Sinuri ko ang bawat sulok ng kwarto kung saan makakanap ng tamang pwesto para makunan ang bawat kilos nila. Sa pagiging makati ng kapatid ko alam ko na gagawa at gagawa siya ng paraan upang makuha niya si Travis.
"Can you make it faster?" tanong ni Zia mula sa earpiece na tila nagmamadali.
"I need two minutes to completely install all the camera. Please stall them."
I need to extend another two minutes dahil masyadong napatagal ang paghahanap ko ng tamang angulo.
"Hurry up Ally."
Nagsisimula ng maglabasan ang pawis sa aking noo. Unti-unti na akong kinakabahan dahil baka makita nila ako. Hindi ko pwedeng sirain ang sarili kong plano dahil malaking problema ang maaaring maidulot nito kapag nagkataon.
Pabalik-balik ang tingin ko sa aking cellphone at medyo nabuhayan ako ng tinik matapos makitang tatlong segundo na lang ang kulang.
"They are on the last floor, hurry up!" natatarantang saad ni Zia.
"I'm done, thank you." sagot ko dito at agad na hinablot ang dala kong cart kanina. Mabuti na lang at may nakita akong b****a kaya may magagamit akong alibi kapag nagkaroon ng problema.
Eksaktong pagkuha ko ng cart ay ang pagpasok nila Travis kaya agad tumingin sa sahig upang maitago ang aking mukha. Hindi pa ngayon ang tamang oras ng aming pagkikita at hindi ko rin hahayaang makita niya ako sa ganitong ayos. I'm Flare, the international critic his aiming for.
"Wait!" napatigil ako sa aking paghakbang at hinintay ang susunod na sasabihin ni Sofia.
"Be sure to close the door when you leave." bilin nito sa akin na sinagot ko lang ng isang tango. Mahirap na kapag nagsalita ako at mahalata niya ang boses ko.
Isasarado ko na sana ang pinto nang biglang magsalita si Travis.
"Don't close the door. People might think we are doing something." saad nito kaya umalis na lang ako tulak-tulak ang cart na dala ko.
Pagkaalis ko sa lugar na iyon ay agad kong tinungo ang aking kwarto at kaagad na nagbihis. Kailangan ko munang panuorin ang gagawin nila bago ako susugod.
Napapangiti ako habang tinitingnan kong gaano ka desperada ang kapatid ko na makuha si Travis. Masyado lang makaluma ang ginawa niya kaya duda akong magtatagumpay siya pero gusto kong magtagumpay siya upang mapatunayan ko na masamang tao nga si Travis
"You've drugged this water, right?" napabalik ang tingin ko sa screen dahil sa pagsasalita ni Travis.
Naitapon ko ang tv screen dahil sa katangahan ni Sofia. Hindi pa ngayon ang oras ng pag-aaway nila kaya dapat kong gawan ng paraan ang kapalpakan ng kapatid ko.
"Zia plan B."
Zia's P.O.V
Medyo kinabahan ako matapos makitang paakyat ng kwarto sina Travis at Sofia. Hindi pa tapos si Ally sa kaniyang gagawin at natatakot ako na baka maabutan siya at may mangyaring masama.
"Please stall them." napatango ako sa sinabi ni Ally kahit alam kong hindi niya ako makikita.
Kaagad kong tinakbo ang hagdan papuntang third floor upang maabutan ang elevator upang maantala ang kanilang pagpunta sa ikawalong palapag.
Kagaya ng ginawa ko sa elevator sa ikalawang palapag, tinakbo rin ang bawat hagdan para maabutan ko ang bawat elevator. Sa ganitong paraan ko lang matutulungan si Ally na hindi gumagamit ng dahas.
Travis P.O.V
"I'm so sorry Mr. Tan for the inconvenience." saad ni Sofia at medyo dumikit sa akin.
Bakit ba kasi nasa ikawalong palapag ang kwarto ng babaeng 'to. Mabilis pa naman akong mainis sa mga katulad niya.
"I'll give you three minutes to fix yourself. I don't have so much time Sofia." diretsong saad ko sa kaniya dahil baka mag-isip na naman 'to ng kung ano-ano.
Bumukas ang elevator kaya nagkaroon ako ng pagkakataong lumayo sa kaniya.
Pinindot ko na lang ulit ito dahil wala namang tao. Pasasalamatan ko talaga ang staff ng hotel na 'to kapag nagpatuloy ang pagbukas ng elevator bawat palapag.Hindi ko lang alam kung sinadya ba ang pagbukas ng elevator sa bawat palapag o talagang sira ang elevator ng hotel na 'to. Sa bawat palapag kasi ay palaging bumubukas ang elevator kahit wala namang tao. Hindi naman ako naniniwala sa multo dahil hindi pa naman ako nakakakita.
"Sira ba talaga 'to?" patanong na tanong ko sa aking sarili pero lumapit sa akin si Sofia at hinawakan ang braso ko.
"Huwag ka ng mainis Travis. Ako ang bahala sa'yo para naman lumamig ang ulo mo kahit sa simpleng paraang nalalaman ko." saad niya pero itinulak ko siya sa pader.
"Don't touch me like yiur throwing yourself Sofia. Paano na lang kung malaman ng lahat na ang supermodel na kilala nila ay may tinatagong landi? You're such a disgrace in my company." galit na saad ko dito pero napangiti lang siya.
"I know how much you like what I'm doing right now Travis kaya huwag ka ng pakipot dahil sa'yo lang naman ako ganito." sagot nito sa akin at akmang lalapit na naman pero tiningnan ko ito ng masama.
"One more move at talagang mawawala ka sa listahan ng modelo sa Soul Empire. I'm good with my words Sofia and I know you know that." banta ko dito kaya napatayo siya ng maayos.
Dati pa lang ay halata ko na ang bawat motibong ibinibigay sa akin ni Sofia pero wala talaga akong planong patulan siya lalo na't wala sa plano ko ang maghanap ng katuwang sa buhay. Marami namang babae ang naghahabol sa akin dahil sa perang mayroon ako kaya napakahirap humanap ng matinong babae.
"We're here." saad ni Sofia at agad humawak sa braso ko.
"Don't touch me Sofia! I'm still your boss at kayang-kaya kitang tanggalin kahit kailan ko gusto." banta ko dito pero mas lalo lang niyang inilapit ang sarili niya.
"Well, I'm so sorry to disappoint you pero maraming nakatingin sa atin ngayon at kung gusto mo talagang tuluyang masira ang pangalan mo, sige awayin mo 'ko kung kailan mo gusto." nakangiting saad nito habang nakatingin sa mga taong nakatingin sa amin.
"You're really trying my patience for you Sofia." sagot ko dito at inipit ang daliri niya sa aking braso.
I don't tolerate flirty personality pero kailangan ko rin alagaan ang imaheng mayroon ako para sa kompanya. I don't want to lose everything just because of her.
Pagpasok namin sa kwarto ay naabutan namin ang isang staff ng hotel na kagagaling lang sa paglilinis ng kwarto. Sinabihan ko na rin ito na buksan ang pintuan dahil hindi ko gustong makarinig ng iba't ibang issue kasama si Sofia.
"Can you please stay here Mr. Tan? We can discuss my contract privately." tanong nito at naunang umupo sa sofa. Nanatili lang akong nakatayo at nakatingin sa labas ng building upang makapagtimpi. Medyo naamoy ko na ang plano ng babaeng 'to.
"One minute left and you still want to talk about contract? Are you sure makakaya mong sabihin lahat sa loob ng isang minuto?" dudang tanong ko habang nanatiling nakatayo.
Bigla akong napaatras matapos itong yumakap sa akin galing sa likod. Sa lahat ng ayaw ko ay ang niyayakap ako ng kahit kanino.
"I hurt my arm Travis, would you please go to the kitchen and bring me some ice pack?"
Hindi sa gusto kong pagsilbihan siya pero siya ang top model namin ngayon at hinihintay ko pa ang pagdating ni Flare para sa bago nitong modelo. Kung sana napaaga lang ang pagdating ni Flare, edi sana nakaiwas na 'ko sa babaeng 'to.
Kumuha ako ng ice at binalot na lang ito sa tuwalya dahil ito lang ang tanging gamit sa loob ng hotel na nakikita ko. Talagang three star ang ibibigay ko sa serbisyo nila.
"Help yourself." saad ko at iniabot sa kaniya ang dala kong ice.
"Thank you Travis." saad nito pero hindi ko ito sinagot.
"Travis" tawag nito sa akin kaya napatingin ako dito.
"I know the weather is hot kaya inom ka muna ng water." dagdag pa niya at iniabot sa akin ang isang bote ng mineral water.
Tinanggap ko ito dahil gusto kong makumpirma ang hinala ko at hindi nga ako nagkamali dahil may naamoy ako sa tubig.
"You've drugged the water, right?" nakangising tanong ko dito at kita naman sa mukha nito at kaba.
"I don't know what y-you're talking about T-Travis." sagot nito pero halata namang kabado.
"I'm young and the only CEO of Soul Empire kaya dapat alam mo kung ilang babae ang may gustong pakasalan ako at may iba rin na gustong mabigyan ko ng anak. I've been almost drugged since I take over the position I'm holding right now kaya hindi mo 'ko maiisahan sa lumang paraan mo." sagot ko dito at iniabot sa kaniya ang tubig. "You said this water is safe, right? Then drink it."
Ngumiti ito sa akin upang itago ang kabang nararamdaman niya pero alam ko na ang baho ng bawat modelong hawak ko.
"I don't know what you're talking about Travis. Gusto ko lang namang malamigan ka dahil baka magka heat stroke ka." saad pa niya at talagang nilakihan ang ngiti.
"Drink it!" utos ko dito at kinuha naman niya ang bote.
Tulad ng inaasahan ko ay ibinaba niya ang bote. Sino ba namang tao ang iinom sa sariling patibong?
"Ginawa ko lang naman 'to dahil mahal na mahal kita Travis." paliwanag niya kaya napabuga ako ng hangin.
"Do you really like me or do you like the spotlight once you become the wife of Soul Empire CEO?" seryosong tanong ko habang iniiwas ang tingin sa kaniya. Baka kasi kapag tiningnan ko ito ay masaktan ko siya. Napatingin lang ako dito dahil bigla niyang hinawakan ang kamay ko kaya naalarma ako. Maliban sa ayaw kong mayakap ng kahit kanino ay hindi ko rin gustong mahawakan ng mga taong hindi ko binigyan ng karapatan upang hawakan ako.
"I don't care about the spotlight Travis. I really love you so much." nagmamakaawang saad nito at pilit na inilalapit ang kamay ko sa d****b niya.
Hindi ko alam kung masakit ba ang ginawa ko pero napadaing ito matapos ko siyang maitulak.
"If you really want to continue the luxury you're having right now, then don't try my patience Sofia. You're just an employee and I'm still your boss." saad ko at tinalikuran ito dahil baka ano pang magawa ko sa kaniya.
"Travis!" tawag nito sa akin kaya napalingon ako dahil sa tunog ng pagkabagsak nito.
Pagkalingon ko sa kaniya ay nasa braso na niya ang strap ng damit niya. Talaga nga namang inaakit ako babaeng 'to.
"If you're tired of your job I can directly give you the major insurance payout and then you're free to ruin your life but don't forget to payback our investment." saad ko dito at medyo naluha naman siya.
Sana talaga hindi na lang siya naging modelo dahil sa hitsura niya ngayon pwede na siyang maging artista.
"Hindi ko naman sisirain ang buhay ko para lang akitin ka Travis. Hindi mo ba talaga nakikita ang pagmamahal ko sa 'yo? Ako ang palaging nasa tabi mo Travis kaya hindi ako naniniwalang wala kang nararamdaman para sa'kin."
Naibato ko bote sa pader ng kwarto dahil kailangan ko lang ilabas ang galit ko.
"Don't you dare say those words again Sofia. I will never love you Sofia so stop hallucinating. Also, don't ignore my last warning." saad ko dito at tinalikuran siya.
"Little sis!"
Napahinto ako sa aking paglalakad dahil sa babaeng pumasok. Talaga bang nagtawag pa siya ng katulong para lang maikama ako.
"What a dramatic scene Sofia. I didn't know that you can do this." saad ng babae at naglakad palapit kay Sofia kaya sinundan ko ito ng tingin.
"At talagang nagtawag ka pa ng kakampi para lang maisagawa ang plano mo. Indeed a big show for me." pa tango-tango kong komento at inobserbahan ang dalawa.
"Get up and talk Sofia." blangkong utos ng babae na agad namang sinunod ni Sofia.
"Don't misunderstood us Ally. Nag-uusap lang kami ni Travis tungkol sa trabaho." saad ni Sofia sa babae. Mukhang maganda ang palabas ng dalawang 'to.
Allyson's P.O.V
"Don't misunderstood us Ally. Nag-uusap lang kami ni Travis tungkol sa trabaho."
napairap ako sa sinabi ni Sofia. Talagang inaakala niyang mapapaniwala niya ako sa lumang laro niya."Ofcourse I'm not a close minded. It's just that your strap keeps on telling me that you're seducing Travis. I'm scared that you'll ruin your own reputation because of the lust you're feeling right now. I understand how desperate you are but you can't seduce your brother-in-law." sagot ko dito at agad naman niyang inayos ang strap ng damit niya.
"Ofcourse not!" agad na depensa ni Sofia sa kaniyang sarili.
"Brother-in-law?" patanong na saad ni Travis habang tinitingnan ang nangyayari.
Isa pa 'to ang galing din umarte. Akala mo hindi niya talaga ako kilala kung makatitig.
"What are you talking about? Do I really need to play a loving couple with you?" saad ni Travis habang nakakunot noong nakatitig sa akin.
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Alam kong malaki ang galit niya sa akin seven years ago pero wala sa usapan namin na kakalimutan niyang may asawa siya at siya mismo ang hindi pumirma sa divorce paper na ibinigay ko seven years ago.
"I know how much you hate me seven years ago Travis, but you can't prentend that you didn't know me." sagot ko dito na mas lalong nagpakunot ng noo niya.
"Look, masyado mo atang ginagalingan ang pag-arte mo at sinali mo pa talaga ako. I'm a single man kaya huwag niyo na akong idamay sa kalokohan niyo." sagot nito sa akin kaya napatingin ako kay Sofia. Napangisi naman siya sa'kin na tila may nalalaman siyang hindi ko alam. Tingnan lang talaga natin kung hanggang saan aabot ang pagloloko niyong dalawa. Sisiguraduhin ko na mababawi ko ang mga bagay na dapat ay akin.
"Where's Sofia's room?"
"Room 867 daw sabi ng babae sa lobby."
"Baka yung bukas na pintuan."
Napalingon kaming tatlo sa pintuan. Saglit namang nagdiwang ang sarili ko dahil saktong-sakto lang ang pagdating ng mga mediyang kinuha ni Zia.
"I know you like Travis, Sofia kaya ayos lang na kunin mo siya sa'kin dahil desperada ka naman at nakikita ko naman ang bawat pagsusumikap mo pero kailangan mo ba talagang kumuha ng media para sa kalandian mo? Uhm, if they'll know about the real story I bet masisira ang image mo sa lahat ng nakapalibot sa'yo at mapapahiya rin si Travis." pang-iinis ko dito.
"She's making stories Travis! Don't listen to her!" sigaw ni Sofia kay Travis pero nakatuon ang atensiyon ni Travis sa nakabukas na pintuan.
"Alam kong ikaw ang nagset-up sa amin ni Travis, Ally. Huwag kang magmalinis dito!" sigaw niya sa kin pero tiningnan ko lang ito.
"I don't know what you're trying to do and I don't want to know, but I hope you both know what to say and what should be left out." saad ni Travis at naunang lumapit sa pintuan kung saan naghihintay ang buong media.
"You know what? naisip ko lang na kapag ba kinaladkad kita dito at ipapalabas ko sa media na sinubukan mong akitin ang brother-in-law mo sisikat ka? Baka kasi makatulong sa popularity mo para na rin magkaroon ka ng maraming promotions." suhestiyon ko sa kaniya at kaagad naman siyang namutla.
"Don't you dare ruin my image Allyson. Wala kang karapatang sirain ang buhay ko dahil isa ka lang hampaslupa kagaya noong dati. Stop acting like ibang-iba ka sa aliping Allyson na nakilala ko seven years ago." sagot niya sa'kin kaya nginisihan ko ito na alam kong ikagagalit niya.
"Try me Sofia but don't forget that you're just a trash Sofia and not Sofia the first. You'll always stay behind my shadow no matter what you do." paalala ko dito at akmang sasagot na siya pero lumapit sa amin ang media.
Travis P.O.V
Iniwan ko na ang dalawa dahil baka may plano silang magkapatid. Gusto ko na lang matapos ang palabas ng magkapatid dahil wala akong planong sumakay sa laro nila. I don't want to be part of their family.
"Did you stay in the same room alone with Sofia?"
"Does it mean that you and Sofia are a couple?"
"You're now caught staying alone with Sofia, does it mean you're about to get married?"
Huminga muna ako ng malalim upang maikalma ang sarili at para na rin makapag-isip ng tama. I should be careful dahil baka gawan na naman ako ng panibagong issue.
"Alon in a room together? Why don't you all enter the room to see if we are really alone." sagot ko at binigyan sila ng daan upang makapasok sa loob.
Minabuti kong lumabas na sa lugar na iyon dahil nalinis ko na naman ang pangalan ko.
"Prepare the car, I'm going home." utos ko kay Chad bago pinatay ang tawag.
Trabaho ang ipinunta ko dito pero iba ang nakuha ko. Nagkaroon pa ako ng asawang ngayon ko lang naman nakita at muntik na akong mapainom ng druga dahil sa kagustuhang maikasal sa akin.
Allyson's Point of ViewMasyadong marami ang nangyari sa buhay ko. Sa loob ng limang buwan ay hindi ako makapaniwalang mapapaibig ako ni Travis. Sa ugali palang nito ay malabo ko na itong magustuhan, pero binago niya ang ugali niya na kinaiinisan ko. Lahat ng gusto ko sa isang lalaki ay sinubukan niyang sundin. Noong una nga ay hindi ako makapaniwala na magkakaroon ng panahon na magkakasundo kami ni Travis. Katatapos nga lang ngayong araw ang conmpetition at sa hindi ko inaasahang pangyayari ay si Zia pa ang kinuha kong mode. Hindi nga sana ako papayag na siya ang magiging model ko dahil nalaman ko na galing pala siya sa isang mayaman na pamilya, pero nagpumilit siya dahil gusto niya raw itayo ang sarili niyang pangalan. "Mauuna na muna ako sayo Ally at baka hanapin ako ng kapatid ko." paalam ni Zia sa akin nang pabalik na kami sa room namin. Tumango lang ako sa kaniya at pagkatapos na sa aming kwarto. Uuwi rin naman ako ngayon dahil tapos na ang kompetisyon. Bago ako dumiretso sa k
Allyson's Point of ViewTulad ng napag-usapan namin kahapon ni Travis ay nagsama kami upang bisitahin ang Lola niya. Namili pa ako ng formal na damit upang magmukha akong tao sa harapan niya. Isang buwang sahod rin ang nagamit ko para sa damit na suot ko."Hindi ka ba marunong ngumiti?" biglang tanong ni Travis kaya tiningnan ko ito. Kasalukuyan kaming nakatayo sa labas ng bahay ng Lola niya. Inaaasahan ko na sobrang laki nito upang hindi ako magulat."Hindi naman kasali sa agreement natin na kailangan kong ngumiti ng walang dahilan." sagot ko dito. Agad namang kumunot ang noo nito."Ang akin lang naman ay baka isipin ng mga tao sa loob ng bahay na pinilit lang kita dito. " Nag-iwas ako ng tingin at muling tumingin sa bahay."Hindi ba't iyon naman talaga ang totoo." sagot ko dito. Talagang napilitan lang naman ako dito."Mag-asawa tayo ngayon, kaya dapat lang mag-asawa rin ang kilos natin. Sa posisyon natin ngayon para lang tayong nasa isang blind date." saad nito, pero hindi ko siy
Allyson's Point of ViewMas napili kong pumasok ng maaga upang mas madali kong matapos ang gagawin ngayon. Kailangan kong matapos ang trabaho ko sa Soul Empire bago pa malaman ni papa na nagkita na kami ni Mr. Tan. Baka mas lalo niya lang akong piliting magpakasal sa lalaki. "Ally, anak" Gulat akong napatingin sa lalaking sumalubong sa akin.Hindi ko inaasahan na pati sa trabaho ko ay aabot siya para lang kulitin ako sa gusto niyang mangyari."Ano sa tingin niyo ang ginagawa mo dito?" taas kilay jong tanong.Wala pa namang ibang empleyado dahil masyado pang maaga at isa pa ay alam na ni Auntie na hindi maganda ang samahan namin ni papa."Sinubukan kitang tawagan kagabi, pero hindi ka naman sumasagot. Kinakabahan tuloy ako kaya pumunta na ako dito upang kumustahin ka." kunwari nag-aalalang saad nito, pero kung titingnang mabuti ang sitwasyon ay nandito siya para makuha ang sagot ko."Huwag na po tayong maglokohan dito at masasayang lang ang oras ko. Ano po ba talaga ang pakay niyo sa
Allyson's Point of View Maaga akong bumisita sa puntod ni mama. Gusto kong sabihin sa kaniya ang plano ko para sa nalalapit na kompetisyon. Ito kasi ang pangarap namin noong nabubuhay pa siya. Alam kong wala siya sa tabi ko, pero sigurado naman ako na nakatingin siya sa akin mula sa itaas. "Ma, pasensya kung ngayon lang ulit ako nakadalaw sa inyo. Masyado kasing marami ang naganap sa buhay ko. Kailangan kong ihanda ng maayos ang sarili ko para sa competition. Pangako ko sa inyo na ako ang mananalo kagaya ng nangyari sa inyo. I'll bring the trophy to you." nakangiting saad ko sa puntod nito. "Paniguradong masaya ang mama mo ngayon dahil nandito ka." Awtomakitong nawala ang ngiti sa aking labi. Sa boses pa lang nito ay may ideya na ako kung sino ang dumating. Siya lang naman ang taong kinaiinisan ko dahil mas pinili niya ang pangalawa niyang pamilya keysa sa akin. Tanda ko pa kung paano niya madaling napalitan ang nanay ko habang ako ay nagluluksa. "I'm here Christine" saad nito s
Allyson's Point of ViewMas lalo akong naging tamad nitong mga nagdaang araw. Palagi ko ring inaalala ang hitsura ko at pakiramdam ko ay mas tumaas ang confidence ko ngayon. Naninibago ako sa nangyayari ngayon sa buhay ko kahit hindi naman ito ang unang pagkakataon na nangyari ito.Kasalukuyang nakaupo si Tyrell sa gitna namin ni Travis. Kanina pa sila naglalaro kaya natulog lang ako dito sa sala. Nagulat na lang ako dahil pakiramdam ko ay may nakatingin sa akin kaya nagising ako. Palagi akong natatawa kapag nakikita ko si Travis na problemado kay Tyrell. Minsan na lang kasi magkasama pagkatapos niyang gumaling. Laking pasalamat ko dahil nagawa pang maagapan ang buhay ni Travis kasi masyadong maliit sa 50% ang chance na mabubuhay pa siya matapos siyang mahulog mula sa pag-uusap nila ni Austin. "Ang sabi sa akin ni great grandma ay may baby sister po ako sa tummy mo!" Kahit hindi ito ang first time na may dala akong bata sa sinapupunan ko ay pakiramdam ko ay naninibago ako. Mas kai
A lot of things may changed, but my feelings for her won't fade. Siya lang ang babaeng gusto kong makasama sa bawat pagdilat ng mga mata ko.Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang nagawa naming lampasan ni Allyson ang lahat ng problema na magkasama.Buong buhay ko ay iginugol ko sa kompanya dahil ang gusto ko lang naman nuon ay ang palaguin ang mga bagay na ibinigay ng magulang ko at para na rin masuklian ang paghihirap nila para sa akin. Hindi ko inaasahang pagdating pala ni Allyson sa buhay ko ay mababago ang lahat ng pananaw ko sa buhay.Bukad sa pamilya ko ay siya ang unang babaeng nagbigay kulay sa buhay ko. Binigyan niya ako ng pag-asang maging mabait sa lahat na hindi ko inaasahang makakaya ko.My wife gave me strength to continue all the bottles I have right now and I can't imagine a life without her. Kahit na minsan ay nagagalit siya sa akin na walang rason ay hindi pa rin siya pumapalya sa pagpaparamdam sa akin na ako lang ang lalaki sa buhay niya.Dahan-dahan ak