One year after, 14 years old na si Olie at si Cly naman ay 17. Pauwi na si Olie galing skwelahan, wala ang dad niya dahil may lakad ito kaya si Cly lang ang nasa bahay kasama ng mga katulong.
Magaan ang loob ni Olie dahil alam niyang walang mananakit kay Cly dahil wala ang daddy niya.
"Can I have that?" tanong ni Vladimir, kasama niya ito ngayon. Nag-aaral sila sa isang private school at dahil magkakalapit lang ang bahay nila ay may naka-assign sa kanilang school bus na exclusive only for them.
Halos lahat ng nasa bus kasama ni Olie ay mga anak mayayaman. Kaya madalas ay nakikipagplastikan siya sa kanila dahil wala siyang choice.
"This is mine," sabi ni Olie.
"Pero hindi mo naman kinakain,"
"But it doesn't mean hindi ko ito kakainin,"
The chocolate is for Cly. Alam ni Olie na pinagbabawalan ito ngayong kumain ng sweets. Masiyado itong hinihigpitan ng daddy niya.
"Why are you so mean to me?" tanong ni Vlad.
"Hindi naman,"
Pinagkunutan niya ito ng noo, tila ay hindi naniniwala sa sinasabi ni Olie. Hindi rin alam ni Olie bakit ayaw niya sa mga ito where in fact, mabait sila sa kaniya.
"Kamusta pala ang aso mo sa bahay?" ngumisi si Vladimir.
Olie trained herself not to make any unnecessary face para lang hindi magduda ang lahat sa kaniya. She doesn't want them to know that she cares for Cly.
For her, Cly is a child, kawawa ito. No one is protecting him.
"He's still a dog," ngumisi rin si Olie.
Tinitigan ni Vlad ang mukha niya at maya-maya pa ay ngumisi ito then humarap sa harapan at pinikit ang mata. Sometimes, Vladimir is hard to read that’s why, Olie is very meticulous to her actions when she’s with Vlad.
"Anong pinag-usapan niyo?" tanong ni Keith sa likuran.
"About her dog," nakangising sabi ni Vlad. Itinikom ni Olie ang bibig niya at tumingin sa labas ng bintana.
Gusto nalang niya na makauwi, nagtitimpi siyang hindi masuntok si Vlad at baka mapagalitan siya ng dad niya.
Natatanaw na ni Olie mula sa kinatatayuan niya ang bahay nila, sa labas pa lang, nakita na niya ang kamay ni Cly na nakahawak sa gate.
"It looks like your dog is waiting for you," sabi ni Vladimir
Bakit nasa labas si Cly? May nangyari ba? Mga tanong na naglalaro sa isipan ni Olie.
Nang huminto ang bus, agad siyang lumabas pero hindi ito nagmadali para hindi iyon magbigay ng kahit na anong kahulugan sa mga kasama niya.
"Bye Olie," sigaw ni Keith. Nang lumingon si Olie sa kaniya, si Vlad ang nakita niya sa likuran.
"O-O-lie..." Rinig niyang tinatawag siya ni Cly pero hindi niya ito magawang pansinin dahil bumaba rin si Vlad. Ayaw niyang magkunwaring baliwalain si Cly dahil ayaw niya itong saktan.
But Vlad is with her that’s why she’s torn.
Bakit siya bumaba? Hindi pa naman niya bahay ito. Tanong ni Olie sa kaniyang isipan.
"What are you doing, Vlad?"
"I'm sending you off," nakangising aniya.
"Why?"
Nagkibit balikat ito. "I just want to,"
"But Vlad-"
"Is there something wrong, Olie?"
"O-O... Olie.." tinatawag na naman siya ni Cly, gusto niyang harapin ito at ngitian gaya sa lagi niyang ginagawa pero hindi niya magawa ngayon o ang kahit batiin siya dahil kasama nila si Vlad.
Cly is glaring at Vlad. Marahang niyang inikot ang leeg niya, trying to relax his muscle. It’s pissing him that Olie is not paying attention to him.
"Wala naman," rinig niyang sagot ni Olie kay Vlad.
Nakita ni Cly na tumingin si Vlad sa kaniya. "Hindi mo ba papansinin ang aso mo?"
Tumingin si Olie sa kaniya, Cly is expecting that Olie would give him her smile pero hindi iyon nangyari. Bumaling ulit si Olie kay Vlad. Nalukot naman ang mukha ni Cly.
Hindi ko alam anong gagawin. Olie thought. She knew that Cly was expecting her to smile but instead, tinalikuran niya ito dahil natatakot siya sa maaaring mangyari. Vlad came closer to her. Agad siyang inakbayan nito.
Nagulat si Olie sa ginawa niya, pero mas nagulat siya nang biglang tumilapon si Vlad sa lupa, nang lumingon si Olie kung sino ang tumulak kay Vlad, nakita niya si Cly na galit na galit na nakatingin kay Vlad.
"Cly!" Sigaw ni Olie.
Lumabas na rin ang ibang katulong. Nakita ni Olie na nasaktan si Vlad kaya sinubukan niya itong lapitan para tulungan pero hinawakan siya ni Cly sa braso kaya hindi siya nakalapit kay Vlad.
"Anong ginagawa mo Cly?" nanlalaki ang matang tanong ni Olie ng balingan niya si Cly.
But the devil softened his face ‘cause he knew Olie na hindi ito magagalit sa kaniya.
"O-Olie s-stay..."
Kinakabahan si Olie. Hindi dahil nasaktan si Vlad, iyon ay baka si Cly ang saktan ng dad niya mamaya oras na malaman nito ang ginawa ni Cly kay Vladimir.
"Cly, let me go. Let me help Vlad," pagsusumamo ni Olie
Umiling si Cly. ‘Why would I?’ Cly thought.
"A-A-A.. yaw...."
Nakagat nalang ni Olie ang pang ibabang labi niya. Tumingin siya sa mga katulong para tulungan nalang nila si Vlad na makatayo.
"Please send Vlad to his home," nag-aalalang sabi ni Olie sa kanila.
"Sige po lady Olie,"
Tinulungan nila si Vlad na makatayo at hinatid nila ito sa bahay nila.
Agad niya namang inakay si Cly papasok sa bahay. Dumiretso sila sa itaas, hindi niya maibuka ang labi niya. Ang totoo, nanginginig siya sa takot.
"A-Are..a-are you... m-m-mad O-O... lie?" balisang tanong ni Cly.
Hindi alam ni Olie anong gagawin niya kay Cly. Paano kung igapos na naman siya ni dad?
Anong magagawa ko? Paano ko siya matutulungan? Olie thought.
Kinuha niya ang kamay ni Cly at hinigit papasok sa loob ng kwarto niya kung saan walang CCTV na magmo-monitor sa kanila.
Sinigurado niyang nakalock ang pinto. Hinarap niya ito, ngunit kasabay no'n ang pagtulo ng luha sa mga mata niya.
"Cly, why did you do that?" umiiyak na tanong ni Olie.
Clymenus was taken aback at what he saw. ‘Why? Why are you crying? Cause I hurt that boy?’ Cly thought.
"H-H-He's s-stea...ling you f-from C-Cly.." he answered honestly.
Nagulat si Olie. Cly is not greedy so why? First time niya ring manakit ng tao. Olie thought while looking at him.
"Cly, hindi mo dapat tinulak si Vlad,"
"W-Why... you.. m-mad?"
"Cly, I'm not mad. I'm worried. Paano kung igapos ka ulit ni dad dahil tinulak mo si Cly? Paano kung saktan ka niya? Cly, stop worrying me,"
It’s not obvious in his innocent face but Cly was shunned when Olie said that. ‘Oh. So you’re crying because of me?’ he’s fighting the demon inside him para lang hindi ngumiti.
But at some point, mukha siyang naguilty na umiyak si Olie dahil sa kaniya.
Olie wanted to keep him safe. She doesn't want him to feel he's alone. Ayaw rin niyang masaktan si Cly.
"S-So.. rry O.. Olie,"
Olie buried her face at Cly’s chest.
Ang lakas ng tibok ng puso niya dahil kinakabahan siya ng sobra.
Olie is aware that even though Cly is mentally retarded but his physique is perfectly normal. Gifted pa nga dahil foreigner ang magulang niya.
Saka lang siya nakakayakap ng ganito kay Cly kapag nakatayo siya, dahil kapag yumayakap si Cly sa kaniya sa kama, lagi nito ibinabaon ang mukha nito sa leeg o dibdib niya. Mukha itong batang nakayakap sa kaniya.
Right now, si Olie ang nagmumukhang bata sa mga yakap ni Cly.
"You need to be kind to them Cly kahit bad sila sa'yo cause it'll keep you safe. I can't protect you all the time," bulong ni Olie sa kaniya.
"Cly a-af-raid,"
"Don't be. Hindi nila ako aagawin mula sa'yo. I promise you that," matapos niyang sabihin iyon, naramdaman nalang niya na humigpit ang pagkakayakap ni Cly sa kaniya.
Hello everyone.. Please leave a comment and rate this story. Laking tulong po sa akin ang pagrate niyo
Naghintay ng ilang oras si Veins sa sala hanggang sa nakita niya si Cly na pababa mag-isa.“Cly, si Ol-"“I’m sorry Veins but you need to leave.” Malamig na sabi ni Cly na nagpatigil sa kaniya sa paglapit. Unti-unting nawala ang ngiti sa labi niya. Para siyang napapahiya na pinapaalis na siya.“Cly, anong problema?” mahinahing tanong ni Ceria.“Walang problema ate. I just want her to leave. Ayaw ni Olie na narito siya.”“Nalaman na niya?”“Yes. Sinabi ko. Ayaw ko ng maglihim pa sa kaniya.”Tumingin si Cly ulit sa kaniya. “Dinala kita dito para sana iharap kay Olie at e-explain sa kaniya why that happened. But Olie refused to face you. I’m sorry Veins.”Napilitan siyang ngumiti.“N-Nauunawaan ko Cly, Ceria..” Pagsingit niya sa magkapatid.. “Kung ganoon, mauna na ako.” Kinuha niya ang bag niya at naglakad na paalis ng bahay.“Hatid na kita sa labas.” Sabi ni Ceria.“Hindi na. K-Kaya ko naman.” At nagmamadali siyang umalis, ngunit kasabay ng pagtalikod niya ay ang pagtulo ng luha sa mga m
“Hi,” nakangiting sabi ni Veins kay Olie matapos siyang makalapit dito.“Hello.” Labas sa ilong na sagot ni Olie sa kaniya.Tumingin siya kay Ceria dahil talagang pinapakita ni Olie na hindi ito natutuwa na narito siya sa bahay ni Cly. Mahinang natawa si Ceria at sinabi sa kaniya na pagpasensyahan nalang muna sa walang tunog.Tumikhim siya at bumaling ulit sa babaeng buntis na nagsusungit. “Congratulations pala,” aniya.“Yeah. Salamat.”“Galit ka pa ba sa akin?” mahinahon niyang tanong.“Bakit naman ako magagalit sayo?”“Exactly. Wala ka namang rason para magalit sa akin. Cly and I are just friends.”Tinignan siya ni Olie, ang mata ay nanghuhusga. Tumayo ito at basta nalang siya iniwan. Umakyat ito sa hagdan at pumasok ng kwarto. Napanganga tuloy siya sa kaniyang nasaksihan at tumingin kay Ceria ulit.“N-Nakita mo ang ginawa n-niya?” hindi siya makapaniwala sa nasaksihan.“Pasensya na Veins…”“Wala naman siyang dapat ikaselos. Magkaibigan lang kami ni Cly.”Ngumiti si Ceria sa kaniya.
She stopped and she even gasped for air nang matamaan ng paningin niya ang kamay ni Veins na pasimpleng humahawak sa kamay ni Cly.‘That woman! Hanggang ngayon ba hindi pa rin niya nilulubayan ang asawa ko?’Halos magngitngit ang kalooban niya dahid doon.Sinubukan niyang ngumiti, pero nawawala ang pagngisi niya dahil sa dinidikitan ng ibang babae ang asawa niya. Hindi lang simpleng babae, yung babae pa na alam niyang gustong umagaw sa asawa niya noon.She wanted to shrug it off pero habang tumataas ang kamay ni Veins sa parte ng katawan ni Cly, e kinakabahan siya.‘Let go of him!’ mahinang usal niya sa isipan niya pero hindi tumatalab ang anumang manifestation niya..‘Sinusubok talaga niya ang pasensya ko.’ Bulong niya at hindi niya namamalayan na naririnig na ni Ceria ang mga sinasabi niya.‘Cly, get away from her.’Natatawa na ito sa tabi. Ceria finds her cute na nagsiselos. “Pfft. Ang buntis, nagselos.”“Cly.”Hindi na siya nakatiis, tinawag na niya ang pangalan ni Cly habang pabab
“Please… please… please…” ang salitang paulit ulit na sinasabi ni Olie habang nanginginig ang kamay niya at naghihintay sa resulta ng pregnancy test.Hindi na siya dinatnan at malakas ang kutob niya na nagdadalang tao na siya.“Olie.” Naririnig niya ang boses ni Ceria. “Sabi ni sir Buenito, kanina ka pa raw sa CR. Ayos ka lang ba?”“Yes ate. Sandali lang.”Bumaling siya ulit sa pregnancy test.“Please, magpositive ka… Magpositive ka…”Pumikit siya at taimtim na dinalangin na sana ay magpositive ang resulta. Nang sa tingin niya ay may result na, doon na niya binuksan ang mga mata niya.“YEEEEEES!!!” Napasuntok pa siya sa ere at agad na binuksan ang pinto.Naabutan niya si Ceria na nag-aalalang tumingin sa kaniya. “Olie, what happened?”“Ateeeee, I’m pregnant!”Namilog ang mata ni Ceria. “Seryoso ba?”Agad pinakita ni Olie ang pregnancy test niya at sabay silang tumili ni Ceria.“CONGRATULATIONS OLIEEEE!!”Sa tuwa pa niya e sumayaw na siya at nagtutumalon. “I’m pregnant… I’m pregnant…”
“Finally, nakauwi na rin si Samantha.” Emotional na sabi ni Buenito. Itinabi nila si Samantha kung nasaan si Liam.“Yes lo. Sana masaya na si mama ngayon.” At yumakap si Olie sa lolo niya.Malungkot man para sa kaniya na hindi niya man lang nakasama ang dalawang mahal niya sa buhay, masaya pa rin siya ngayon dahil kahit papaano na nakauwi na ang mama niya sa tahanan nito.“Wife.” Sabay sila napatingin kay Cly na nakalahad ang kamay sa harapan niya.“Let’s go?”Tumango siya at binigay niya ang kamay niya dito. “Tara na lo.” Pag-aya niya sa lolo niya.Tumango si Buenito at sumunod sa kanila. Tumingin siya kay Cly na nasa kay Olie ngayon ang buong attention.Huminga siya ng malalim.Kung siya lang talaga ang papipiliin, mas gusto niyang sa Cyprus nalang sila ng apo niya at ipagpatuloy ang buhay nila, pero hindi niya aakalain na matapos makita ni Cly si Olie, e mababago agad ang isipan ng apo niya.Marami pa siyang gustong itanong kay Cly, isa na doon sa kung nasaan ngayon si Arvin.Pero
Umiiyak si AJ habang nakayakap sa mama niya, ang apat naman e nakayakap sa hita ni Cly. Kanina pa sila nakayapos, walang plano na humiwalay. “Bakit pa kasi kayo uuwi tito?” tanong ni BJ na kulang nalang ay iiyak na.“Dito nalang kayo ni tita Olie, please…” Napatingin si Cly kay Olie na ngayon e hindi alam paano sosolbahin ang kinakaharap nilang konting suliranin.Aalis na sila maya-maya, pero ang lima, paggising pa lang, naiiyak na. Si AJ ang literal na umiyak, nagpipigil lang yung apat.“But we need to go home kasi naroon na sa bahay ang lolo ni tita Olie at miss na siya ng lolo niya.” “Papuntahin na lang po natin sa bahay ang lolo ni tita.” Sabi ni AJ na karga ni March. Huminga ng malalim si Cly. Kahit siya nahihirapan. Nong una lang, inis na inis siya sa apat pero ngayon, parang ayaw na rin niya umuwi.Kahit pa makukulit ang quintuplet, alam niyang mamimiss niya ang mga ito. Humigpit ang pagyakap sa kaniya ni DJ. “Tito, please stay with us. Please… please… huwag na kayo umuwi