Share

Chapter 3

Allyson's P.O.V

Pagkalabas na pagkalabas ni Travis sa kwarto ay agad kaming dinumog ng media. Hindi naman ako natatakot sa pagiging agresibo nila dahil halos lahat ng nandito ay kakilala ko at ako mismo ang pumili sa kanila.

"I'm so sorry to disappoint everyone but I'm with my sister. Hindi po totoong kami lang ni Travis ang tao dito." nakangiting saad ni Sofia at dumikit sa akin.

Ayan nga Sofia maging plastic ka para naman hindi ako makonsensya sa mga gagawin ko sa'yo.

"Bakit ngayon lang nagpakita sa media ang kapatid mo?" Tiningan ko ang reporter na nagtanong at napangiti matapos makitang kakilala ko ito.

"I came back because I need to take care some personal affairs and also I want to see my lovely sister." sagot ko dito at hinawakan si Sofia.

Nagpresenta naman silang kukuha ng litrato kaya todo ngiti naman ang ginawa ko. Hindi naman labag sa aking kalooban ang maraming litrato dahil makikinabang naman ako.

"See you next time sissy." bulong ko kay Sofia at nagpaalam na aalis na.

Wala na akong ganang makipagplastikan pa kaya mas mabuting planohin ko na ang susunod kong hakbang upang mapalapit ang loob ni Travis.

Kinuha ko ang aking cellphone at tinawagan ang numero ni Zia.

"Accept the papers for me." tukoy ko sa kontratang ipinadala sa akin sa Italy ni Travis.

He's still ruthless as before pero kailangan ko ng putulin ang pagiging mapagmataas niya. I promise to hit twice as hard!

Pagkatapos kong umalis sa hotel ay agad akong nagbihis at pumunta sa hotel na kinalalagyan ni Auntie Almira upang bisitahin ito. Kaagad namang tumulo ang luha ko matapos makitang wala pa rin siyang malay kahit pitong taon ko siyang hindi nabisita.

"Auntie, I'm back. Please wake up na okay? I miss you so much Auntie." maluha-luha kong saad dito kahit alam kong hindi siya sasagot sa akin.

Masyadong maputla ang labi nito, siguro dahil na rin sa tagal ng pagkakatulog niya kaya nagkaganito.

"Bago nangyari ang aksidente tanging pangalan mo ang bukambibig niya. Paniguradong sasaya siya kapag nalaman niya na bumalik ka na." komento ni Iris, pamangkin ni Auntie Almira.

Napangiti naman ako sa sinabi niya dahil si Auntie Almira talaga ang dahilan kung bakit umuwi ako.

"Thank you for taking care of her Iris. I know maraming bagay ang isinakripisyo mo para lang maalagaan si Auntie. Hindi ko talaga alam ang gagawin ko kapag may nangyaring masama kay Auntie." pagpapasalamat ko kay Iris.

Sila ang talagang magkapamilya pero malapit ang loob ni Auntie sa'kin dahil ito ang nagsilbi kong guro noong nagsisimula pa lang ako sa pagdedesinyo.

"Pasensya talaga at hindi namin mabayaran ang utang namin sa 'yo ate. Wala kasing natira sa factory at isa pa, lahat ng ipon niya ay naubos sa pang araw-araw na gastusin namin."

Nilingon ko si Iris at hinawakan ang kamay nito.

"Ayos lang tutal pamilya na ang turing ko sa inyo. Huwag mo ng isipin ang pera ako na ang bahala."

Umiling ito sa akin na tila hindi niya matanggap ang sinapit ni Auntie.

"Alam ko kung gaano kamahal ni Auntie factory pero lahat ng ito ay wala na. Hindi ko na alam kung paano ko sasabihin sa kaniya na wala na ang factory." mangiyak-ngiyak na saad ni Iris kaya niyakap ko ito.

"Don't worry Iris. I came back to find out that truth. Hindi ko kayo iiwan sa laban na 'to. Ipaghihiganti natin si Auntie sa taong may gawa nito sa kaniya." pagpapalakas ko ng loob niya.

"Thank you ate. Masyado ka na atang ginabi ngayon." saad niya kaya napatingin ako sa bintana.

"Babalik ako kapag nagkaroon ako ng oras." Tumango lang ito sa'kin kaya nagpaalam akong uuwi na.

Hindi naman ako natagalan sa byahe dahil malapit lang ang condo ko sa hospital.

"How was it?" bungad sa akin ni Zia at iniabot sa akin ang tubig.

"Wala pa rin akong mahanap na ebidensya Zi." malungkot na sagot ko at umupo sa sofa na agad naman niyang dinaluhan.

"Huwag kang mag-alala dahil wala rin akong nakuhang ebidensya. Sinubukan kong kumuha ng impormasyon mula kay Iris pero hindi niya raw kilala si Luigi at tanging si Auntie Almira lang ang nakikipag-usap sa mga kliyente niya." napatango ako sa sinabi ni Zia.

"Pero may nakakatawa akong kwento sa'yo." napataas ang kilay ko sa sinabi ni Zia. Halata naman sa mukha nito ang saya.

"Balita ko na ipinadala ni Travis si Luigi sa detention center dahil sa malaking utang nito sa kompanya kaya paniguradong magkakaroon tayo ng mahabong panahon para makapag-imbestiga." nakangiting kwento ni Zia.

"Talagang hindi ko alam kung ano ang paniniwalaan ko Zi. Ikaw na ang bahalang mag-imbestiga sa kaso ni Luigi." utos ko kay Zia at tumango naman siya.

"Naiinis lang talaga ako dahil nasayang ang pagkakataon kanina dahil sa katangahan ni Sofia. Nakalimutan ko kasi na masyadong bata at walang utak si Sofia kaya nakampante ako na makukuha niya ang loob ni Travis." diretsong saad ko habang nakatingin sa nakadikit na litrato ni Travis sa pader ng bahay.

"I don't think it's a waste. I think makakatulong ang video na nakuha natin para mapabagsak mo si Sofia, kasi kung ako ang tatanongin napakalaki ng issue na 'to kapag ipinabalas natin sa publiko ang pagiging desperada ni Sofia." nakangising suhestiyon ni Zia kaya napaisip rin ako. May punto si Zia at talagang masisira ko ang imahe ni Sofia pero hindi ko muna sisirain ang bunay niya. Gusto kong maging masaya siya habang unti-unti kong binabawi ang mga bagay na kinuha niya.

"Pero Ally, talaga ba na nagpapanggap lang si Travis na 'di ka niya kilala o talagang hindi ka niya matandaan?" diretsong tanong ni Zia sa'kin kaya napaisip din ako sa aking isasagot.

"Hindi ko alam kung nagpapanggap ba si Travis pero gusto kong makita ang susunod niyang hakbang. Sa pagkakakilala ko sa kaniya siya ang tipo ng taong gagawa at gagawa ng paraan para lang masagot ang katanongan sa utak niya." sagot ko at uminom ng tubig.

"Pero paano kapag hindi ka talaga niya kilala?"

"Hindi ako bumalik sa Pilipinas para lang sayangin ang oras ko at isa pa alam na alam ko kung paano makuha ang loob ng isang Travis Tan, Zia."

Naniniwala pa rin ako na hindi basta-bastang nakakalimot ang puso lalo na kung may galit ka sa taong ito. Malaki ang galit sa'kin ni Travis bago ako umalis kaya imposibleng makalimutan niya ang isang Allyson Romero.

"Siguraduhin mo lang na hindi ka ulit masasaktan Ally dahil alam mo na may naghihintay sa'yo sa Italy."

Bigla ko tulay naisip ang taong naghihintay sa akin sa Italy kaya napangiti ako.

"Pagbabayarin ko lang ang mga taong may pakana sa nangyari kay Auntie at uuwi kaagad ako sa Italy. Sisikapin kong hindi bumalik sa Pilipinas kahit kailan." sagot ko kay Zia at napatango naman siya.

Travis P.O.V

"Akala ko ba gusto mong makihalubilo doon pero bakit naman naisipan mong umuwi ng maaga?"

Tiningan ko ng masama si Chad at itinapon sa kaniya ang suot kong necktie.

"Sino ba namang makakatiis sa isang party na puno ng makati at ilusyonadang mga tao." diretsong saad ko dito at huminga ng malalim.

Hindi ko ugaling makihalubilo sa ibang tao pero para sa kompanya ay gagawin ko pero dapat kasama ko  palagi si Chad.

"At isa pa, bakit hindi ka pumasok? Alam mo naman sigurong hindi ako marunong makisama sa ibang tao!" reklamo ko dito pero tinawanan niya lang ako.

"Paalala ko lang Travis na special secretary mo lang ako at hindi special someone mo kaya huwag kang magreklamo na parang babae at isa pa ang tanda-tanda mo na pero kailangan mo pa ng presensiya ko."

Biglang uminit ang ulo ko kaya naitapon ko sa kaniya ang unan sa sofa.

"Huwag mo 'kong sisimulan Chad at baka maipadala kita sa Brunei ng wala sa oras." banta ko dito at napatawa naman siya.

"Ano ba kasing nangyari at masyadong mainit ang ulo mo?" may halong tawang tanong ni Chad.

"Muntik na akong pagsamantalahan ni Sofia at may isang babaeng tinawag akong asawa niya eh hindi ko naman siya kilala." sagot ko dito at bigla naman siyang natahimik.

"Kahit naman ata ikandado kayo ni Sofia sa iisang kwarto hindi ka niya makukuha dahil alam naman natin na wala ka talagang alam sa mga bagay-bagay at isa pa baka naman fan mo lang ang tumawag sayo bilang asawa niya. Nabasa ko kasi na inaangkin nila ang mga idolo nila bilang asawa." seryosong paliwanag ni Chad pero hindi pa rin ako kumbinsido.

"Sa nakita ko kanina, malabong isa siya sa mga fans ko. Kilalang-kilala niya ako Chad na tila ba nakalimutan ko siya." sagot ko dito.

Bigla namang lumapit sa akin si Chad at tiningnan ako ng seryoso.

"May sasabihin sana ako sa'yo Travis pero hintayin mo muna ang paliwanag ko."

Hindi ko ito kumibo at sa halip ay tiningnan lang siya ng diresto. Umupo muna ito at ngumiti ng peke.

"You're not single anymore Trav." kunot noo akong napatingin dito.

Anong I'm not single anymore eh buong buhay ko nakatuon lang ang atensiyon ko sa pagpapalago sa kompanya kaya imposibleng magkaroon ako ng asawa maliban na lang kung...

"You're married seven years ago Travis. Hindi ko gustong ilihim sa'yo ang bagay na 'to pero pakiramdam ko kailangan mong malaman ang totoo." saad ni Chad kaya nagulat ako.

All this time akala ko single ako pero may asawa na pala ako, pero bakit hindi ko man lang siya nakita pagkagising ko?

"So hindi talaga siya nagbibiro nang sinabi niyang asawa ko siya?" Gusto ko lang namang kompirmahin kung asawa ko ba talaga siya.

"If she's Allyson Romero then she's your wife." diretsong sagot ni Chad.

"So I'm really married." balik na saad ko para matanggap ko ang sinapit ko.

"Pero teka may hindi ka pa nalalaman."

Muling napabalik ang tingin ko sa kaniya at binato ito ng isa pang unan.

"Kung ako sa'yo sasabihin ko na ang lahat ng nalalaman ko dahil baka bukas nasa Brunei ka na naka destino." banta ko dito at tumayo naman siya kaagad kaya napabalik ako sa aking pwesto.

"Ano kasi eh, nangako ako sa pamilya mo na hindi ko sasabihin sa'yo ang nakaraan mo para naman hindi ka magkaroon ng problema sa buhay." kamot ulong paliwanag nito kaya naibato ko sa kaniya ang sapatos ko.

"Anong problemang pinagsasabi mo? Asawa ko ang nakalimutan ko kaya paniguradong napakalaki ng pagkukulang ko sa kaniya Chad. Kung sana sinabi mo na lang sa'kin dati na may asawa pala ako edi sana hindi ganoon ang trato ko sa kaniya. Kailangan ko pa palang magpaliwanag sa kaniya para hindi siya mag-isip ng kung ano-ano."

Hindi ko alam kung kanino ako maiinis dahil wala naman akong maalala kahit ano. Hindi ko rin naman magawang magalit sa lola ko dahil ito na lang ang mayroon ako pero hindi ko lang maintindihan kung anong problema ang pinagsasabi nila.

"Oo na dapat sinabi ko sayo ang lahat dati pero mas mataas ang respeto ko sa lola mo kaya pipiliin ko talagang sumunod sa utos nila." sagot niya at binato ako ng unan pero mabuti na lang at nasalo ko ito.

"Ako ang nagbibigay ng sweldo mo Chad kaya ayusin mo ang desisyon mo sa buhay." pagpapaalala ko dito at itinaas naman niya ang kamay niya na tila sumusuko.

"Alam ko naman na ikaw ang bumubuhay sa 'kin pero huwag mo rin kalimutan na mas matanda siya sa'yo kaya dapat siya ang sundin ko at isa pa naiintindihan ko naman ang punto niya."

Napabuga ako ng hangin sa sinabi niya. Para naman kasing hindi tama ang ginawa nila dahil malaking parte ang asawa ko sa buhay ko kahit na nakalimutan ko ito.

"Why did she keep it a secret from me?" wala sa sariling tanong ko.

"Sa tingin ko nagawa niyang ilihim ang impormasyong ito dahil gusto ka lang niyang protektahan mula kay Allyson." sagot ni Chad kahit hindi naman talaga siya ang tinanong ko.

"Protektahan sa sarili kong asawa?" patanong na sagot ko.

"Hindi kaya ng lola mo kapag nakikita ka niyang malungkot kapag nalaman mo ang totoo at isa pa sa pitong taon mong pagkakatulog walang Allyson ang bumisita sa 'yo kaya napagdesisyunan ng pamilya mo na tuluyan ng kalimutan si Allyson." paliwanag niya na naging dahilan upang magalit ako kay Allyson.

Asawa niya 'ko pero hindi man lang niya nagawang bisitahin ako kahit isang beses man lang tapos bigla-bigla siyang magpapakita sa 'kin na tila hindi siya nagkulang sa pagiging asawa.

"Bakit? Wala naman sigurong nangyari sa amin bago ako na comatose 'di ba?" Nagkibit balikat lang siya bago sumagot sa akin.

"Your grandma is coming home kaya mas mabuting siya na lang ang kausapin mo. Wala ka kasing sinabi bago ka naaksidente kaya wala akong alam sa totoong nangyari sa'yo pero sa pagkakaalam ko ay pumunta ng Italy si Allyson at pagkatapos ay nawalan kami ng balita tungkol sa kaniya. Sinubukan ko siyang sundan para sana pabalikin dito sa Pilipinas dahil sa nangyari sa'yo pero wala akong nahanap na Allyson sa Italy." sagot ni Chad kaya napabuga ako ng hangin.

"Nakakapagtaka nga 'di ba na bigla-bigla siyang umuwi at talagang nagpakita pa siya sa'yo." dagdag pa nito kaya bigla akong napaisip.

Sang-ayon ako sa sinabi ni Chad. Halata naman na hindi pera ko ang habol niya dahil mukha namang maayos ang pamumuhay niya base sa nakita ko kanina. Porselana ang kutis nito at talagang napakabango niya. Mahahalata talaga kung gaano siya kayaman kaya imposibleng pera ang gusto niya.

Maliban na lang siguro kung hindi niya kayang kalimutan ang matipuno niyang asawa kaya wala siyang ibang naisip na paraan kung hindi ang bumalik dito at magpakilala ulit sa akin.

"Sa nakikita ko ngayon paniguradong nagbubuhat ka na naman ng sarili mong bangko."

Napahilamos ako sa aking mukha upang ipakita ang pagkalito ko.

"Sa tingin mo pera ang habol niya? Hindi naman siguro siya naghihirap dahil mahal naman ang pamasahe pauwi sa Pilipinas at isa pa napakaganda ng kutis niya kanina." wala sa sariling saad ko.

"Sigurado akong hindi pera ang dahilan ng pagbalik niya dahil sabi ng media kanina, mamahalin ang kotseng dala ng asawa mo at sa maniwala ka man o hindi, limited edition ang sasakyang ginamit niya kanina kaya paniguradong mas mayaman pa siya sa'yo ngayon Travis." pagbibigay liwanag ni Chad sa tanong ko.

"Hire someone to investigate everything she did in Italy before she came back in the Philippines and find out her hidden agenda. Bantayan mo ang bawat kilos na gagawin niya dahil baka may plano siyang sirain ako." utos ko kay Chad at tumango naman siya.

"Paano kung mahulog ulit ang loob mo sa kaniya Travis? Alam mo na naman siguro na hindi siya magugustuhan ng pamilya mo kahit na ano pa ang gawin mo." komento ni Chad kaya tiningnan ko ito ng masama.

"Pinagsasabi mo? Gusto ko lang protektahan ang kompanya kaya ko siya pinaiimbestigahan. Alam mo naman na wala akong oras sa mga taong manloloko." pagtatanggol ko sa sarili ko.

I won't let her hurt me again o kung ano mang problema ang naidulot niya dati. Sisikapin kong alamin ang bawat kilos na gagawin niya para mapigilan ko ito.

"Siya nga pala Trav, may napansin ako sa kapatid mo."

Napakunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya. Wala naman kasi akong kapatid kaya hindi ko alam kung sino ang tinutukoy niya.

"Si Yuri ang tinutukoy ko kaya huwag mo 'kong bigyan ng tingin na 'yan." saad niya kaya napapikit ako.

Talagang lapitin ata ako ng problema ngayon at nagkasabay-sabay ang problema ko.

"Ano na naman ang ginawa ng adopted na babaeng 'yon?" walang gana kong tanong.

"Pakiramdam ko kasi may gusto siya sa'yo kasi napaka-weirdo ng bawat kilos niya kapag kasama mo siya."

Kaagad akong napadilat ng mata sa sinabi niya.

"Pinagsasabi mo ulit? Kabahan ka nga sa mga sinasabi mo Chad. Kahit naman adopted lang si Yuri hindi naman pwedeng magkagusto siya sa'kin."

Kumuha ito ng tubig at nag-isip ng malalim kaya pumikit ulit ako.

"Sige nga kung hindi nga siya nagkakagusto sa'yo bakit ka lumipat ng bahay kahit na alam mong matanda na ang lola mo?" nanghahamong tanong ni Chad sa akin kaya wala akong nagawa kung hindi ang sabihin sa kaniya ang totoo.

"Matagal ko ng alam na may gusto si Yuri sa'kin kaya pinili kong umalis sa bahay namin para sana mawala ang nararamdaman niya pero hindi ko lang alam kung hanggang ngayon ako pa rin ang gusto niya pero sana hindi na ako." sagot ko dito at agad naman itong lumapit sa'kin.

"Ang masasabi ko lang talaga sa'yo Trav na sana sinabi mo na lang ng diretso sa mukha niya na wala kang gusto sa kaniya dahil base sa mga napapanuod kong palabas, sila ang nagiging baliw sa pag-ibig na humahantong sa patayan."

Bigla ko tuloy naibato kay Chad ang imuupuan kong unan.

"Huwag mo'kong idamay sa kabaliwan mo." tanging sagot ko na lang dito at tuluyang nagpadala sa antok.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status