**Kabanata 1 — Isang Pirma na Magbabago ng Buhay** Sa malamig na umaga sa New York City, nagmamadaling tumakbo si Azia Montenayor habang hawak ang kape at folder ng mga dokumento. Late na naman siya. “Grabe naman ‘to, Azia! First day mo sa bagong trabaho, male-late ka pa!” bulong niya sa sarili habang halos madulas sa yelo. Si Azia ay isang simpleng Filipina na nakipagsapalaran sa Amerika para tulungan ang pamilya. Matapang, madaldal, at medyo clumsy. Ngayong araw, magsisimula siya bilang assistant sa isang napakalaking kumpanya—ang Falcon Holdings. Hindi niya alam, ang araw na ito ang babaliktad sa buong buhay niya. Pagpasok niya sa lobby ng napakataas na gusali, namangha siya sa karangyaan. Parang hotel! Kinabahan siya lalo. Sa sobrang kaba, hindi niya napansin ang lalaking naglalakad sa harap niya. **BANG!** Diretso siyang bumangga sa dibdib ng isang matangkad na lalaki. Tumalsik ang kape sa amerikana nito. “Oh my gosh! I’m so sorry! I’m very very sorry! Libre ko na po dry
Terakhir Diperbarui : 2026-04-03 Baca selengkapnya