Share

Chapter 14 Carlo's trouble

(Dahlia POV)

Nasa kalagitnaan ako ng pagsusulat ng biglang narinig kong may naghahanap sa akin sa ibaba.

Sa boses nito magigising si Grandma.

Umuwi na yung isa pang walang magawa sa buhay kundi pahirapan ang mga magulang nila. Mga magulang na umaasang nag-aaral sila ng mabuti.

Pinagpatuloy ko parin ang pagsusulat ko.

Nang bumukas ang pinto….

“Dahlia!”

Nabitawan ko ang aking ballpen saka humarap sa kanya.

“Natutulog si Grandma. Di na ba kayo marunong tumingin kung ano nang oras? Wala na bang natitirang respeto sa katawan ninyo?”

“Wala akong paki-alam. Kailangan ko ng pera. Ngayon din!”

Kagaya din ng dahilan ni Karen kung bakit niya inistorbo ang tulog ko.

Bakit lagi na lang nila ako nilalapitan tungkol sa perang hinihingi nila? Sobra-sobra naman ang allowance na binibigay sa kanila ng mga magulang nila.

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status