Se connecter**Kabanata 3 — Mga Alaala ng Gabing May Maskara**
Tahimik ang gabi sa mansion. Nakahiga si Azia pero gising ang diwa niya. Habang nakatitig sa kisame, isa-isang bumabalik ang mga alaala ng gabing pilit niyang kinalimutan. Ang ilaw. Ang musika. Ang lamig ng hangin sa rooftop ng hotel sa New York City. At ang lalaking naka-maskara na tahimik na nakatayo sa tabi niya. Napapikit siya. At doon nagsimulang mag-flash ang mga alaala. --- Dalawang buwan ang nakalipas. Charity masquerade party iyon na inimbita siya ng dati niyang kaibigan sa trabaho. Sabi, magandang networking daw. Pero ang totoo, sobrang out of place siya sa mga taong naroon. Puro mayayaman. Puro elegante. Puro confident. At siya? Naka-rent lang na gown at halos madapa sa taas ng heels. Sa sobrang kaba, naparami ang inom niya ng wine. Hanggang sa nahilo na siya. Lumabas siya sa rooftop para magpahangin. Doon niya nakita ang isang lalaking nakatayo sa gilid, nakatingin sa siyudad. Naka-itim na suit at silver na maskara. “Ganda ng view no?” sabi niya noon, medyo lutang na. Hindi ito nagsalita. Pero tumabi. “Pwede bang dito na lang ako? Nahihilo na ako sa loob…” Tumango ito. Tahimik lang sila sa simula. Hanggang sa bigla siyang napasalita. “Alam mo, minsan nakakapagod maging strong…” Napalingon ang lalaki sa kanya. “Parang ikaw lang ang lumalaban sa buong mundo…” Hindi pa rin ito nagsalita. Pero nakikinig. Ramdam niya. “Ang hirap maging mag-isa sa ibang bansa…” Doon niya naramdaman ang marahang paghawak nito sa balikat niya. Hindi bastos. Hindi mapilit. Parang nagsasabing *nandito lang ako.* At doon siya umiyak. Umiiyak habang nagsasalita ng kung anu-ano. Hanggang sa napahawak siya sa dibdib ng lalaki dahil nahihilo na siya. At hindi niya namalayan… Na niyakap na siya nito. Mahigpit. Mainit. Ligtas. --- Bumalik si Azia sa kasalukuyan. Bigla siyang napaupo sa kama. “Oh my gosh…” Lahat ng detalye. Ang boses. Ang amoy ng pabango. Ang paraan ng pagyakap. Lahat… pareho kay Edward. --- Kinabukasan, nadatnan niya si Edward sa kusina. “Edward!” Napalingon ito. “What?” “I remember.” Napatigil ito. “Everything?” “Oo… yung rooftop… yung pag-iyak ko… yung yakap mo…” Tahimik si Edward. “Bakit hindi mo sinabi agad sa akin?” “Because you were vulnerable that night. I didn’t want you to feel embarrassed.” Natameme siya. “Pinrotektahan mo pa rin ako kahit hindi ko alam…” “You were precious that night.” Namula si Azia. “Grabe ka magsalita…” “You kept talking nonsense.” “Hoy!” “But it was the most honest conversation I’ve had with anyone.” Natahimik siya. “Edward…” “Yes?” “May nangyari ba talaga sa atin noon?” Dahan-dahan siyang tinitigan nito. “Do you regret it?” “Hindi ko maalala ang buong gabi…” “Then don’t force yourself,” sabi nito. “What matters is, I never took advantage of you.” Napatingin siya. “You were the one who held my hand and refused to let go.” Namula siya. “Ganun ba ako kalasing?!” “Yes.” Napatawa siya sa hiya. --- Lumapit si Edward at inilapit ang noo sa kanya. “Azia… that night, you trusted me without knowing who I was.” Tahimik siya. “And now, you married me without knowing who I was.” Napangiti siya. “Parang tadhana no?” “I don’t believe in destiny.” “Pero mukhang naniniwala na katawan mo,” sabay tingin sa tiyan niya. Napailing si Edward pero may ngiti. --- Habang nag-uusap sila, mas gumagaan ang pakiramdam ni Azia. Hindi na nakakahiya alalahanin ang gabing iyon. Dahil ngayon, alam na niya kung sino ang lalaking kasama niya noon. Hindi isang estranghero. Kundi ang asawa niya ngayon. At ang ama ng dinadala niya. “Edward?” “Yes?” “Thank you for being kind to drunk me.” “Thank you for trusting masked me.” Nagkatinginan sila. At sabay na natawa. Sa gitna ng mga alaala ng gabing magulo… Unti-unting luminaw ang simula ng relasyon nila. Hindi sa kontrata. Hindi sa pirma. Kundi sa isang gabing pareho silang naging totoo sa isa’t isa—kahit nakatago ang mga mukha.Kabanata 15 — Ang Mukhang Kaibigan Maagang nagising si Azia kinabukasan, pero pakiramdam niya ay hindi talaga siya nakatulog. Parang buong gabi siyang nakahawak sa kaba na ayaw bumitaw. Tahimik ang panic suite. Sa tabi niya, tulog si Edward, pero mahigpit pa rin ang hawak nito sa kamay niya kahit natutulog. Para bang kahit sa panaginip, binabantayan pa rin siya. Dahan-dahan siyang bumangon at lumapit sa maliit na bintana na gawa sa makapal na salamin. Kita niya ang bakuran—mas maraming guwardiya, mas maraming galaw. “Parang nasa kulungan ako na may five-star view,” bulong niya sa sarili. Biglang tumunog ang intercom. “Ma’am Azia, may delivery po para sa inyo. Breakfast daw po galing sa paborito ninyong café.” Napakunot ang noo niya. “Hindi ako nag-order.” “May note po. From a friend.” Nanlamig ang likod niya. --- Ilang minuto ang lumipas, pumasok si Edward dala ang tray ng pagkain. “Hindi ko pinapasok agad. I had it checked,” sabi nito. May croissant, prutas, at mainit n
Kabanata 14 — Ang Unang Bitag Hindi agad nawala ang amoy ng pabango ni Lena sa receiving lounge kahit matagal na itong nakaalis. Para kay Azia, parang may naiwan itong anino sa bawat sulok ng bahay. Tahimik si Edward habang kausap ang head of security sa study. Kita sa mukha nito ang pagpipigil ng galit. “Full sweep. Lahat ng furniture, ilalim, kisame, vents. I want everything checked,” mariin nitong utos. Naupo si Azia sa sofa, hawak ang tiyan niya. Hindi siya umiiyak, pero ramdam niya ang panginginig ng mga daliri niya. Lumapit si Edward at lumuhod sa harap niya. “I’m sorry.” “Bakit ka nagsosorry? Hindi mo kasalanan na may baliw na pamilya na obsessed sa’yo,” pilit niyang biro. Ngumiti si Edward, pero hindi umabot sa mga mata. “She wasn’t here to threaten you. She was here to study you.” “Parang project?” tanong ni Azia. “Parang target,” sagot ni Edward. --- Kinagabihan, nagpasya si Edward na ilipat muna si Azia sa mas secure na bahagi ng mansion—yung dating panic suite
Kabanata 13 — Ang Babaeng may Ngiting DelikadoTahimik ang umaga sa mansion, pero hindi mapakali si Azia.Simula nang may dumating na drone at misteryosong kahon, pakiramdam niya may matang nakasunod sa bawat galaw niya. Kahit ang simpleng pag-inom ng tsaa sa hardin ay may kasamang kaba.“Relax ka lang,” sabi ni Edward habang inaayos ang kurbata niya. “May meeting lang ako sa board. Two hours, babalik ako.”“Two hours lang ha. Baka pagbalik mo may drone na namang kumakaway sa itaas,” biro ni Azia.Ngumiti si Edward at hinalikan ang noo niya. “The guards are doubled. You’re safe.”Pagkaalis ni Edward, naiwan si Azia kasama ang dalawang kasambahay at security sa labas.---Makalipas ang halos isang oras, may tumawag sa gate.Isang babae.Naka-puting dress, mahaba ang buhok, at may maamong ngiti. Mukha itong elegante, parang galing sa fashion magazine.Lumapit ang head guard kay Azia dala ang tablet.“Ma’am, sinasabi niyang kilala daw niya si Sir Edward. Important meeting daw po.”Tining
Kabanata 12 — Ang Lihim na Plano ni VictorMas naging mabigat ang hangin sa loob ng mansion mula nang malaman nila ang tungkol kay Victor. Kahit maliwanag ang araw, parang may aninong nakasunod sa bawat galaw nila.Nasa sala si Azia habang pinapanood ang CCTV monitor na ipinakabit ni Edward sa tablet niya.“Parang reality show ang buhay natin,” bulong niya habang hinihimas ang maumbok na tiyan.Pumasok si Edward, habang may kausap sa telepono.“Yes. Double the night patrol. And rotate the guards,” malamig nitong utos.Pagkababa ng tawag, lumapit ito kay Azia.“You shouldn’t be stressing yourself.”“Edward, mas nakakastress ang walang alam,” sagot niya.---Biglang may tumunog na notification sa security system.**Unauthorized drone detected above property.**Nanlaki ang mata ni Azia.“Drone?!”Tumingin si Edward sa live feed. Isang maliit na drone ang umiikot sa itaas ng bakuran.“He’s watching,” bulong nito.Nanlamig ang pakiramdam ni Azia.---Makalipas ang ilang oras, may dumating
Kabanata 11 — Ang Anino ng Mas Malaking Kaaway Tahimik ang umaga sa mansion, pero may kakaibang kaba sa dibdib ni Azia. Hindi niya maipaliwanag kung bakit parang may paparating na hindi maganda. Nasa kusina siya, kumakain ng prutas, nang pumasok si Edward na may seryosong mukha. “Love…” tawag niya. Napatingin si Azia. “Bakit parang may meeting ka na naman sa noo mo?” “Someone tried to access our home security system last night.” Napatayo siya. “Ha?! Akala ko tapos na ‘yung gulo kay Clara!” “I thought so too.” Nanlamig ang pakiramdam ni Azia. “Edward… sino pa ang may galit sa’yo?” “Sa negosyo, maraming tahimik na kaaway.” --- Maya-maya, tumawag ang head of security. “Sir, the IP address traces back to a private firm connected to **Victor Harrington**.” Napakunot ang noo ni Azia. “Sino ‘yon?” Tahimik si Edward. “He’s my competitor. And… former business partner.” “Former? Bakit naging former?” “Because I exposed his illegal transactions three years ago.
Kabanata 10 — Ang Bagong Simula ng Pamilya FalconLimang buwan na ang nakalipas mula nang maresolba ang lahat ng gulo. Mas maayos na ang takbo ng bahay at ng buhay ni Azia at Edward.Ang tiyan ni Azia ay halatang malaki na, at kahit simpleng lakad sa hardin ay napapagod siya.“Edward…” bulong niya habang nakasandal sa kama, hawak ang tiyan.“Yes, love?” tanong ni Edward habang nakatayo sa tabi niya, hawak ang tasa ng kape.“Gumagalaw na siya ulit.”Agad inilapit ni Edward ang kamay niya sa tiyan ni Azia. Sa unang pagkakataon, ramdam nilang pareho ang malakas na sipa ng baby.at hindi parin nakuntinto si Edward inilapit din Niya ang kanyang mukha sa tiyan ng asawa upang dinggin ito na kahalong ngiti sa labi.At muli itong sumipa.hey!“Ang galing niya,” ngumiti si Edward. “Maliit pa lang, tapang na tapang na.”Napatawa si Azia. “Tapos na ba ‘yung sunog na scrambled eggs natin? Kasi baka matakot din siya sa amoy ng nasunog na itlog.”Natawa si Edward. “Don’t worry. We hired a real chef.
Kabanata 9 — Ang Huling Pagsubok at ang Tunay na PaninindiganMas naging tahimik ang mga araw matapos ang “aksidente,” pero mas naging alerto si Edward. Nadagdagan ang security. Lahat ng sasakyan, chine-check. Lahat ng schedule, planado.Isang umaga, may natanggap na tawag si Edward mula sa legal t
Kabanata 7 — Kapag Ang Kontrata ay Naging TotooMula nang umamin si Azia at umamin din si Edward, nag-iba ang timpla ng bahay.ang dating mansion na madalas tahimik at walang buhay.Pareho pa rin ang mansion. Pareho pa rin ang mga tao. Pareho pa rin ang sitwasyon.Pero iba na ang pakiramdam.Mas ma
Kabanata 8 — Mga Pagsubok Bago ang Ganap na KaligayahanLumipas ang mga linggo na parang panaginip para kay Azia ang lahat.Lumalaki na ang tiyan niya. Mas nagiging mas maalaga si Edward. Mas nagiging masayahin ang bahay.Pero tulad ng sabi nga nila…Kapag masyadong masaya, may darating na pagsubo
![Just One Night [Tagalog]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)






