review the models at this early hour."

"Okay, gather all the models. Thank you." saad ko dito at ibinaba ang tawag.

"Hindi naman halatang miss ka na ng asawa mo at talagang ikaw ang una niyang hinanap." panunukso ni Zia pero tinapunan ko na lang ito ng magazine at dumiretso sa kwarto.

Formal and strict ang awra ko ngayon kaya naisipan ko na mag pants at blazer na puti at pagkatapos ay pinatungan ng itim na blazer. Napili kong isuot ang black high heels upang tumugma sa medyo may pagka-itim na lipstick.

"Taray natin Ally, parang a-attend ng libing." anas nito habang sinusuri ako.

"Gaga, style 'to kaya huwag kang ganiyan."

Tumawa ito kaya pinaningkitan ko ng mata.

Itinaas nito ang mga kamay na tila sumusuko. "Oo na kaso lang 'di ko alam kung kaninong style ang nakuha mo ngayon at mukha ka talagang namatayan."

"Namatayan ako puso Zi kaya tumigil ka." suway ko dito pero mas lalo lang itong natawa.

"Ay oo ng pala, namatayan ng pagmamahal! Huwag umasa ulit ha." saad nito at dali-daling tumakbo palayo sa 'kin.

Pagkaalis ni Zia ay tiningnan ko muna ang aking sarili salamin. Hindi naman ako papasok kung magiging katawa-tawa ang hitsura ko. Nang mapagtanto ko na ready na 'ko ay lumabas ako ng bahay at tinungo ang kotse ko.

Naging mabilis lang naman ang byahe dahil walang traffic na naganap dahil 6 am palang naman ng umaga. Usually nagiging busy kasi ang daanan kapag around 7 or 8 ng umaga.

"Good Morning Flare. Sorry for the urgent call." bati sa 'kin ni Shiloah at yumuko.

"Good Morning, don't worry gising na rin naman ako nang tumawag ka. Let's go." saad ko dito at naunang pumasok sa kaniya.

"Hindi mo man lang babatiin ang asawa mo?"

Pareho kaming napatigil ni Shiloah matapos marinig ang malalim na boses ni Travis. Nagpaalam si Shiloah at Chad na mauuna na silang pumasok kaya kami na lang dalawa ni Travis ang naiwan sa parking lot.

"Good Morning Mr. Tan or should I call you love?" pilit na ngiting bati ko sa kaniya.

Napatawa naman ito sa aking sinabi at bahagyang lumapit sa 'kin pero hindi ako umatras.

"I think you should stop daydreaming about me, Ms. Romero. Nakakasama sa kalusugan 'yan." saad nito at bahagyang sinuri ang mukha ko.

Dahil sa sinabi niya ay nakakuha ako ng lakas ng loob na ilapit ang mukha ko sa mukha niya kaya isang pagkatisod niya lang at talagang mahahalikan niya  'ko.

"Don't worry, I prefer being known single than being your wife. Good Morning again, Love." saad ko at ginawaran ng h***k ang kaniyang labi.

Medyo natulala ito kaya iniwanan ko na ito at diretsong pumasok sa kompanya. Akala niya ata maaakit niya 'ko sa pasimpleng harot niya.

Travis P.O.V

"Binati ka ba ng asawa mo? Travis."

Napalingon ako kay Chad at agad na tinapunan ito ng masamang tingin.

"Umayos ka Chad! Wala akong oras makipagbiruan sa 'yo ngayon." anas ko dito.

Bumalik na naman sa aking isipan ang nangyari kanina sa parking lot. Talagang sinusubok ako ng babaeng 'yon. Kakasuhan ko talaga siya ng rape kapag inulit niya pa ang paghahalik sa 'kin. Napakamanyak!

"Galit ka na naman? Hindi mo ba nagustuhan ang lasa ng h***k niya?"

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Sinigurado ko kasing nakaalis na silang dalawa ni Shiloah bago ako humakbang palapit kay Allyson kaya paanong nalaman niya na----.

"Kulay itim ang lipstick na gamit ni Allyson ngayon at may kiss mark ka pa sa labi mo."

Napatingin ako sa salamin at agad na binura ang marka ng labi ni Allyson. Napakakalat talaga ng babaeng 'yon. Walang pinipiling lugar ang pagiging manyak.

"Imbestigahan natin siya." saad ko at naunang lumabas ng aking opisina. Ako mismo ang susuri kung karapat-dapat ba siya sa posisyon niya bilang Flare.

Allyson's P.O.V

"Good Morning Ms. Flare." masiglang bati sa 'kin ng mga modelo pero sinuklian ko ito ng pekeng ngiti.

Ngayon lang sila naging ganito kasigla matapos nilang malaman na ako si Flare. Pekeng tao nga naman.

"Good Morning Miss Flare." napatingin ako sa aking likod at kaagad na sumilay ang ngiti sa aking labi.

"Good Morning Rory." saad ko at pumunta na sa aking upuan.

Ibinigay sa akin ni Shiloah ang mga evaluation papers at sinimulang palakarin ang mga modelo suot ang kanilang two piece.

Masasabi kong silang lahat ay may potensiyal na maging head model ng Soul Empire pero kulang pa rin ang ipinapakita nila sa 'kin.

"Is that the proper way you walk? If I'm not mistaken ikaw yung nanlait sa kapwa mo modelo dahil hindi pa siya nakakarampa sa actual stage." puna ko sa isang modelo.

Hindi sa nagtatanim ako ng inis pero talagang hindi ko nagustuhan ang pag-rampa nito pero kung makalait siya kay Rory parang napakaganda ang rampa niya.

"Hindi lang siya ang may mali. Sa first batch na rumampa, if I'll give you my own rating I'll give you 5 out of 10." anas ko at sinenyasan ang ikalawang batch na rumampa.

Lagay lang ako ng lagay ng rating hanggang si Rory na ang susunod na rarampa kaya agad akong napatingin sa kaniya.

Ngumiti ito sa 'kin kaya ginantihan ko ito ng ngiti. I'll make sure na mapapalitan niya si Sofia bilang head model sa Soul Empire.

"Where's Sofia?" tanong ko sa mga modelo at inilibot ang aking paningin sa loob ng hall.

"Ganito ba ang asal ng mga modelo rito? WHERE IS SOFIA ROMERO?!" singhal ko dito at lahat sila ay yumuko maliban kay Rory.

"Usually po kasi late si Miss Sofia dahil marami itong endorsement." saad ni Rory kaya napabuga ako ng hangin.

Sinabihan ko na ang handler ni Sofia tungkol sa evaluation ngayon at wala silang magagawa kung hindi ang pumayag dahil hawak ko ang lahat ng modelo dito.

"Sorry not sorry pero I'm late." napatingin kaming lahat sa kabubukas lang na pinto.

Nakakulay puti si Sofia kasama ang handler nito na halatang natataranta.

"Alam mo naman kapag high class model maraming endorsement ang ginagawa kaya hindi nakakapagtakang late ako." tahimik lang akong nakatingin dito.

Umupo ito sa katabi kong upuan at uminom ng tubig.

"Mamayang hapon na lang ang evaluation mo para sa 'kin." utos nito sa 'kin kaya naikuyom ko ang kamao ko.

"You're busy so I won't evaluate you anymore and I won't give you my precious time." saad ko at minarkahan ng malaking ikis ang evaluation paper nito.

"The evaluation is done. I'll give this to Shiloah later para masabi niya sa inyo ang mga kulang niyo." saad ko sa ibang modelo at nagsimula na silang magbihis.

Binalingan ko si Shiloah at ibinigay sa kaniya ang mga evaluation papers. "Starting today i-cancel mo lahat ng projects ni Sofia."

Kaagad na tumayo si Sofia sa aking harapan. "You can't do this Allyson! Alam mo na ako ang money maker ng kompanya at kapag nawala lahat ng projects ko posibleng malugi ang kompanya. Siguro naman hindi mo iaasa sa mga walang kwentang models na 'yan ang kompanya!" singhal nito sa aking harapan.

Sumandal ako sa aking upuan at tiningnan si Sofia mula ulo hanggang paa.

"Do you really think highly of yourself? I know how much you earn dahil isa ako sa tatlong owner ng FZT Empire at isa pa akala mo hindi ko alam na kalahati ng sinasabi mong endorsement ay libre dahil kaibigan mo ang owner ng agency."

Napabuga siya ng malalim na hininga at tiningnan ako ng masama.

"I'm the head model here Allyson kaya hindi mo 'ko basta-bastang mapapalitan ng isa sa mga walang kwentang modelo!" bulyaw nito sa 'kin.

"Huwag mong kakalimutan na iisa lang kayo ng agency Sofia kaya isa ka rin sa walang kwentang modelo." saad ko at aksidenteng napatingin sa pintuan.

Nahagip ng paningin ko si Travis kaya biglang nag-iba ang pakiramdam ko. This is the time na ipakita kay Travis ang kakayahan ko bilang si Flare.

Lumapit ako kay Sofia eksakto lang upang marinig niya ang bulong ko.

"Gusto mo bang sabihin ko sa lahat kung paano mo nakuha lahat ng endorsement? Hindi ka lang pala sa stage naghuhubad, pati na rin sa mga mayayamang lalaki naghuhubad ka at minsan nga sumasama ka pa sa kanila. Right, Sofia?" mahinang bulong ko dito lumayo sa kaniya at pagkatapos ay nginisihan ito ng mapang-asar.

"Anong gusto mong ipalabas na malinis ka? Akala mo ba babalikan ka ni Travis dahil lang sa pagiging sikat mo? Hindi ka nga niya kilala kaya paanong babalikan ka niya at isa pa kahit balikan ka ni Travis, hindi ka gusto ng lola niya kaya hindi mo pa rin siya makukuha. Pathetic." saad nito at nagkibit-balikat lang ako sa sinabi niya.

Lumayo ito sa 'kin at humarap sa lahat ng modelo.

"Announcement! Ang inirerespeto niyong Flare ay may maitim na sikreto! Hindi niyo ba alam na ang babaeng 'to ay natutulog kasama ang iba't ibang lalaki para lang marating niya ang kinalalagyan niya ngayon." sigaw niya at ang mga modelo naman ay nagsimulang mag-bulongan.

Hindi ko alam pero kusang hinanap ng mga mata ko si Travis. Gusto kong malaman kung ano ang reaksiyon niya pero tanging blangko ang emosyon nito at galit na nakatingin sa 'kin.

"Can you tell me kung saan mo nakuha ang balitang 'yan?" seryosong tanong ko dito.

Hindi na bago sa 'kin ang balitang ito dahil palaging nami-misunderstood ng lahat ang buong kwento.

"Siguro sa dinami-dami mong lalaki kaya hindi mo na matandaan kung sinong lalaki ang nakasama mo." mapang-asar na saad ni Sofia.

Wala akong ibang naiisip maliban sa tatlong tinulungan ko kaya napangisi na lang ako sa sinabi ni Sofia.

"Is that Stephen from Starlight Century, Josiah from Mary Luminence or Jay? Ofcourse hindi ko sila malilimutan dahil talagang malalim ang pinagsamahan namin. Baka ikaw nga ang walang alam kung sino sila sa buhay ko."

Natahimik ito kaya napaupo ako sa aking upuan. Tulad ng inaasahan ko isa si Sofia sa taong walang alam sa tunay na nangyari sa pagitan naming apat.

"Alam kong mahilig ka sa kwentong tabi-tabi kaya ako na lang ang magkukwento sa 'yo kung sino sila sa buhay ko. Stephen was not famous back then at kahit pambili ng pagkain ay wala siya. Sa tingin mo sino ang naglabas ng pera para lang sa pagkain at damit niya at sino sa tingin mo ang tumulong sa kaniya upang maitayo ang Starlight Century na siyang gustong applyan ng mga modelo?" saad ko at hinintay siyang sumagot pero nakatingin lang ito sa 'kin at halata sa mukha nito ang unti-unting pagkapahiya.

"Okay, so kay Josiah naman tayo from Mary Luminence. Josiah was a famous model in Italy under FZT Empire pero isang araw naaksidente ang kotse niya kaya napilitan siyang huminto sa pagmomodelo. Wala akong ibang ginawa kung hindi tulungan siyang makabangon sa pamamagitan ng pagtulong sa kaniyang maitayo ang kompanya niya. Kaya pa ba ng sarili mong malaman kung sino si Jay?" anas ko dito pero wala pa rin itong sagot. Kinuha ko ang aking cellphone at may idinial na numero.

"I miss you so much Ate Ally!" masiglang bati sa akin ng isang batang babaae.

"I'll visit you someday Jay. Wait for ate, okay?" sagot ko pabalik dito.

"My daughter misses you so much visit her okay." saad ng kaniyang ina.

"I will tita, bye!" sagot ko at ibinaba ang tawag.

Napuno ng bulungan ang hall dahil sa ginawa kong pagpapaliwanag kay Sofia. Natutuwa naman akong nakikita siyang talunan tulad ng pagpapahiya niya sa 'kin dati.

"Jay is a girl and her real name is Jayzell but I prefer calling her Jay. She is a cancer survivor under my foundation and I help her family build a company to supply their needs." pagpapaliwanag ko at tiningnan ang reaksiyon niya.

Bata pa lang si Jay ay muntik na itong mamatay dahil sa cancer. Si Jay ang nagsilbing anak ko noong mga panahong hindi ko pa alam na buntis ako kaya lahat ng maaari kong itulong kay Jay ay ibinibigay ko para lang humaba ang buhay niya.

Tumayo ako at nilapitan si Sofia na ngayon ay namumutla dahil sa pagkapahiya.

"I love fighting with anyone pero kinikilala at inaalam ko muna ang mga impormasyon bago ako sumugod sa kalaban. Hindi tulad ng iba diyan, away ng away wala naman pala talagang alam." mapang-asar na saad ko sa kaniya at akmang sasampalin niya ako ng nahawakan ko ang kamay nito.

"Apologize to me for what you just said!" sigaw ko dito at tumawa lang siya.

Bigla kong binitawan ko ang kamay nito dahilan upang muntikan siyang matumba. Kung wala lang si Travis baka kanina ko pa siya nasampal.

"Hindi dahil mas nakakataas ka na sa 'kin pwede mo na akong utusan sa gagawin ko. Sa paningin ko ikaw pa rin ang talunang Allyson na walang ginawa kung hindi ang umalis dahil takot harapin ang problema!" sigaw nito pero hindi ko na lang pinansin.

Matagal ko ng kinalimutan ang nangyari sa 'kin dati maliban na lang sa pagpapahiya at pagtalikod nilang lahat sa 'kin.

"Why can't you move on? Baka isipin ko isa ka sa nagplano ng frame up na 'yon." sagot ko dito at ngumisi siya.

Bago ako bumalik sa Pilipinas ay inalam ko muna kung sino ang puno't dulo ng lahat ng ito kaya alam kong walang kinalaman si Sofia dito. Isa lang siyang natural chismosa at mang-aagaw pero hindi siya ang tipo ng taong sisira ng iba para lang makuha ang gusto niya.

"Huwag mo sanang kakalimutan na malapit ng mag-expire ang kontrata ko sa kompanyang ito." panimula nito at umupo sa katabi kong upuan. "Kilala ako sa mundo ng pagmomodelo kaya maraming modeling agency ang naghahabol sa 'kin. Huwag kang pakampante na pipiliin kong manatili sa Soul Empire dahil sa inasal mo." dagdag nito at ngumisi na tila hahabulin ko siya.

"Congratulations! Mabuti na man at natauhan ka na. Kating-kati na nga akong matapos ang kontrata mo para naman lumago ang kompanyang 'to." bati ko sa kaniya at nalilito naman siyang napatingin sa 'kin.

Binalingan ko ang mga modelo at hinanap si Rory na tahimik lang na nakatingin sa amin habang ang iba ay nagbubulungan.

"Since first day ikaw ang unang kumuha ng atensiyon ko at sa evaluation ngayon, talagang pinatunayan mo ang sarili mo na karapat dapat kang maging head model ng Soul Empire. Starting today ikaw na ang head model ng Soul Empire." saad ko kay Rory at lahat naman sila ay nabigla sa sinabi ko.

Nginitian ko lang anv mangiyak-ngiyak na Rory at pagkatapos ay binalingan si Shiloah.

"Starting today ibigay mo lahat ng activities ni Sofia kay Rory at yung iba na hindi pwede gawan mo na lang ng cancellation of contract." tumango si Shiloah kaya ibinalik ko ang atensiyon ko kay Sofia na kasalukuyang naiinis na nakatingin sa 'kin.

"Talagang nahihibang ka na Allyson. Really? Termination of contract? Hindi mo alam kung gaano kalaking problema ang dala mo sa kompanya ni Travis kung mawawala ako dito at isa pa, aren't you afraid that Travis may come to you for trouble?" aniya na tila sigurado siya sa sinabi niya.

Hindi ko naman siya masisisi dahil talagang maraming nag-aalok ng projects kay Sofia pero kung titingnang mabuti, kayang-kaya siyang tapatan ni Rory kung bibigyan lang si Rory ng wastong training.

"Si Travis ang naghahabol sa talent ko kaya isa sa requirements ko bago ko kinuha ang offer niya ay, ako ang hahawak sa buong modeling staff pati na rin ang finance department." nilapitan ko at inilagay ang isa kong kamay sa gilid ng ulo niya sapat lang na marinig niya ang bulong ko.

"Kasali na rin ang hindi pag-renew ng  kontrata namin sa 'yo." saad ko dito at napatingin naman siya ng masama sa 'kin kaya nginitian ko ito para lalong dagdagan ang galit niya.

"Alam mo ba? Kung wala ka na sa kompanya, sigurado akong mahihirapan ka na lapitan si Travis dahil sisiguraduhin kong hindi ka niya papansinin. Sa pagkakataong iyon, kukunin ko ang lahat ng kinuha mo sa 'kin at ikaw na man ang magmamakaawang tulungan ko." bulong ko dito at lumayo sa kaniya.

Halata sa mukha nito ang pagkabahala kaya mas lalo akong natuwa. Kinuha ko ang folder na ipinagawa ko kanina kay Shiloah at ipinakita ito kay Sofia.

"Sayang naman Sofia. Naghanda pa naman ako ng extension sa kontrata mo pero parang wala ka talagang p-----."

"Don't you dare!" pigil nito sa akmang pagpunit ko at agad niya namang kinuha at pinirmahan ito.

Tulad nga ng inaasahan ko ito lang ang paraan para manatili si Sofia sa kompanya. Gusto ko siyang mawala sa landas namin ni Travis pero hindi muna ngayon dahil unti-unti ko pang kinukuha ang loob ni Travis at hindi pa gaanong sikat si Rory para ipalit ko kay Sofia.

"Hindi kita hahayaan na makuha mo ang gusto mo!" sigaw nito sa 'kin at pabagsak na ibinaba ang folder.

"How sure are you sa sinabi mo? I'll make sure na sa loob ng isang buwan, si Rory ang kikilalanin bilang national model ng Soul Empire." saad ko sa kaniya at napasinghap naman ang mga tao sa loob.

Tumingin ito ng masama sa 'kin at hindi man lang siya nagsalita. Sa lagay niya ngayon, alam kong kinakabahan na siya sa maaaring kahihinatnan niya.

Travis P.O.V

Pinanuod ko siya habang nag-eevaluate sa mga modelo hanggang sa sagutan nila ni Sofia at pakiramdam ko naging proud ako sa kaniya. Yung tipong nagdidiwang ang loob ko habang tinitingnan siya at hindi ko alam kung bakit.

"Ang saya natin masyado Travis." saad ni Chad habang naglalakad kami pabalik sa aking opisina.

Hindi ko ito sinagot pero hindi ko rin pinigilang ipakita ang saya ko.

"Hindi ko alam kung mabuti ba ang pagbabago na nangyari kay Allyson pero talagang humanga ako sa ginawa niya kay Sofia." komento ni Chad at talagang sang-ayon ako sa sinabi niya.

Hindi ko inaakalang sa simpleng salita lang ni Allyson ay makukuha niya ang pirma ni Sofia dahil kung ako ang nasa posisyon ni Allyson, mapipilitan akong bigyan siya ng materyal na bagay para lang hindi siya umalis sa kompanya.

"She really deserved the title of being the CEO's wife." dagdag ni Chad at napailing ako.

Hindi ko man alam ang balak ni Allyson pero maganda ang ipinakita niyang performance ngayon and I'm proud of her. Sana lang talaga magtuloy-tuloy ang ginagawa niya dahil hindi ko magugustuhan kapag sinira niya ang tiwala ko.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status